You are on page 1of 33

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN V

T.P. 2016 – 2017

IKALAWANG MARKAHAN

Aralin 1

I. LAYUNIN:

1. Natatalakay ang kahulugan ng kolonyalismo at ang konteksto nito kaugnay sa pananakop.

2. Napahahalagahan ang mga bagay na ginagawa ng mga Espanyol sa bansa

3. Nakagagawa ng maikling talata na may 3-5 pangungusap tungkol sa kolonyalismo

II. PAKSANG ARALIN:

Kahulugan ng Kolonyalismo

Konteksto ng Pananakop sa Bansa

Sanggunian: Isang Bansa, Isang Lahi


Evelina M. Villoria, Ed. D et. al
Pahina 135
Google
Curriculum Guide: AP5PKE – IIa - l

Kagamitan: meta card

III. PAMAMARAAN:

A. Gawain (Activity)

Gawain 1 : Jumbled Letter : Hatiin ang klase sa 4 pangkat

KOLONYALISMO

Gawain 2 : Bigyan ng meta card ang bawat pangkat. Ang bawat meta card ay
nag lalaman ng mga impormasyon para sa BRAINSTORMING.

Pangkat 1

Ang kolonyalismo ay nagmula sa salitang Latin na colonus na ang ibig sabihin ay


magsasaka. Ito ay isang patakaran ng isang bansa na namamahala ng mga sinakop upang
makagamit ng likas na yaman ng mga sinakop para sa sariling interes.

Tanong : Ano ang Kolonyalismo?

Pangkat 2

Kadalasan ang una nilang ginagawa para maisakatuparan ang kanilang pagnanais ay
pakikipagkaibigan at pakikipagkalakalan. Kapag nakuha na ang loob at saka nila isasakatuparan
ang tunay nilang hangarin na pagsamantalahan at pakinabangan ng husto ang likas na yaman
ng kolonya at magtatag ng pamahalaang kolonyal.
Tanong : Paano maisakatuparan ng mga Espanyol ang pagtatatag ng pamahalaang kolonyal ?

Pangkat 3

Bawat sasakyang pandagat na dumaong sa Pilipinas ay may kasamang paring misyonero.


Tungkulin nilang palaganapin ang Kristiyanismo sa Pilipinas.
Pagdaong nila sa dalampasigan naghahandog ang mga misyonero ng misa ng
pasasalamat at nagtatayo ng krus.

Tanong : Anong hakbang ang ginawa ng mga paring Espanyol upang mapalaganap ang
Kristiyanismo sa bansa?

Pangkat 4

Samantala ang paggamit ng espada ay tumutulong sa paggamit ng mga Espanyol ng


pwersa at lakas – militar, upang mapasailalim sa kanilang kapangyarihan ng mga Pilipino.

Tanong : Paano napasailalim sa kapangyarihan ng mga Espanyol ang mga Pilipino ?

2. Pagsusuri (Analysis)

a. Pagsagot sa tanong ng bawat pangkat

b. Pagkakaroon ng malayang talakayan

3. Paglalahat (Abstraction)

- Ang Kolonyalismo ay isang patakaran ng isang bansa na namamahala ng mga sinakop upang
makagamit ng likas na yaman ng mga sinakop para sa sariling interes.

- Ang paraan ng pananakop ng Espanyol sa mga Pilipino ay sa pamamagitan ng krus at


espada.

4. Pagpapahalaga / Paglalapat (Application)

a. Pagpapahalaga

Itanong : Masaya ba kayo na tayo ay sinakop ng mga Espanyol ?

b. Paglalapat

Bumalik sa orihinal na pangkat at ipakita sa pamamagitan ng malikhaing pagtatanghal o


pantomime ang paraan ng pagsakop ng mga espanyol sa Pilipinas.

5. Pagtataya (Assesment)

Sumulat ng isang talata sa may 3-5 na pangungusap tungkol sa kolonyalismo. Maaaring gamitin
ang sumusunod na rubric para sa pagmamarka.
Puntos
Mga Pamantayan
1. Wasto ang impormasyong nakapaloob sa
sanaysay
2. Malinaw na naipahayag ang pananaw sa
sanaysay.
3. Maayos ang pagkakasulat ng sanaysay

6. Takda (Assigment)

Ibigay ang mga dahilan ng pananakop ng mga Espanyol.


Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 5

Taong Panuruan 2016 – 2017

Ikalawang Markahan

Aralin 2

1. Layunin

a. Naipapaliwanag ang mga dahilan at layunin ng Kolonyalismong Espanyol

b. Napapahalagahan ang mga dahilan at layunin ng kolonyalismong Espanyol

c. Naipapakita sa pamamagitan ng role playing ang mga dahilan ng kolonyalismong Espanyol.

II. Paksa

Mga Dahilan at Layunin ng Kolonyalismong Espanyol

Sanggunian: Isang bansa Isang lahi 5, Villoria, et al p.135

Curriculum Guide AP5 PKE – lla 2

Kagamitan : Metacard

III. Pamamaraan

A. Gawain (Activity)

1. Gawain 1 puzzle : Hatiin ang klase sa 3 pangkat. Paunahan sa pagbuo ng scrambled letters.

Pangkat 1 O G D (GoD)

Pangkat 2 G L O D (Gold)

Pangkat 3 G L R Y O (Glory)

2.Gawain 2 : Bigyan ng metacard ang bawat pangkat. Ang bawat metacard ay naglalaman ng
mga impormasyon.

Pangkat I

God- upang palaganapin ang Kristyanismo

Pangkat 2

Gold- upang mapakinabangan ang yaman ng Pilipinas

Pangkat 3

Glory- upang mapalawak ang teritoryo at kapangyarihang politikal


2. Pagsusuri (Analysis)

1. Anu – ano ang mga 3 layunin ng kolonyalismong Espanyol ?

2. Anu – ano ang mga dahilan ?

3. Bakit sinakop ng mga Espanyol ang Pilipinas ?

3. Paglalahat (Abstraction)

Ang mga layunin ng Kolonyalismong Espanyol ay _______ _______ _______

4. Paglalapat (Application)

Ipakita sa pamamagitan ng malikhaing pagtatanghal ang mga layunin ng kolonyalismong


Espanyol.

