You are on page 1of 6

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 7

Pamantayan sa Pagkatuto:
 Nasusuri at naihahambing ang mga palatuntunang nagtataguyod sa karapatan ng mamamayan
sa pangkalahatan at ng mga kababaihan.
 Naihahambing ang kalagayan at papel ng kababaihan sa iba’t-ibang bahagi ng Timog Silangan at
Silangang Asya at ang kanilang ambag sa bansa at rehiyon

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 Naipapaliwanag kahalagahan ng kababaihan sa lipunan.
 Nasusuri ang mga naiambag ng kababaihang Asyano sa kalagayang politikal at kultural.
 Nasusuri ang mga palatuntunang nagtaguyod ng karapatan ng mga bata, kababaihan at
manggagawa
 Nakakagawa ng isang advocacy campaign na nagpapamalas ng mga pagpapahalaga sa
kababaihan.

II. PAKSANG ARALIN


Ang Kababaihan sa Silangan at Timog Silangang Asya sa Kontemporaryong Panahon

Sanggunian:
 Asya (Sinauna at Makabagong Panahon), Jay Son C. Batang
 Pana-Panahon (Worktext para sa Araling Panlipunan Ikalawang Taon)

Kagamitang Panturo:
 Manila paper, mga larawan,

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
Magandang umaga mga bata!
Magandang umaga din po.
2. Panalangin
Tumayo na ang lahat para sa
panalangin.

3. Pagtatala ng Liban
Upang mas madaling malaman kung
sino ang wala ngayong araw, maaari
bang ibigay na lang ng secretary ang
lista ng mga liban?

4. Pagganyak (singing bee)


Hahatiin ang mga mag aaral sa
dalawang grupo. Bawat pangkat ay
bibigyan ng liriko ng kantang girl on
fire ni Alicia Keys. Kukumpletuhin ng
bawat pangkat ang kanta sa
pamamagitan sa pagpuna ng kulang na
liriko. (May tatlong minuto lamang ang
bawat pangkat para magawa ito)
She's just a _____, and she's on fire
Hotter than a fantasy, longer like a highway
She's living in a world, and it's on ______,
Feeling the catastrophe, but she knows she can fly
away
Oh, she got both feet on the ground
And she's burning it down
Oh, she got her head in the clouds
And she's not backing down
This ______ is on fire
This _______ is on fire
She's ________ on fire
This girl is on fire
Gabay na tanong :
1. Para sa inyo, mahalaga ba ang ginagampanang
papel ng mga kababaihan sa lipunan?
(estudyanteng lalaki lamang ang sasagot)
2. Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga mo
sa sarili bilang isang babae? Ano ang maiaambag
mo sa lipunan? (Babae lamang ang sasagot)
B. Pagpapaunlad na Gawain
1. Aktibiti/Paunlarin
Mula sa unang gagawin, alam niyo ba
kung anong pag- aaralan natin ngayon
araw.

Mahusay. Bago natin simulan ang


aralin tungkol sa kababaihan mayroon
muna akong mga pangungusap na
ibibigay sa bawat grupo, babasahin
niyo ito at magbibigay ng saloobin
tungkol sa nabasang pangungusap.

Unang Pangkat: Sa China at India hindi


pinahahalagahan ang anak na babae
sapagkat sila ang nagbibigay dote
kapag kinakasal
Pangalawang Pangkat:, Namayani sa
lipunan ng China at India ang sadyang
pagkitil sa buhay ng mga sanggol na
babae.
Opo, tungkol sa mga kababaihan.
Ano ang nakuha ng unang grupo?

Okay, maaari bang bigyang paliwanag


ang nabunot ninyo?

Mahusay! Bigyan ng angel clap ang


unang grupo. Dahil nga ang
kababaihan ang nagbibigay dote
(yaman) sa lalaki, ayaw nilang
magkaanak na babae dahil
nababawasan ang kanilang yaman.
Ano naman ang nakuha ng ikalawang
grupo?

Sa China at India hindi pinahahalagahan ang anak


na babae sapagkat sila ang nagbibigay dote kapag
Ano ang masasabi ng ikalawang grupo kinakasal
sa pangungusap na nakuha nila?

Ma’am, sa palagay po naming ang mga babae sa


Magaling! Bigyan ng limang palakpak bansang China at Japan ay kawawa dahil mababa
ang ikalawang grupo. Nagkaroon ng ang pagtingin sa kanila. Sila pa po ang nagbibigay
pagkitil ng buhay sa mga babaeng ng yaman sa mga lalaki.
sanggol dahil sa mababawasan ang
yaman ng kanilang pamilya kapag ito
ay kinasal.
Ang katayuan ng kababaihan sa
lipunan ay hindi pantay sa mga
bansang nabanggit subalit sa bansang
Pilipinas pantay ang tingin sa babae at
lalaki.
2. Analisis/Paunlarin
Mula sa isinagawang aktibiti, makikita Namayani sa lipunan ng China at India ang sadyang
ninyo ang hindi pagkakaroon ng pagkitil sa buhay ng mga sanggol na babae.
pantay na pagtingin sa mga
kababaihan. Alamin natin ngayon ang
pagtataguyod ng karapatan ng mga
bata at kababaihan. Mali po at hindi nila pinahahalagahan ang
inosenteng buhay ng isang sanggol.
Maaari bang basahin ang pahayag?

