You are on page 1of 3

Lesson Plan in Araling Panlipunan 5

Writer: Karleen Jezzah Gasper Balindres


Kahaponan Elementary School

Content Standards:
Ang mag-aaral ay naipamamalas ang mapanuring pag-unawa at kaalaman sa
kasanayang pangheograpiya, ang mga teorya sa pinagmulan ng lahing Pilipino upang
mapahahalagahan ang konteksto ng lipunan/ pamayanan ng mga sinaunang Pilipino at ang
kanilang ambag sa pagbuo ng kasaysayan ng Pilipinas
Performance Standards:
Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pagmamalaki sa nabuong kabihasnan ng mga
sinaunang Pilipinogamit ang kaalaman sa kasanayang pangheograpikal at mahahalagang
konteksto ng kasaysayan ng lipunan at bansa kabilang ang mga teorya ng pinagmulan at
pagkabuo ng kapuluan ng Pilipinas at ng lahing Pilipino.
Learning Competency and Code:
Naihahambing ang mga paniniwala noon at ngayon upang maipaliwanag ang mga
nagbago at nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan. AP5PLP-Ih-9
Quarter: 1 Week: 9 Day: 3

I. Layunin:
Pagkatapos ng 40 na minuto, 100% ng mag-aaral ay inaasahang:
1. Naihahambing ang mga paniniwala noon at ngayon;
2. Nakagagawa ng tula tungkol sa paniniwala noon at ngayon
3. Nakabubuo ng mga scenario gamit ang mga paniniwala noon at ngayon.

II. Paksang-Aralin:
Paksa: Paniniwala Noon at Ngayon
Integration:
(ESP): Pagbibigay halag at paggalang sa mga paniniwala
(Filipino): Pagbuo ng tula, pagbuo ng mga scenario
Strategies: Collaborative Learning
Materials: powerpoint presentation, manila paper, marker
References: 1. Araling Panlipunan 5 – Pilipinas Bilang Isang Bansa
(pp. 89-91)
2. Kultura, Kasaysayan at Kabuhayan (pp.17)
3. wattpad.com

III. Pamamaraan
A. Pagganyak
- Babasahin ang isang Tula
Noon at Ngayon

I. Naisip ko kung gaano tayo kasaya noon,


Kung gaano kalungkot ng paghiwalayin tayo ng panahon
Masaya tayong naghahabulan,
Malungkot naman ngayon na nag-iiwasan

II. Noon magkahawak an gating mga kamay,


Ngayo’y ang presinsya ng isa’t isay patay.
Dati hinahatid at sinusundo kita,
Ngayon tila ayaw mo na yata akong Makita.

III. Noon nakakapit ka sa bisig ko,


Ngayon hindi man lang matagpuan mga titig mo.
Dati may binuo tayong pangako,
Ngunit ngayon, lahat ng iyon ay napako.

IV. Noon wagas tayo kung magmahalan,


Ngayon para mo na akong kinasusuklaman
Dati ang sabi mo hindi tayo aabot sa puntong hiwalayan,
Pero ngayon, tuluyan mo na akong tinalikuran at kinalimutan

Mga Tanong:
1. Ano ang inyong naintindihan sa tula?
2. Paano inihambing ang noon at ngayon?

B. Paglalahad
- Magkakaroon ng apat na pangkat
- Bawat pangkat ay pipili ng limang (5) paniniwala noon. Paghahambingin ito sa
paniniwala ng mga tao sa kasalukuyan.
- Gamit ang isang tsart

NOON NGAYON
1.
2.
3.
4.
5.

C. Pagtatalakay
- Iulat sa klase ang mga naitala ng bawat pangkat. Ipapaliwanag ang bawat isa.
- May gabay ng guro
D. Pagsasanay
- Gumawa ng halimbawa ng scenario/pangyayari gamit ang isang paniniwala na
napili.
E. Paglalahat
- May mga paniniwalang hindi nagbago hanggang sa kasalukuyan
- Meron din naming pinaniniwalaan pa rin ngunit may kakaunting pagbabago
F. Paglalapat
- Magbigay ng iyong sariling paniniwala. Bakit mo pinaniniwalaan ito?

IV. Pagtataya
Panuto: Gumawa ng sariling tula (freestyle) tungkol sa mga paniniwala noon at
ngayon.

Reflection:
A. No. of learners achieve 80%: ____
B. No. of learners who require additional activities for remediation: ___
C. Did the remedial lessons work? ___
D. No. of learners who have caught up the lesson: ___
E. No. of learners who continue to require remediation: ___
F. Which of my teaching strategies worked well? Why did these work? ___
G. What difficulties did I encounter which my principal or supervisor help me solve? ___
H. What innovation or localized materials did I used/discover which I wish to share with
other teacher? ___

You might also like