Maaaring gawing Pantomime o Dula – dulaan ang Gawain.

5. Pagtataya

Ipaliwanag ang mga sumusunod na layunin ng Kolonyalismong Espanyol.

a. God

b. Glory

c. Gold

IV. Takdang – Aralin

Gumupit ng larawan na nagpapakita ng kolonyalismong Espanyol.


Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 5

(T.P. 2016 – 2017)

Ikalawang Markahan

Aralin 3

I. Layunin:

1. Natatalakay ang mga paglalakbay ng mga Espanyol sa Pilipinas hanggang sa pagkakatatag ng


Maynila at mga unang engkwentro ng mga Espanyol at Pilipino

2. Napapahalagahan ang mga paglalakbay ng mga Espanyol sa Pilipinas hanggang pagkakatatag


ng Maynila at mga unang engkwentro ng mga Espanyol at Pilipino

3. Nakabubuo ng timeline ng mga pag lalakbay ng Espanyol sa Pilipinas hanggang sa


pagkakatatag ng Maynila at mga naunang engkwentro ng mga Espanyol at Pilipino

II. Paksang Aralin : Mga Paglalakbay ng mga Espanyol sa Pilipinas

A. Sanggunian:

 K to 12 Curriculum Guide sa Araling Panlipunan 5-llB-3


 Makabayan: Kasaysayang Pilipino 5 (Pahina 55-60)
 Lahing Dakila 5 (Pahina 110-122)

B. Kagamitan: Power point Presentation, mga activity cards, batayang aklat, cartolina

III. Pamamaraan:

1. Gawain (Pangkatang Gawain)

Laro: 4 pics 1 word

Panuto: Bumuo ng salita na may kaugnayan sa mga larawang ipapakita

DAGAT COMPASS

BARKO MAGELLAN/KAPITAN
NG BARKO

AGLAKPALAYB

2. Pagsusuri

a. Itanong: Sa inyong palagay paano kaya nakarating ang mga Espanyol sa Pilipinas?

b. Pagbibigay pansin sa mahalagang konsepto/kaisipan na napapaloob sa paksa

(Mga paglalakbay ng Espanyol sa Pilipinas)


c. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng paksang babasahin tungkol sa paksang aralin at ilalahad ito
sa pamamagitan ng Reader’s Theatre.

 Pangkat 1 – Paglalakbay ni Magellan


 Pangkat 2 – Pagdating ng mga Espanyol sa Pilipinas
 Pangkat 3 – Unang Misa at Labanan sa Mactan
 Pangkat 4 – Mga iba pang Ekspedisyon
 Pangkat 5 – Ang paglalayag ni Miguel Lopez de Legazpi

d. Pagbibigay ng ilan pang katanungan base sa binasa ng bawat pangkat.

3. Paghahalaw at Paglalahat

Noong Marso 16, 1521 natanaw ng pangkat ni Magellan ang pulo ng Samar. Dumaong sila sa
pulo ng Homonhon noong ___________. Idinaos ang kauna-unahang misa sa pilipinas noong ika-
__________ ng Marso, 1521. Ang Ekspidisyon ni Magellan ay natapos sa labanan sa Mactan nang
__________ siya ng mga katutubong pinamumunuan ni Lapu-lapu. Ang paglalayag ni Magellan ang
naging inspirasyon ng Hari ng Espanya upang magpadala ng mga __________ patungo sa Pilipinas.

Pinangunahan ni __________ ang pinakamatagumpay na paglalayag at pananakop ng Espanyol sa


Pilipinas. Ipinahayag niya ang Maynila bilang kabisera ng Pilipinas noong ___________.

 Itanong: Dapat ba nating pahalagahan ang ginawang paglalakbay ng mga Espanyol sa


ating bansa? Bakit?

4. Paglalapat (Pangkatang Gawain)

Panuto: Ilagay ang mga mahahalagang pangyayari base sa petsang nakalagay sa timeline. (Guro: Isulat
ang mga pangyayari sa meta card)

Paglalakbay ni Magellan

Marso 17, 1521 Marso 31, 1521 Marso 17, 1521 Abril 27, 1521

Paglalayag ni Miguel Lopez de Legazpi

Pebrero 13, 1565 1567 1569 Hunyo 24, 1571


5. Pagtataya (Pangkatang Gawain)

Panuto: Bumuo ng timeline ng mga paglalakbay ng Espanyol sa Pilipinas hanggang sa pagkakatatag ng


Maynila at mga unang engkwentro ng mga Espanyol at Pilipino.

1500 1600

IV. Takdang Aralin:

Gumawa ng comic strip sa mga paglalakbay ng mga Espanyol patungo sa Pilipinas.


Banghay Aralin sa Araling Panlipunan V

Taong Panuruan 2016 – 2017

Ikalawang Markahan

Aralin 4

I. Layunin

1. Nasusuri ang iba’t ibang perspektibo ukol sa pag kakatatag ng Kolonyang Espanyol sa Pilipinas.

2. Natatalakay ang mga pananaw ukol sa dahilan ng pagkakatatag ng Kolonyang Espanyol sa


Pilipinas.

3. Napapahalagahan ang mga ginawa ng Espanyol upang mapatatag ang kanilang kolonya sa
Pilipinas.

II. Paksang Aralin

Iba’t ibang Perspektibo Ukol sa Pagkakatatag ng Kolonyang Espanyol sa Pilipinas

Sanggunian : Lahing Dakila 5 (pahina 143-144)

K to 12 Curriculum Guide sa Araling Panlipunan 5 IIb - 4

p. 143 – 144

Kagamitan : Puzzle

III. Pamamaraan

Gawain

 Balik Aral
 Paglalakbay Diwa

Pangkatin ang mga bata sa apat

Unang pangkat – Pagsagot sa puzzle na may kaugnayan sa pamahalaang Kolonyal ng Espanya sa


Pilipinas. Bawat pangkat ay bibigyan ng 5 minuto upang sagutan ang puzzle.