Magbigay nga kung anu-ano ang mga


karapatang natatandaan ninyo?

Tama! Maaari pa bang magbigay ng


ibang kasagutan?

Mahusay! Ilan lamang yan sa mga


karapatan ng mga bata. Isinulong din
ng UN ang karapatan ng mga
kababaihan. Ilan sa mga ito ang
pagbibigay sa halaga at pagdidiin sa
pantay na karapatan ng mga
kababaihan at kalalakihan. Ano pa ang
ibang karapatan?

Tama nagkaroon ng pagkakataon na


magkaroon na pantay na karapatan sa
kababaihan kaya naman nagkaroon
sila ng ambag sa kalagayang politikal
at kultural. Natatandaan ba kung ano
ang iniambag ni Corazon Aquino sa
Kinilala ng UN na may karapatan ang mga bata.
bansa?
Noong Nobyemre 20, 1899 inaprubahan ng
General Assembly ng UN ang Convention on the
Tama! Siya ang kinilalang Ina ng
Rights of the Child.
Demokrasya. Ilang kababaihan din ang
namuno sa bansa sa Asya. Halimbawa
na lamang sa Myanmar ay si Aung San
Suu Kyi na hinangaan ng buong mundo
Karapatan pong mabuhay.
ang kanyang pagsisikap na maibalik
ang demokrasya sa Myanmar,
Megawati Sukarnoputri ang unang Hindi po dapat pahirapan ang mga bata.
baabeng pangulo ng Indonesia, Helena
Benitez sa larangan ng politika at
sining, siya ay naging senador at
nangasiwa sa Philippine Women's
University na pinatanyag sa buong
mundo ang mga katutubong sayaw sa
Pilipinas. Sa larangan naman ng sining,
halimbawa nito si Lea Salonga na
tinaguriang global talent sa husay
Ang pag-alis po ng diskriminasyon sa kababaihan
niyang umawit at umarte. Nakilala nan
para makaboto at maluklok sa posisyong politikal,
si Hanae Mori ng Japan dahil sa para po makatamasa ng edukasyon at para
kanyang kontribusyon sa larangan ng makapag-hanapbuhay.
fashion design, siya ang tanging babae
na nabigyang pagkakataong ipakita
ang mga nilikha sa Paris at New York.
Dahil dito naging simbolo siya ng isang
babaeng liberal ng Japan.

Madami pang kababaihan na naging


tanyag at nagkaroon ng ambag sa
politika at sining ng Asya. Hanggang Opo, yun po ay pagkatapos ng EDSA siya ang
ngayon ay nangingibabaw ang pantay naging pangulo.
na karapatan lalo na sa bansang
Pilipinas.

3. Abstraksyon/Paglalahat
Mula sa ating talakayan, mayroon
akong isang empty chart na inyong
pupunan.
Tama ang iyong kasagutan!

4. Aplikasyon/Paglalapat
Nakilala po sila sa pamumuno ng bansa.
Dahil naunawaan niyo na ang aralin ay
kumuha kayo ng isang buong papel.
Kasapi ka ng isang nongovermental
organization na nagtataguyod ng karapatan ng Ang karapatan pong mabuhay at magkaroon ng
kababaihan. Sa pagkakataong ito, naatassn kang pamilya.
bumuo ng isang advocacy campaign na
nagpapamalas ng mga pagpapahalaga sa
kabbaihan. Nararapat na kakitaan ng
pagkamalikhain.

Noong nagkaroon po ng pantay na karapatan.


Nagkaroon ng pag-angat sa antas ng kababaihan sa
lipunan. Sila po ang ilan sa nagtaguyod ng mga
batas para sa pagkakapantay pantay.

IV. PAGTATAYA

Gumawa ng isang slogan na tumutukoy sa pagkakaroon ng pantay na karapatan ng mga kababaihan.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA NG ISLOGAN

5 4 3
Nilalaman Ang mensahe ay Hindi gaanong malinaw Medyo magulo ang
mabisang naipakita ang mensahe mensaheng nais
iparating
Pagkamalikhain Maganda ang disenyo Walang disenyo subalit Walang disenyo at
(Creativity) at malinis ang malinis ang ginawang hindi malinis ang
ginawang islogan islogan islogan
Kaugnayan May malaking Kaunti lamang ang Walang kaugnayan sa
(Relevance) kaugnayan sa paksa kaugnayan ng islogan paksa ang islogan
ang islogan sa paksa

V. TAKDANG ARALIN

Alamin kung ano ang kahulugan ng ekonomiya.

Inihanda ni: Sinuri ni:

SELENA MAE PORTA G. FREDERICK PERMALINO

Practice Teacher Cooperating Teacher

You might also like