You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VII, CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF BAYAWAN CITY

LINGGUHANG Paaralan Tayawan National High School Baitang VII


BANGHAY- Guro Claire E. Ogue Asignatura AP
ARALIN Linggo Ikatlong Linggo Markahan Ikatlong
(DepEd Order 42, s. 2016) Markahan
I. LAYUNIN
Ang mag-aaral ay…
A. Pamantayang Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa pagbabago, pag-unlad
Pangnilalaman at pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at
Makabagong Panahon (ika-16 hanggang ika-20 siglo)
Ang mag-aaral ay…
nakapagsasagawa ng kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag-unlad at
B. Pamantayan sa Pagganap
pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong
Panahon (ika-16 hanggang ika-20 siglo)

Kasanayang Pampagkatuto: Nasusuri ang mga salik, pangyayari at


kahalagahan ng nasyonalismo sa pagbuo ng mga bansa sa Timog at
Kanlurang Asya.

C. Mga Kasanayang K – Natutukoy ang mga salik at pangyayaring nagbigay daan sa pag-usbong
Pampagkatuto/Layunin at pag-unlad ng nasyonalismo.
S – Nakabubuo ng Data Retrieval Chart sa iba’t-ibang manipestasyon ng
nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya.
A – Nabibigyang halaga ang papel ng nasyonalismo sa pagbuo ng mga
bansa sa Timog at Kanlurang Asya.

II. PAKSA
Ikatlong Markahan – Modyul 2: Mga Salik, Pangyayari at Kahalagahan ng Nasyonalismo sa Pagbuo
ng mga Bansa sa Timog at Kanlurang Asya

Sanggunian:
Estimada, Claire G., et.al. Ikatlong Markahan – Modyul 2: Mga Salik, Pangyayari at Kahalagahan ng
Nasyonalismo sa Pagbuo ng mga Bansa sa Timog at Kanlurang Asya Bayawan City: Department of
Education - Region VII.
Slideshare.net https://www.slideshare.net/CrystalMaeSalazar/banghay-aralin-sa-araling-panlipunan-7
(accessed December 08, 2021)
III. MGA KAGAMITAN
A. Araling Panlipunan 7 Modyul 2- Mga Salik, Pangyayari at Kahalagahan ng Nasyonalismo sa Pagbuo ng
mga Bansa sa Timog at Kanlurang Asya
B. Powerpoint Presentation
C. Laptop