Mga salitang dapat hanapin:

ROYAL AUDIENCIA CABEZA DE BARANGAY

GOBERNADOR HENERAL CORREGIMIENTO

GOBERNADORCILLO
2. Pagsusuri

a. Pagsagot sa mga tanong

1. Ano ang kinalaman ng mga salitang nakuha ninyo sa puzzle sa ating aralin?

2. Saan maihahalintulad ang kapangyarihan ng Gobernadorcillo ?

3. Sa inyong palagay, naging mas maayos kaya ang pamamahala ng Espanyol kung mas malapit
ang Pilipinas sa Espanya? Bakit?

3. Paghahalaw at paglalapat (Abstraction)

Paano natin pahahalagahan ang mga ginawa ng mga Espanyol upang maitatag ang kanilang
kolonya sa Pilipinas ?

4. Application (Paglalahat)

Ipagpalagay na ikaw ay isang dayuhang mamamahayag noong panahon ng pananakop ng mga


Espanyol sa Pilipinas. Sumulat ng isang ulat na nagsasaad ng iyong obserbasyon tungkol sa mga gawain
ng pamahalaang kolonyal at opisyal nito.

5. Pagtataya

Gumawa ng dayagram na nagpapakita ng kaayusan ng pamahalaang kolonyal noong panahon ng


pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas. Pagkatapos, gumawa rin ng dayagram na nagpapakita ng
kasalukuyang kaayusan ng Pilipinas. Ano ang makikita mong pagkakatulad?

IV. Kasunduan

Sa iyong palagay, naging mas maayos kaya ang pamamahala ng mga Espanyol kung mas malapit
ang Pilipinas sa Espanya?
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 5

TP 2016 – 2017

Ikawalawang Markahan

Aralin 5

I. Layunin

a.Naiisa-isa ang mga paraang ginamit upang mahikayat ang mga Pilipino na maging Kristiyano

b. Napahahalagahan ang mga Kastila sa pagpupunyagi na maging Kristiyano ang mga Pilipino

c. Naisasadula ang mga bahaging ginampanan ng paniniwalang kristiyanismo sa buhay ng mga Pilipino

II. Paksang Aralin

Paksa : Proseso ng Kristiyanismo

Sanggunian : Kayamanan ni E. Antonio et. Al p.28

K to 12 Curriculum Guide sa Araling Panlipunan 5 IIc – 5.1

Kagamitan : Laptop, LCD Projector, cartolina,Pentelpen

III. Pamamaraan

1. Balik -aral

Lagyan ng “loving heart” ( <3) ang naging reaksyon ng ating mga ninuno sa pananakop ng mga
Espanyol at “broken heart” naman ( </3) kung hindi reaksyon

_______1. Tinanggap nila ang mga Espanyol bilang kaibigan

_______2. Tumanggi silang mag bayad ng buwis

_______3. Umuurong sila sa kabundukan

_______4. Naghandog sila ng mga regalo

_______5. Nakipagkasundo at nakipagsanduguan sila

2. Activity

A. Pangkatang Gawain

Sa pamamagitan ng” role playing” ay isasadula ang mga proseso sa paglaganap ng Kristiyanismo

Pangkat 1 Pagpunta ng Misyonero sa Pilipinas

Pangkat 2 Paghahati – hati sa ibat ibang orden

Pangkat 3 Pagpapatayo ng Simbahan

Pangkat 4 Pagpapatayo ng Paaralan


B. Gamitin ang rubrics sa pagbibigay ng puntos

C. Pagsusuri/Analysis

1. Paano nakatulong ang mga misyonero sa pananakop sa Pilipinas ?

2. Sinu-sino ang mga misyonerong nag punta sa Pilipinas?

3. Ilahad ang bahaging ginampanan ng pananampalataya sa buhay ng mga Pilipino.

D. Abstraction (Paghalaw/Paglalahat)

Anu-ano ang mga pamamaraang ginamit ng mga Espanyol upang mahikayat ang mga Pilipino na
maging Kristiyano ?

Hinikayat ng mga Espanyol ang mga Pilipino na yumakap sa Kristiyanismo. Unang paraan ng
paghikayat ay ang pagpunta ng mga misyonero sa Pilipinas . Ikalawa, pinaghatian ng mga misyonero
mula sa iba’t-ibang order. Ikatlo, nagpagawa ang mga Kastila ng malalaking simbahan at ika-apat
nagpatayo ang mga Espanyol ng mga paaralan.

E.Application (Paglalapat)

Sisimulan ko, Itutuloy mo

1. Napapahalagahan ko ang pagpupunyagi ng mga Espanyol na maging Kristiyano ang mga Pilipino sa
pamamagitan ng _____________.

2. Ang ugaling _____________ ang natutunan ko sa mga Espanyol na dapat kong isabuhay.

IV. Assessment (Pagtataya)

Pag- iisa isa

1-3 Mga paraang ginamit upang mahikayat ang mga Pilipino na maging Kristiyano

4-5 Misyonerong pumunta sa Pilipinas noong panahon ng Espanyol

V. Takdang Aralin

1.Ano ang kahulugan ng reduccion?

2.Paano nakakaapekto ang reduccion sa mga Pilipino ?


Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 5

TP 2016 – 2017

Ikalawang Markahan

Aralin 6

I.Layunin

a. Naipapaliwanag ang katuturan at layunin ng reduccion.

b. Naibibigay ang kahalagahan ng sistemang reduccion sa pagpapalaganap ng Kristyanismo.

c. Nabubuo ang mga sanhi at bunga ng reduccion para sa mga Pilipino.

