Professional Documents
Culture Documents
Panlipunan
Grade 4 - Hosea
Kultura ng Pilipinas
Grade 4 - Hosea
Basahin
• Ang Pilipinas ay maraming pagkain, laro, arkitektura,
kaugalian, pista, pagdiriwang, at iba pa na tunay na “tatak-
Pilipino” o “tatak-Pinoy”.
• Ang mga ito ang nagpapakilala sa kulturang Pilipino at
nagpapaiba sa ating kultura ng ibang lahi o bansa.
Kulturang Pilipino
• Ang kultura ng ating bansa ay binubuo ng iba’t ibang
elemento.
• Kabilang dito ang pagkain, arkitektura, kaugalian, pitsa o
pagdiriwang, laro, sining, at relihiyon.
Pagkain
• Ang balut ay nilagang itog ng pato na malapit ng mapisa,
kaya naman kitang-kita na ang katawan ng isang buong
sisiw sa loob nito.
• Ang adobo naman ay maaaring baboy o manok na iniluto
sa toyo at suka na sinamahan ng paminta at dahon laurel.
Pagkain
• Kakaiba sa ibang lahi ang makakita ng isang buong baboy
na tinusok ng kawayan at dahan dahang iniihaw sa baga.
Hindi nawawala ang lechon sa mga pista at mga
tradisyunal na pagdiriwang ng mga Pilipino.
Pagkain
• Ang halo-halo ay pinagsama-samang minatamis na
saging, minatamis na monggo, kaong, nata de coco,
kamote, langka, gulaman at iba pa na nilagyan ng yelo at
gatas.
Arkitektura
• Kilala rin ang katutubong bahay na Pilipino, ang bahay kubo.
Tradisyonal na uri ng bahay ng mga Pilipino ang bahay kubo.
• Angkop na angkop ang bahay kubo sa tropikal na klima ng ating
bansa.
• Gawa kasi ito sa kawayan at sa dahon ng nipa o cogon kaya naman
malamig-lamig at presko sa loob nito.
Mga Laro
• Sa luksong tinik ay masusubok ang iyong pagtalon ng mataas. Pataas
ng pataas ang mga kamay o paa ng iyong mga kalaro na dapat mong
talunin.
• Sa sungka naman ay kailangan mo ng diskarte at suwerte upang
mapunta sa iyong “bahay” o “butas” ang pinakamaraming maliliit na
kabibe.
Mga Laro
• Sa paglalaro ng trumpo ay maaaring isahan o maramihan.
• Masayang laruin ang patintero masusubukan ang iyong galing umilag
at mantaya ng kalaro.
• Sa tumbang preso naman ay lata at mga tsinelas ang kailangan.
Asal at Gawi
• Isa pang mahalagang elemento ng kulturang Pilipino ay ang asal at
gawi ng mga mamamayan.
• Kilala ang mga Pilipino bilang magalang at matulungin sa kapuwa.
• Gumagamit ang mga mas nakababata ng “po” at “opo” tuwing
nakikipag-usap sa mas nakatatanda sa kanila.
• Tanda rin ng paggalang ang pagmamano.
Pagkakakilanlang
Pilipino
Grade 4 - Hosea
Pagbuo ng pagkakakilanlang
Pilipino
• Hindi lang ang kultura ang bumubuo ng pagkakakilanlang
Pilipino.
• Mahalagang sangkap din nito ang heograpiya at mga
gawaing pang-ekonomiya.
• Magkakaugnay ang tatlong ito sa pagbuo ng
pagkakakilanlang Pilipino.
Pagbuo ng pagkakakilanlang
Pilipino
• Malinaw ang ugnayan ng heograpiya, gawaing pang-ekonomiya, at
kultura sa pagbuo sa pagkakakilanlang Pilipino.
• May sarili ring pagkakakilanlang ang mga Pilipinong nasa ibang uri
ng pamayanan, tulad ng pamayanang malapit sa gubat at malapit sa
minahan.