1
D. Pictures

IV. PAMAMARAAN
Unang Araw
A. Balik-aral at/o Panimula - BAGO MAGBASA (5 minuto)
Sige nga’t sariwain muna natin ang ating natutuhan noong mga nakaraang aralin. Naaalala mo pa ba kung
ano ang Nasyonalismo?
B. Pangganyak (15 minuto)
Gawain 2: Picture! Picture!
Panuto: Bago ituloy ang pagtatalakay tungkol sa nasyonalismo ay suriin muna ang collage na makikita sa
ibaba. Pagkatapos, sagutan ang pamprosesong tanong. Isulat ito sa sagutang papel.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang mensaheng nais ipahiwatig ng larawan?
2. Mula sa larawan, ano ang pamamaraang ginawa ng mga kilalang lider upang maipakita ang pagmamahal
sa kanilang bansa sa Timog at Kanlurang Asya?
3. Paano nakaapekto ang pag-usbong ng nasyonalismo sa mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya noon at sa
kasalukuyan?
C. 1 Paglalahad ng Aralin - HABANG NAGBABASA (25 minuto)
NASYONALISMO SA TIMOG AT KANLURANG ASYA
Ang nasyonalismo sa Asya ay may iba’t-ibang anyo tulad ng defensive nationalism o
mapagtanggol na nasyonalismo gaya ng ipinakita ng bansang Pilipinas at aggressive nationalism o
mapusok na nasyonalismo na minsang ginawa ng bansang Japan.
Maaari ring ihalintulad ang nasyonalismo bilang pagpapakita, pagbigay kahulugan at pagkilos upang
maipahayag ang pagmamahal sa bansang kinabibilangan.
Ang pangunahing manipestasyon ng nasyonalismo ay pagkakaisa. Makikita ito sa pagtutulungan at
pagkakabuklod-buklod ng mamamayan sa iisang kultura, saloobin, at hangarin. Maituturing ding
2
manipestasyon ng nasyonalismo ang pagmamahal at pagtangkilik ng mamamayan sa mga produkto, ideya, at
kultura ng sariling bayan. Naipapakita rin ang nasyonalismo sa pagiging makatuwiran at makatarungan. Ang
kahandaan ng isang tao na magtanggol at mamatay para sa kanyang bayan ay maituturing na
pinakamahalagang manipestasyon ng nasyonalismo.
Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Timog Asya: Nasyonalismo sa India
Umusbong ito sa India dakong 1800 subalit ipinagpaliban nila ang kanilang mga hiling sa mga
British hanggang sa matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig. Nag-ambag ng mga bagay upang
masuportahan ang mga British sa digmaan kapalit ay ang awtonomiya sa Indi. Naipagkaloob nila ngunit
nanatili pa sa kamay ng British ang patakarang panlabas at pambansang seguridad ng kolonya.
Si Mohandas Gandhi ang nangunang lider nasyonalista sa India. Siya Ang nagpakita ng mapayapang
paraan sa paghingi ng kalayaan. Ipinaglaban ni Gandhi ang karapatan ng mga Indian batay sa ahimsa o
pagtalikod sa karahasan at kalupitan. Nanguna siya sa pagtutol sa pagbubuwis at nagsagawa ng pagboykot at
pag-aayuno, nanguna rin sa mapayapang demonstrasyon at tinuligsa ang katutubong kaugalian sa India.
Ang pakikipaglaban ni Gandhi para sa kalayaan ng India ay mas umigting sa tulong ni Jawaharlal
Nehru. Dalawa silang namuno sa pakikibaka para sa kalayaan ng India. Para kay Gandhi ang tunay na
katapangan ay pagtalikod sa karahasan at ang tanging paraan upang mapasunod ang mga tao ay hindi sa
pamamagitan ng takot kundi ng pagmamahal. Magkaiba man ang pananaw nina ni Gandhi at Nehru sa
maging kapalaran ng India, ayon kay Gandhi mahalaga ang preserbasyon ng Indian identity at tradisyunal
na pamumuhay upang maging malaya ang India. Para naman kay Nehru ang malayang India ay nararapat na
maging sekular at makabago. Sa kabila ng pagkakaiba ng mga ito, hindi ito naging hadlang sa dalawa upang
magtulungan.
Nakilala si Mohandas Gandhi sa kanyang matahimik at mapayapang paraan o non-violent means ng
pakikipaglaban para sa kalayaan ng India. Naniniwala siya sa ahimsa at satyagraha. Hinimok din ni Gandhi
ang mga Indian ang pagboykot o di pagtangkilik sa lahat ng produkto ng mga Ingles at sa lahat ng may
kaugnayan sa mga Ingles. Sinimulan ni Gandhi ang civil disobedience o hindi pagsunod sa pamahalaan.
Dahil sa pamumuno sa mga protesta, naranasan ni Gandhi ang mahuli at maipakulong. Nabaril at namatay si
Gandhi na hindi nagtagumpay na mapag-isa ang Hindu at Muslim sa isang bansa.
Ang mga larawan sa ibaba ay mga pangyayaring nagbigay daan sa nasyonalismo ng India:

3
D. Pagtalakay sa Aralin – PAGKATAPOS MAGBASA (15 minuto)
Reflection Log

Panuto: Sagutin ang isang reflection log tungkol sa iyong natutunang repleksiyon, realisasyon at opinion na
may kaugnayan sa pag-usbong ng nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya.