II. Paksang Aralin:

-Reduccion

Sanggunian:

Kayamanan 5 (pahina 128 – 129)

Makabayan Kasaysayang Pilipino 5 (pahina 89 – 90)

K to 12 Curriculum Guide sa Araling Panlipunan 5 IIc – 5.2

Kagamitan:

- Mga larawan, Meta cards, Batayang aklat, graphic organizer

Pamamaraan:

1. Gawain: (Jigsaw Puzzle)


- Hatiin ang klase sa anim na pangkat. Bibigyan ang bawat pangkat ng mga pinagputol-putol
na larawan at bubuuin.
- Idikit ang mga nabuong larawan ng bawat pangkat sa pisara.
- Huhulaan ng mga bata ang mga larawan na nabuo nila.
(Simbahan, Paaralan, Ospital, Munisipyo, Tirahan, Palengke)

2. Pagsusuri
a. Pagsagot sa mga tanong
- Saan karaniwang nakikita ang mga larawan na nabuo?
- Bakit sa palagay ninyo nakikita ang mga ito sa isang pamayanan?
- Paano sa tingin ninyo pinagsama-sama ang mga ito sa pamayanan?
b. Malayang Talakayan gamit ang mga nabuong larawan tungkol sa reduccion.
3. Paghahalaw
- Paano isinasagawa ng mga kastila ang paglilipat ng mga bagong tirahan sa mga unang
Pilipino upang mabuoang isang pueblo o bayan?

4. Paglalapat
- Sanhi at Bunga gamit ang meta cards

Sanhi Bunga

Bakit binuo ng mga Kastila ang Paano nakakaapekto ang reduccion sa


reduccion sa pagbuo ng pueblo? mga Pilipino?

IV. Pagtataya

Pagsulat ng isang sanaysay na binubuo ng tatlong pangungusap. “Ano ang kahalagahan ng


sistemang reduccion sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo?.”

Rubrics

Katangian Nagsisimula Nalilinang Natutupad Natatangi


1 2 3 4
Paksa Walang May kaugnayan Magkakaugnay Malinaw ang paksa,
kaugnayan ang ang ilang itinala ang mga itinala. magkakaugnay ang
mga itinala sa sa paksa mga tala
paksa
Kabuluhan Hindi Hindi gaanong Makabuluhan ang Napakamakabuluhan
makabuluhan ang makabulihan ang mensahe ang mensahe
mensahe mensahe
Pagkakagawa Sa kabuuan, hindi Sa kabuuan, hindi Sa kabuuan, Sa kabuuan,
mahusay ang gaanong mahusay mahusay ang napakahusay ng
pagkakagawa ang pagkakagawa pagkakagawa pagkakagawa

V. Takda: Gumuhit ng isang pueblo o bayan at kulayan ito sa isang malinis na papel.
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 5

TP 2016 – 2017

Ikalawang Markahan

Aralin 7

I. Layunin

A. Naihahambing ang tributo at encomienda

B. Napapahalagahan ang bunga ng tirbuto at encomienda.

C. Nakapagtatala ng mga mabuti at di -mabuting ibinunga ng tributo at encomienda

II. Paksang Aralin

Paghahambing sa Tributo at Encomienda

Sanggunian:

Kayamanan 5 (pahina 129 – 130)

K to 12 Curriculum Guide sa Araling Panlipunan IPKEIId – 5.3

Kagamitan:

Tsart, Larawan

III. Pamamaraan

A. Activity (Gawain)

1. Balitaan

2. Balik – Aral

Panuto: Punan ang patlang ng tamang sagot.

1.Ano ang kahulugan 2. Ano ang layunin ng 3. Paano nakaapekto ang


ng reduccion? mga Espanyol sa reduccion sa mga
paggamit ng reduccion? Pilipino?

3. Pagganyak: 4 pics 1 word

B. Analyisis (Pagsusuri)

1. Paglalahad

- Suriin ang 4 pics 1 word magkapareho ba sila o magkaiba?

- Alamin natin atin at paghambing ang dalawang salita tributo at encomienda ayon sa kanilang
mga larawan
Pagpapaalala ng rubric

1. Pangkatang Gawain

Pangkat 1. Ibigay ang kahulugan ng tributo at encomienda

Pangkat 2. Paghambingin ang tributo at encomienda

Pangkat 3. Magtula ng mabuti at di mabuting ibinunga ng tributo at encomienda

Pangkat 4. Isadula ang Gawain ng encomienda at paraan ng pangungolekta ng tributo.

C. Abstraction (Paghahalaw)

- Ano ang pagkakaiba ng tributo at encomienda ?

- Anu – ano ang mabuting dulot at di mabuting dulot ng tributo at encomienda?

- Ano ang katumbas ng tributo sa panahong ito ? paano natin ito pahahalagahan ?

D. Application (Paglalapat)

Panuto: sabihin kung fact o bluff

1. Reales ang ibinibigay na bayad bilang tributo

2. Ang namumuno sa isang encomienda ay tinatawag ng Encomienda

3. Nakatutulong ang mga tributo sa pagpapagawa ng tulay at kalsada

4. Ang encomiendero ang kinatawan ng hari sa pamumuno ng isang lupain

5. Nagbibigay ng tributo ang mga (Bata) may edad na 19 – 60 yrs old

E. Assignment

Magtala ng tig tatatlong mabuti at di mabuting ibinunga ng tributo at encomienda sa buhay ng


mga Pilipino.

IV. Takdang Aralin.

Magsaliksik tungkol sa polo y servicio


Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 5

TP 2016 – 2017

Ikalawang Markahan

Aralin 8

I. Layunin:

a. Natatalakay ang mga panaan ng pag sasailalim ng katutubong populasyon sa kapangyarihan


ng Espanya sapilitang paggawa.

b. Napapahalagahan ang kasipagan ng bawat Pilipino.

c. Naisasadula ang mga paraan ng Gawain sa sapilitang paggawa.

II. Paksang – Aralin

Sapilitang Paggawa ( Polo Y Servicio)

Sanggunian: Makabayan Kasaysayang Pilipino 5

Pahina 93 – 94 : Alvenia P. Palu – ay

CG AP5 PKE – lld 5.4

Kayamanan K-12 : pp. 131 – Eleonor D Antonio

Kagamitan:

Tsart, item bank, larawan

III. Pamamaraan

1. Gawain

Dula – dulaan

- Pumili ng mga ilang mag- aaral na magpapakita ng ilang Gawain sa polo y servicio sa
pamamagitan ng dula – dulaan

2. Pagsusuri:

Batay sa Dula dulaan na inyong napanood sagutin ang mga sumusunod

1. Ano ano ang mga gawain na ipinapakita sa dula dulaan?

2. Kilalanin ang mga uri ng mga manggagawa na ipapakita sa dula dulaan?

3. Ano ang tawag sa mga mangagagawa na nagtatrabaho sa polo y servicio?

4.Magbigay ng reaksyon sa mga pananaw ng gawain sa polo y servicio.