Ang Pambansang Awit at Watawat ng
Pilipinas
• Bukod sa kultura ay may iba pang mga bagay na mahalagang
bahagi ng pagkakakilanlang Pilipino.
• Dalawa dito ang ating pambansang awit at pambansang watawat.
• Nagsisilbing sagisag ito ng Pilipinas at ng mga Pilipino. Kilala ang
mga ito maging ang mga dayuhan.
Ang Pambansang Awit ng Pilipinas
Grade 4 - Hosea
• Ang pamahalaan ang ahensiyang namamahala sa ugnayan ng mga
mamamayan sa isang teritoryo.
• Ito ang gumagawa at nagpapatupad ng mga batas at tuntuning dapat sundin
ng bawat mamamayan.
• Ito rin ang bumubuo at nagpapatupad ng mga programa para sa kapakanan
ng mga mamamayan.
• Binubuo ang pamahalaan ng mga taong pinili upang mamuno sa mga
mamamayan. Mayroon silang kani-kaniyang tungkulin na kailangang
gampanan bilang pinuno.
• May dalawang antas ang pamahalaan.
• Ito ang pamahalaang pambansa at lokal na pamahalaan.
• Sakop ng pamahalaang pambansa ang buong Pilipinas.
• Sakop naman ng mga lokal na pamahalaan ang yunit tulad ng
lalawigan, lungsod, at bayan.
• Tuon ng araling ito ang pambansang pamahalaan.
• Layunin ng pamahalaang itaguyod ang kagalingang panlahat.
• Pinagtutungkulan nito ang pagtiyak ng pamahalaan sa pagkakaroon ng
kalagayan kung saan maaaring makaamit ng mga mamamayan ang maayos na
pamumuhay.
• Tungo rito, pinangangalagaan ng pamahalaan ang mga mamamayan at tinitiyak
ang kaninang seguridad.
• Tinitiyak din nito ang pagbibigay ng serbisyong may kaugnayan sa katarungan,
kabuhayan, kalusugan, edukasyon, at kultura.
• Kailangang may pamahalaan upang may gumanap sa nabanggit na
mga tungkulin at paglilingkod.
• Hindi magagampanan ng mamamayan o pangkat ng mamamayang
walang mandato ang gayong mga tungkulin at paglilingkod.
• Kapag walang pamahalaan, hindi magkakaroon ng kaayusan sa
lipunan. Hindi rin maisusulong ang pag-unlad ng bansa.
Balangkas ng Pambansang
Pamahalaan
• Tangan ng pamahalaan ang tatlong mahalagang kapangyarihan.
• Ito ang kapangyarihang tagapagbatas, tagapagpaganap, at
panghukuman.
• Nasasalalay sa tatlong magkakahiwalay ngunit magkakapantay na
sangay ang kapangyarihang ito.
• May kani-kaniya ring tungkulin ang bawat sangay.
Sangay Tagapagbatas
• Nasasalalay sa Kongreso ng Pilipinas ang kapangyarihang
tagapagbatas.
• Ang Kongreso ang gumagawa, nagbabago, at nagpapawalang-bisa sa
mga batas pambansa.
• Nahahati sa dalawang kapulungan ang Kongreso ang Senado at ang
Kapulungan ng mga Kinatawanan.
• Ang Senado o Mataas na Kapulungan ay binubuo ng 24 na kasapi.
• Ang Kapulungan ng mga Kinatawan o Mababang Kapulungan naman ay
may 292 puwesto nang maganap ang halalan noong 2013.
• Isang-kalima ng mga kasapi ng Kapulungan ng nga Kinatawan ay mula sa
maliliit na partido at mga naisasantabing pangkat sa lipunan. Tinatawag
silang kinatawang party-list.
• Naghahalal ng Pangulo ng Senado ang mga senador bilang
kanilang tagapangulo.