Pangalan: ___________________________ Taon at Seskyon: ________________________

Reflection Log

Ang nasyonalismo ay nakabubuti dahil _________________________________________________.


Ipinagmamalaki ko ang aking pagiging Asyano dahil sa mga natatanging mga nagawa ng mga kilalang
nasyonaalista sa Timog at Kanlurang Asyan na nagpapatunay na ang Asyanong katulad ko ay
_______________________________.

Ikalawang Araw
C.2 Paglalahad ng Aralin - HABANG NAGBABASA (20 minuto)
Nasyonalismo sa Kanlurang Asya
Ang nasyonalismo sa Kanlurang Asya ay hindi katulad ng nasyonalismong naipakita ng mga bansa
sa Timog Asya. Hindi agad naipakita ng mga bansa sa Kanlurang Asya ang nasyonalismo dahil karamihan
sa mga bansa rito ay hawak ng dating malakas at matatag na Imperyong Ottoman, bago pa man masakop ng
mga Kanluraning bansa noong 1918. Matapos bumagsak ang Imperyong Ottoman, masakop at mapasailalim
sa mga Kanlurang Bansa, naipatupad na sa mga bansa sa Kanlurang Asya ang Sistemang Mandato.
Nagsumikap ang mga bansa sa Kanlurang Asya na unti-unting makamtan ang kalayaan mula sa Imperyong
Ottoman at mga Kanluraning bansa. Ang nasyonalismo sa Kanlurang Asya ay pinagsimulan ng mga Arabo,
Iranian, at mga Turko bago pa man ang Unang Digmaang Pandaigdig.
Humingi naman ang bansang Turkey sa pamumuno ni Mustafa Kemal Ataturk ang pagsulong ng
pagkakaroon ng isang bansang republika. Sa pamamagitan ng isang Kasunduang Lausanne noong taong
1923 naisilang ang Republika ng Turkey.
Ipinahayag ni Abdul noong 1926 ang sarili bilang hari ng Al Hijaz, matapos niyang malipol ang lahat
ng teritoryo at pinangalanan niya itong Saudi Arabia. Ang Iraq naman ay naging protektado ng England
noong 1932.
Noong 1945, matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig naisagawa rin ng mga Jew ang Zionism.
Mula ng manirahan ang mga Jew sa Palestine ay nagsagawa na ang mga ito ng modernisasyon sa industriya,
agrikultura, pagnenegosyo, at maging sa agham o siyensiya. Ito ang nagbigay-daan upang ang mga Jew ay
magkaroon ng mas mataas na antas ng pamumuhay kaysa sa mga Arabo. Ito naman ang naging dahilan
upang magkaroon ng hindi magandang samahan ang dalawang pangkat. Kaya sa bandang huli ay hiniling ng
mga Arabo na ihinto na ang pagbabalik ng mga Jew sa Palestine. Simula nang maideklara ang Republika ng
Israel noong May 14, 1948 nagsimula na ang tensiyon sa Palestine.

4
Ang mga larawan sa ibaba ay nagpapakita ng mga pangyayaring naganap sa Kanlurang Asya:

Mga Nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya


(Ang guro ay magpapakita ng mga larawan at tatalakayin ang mga mahahalagang kontribusyon ng mga
Nasyonalista sa pag-usbong ng Nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya)
 Mohandas Karanchad Gandhi
 Mohamed Ali Jinnah
 Mustafa Kemal Ataturk
 Ayatollah Rouhollah Mousari Khomeini
 Ibn Saud

E. Paglalapat (20 minuto)


Pangkatang Gawain: Map Sikat
Panuto: Muli mong kilalanin ang mga pinunong nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya. Gumamit ka ng
mapa. Itapat mo sa pinagmulan ang mga pangalan ng mga lider nasyonalista na nakasaad sa ibaba.
Pagkatapos, sagutan ang pamprosesong tanong sa ibaba.

Pamprosesong Tanong:
1. Sino ang mga naging pinunong nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya ang nais mong tularan?
Bakit?