3. Paghahalaw / Paglalahat

Anong paraan ang ginawa ng mga Kastila sa mga katutubong Pilipino


upang mapasailalim sa kapangyarihan ng pamamahalang Espanya ?

Ano ang sapilitang paggawa ?

Ang salitang paggawa ay isang paraan ng paggawa na walang bayad sa loob ng 40 araw

ng paggawa na ipinatupad ng pamahalaang kastila.

4. Paglalapat

Magbigay ng iyong reaksyon tungkol sa sapilitang paggawa na ipinatupad ng pamahalaang


kastila sa mga Pilipino.

5. Pagtataya

Sumulat ng munting sanaysay na tumatalakay sa sapilitang paggawa na ipinatupad ng


pamahalaang kastila ?

IV. Takdang – Aralin

Sumasang ayon ka ba sa sapilitang paggawa na ipinatupad ng pamahalaang kastila noon ?

Bakit?
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 5

TP 2016 – 2017

Ikalawang Markahan

Aralin 9

I. Layunin

1. Naiuugnay ang Kristiyanismo sa reduccion.

2. Napapahalagahan ang paglaganap ng Kristiyanismo sa pamamagitan ng reduccion.

3. Nakasusulat ng talata batay sa ugnayan ng Kristiyanismo sa ilalim ng reduccion.

II. Paksa

Kaugnayan ng Kristiyanismo sa Reduccion

Sanggunian: CG AP5PKE – ILE – 6.1

Makabayan Kasaysayang Pilipino 5 pp. 89

Ni Alenia P. Palu –ay

III. Pamamaraan.

1. Activities

a. Pagbasa ng ilang seksyon ukol sa reduccion at ang kaugnayan nito sa kristiyanismo.

2. Analysis

a. Pagbibigay pansin sa mga paraan at dahilan ng paglaganap ng kristiyanismo

b. Pagbibigay ng ilang katanungan batay sa reduccion at kaugnayan nito sa kristiyanismo

3. Paglalapat (Application)

Hatiin sa apat na pangkat ang mga mag aaral

Pangkat 1 – Gumuhit ng larawan ukol sa kaayusan ng paglaganap ng

Espanyol sa ilalim ng reduccion.

Pangkat 2 – Sumulat ng talata batay sa ugnayan ng kristiyanismo ayon sa reduccion

Pangkat 3 – Gumawa ng dula-dulaan batay sa reduccion at kaugnayan nito sa


Kristiyanismo.

4. Paglalahat (Abstraction)

a. Ano sa palagay niyo ang kahalagahan ng reduccion sa paglaganap ng kristiyanismo ?

b. Nakabuti ba ang reduccion sa paglaganap ng kristiyanismo?


5. Pagtataya

1. Ito ay tumutukoy sa pagsasaayos ng lipunan at naging paraan sa matagumpay sa


hangarin ng mga sinumang Pilipino sa kristiyanismo.

a. Reduccion c. Doctrina

b. pueblo d. Principalla

2. Ano ang kahalagahan ng reduccion sa paglaganap ng kristiyanismo?

a. naging maayos ang panirahan

b. napaglapitlapit ang mga pamayanan

c. nabuo ang mga bayan pueblo

d. napadali ang paglaganap ng kristiyanismo


Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 5

TP 2016 – 2017

Ikalawang Markahan

Aralin 10

I.Layunin:

1. Natatalakay ang konsepto ng encomienda at mga kwantitatibong datos ukol sa tributo,


kung saan ito kinolekta at ang halaga ng mga tribute.
2. Napapahalagahan ang pagiging isang mapagkakatiwalaang lider o pinuno.
3. Naipapakita sa pamamagitan ng maikling dula-dulaan, awit,tula at islogan ang sistemang
encomienda at pangongolekta ng tributo.

II. Paksang Aralin

Tributo sa Pamamagitan ng Encomienda

Sanggunian: Kasaysayang Pilipino 5

Elevenia Palicay

pp. 91-93

AP5PKE-IIe-6-2

Kagamitan: Puzzle

III. Pamamaraan:

1. Gawain: Pagbuo ng puzzle na may mga salitang:


1. Encomienda 2. Encomendero 3. Tributo 4. Reales 5. Bandala

2. Pagsusuri: Pagtatanungan at pagsagot na may kaugnayan sa mga nabuong salita.

3. Paghahalaw: Kahulugan ng encomienda, encomendero, tributo, bandala...


Paraan ng pagbabayad at halaga ng tributo
Mga katangian ng isang mapagkakatiwalaang pinuno

4. Paglalapat: Pangkatang Gawain:


Ipakita ang sistemang encomienda sa pamamagitan ng mga sumusunod:
Pangkat 1: Pagguhit ng larawan
Pangkat 2: Paggawa ng Islogan
Pangkat 3: Tula
Pangkat 4: Awit/Jingle
Pangkat 5: Dula-dulaan

5. Pagtataya:
Bilugan ang tamang sagot.

1. Sa ilalim ng sistemang encomienda, ang mga konkistados ay binigyan ng gantimpala ng hari


ng Spain na ____________.

a. Pangasiwaan ang isang teritoryo at ang mga mamamayan dito


b. Tumanggap ng isang baul na ginto
c. Mag may-ari ng malawak na mga lupain

2. Kasama sa pagtitiwalang ibinigay ng hari sa encomendero ang mga sumusunod na tungkulin


maliban sa isa.

a. Sumingil ng mataas na halaga ng tributo


b. Ipagtanggol ang encomienda
c. Panatilihin ang katahimikan at kapayapaan

3. Bukod sa salapi, alin sa mga sumusunod ang hindi maaaring ibayad bilang tributo?

a. Tela,ginto
b. Bulak,palay
c. Bahay,lupa

IV. Kasunduan:

Makipanayam sa mga nakatatanda sa inyong lugar tungkol sa kanilang karanasan sa sistemang


encomienda. Ibahagi ito sa klase.
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 5

TP 2016 – 2017

Ikalawang Markahan

Aralin 11

I. Layunin:
1. Nasusuri ang mga patakaran, papel at kahalagahan ng sapilitang paggawa sa
pagkakatatag ng kolonya.
2. Naipapahayag ang damdamin/ saloobin sa pagpapatupad ng sapilitang paggawa ng mga
Espanyol.
3. Naipapakita ang pagpapatupad ng Espanyol ng sapilitang paggawa sa pamamagitan ng
dula-dulaan.