• Samantala, naghahalal naman ang mga kinatawanan ng
Speaker ng Mababang Kapulungan bilang kanilang pinuno.
Sangay Tagapagpaganap
• Nasasalalay sa Pangulo ng Pilipinas ang kapangyarihang tagapagbatas.
• Siya ang pangunahing tagapagpatupad ng mga batas sa bansa. Nasa kaniya rin ang
kapangyarihan pangasiwaan ang lahat ng kawanihan at tanggapan sa sangay
tagapagpaganap at humirang at magtanggal ng mga tiyak na pinuno.
• Siya ang pangunahing nagtatag at nagpapanatili ng maayos na pakikipag-ugnayan
sa ibang mga bansa. Siya rin ang bumubuo at lumalagda ng mga kasunduan sa
ibang mga bansa.
• Ang Pangalawang Pangulo ang pangalawang pinakamataas na pinuno ng
sangay tagapagpaganap at ng buong pamahalaan.
• Siya ang hahalili sa Pangulo kung hindi nito magampanan ang kaniyang
tungkulin.
• Ang Gabinete ang lupang tagapayo ng Pangulo.
• Binubuo ito ng mga pinuno ng mga kagawaran, na siyang pangunahing
tagapagpatupad ng mga programa ng pamahalaan.
Sangay Panghukuman
• Nasasalalay naman sa Korte Suprema at iba pang hukuman sa bansa ang
kapangyarihang panghukuman.
• Kabilang dito ang mga hukuman sa mga lalawigan, lungsod, at bayan,
gayundin ang mga Shariah Court sa mga rehiyong pinananahanan ng mga
Muslim.
• Ang mga hukuman ang dumidimig at lumulutas sa mga hidwaan sa
pagitan ng mga mamamayan, partikular yaong kinasasangkutan ng
paglabag sa batas o sa karapatan ng ibang mamamayan.
• Dinidinig at nilulutas din nito ang mga pamahalaan.
• Binibigyang-kahulugan ng hukuman ang batas at nagpapataw ng
parusa sa mga lumalabag dito.
• Binubuo ng isang Punong Mahistrado at 14 na Katuwang na
Mahistrado ang Korte Suprema.
• Bilang pinakamakapangyarihang hukuman sa bansa ay may
kapangyarihan itong muling pag-aralan, baguhin, sang-ayunan o
pawalang-bisa ang mga hatol ng ibang hukuman.
Pagpili at Panunungkulan
• May takdang paraan ng pagpili sa mga kasapi ng bawat sangay ng
pamahalaan. May takda rin silang taning ng panunungkulan.
• Ano man ang paraan ng pagpili sa kanila o taning ng kanilang
panunungkulan, tungkulin ng mga pinuno na gampanan nang buong husay
at katapatan ang kanilang bahagi sa pamahalaan.
Ugnayan ng mga sangay ng pamahalaan
• May kaniya-kaniyang tiyak na tungkulin at kapangyarihan ang tatlong
sangay ng pamahalaan.
• Dahil dito, sa pangkalahatan ay hiwa-hiwalay nilang ginagampanan ang
kanilang mga tungkulin.
• Kaugnay nito, mahalaga ang konsepto ng paghahati ng kapangyarihan at
ang sistema ng pagsisiyasat at pagtitimbang.
Paghati ng Kapangyarihan
• Ayon sa konsepto ng paghahati ng kapangyarihan, maaari lamang
gampanan ng isang sangay ang nga tungkuling ipinagkaloob dito ng batas.
• Kung gayon, ang sangay tagapagbatas ang gumagawa ng mga batas, ang
sangay tagapagpaganap ang nagpapatupad sa mga batas, at ang sangay
panghukuman ang nagbibigay-kahulugan sa mga batas .
• Ayon sa panuntunang ito, ang mga pinuno o kasapi ng bawat sangay
ay walang karapatang manghimasok sa mga gawain ng ibang
sangay.
