You are on page 1of 11

ARALIN

9
A. Panimulang Gawain
 1. Balitaan

 Kaugnay na Aralin

 2. Balik-aral

 Ano-ano ang pagkakaiba ng batayan ng mga
babae bago dumating ang mga Espanyol at sa Panahon
ng kolonyalismong Espanyol?
 3. Pagganyak

 Suriin ang larawan at sagutan ang mga katanungan sa
ibaba.

 Tanong:
  Batay sa larawan, ano-ano ang mga ginagampanan ng
babae sa kanyang pamilya? Sa lipunan?
  Ano-ano ang mga taglay na magagandang katangian
ng mga kababaihan na dapat tularan o pamarisan? Bakit?
 Tanong:

  Ano ang masasabi ninyo sa dalawang grupo
ng larawan?
  Ano ang pinagkaiba sa pananamit at anyo
nila?
  Alin ang tradisyunal at di tradisyunal?
B. Panlinang na Gawain
 1. Pagbasa ng Talata

 Ibang Papel ng Kababaihan sa Lipunan Kinakitaan
ng mahalagang kontribusyon ang mga kababaihan sa
panahong ito, lalo na ang mga ina. Kabilang dito ang
paghubog sa mabubuting asal ng mga Pilipino,
pagsulong sa edukasyon, at pagbibigay halaga sa
pamilya. Sa katunayan, sinasabi na malaking salik sa
mga huwarang katangian ng mga bayaning Pilipino
ang paggabay na ginawa ng kanilang ina at mga
kapatid na babae.
 2. Pangkatang Gawain

 Hatiin sa apat na pangkat ang mga mag-aaral.
 Pasagutan sa bawat pangkat ang mga gawain sa activity cards at iulat sa klase.
 PANGKAT 1- KONTIBUSYON NAMIN!

 Itala sa larawan ang kontribusyon ng mga kababaihan.

 PANGKAT 2- PARA SA’YO!

 Gumawa ng liham kung saan nagpapakita ka ng paghanga sa mga kontribusyon na
kanilang naiambag.

 PANGKAT 3- WANTED KABABAIHAN NOON!

 Punan ang mga talulot ng mga katangian ng mga kababaihan noong panahon ng
Espanyol.

 PANGKAT 4- MODERNO NA KAMI!

 Isa-isahin ang mga katangian ng mga kababaihan ngayon.
 3. Pag-uulat ng Bawat Pangkat

 Pakinggan natin ang bawat pangkat sa kanilang pag-uulat.

 4. Pagsusuri

  Ano ang mga naging kontribusyon ng mga kababaihan noon?

  Paano napaganda ng mga ina ang kanilang pamilya?

  Bakit naging mahalagang salik ang mga kababaihan sa edukasyon noon?

  Sino-sino ang mga kababaihan na nakipaglaban upang isulong ang kalayaan
ng bansa?
 Paglalapat

 Ano pa ang maaring gawin ng pamahalaan at
pansibikong samahan para mapabuti ang katayuan ng
mga babae?
 Magbigay ng halimbawa
Paglalahat
 Dapat bang magkaroon ng pantay na kalagayan sa
lipunan ang mga kababaihan sa kalalakihan? Bakit
mahalaga ang kababaihan sa ating lipunan?
 IV. Pagtataya Isulat kung tama o mali.

 _______1. Hinubog ng mga kababaihan ang mga asal
ng mga Pilipino.
 _______2. Nanatiling makaluma ang mga pananaw ng
mga kababaihan.
 _______3. Ginagabayan ng mga ina ang kanilang mga
anak ng tamang ugali.
 _______4. Ang mga kababaihan ay nagkakaroon ng
pagkakataon na mamuno at makilahok sa mga
gawaing pampamayanan?
 _______5. Ipinagwalang-bahala ng mga ina ang
kanilang pamilya
 V. Takdang Aralin

 Paano napabuti ang katayuan ng mga babae
ngayon?

You might also like