II. Paksang Aralin


Ang Sapilitang Paggawa o Polo Y Servicio

Sanggunian: Kasaysayang Pilipino 5, pah. 93-94

K12 CG: AP5PKE-IIE-f-6.3 pah. 50

Kagamitan: Activity card, larawan

III. Pamamaraan
1.Gawain
A.Pagpapakita ng mga larawan ng mga manggagawa at pag-uusap tungkol dito.

B.Pagbibigay ng Gawain na nakatala sa Activity Card

(Paggawa ng Dula-dulaan)

2.Pagsusuri

a. Pagsagot sa mga tanong na nasa activity card


b. Pagbibigay pansin sa mahalagang kaisipan na napapaloob sa paksang sapilitang
paggawa.

Anu-ano ang mga patakarang ipinatutupad sa sapilitang paggawa?

c. Pagbibigay ng ilan pang katnungan


Nakatulong ba ang pagpapatupad ng sapilitang paggawa sa pagkakatatag ng kolonya
ng Pilipinas?

1. Paghahalaw/Paglalahat
Ang polo y servicio ay
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2. Application/Paglalapat
a. Paano ipinahayag ng mga Pilipino ang kanilang damdamin o reaksyon sa ipinatupad
na sapilitang paggawa?
b. Sang-ayon ba kayo sa pagpapatupad ng sapilitang paggawa? Pangatwiranan.
3. Assessment/Pagtataya
1. Sakop ng sapilitang paggawa ang pagtatrabaho ng mga kalalakihang may edad na
______ taong gulang upang maglingkod sa pamahalaang Espanyol.
a. 15-50
b. 16-60
c. 17-70
d. 18-80

2. Makakaligtas lang ang isang tao sa sapilitang paggawa kung siya ay may kakayahang
magbayad ng _______ bilang kapalit sa kanyang hindi paglilingkod.
a. Buwis
b. Indulgencia
c. Falla
d. Tributo

IV. Kasunduan
Gumawa ng slogan tungkol sa sapilitang paggawa.
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 5

TP 2016 – 2017

Ikalawang Markahan

Aralin 12

I.Layunin:

1. Nasusuri ang naging reaksyon ng mga Pilipino sa Kristiyanismo.


2. Napapahalagahan ang nagging reaksyon ng mga Pilipino sa Kristiyanismo.
3. Naipapakita ang reaksyon ng mga Pilipino sa Kristiyanismo sa pamamagitan ng dula-
dulaan.

II. Paksang Aralin

Ugnayan ng Simbahan at Pamahalaang Kolonyal

Sanggunian: Lakbay ng lahing Pilipino 5 ni Ailene Baisa-Julian p. 74-75

AP5PKE IIg – 7

III. Pamamaraan:

1. Activity (Gawain)
a. Pagbasa ng talata tungkol sa paksa
b. Pagbibigay ng Gawain ng guro na nakatala sa Activity card
c. Pagpapakita ng dula-dulaan
2. Analysis (Pagsusuri)
a. Pagsagot sa mga tanong na nasa Activity card ng bawat pangkat
b. Pagbibigay pansin sa mahalagang konsepto/kaisipan na napapaloob sa paksa
c. Pagbibigay ng ilan pang katanungan.
3. Abstraction(Paghahalaw)
Ang naging reaksyon ng mga Pilipino sa Kristiyanismo ay __________________.
4. Application (Paglalapat)
- Sa pamamagitan ng Fish bone Organizer, isa-isahin ang naging reaksyon ng mga Pilipino sa
Kristiyanismo.
- Sang-ayon ba kayo sa reaksyon ng mga Pilipino?
5. Assessment (Pagtataya)
Sagutin ng tama o mali.
1. Sa Asya, tanging Pilipinas lamang ang kinikilalang Katolikong bansa.
2. Hindi niyakap ng maraming Pilipino ang pananampalatayang Kristiyanismo.

IV Takdang Aralin

Magdala ng larawan na nagpapakita ng pagtanggap ng mga Pilipino sa relihiyong Kristiyanismo.


Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 5

TP 2016 – 2017

Ikalawang Markahan

Aralin 13

I.Layunin:

1. Nasusuri ang pamamalakad ng mga prayle sa pagpapaunlad ng mga sinaunang Pilipino.


2. Naisasapuso ang pamamalakad ng mga prayle sa pagpapaunlad ng sinaunang Pilipino.
3. Naisasadula ang pamamalakad ng mga prayle sa pagpapaunlad ng sinaunang Pilipino.

II. Paksang Aralin

Ang Pamamahala ng Espanyol sa Pamamalakad ng mga Prayle sa Pagpapaunlad ng Sinaunang


Pilipino

Sanggunian: Kasaysayang Pilipino 5

AP5PKE – IIg 8.6

Kagamitan: Activity card

III. Pamamaraan:

1. Balik Aral
Pwedeng gamitin ang nakaraang formative test.
2. Pagganyak
Pagpapakita ng larawan ni Jose Basco
3. Gawain Activity
Pagpapangkat ng mga bata at pagbigay ng Activity card
4. Pagsusuri (Analysis)
Pagtatanong tungkol sa Gawain ng bawat pangkat

Activity Card 1 Activity Card 2


Anu-ano ang mga patakarang pangkabuhayan Paanong nakatulong ang Pangkabuhayang
ni Jose Basco? samahan ng mga kaibigan ng bayan?

Activiy Card 3 Activity Card 4


Ano ang naging epekto ng Monopolyo ng Paano nakatulong ang Real Compania de
Tabako sa mga mamamayan? Ipakita sa Filipinas sa mga Pilipino?
pamamagitan ng pagsasadula

5. Paglalahat (Abstraction)

Anu-ano ang magandang epekto at di-magandang epekto ng mga patakarang Pang-


kabuhayan ng mga Espanyol?