• Halimbawa, hindi maaaring gumawa ng batas ang sangay
panghukuman at hindi rin maaring pawalang-bisa ng sangay
tagapagpaganap ang anomang batas.
• Maaari namang hindi lagdaan ng Pangulo ang batas na pinagtibay ng Kongreso
kung sa palagay niya ay hindi ito makakabuti sa mga mamamayan.
• Maaari namang ideklara ng Korte Suprema bilang hindi naayon sa batas ang
anumang batas na pinagtibay ng Kongreso o programang ipinatutupad ng sangay
tagapagpaganap.
• Tulad ng konsepto ng paghihiwalay ng kapangyarihan, mahalaga rin ang sistema ng
pagsisiyasat at pagtitimbang upang maiwasan ang pagmamalabis ng alinmang
sangay.
• Pangunahing dahilan ng paghahati ng kapangyarihan ang pag-iwas
sa pagkakaroon ng alinmang sangay ng labis na kapangyarihan.
• Kapag nasa iisang sangay ng pamahalaan ang lahat bg
kapangyarihan ay maaari itong abusuhin. Maaaring magkaroon ng
mapaniil na pamahalaan.
Mga Sagisag ng Kapangyarihan ng
Pamahalaan
• Bawat sangay ng pamahalaan ay may sariling mga sagisag ng kapangyarihan.
Kabilang dito ang official seal, mace, at malyete.
• Ang seal ay isang tatak na inilalagay bilang simbolo ng kapangyarihan ng
pinagmulan ng isang dokumento.
• Ang mace ay isang piraso ng kahoy na may nakakabit na inukit na simbolo
tulad ng official seal.
• Ang malyete o gavel ay isa namang pamukpok na hugis-martilyo.
Mga Antas ng
Pamahalaan
Grade 4 - Hosea
• May mga programa at paglilingkod na ipinatutupad sa buong bansa.
• Mayroon din namang ipinatutupad sa mga partikular na lalawigan, o bayan
lamang.
• Bukod sa pagkakaroon ng iba’t ibang sangay ay may magkaiba ring antas
ang ating pamahalaan.
• Kailangan ito upang higit na mapaglingkuran ang mga mamamayan sa
bawat lalawigan, bayan, at barangay.
Mga Antas ng Pamahalaan
• May dalawang antas ang ating pamahalaan.
• Pambansang pamahalaan ang tawag sa ahensiyang namamahala sa
buong bansa.
• Lokal na pamahalaan naman ang tawag sa ahensiyang
namamahala sa mas maliit na yunit tulad ng lalawigan, lungsod,
bayan, at barangay.
Ang Pambansang Pamahalaan
• Mabubuod ang balangkas, pamunuan, at tungkulin nito sa isang
diagram.
Pambansang Pamahalaan
Grade 4 - Hosea
• Tulad ng pambansang pamahalaan, may mga tiyak na kapangyarihan din ang mga
pamahalaang lokal.
• Kabilang dito ang paggawa at pagpapatupad ng mga ordinansa, paglikha ng
mapagkukunan ng kita, at pagpataw ng mga buwis.
• May kapangyarihan ang lokal na pamahalaang ipatupad ang nasasaad sa lahat ng
mga ordinansang pinagtibay ng lokal na sanggunian.
• Kabilang dito ang pagpataw ng takdang parusa sa paglabag sa mga ordinansa at iba
pang tuntunin.
• Bawat pamahalaang lokal ay may kapangyarihan ding lumikha ng sariling
mapagkukunan nito ng kita at magpataw ng mga buwis at singilin.
• Ang naturang mga buwis at singilin ay dapat na mapunta sa pamahalaang
lokal lamang.
• May karapatan din itong tumanggap ng bahagi ng mga buwis na
kinokolekta ng pambansang pamahalaan.
Mga Kapangyarihan ng mga Lokal na Punong Tagapagpaganap