6. Paglalapat (Application)

Nakatulong ba ang mga patakarang pangkabuhayan sa buhay ng mga Pilipino?


Ipaliwanag.
7. Pagtataya

Isulat ang sagot sa sumusunod na mga tanong:

1. Anu-ano ang mga patakarang pangkabuhayan ang pinairal ng mga Espanyol sa bansa?
2. Sinong gobernador-heneral ang nagpanukala ng:
a.monopolyo sa tabako
b. pag-aalaga ng labingdalawang inahing manok, isang tandang at isang inahing baboy
ng bawat mag-anak.

IV. Takdang Aralin


Maghanda ang bawat pangkat ng pagsasadula ng mga patakarang pangkabuhayan.
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 5

TP 2016 – 2017

Ikalawang Markahan

Aralin 14

I.Layunin:

1. Natutukoy ang mga tungkulin o gampanin ng mga Prayle sa ilalim ng Patronato Real.
2. Napapahalagahan ang mga tungkulin o gampanin ng mga Prayle sa ilalim ng Patronato
Real.
3. Naisasagawa ang mga tungkulin o gampanin ng mga Prayle sa ilalim ng Patronato Real.

II. Paksang Aralin

Tungkulin o Gampanin ngmga Prayle sa ilalim ng Patronato Real

Sanggunian: Kasaysayang Pilipino p. 73; Lakbay ng Lahing Pilipino (pp. 74-80)

AP5PKE – IIh 8.2

III. Pamamaraan

1. Gawain (Activity)

a. Pagpapakita ng mga larawan

b. Tukuyin ang mga larawan, kung ito’y gawaing pangsimbahan o gawaing pampamahalaan

Pagbibinyag
Pagsulat sa balota
Pagmimisa
Pagmimiting ng mga senador
Pagkakasal

2. Pagsusuri (Analysis)

Sa inyong palagay, alin ang mas makapangyarihan ang simbahan o ang pamahalaan? Bakit?
Prayle o Gobernadorcillo? Ano ang ibig sabihin ng Patronato Real?

3. Pangkatang Gawain (Abstraction)

Magbigay ng 5 gawain ng Prayle


Magbigay ng 5gawain ng (Gob. Heneral) Gobernadorcillo

4. Paglalapat (Application)

Sa ngayon, sino ang mas makapangyarihan? Ang pari o ang ating pangulo?

5. Pagtataya:

1.) Tukuyin ang mga tungkulin ng mga Prayle. Lagyan ng tsek.

___________1. Pagtuturo ng mga binyag at pagdalo sa misa.


___________2. Pagkukumpuni ng tulay at kalsada
___________3. May makapangyarihang maningil ng buwis, magplano at magsaayos ng mga
Gawain sa paaralan.
___________4. Paghahayag ng mga karapatan ng mga Pilipino.
___________5. Magsagawa ng mga gawaing pangkawanggawa upang makapagpatayo ng mga
simbahan.

2.) Isulat ang titik ng tamang sagot.


___________1. Lahat ay tungkulin ng mga Prayle. Maliban sa_____________.?

a. Hikayatin ang mga sumapi sa relihiyon


b. Iplaliwanag ang relihiyon sa mga taong nakakaalam nito
c. Ituro ang aral ng relihiyon
d. Pamunuan ang kolonya ng hari

___________2. Ito ang tungkulin ng pamahalaan sa pagpapalaganap ng katolisismo maliban sa


____________.

a. Gumawa ng mga hakbang na maipalaganap pa ito


b. Hikayatin ang mga mamamayang sumanib dito
c. Magpatupad ng mga batas na may kaugnayan dito
d. Pagbigay tulong sa mga katutubong mahihirap

___________3. Ang pangunahing suliranin ng mga Prayle

a. Paniningil ng buwis
b. Pagkakagalit ng mga tao sa barangay
c. Kawalan ng sapat na pondo para rito

___________4. Ang pamamahala ng mga Prayle sa ilalim ng Patronato Real ay naging


matagumpay. Ano ang ibig sabihin ng Patronato Real?

a. Pagbibigay ng kapangyarihan ng simbahan sa mga prayle


b. Pagbibigay ng kapangyarihan ng estado sa simbahan
c. Kasunduan ng simbahan at estadong pagbibigay ng kapangyarihan sa
simbahan na mamahalasa lipunan
d. Wala sa nabanggit.

___________5. Ang Patronato Real ay itinulad sa bansang

a. Amerika
b. Portugal
c. Mexico
d. Australia

IV. Kasunduan
Sa inyong palagay, alin ang mas epektibong pamamahala, ang patronato real o ang
kasalukuyang pamahalaan? Ipaliwanag sa 3-5 na pangungusap.
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 5

TP 2016 – 2017

Ikalawang Markahan

Aralin 15

I.Layunin:

1. Naipapaliwanag ang mga naging reaksyon ng mga Pilipino sa pamamahala ng mga Prayle
2. Napapahalagahan ang mga naging reaksyon ng mga Pilipino sa pamamahala ng mga
Prayle.
3. Nakapagbibigay ng mga naging reaksyon ng mga Pilipino sa pamamahala ng mga Prayle.

II. Paksang Aralin

Reaksyon ng mga Pilipino sa Pamamahala ng mga Prayle

Sanggunian: AP5 PKE-IIh-8.3, Lakbay ng Lahing Pilipino p.75-77, Ailene G. Baisa, Alma
M. Dayag

Kagamitan: Tsart, Word puzzle

III. Pamamaraan

1. Gawain (Activity)
Pagbasa ng isang talata tungkol sa pamamahala ng mga prayle sa mga Pilipino
2. Pagsusuri (Analysis)
a. Pagbibigay ng kasagutan sa kwentong binasa
- Batay sa seleksyon, anu-ano ang naging reaksyon ng mga Pilipino sa pamamahala ng mga
prayle. (Tanggapin ang iba’t ibang sagot)
b. Naibibigay ang reaksyon ng mga Pilipino sa mga prayle.
- Pagtakas o escape
- Pangtanggap o Acceptance
- Paglaban o Resistance
3. Paghahalaw at Paglalahat (Abstraction)
- Paano mapahahalagahan ng mga Pilipino ang pamamahala ng mga prayle?
- Ibigay ang reaksyon ng mga Pilipino sa pamamahala ng mga prayle.
4. Paglalapat (Application)
Pangkatang Gawain: Ipaayos ang mga titik upang mabuo ang mga salita. Magpabigay sa mga
bata ng mga konseptong natutuhan tungkol sa mga salitang nabuo
a. GTKPAAAS-pagtakas
b. PGTAANGAGP-Pagtanggap
c. PGLAANBA-paglaban
5. Pagtataya
Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Dahil sa sobrang pangungulekta ng buwis at paggamit ng mga Espanyol sa katutubong
Pilipino, ano ang hakbang na ginawa ng mga Pilipino upang matakasan ang mga prayle?
a. Paglaban
b. Pagtanggap
c. Pagtakas
2. Dahil sa takot sa maaaring gawin sa kanila ng mga Espanyol, napilitang tanggapin ng mga
katutubong Pilipino ang lahat ng mga batas at alituntunin na ipinatutupad ng mga ito.
a. Pagtanggap
b. Pagtakas
c. Paglaban

IV. Kasunduan
Magbigay ng reaksyon: Kung kayo ay nabubuhay sa panahon ng pamamahala ng mga prayle,
ano ang inyong magiging reaksyon?

Ang Simbahan at ang Pamamahala sa Bansa

Ang gawain sa simbahan ay naging epekto sa pagpapalaganap ng Katolisismo at


pamamahala sa bansa.Isang halimbawa nito ang pagpapabinyag upang maging bahagi ng
simbahan at ng pamahalaan.Ang mga pinuno ng simbahan ay gumaganap ng tungkulin sa
pamahalaan. Ang arsobispo na pinakamataas na pinuno ng simbahan ay binigyan din ng
malawak na kapangyarihan.May pagkakataon na ang arsobispo ay humahawak ng posisyon
ng gobernador-heneral kapag ito ay nababakante.Sa bawat parokya, sinasabing ang mga
pari ay talagang may kapangyarihang maningil ng buwis,magplano at magsa-ayos ng mga
gawain sa paaralan,mamahala sa mga eleksiyon, at magsagawa ng mga gawaing
pangkawanggawa upang makapagpatayo ng mga simbahan.
Dahil ditto,maraming mga pari o prayle ay nagging abusado sa kanilang kapangyarihan,
nagawa nila na magpa aresto ng mga Pilipino na hindi sumusunod sa kanila.
a) Pagtakas o Escape-dahil sa sobrang pangungulekta ng buwis at paggamit ng mga
Espanyol sa katutubongPilipino, napilitan ang iba sa kanila na iwan ang kanilang
nakalakhang tahanan at magpakalayo tungo sa lugar na hindi abot ng kapangyarihan ng
mga Espanyol.
b) Pagtanggap o Acceptance-dahil sa takot na maaaring gawin sa kanila ng mga Espanyol,
napilitang tanggapin ang mga katutubong Pilipino ang lahat ng mga batas at alituntunin
c) Paglaban o Resistance- nang mamulat ang mga katutubong Pilipino sa masamang
sistema ng pagpapalakad ng mga Espanyol sa Pilipinas, nagkaroon sila ng lakas ng loob
na kalabanin ang mga ito.
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 5

TP 2016 – 2017

Ikalawang Markahan

Aralin 16

I.Layunin:

1. Nakapagbibigay ng sariling pananaw sa naging epekto sa lipunan ng pamamahala ng


mga prayle
2. Napapahalagahan ang mga pangyayari sa lipunan sa panahon ng pamamahala ng mga
prayle
3. Naisa-isa ang mga pangyayari sa panahon ng pamamahala ng mga prayle

II. Paksang Aralin

Epekto sa Lipunan ng Pamamahala ng Prayle

Sanggunian: K-12 Curriculum Guide, Araling Panlipunan 5 , AP5PKE-IIc-9

Kagamitan: Tsart

III.Pamamaraan

1. Gawain (Activity):
Hatiin ang klase sa apat na pangkat
-Pangkat 1&2: Paglista sa mga pangyayari sa panahon ng pamamahala ng mga prayle
-Pangkat 3&4: Punan ang Concept Map ng Dahilan at Epekto ng Pamamahala ng mga prayle

2. Pagsusuri (Analysis):
1. Anu-ano ang mga reaksyon ng mga Pilipino sa pamamahala ng prayle?
a. Sistemang Encomienda
b. Sistemang Kasama
c. Patakarang pagsasaka
d. Polo y servicio

3. Paglalahat (Abstraction):

Dahil sa pang-aabuso ng encomendero, marami sa mga mamamayan ay napilitang


mamundok upang makaiwas sa mga tributo at mamuhay bilang tulisan.
Sa sistemang Kasama, marami sa mga Pilipinong nalubog sa utang at natali sa pagsasaka
Tinutulan din ng mga Pilipino ang polo y servicio dahil sa napabayaan na ng mga Pilipino ang
kanilang pagsasaka at nahiwalay ang mga kalalakihan sa kani – kanilang pamilya.

4. Paglalapat (Application):

Sa inyong palagay, bakit ganoon na lang ang reaksyon sa sistema ng pamamahala ng mga
prayle? Ipaliwanag.
5. Pagtataya:

Sagutin ng Tama o Mali.

_________1. Marami sa mga mamamayan ang namundok upang makaiwas sa tributo.


_________2. Tama lang ang halaga ng buwis na sinisingil ng mga prayle pero nalubog pa rin
sa utang ang mga Pilipino.
_________3. Marami sa mga kalalakihan ang nahiwalay sa kanilang pamilya dahil sa
patakarang polo y servicio

IV. Takdang Aralin:

Alamin ang mga ibang pangyayari sa panahon ng Espanyol na nakaapekto sa pangkabuhayan ng


Pilipinas. Iulat sa klase.

You might also like