5
F. Paglalagom (20 minuto)
Gawain: Data Retrieval Chart
Panuto: Lagyan ng tamang impormasyon ang bawat kolumn ng Data Retrieval Chart.

Ikatlong Araw

G. Pagtataya (25 minuto)


Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag at bilugan ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ang pagpapakamatay ng asawang babae sa pamamagitan ng kaniyang pagsama sa cremation o pag-sunog
sa labi ng asawang namatay. Ano ang aspekto ang tinutukoy nito?
A. relihiyon B. edukasyon C. teknolohiya D. pulitiko
2. Aling pangyayari ang pumukaw sa damdaming nasyonalismo ng bansang India?
A. pagbagsak ng kolonyalismo ng mga Turko
B. pagpapatupad ng economic embargo ng mga Ingles
C. pagkakapatay ka Mohandas Gandhi
D. pagkakaroon ng diskriminasyon sa mga India
3. Ang nasyonalismo ay ang pagsibol ng damdaming makabayan. Nagbigay daan ito para ang mga Asyano
ay matutong:
A. pigilin ang paglaganap ng imperyalismong kanluranin
B. pagiging mapagmahal sa kapwa
C. makisalamuha sa mga mananakop
D. maging laging handa sa panganib
4. Ito ay sistematiko at malawakang pagpatay ng mga German Nazi sa mga Jew o Israelite. Ano ang tawag
dito?
A. civil disobedience B. sistemang mandato C. holocaust D. rebelyong sepoy
5. Ano tawag sa damdaming makabayan na maipapakita sa matinding pagmamahal pagpapahalaga sa Inang-
bayan?
A. nasyonalismo B. imperyalismo C. kolonyalismo D. komunismo
6. Ano tawag sa pag-aalsa ng mga sundalong Indian sa mga Ingles bilang pagtutol sa pagtatangi ng lahi?
A. rebelyong sepoy B. rebelyong ingles C. rebelyong dagohoy D. rebelyong sumulong

6
7. Sino ang tinaguriang Dakilang Kaluluwa ng bansang India, siya rin ang nagbukas ng kalayaan sa bansa
nila laban sa mga Ingles?
A. Ibn Saud B. Mohandas Gandhi C. Ayatollah Khomeini D. Mohammed Ali Jinnah
8. Sino ang tinaguriang Ama ng Pakistan?
A. Ibn Saud B. Mohandas Gandhi C. Ayatollah Khomeini D. Mohammed Ali Jinnah
9. Si Mustafa Kemal Ataturk ang nagbigay-daan sa kalayaan ng anong bansa sa Asya?
A. Pakistan B. Turkey C. Saudi Arabia D. Iran
10. Siya ang naging kauna-unahang hari ng Saudi Arabia, dahil sa kanya natamo ng bansa nila ang pagiging
makabayan.
A. Ibn Saud B. Mohandas Gandhi C. Ayatollah Khomeini D. Mohammed Ali Jinnah
11. Ang mga sumusunod ay saloobin ng pagiging makabayan maliban sa:
A. magiliw na pag-awit ng pambansang awitin.
B. pagbuwis ng buhay para sa bayan.
C. pagkakaroon ng magandang ugali sa loob ng paaralan.
D. ang pagtangkilik na mamamayan sa mga produkto, ideya at kultura ng mga dayuhan.
12. Aling bansa isinagawa ang sati o “suttee”?
A. Afghanistan B. India C. Lebanon D. Pakistan.
H. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay (35 minuto)
Panuto: Sumulat ng isang maikling sanaysay sa pahayag ni Mahatma Gandhi. Isulat ang iyong reaksiyon sa
loob ng isang simbolong iyong maiguguhit para kay Gandhi. Ang rubrik sa pagsusulat ng sanaysay ay
makikita sa ibaba.

7
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nagtamo ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng mga gawaing pagpapahusay (remedial)
C. Nakatulong ba ang pagpapahusay (remedial)? Bilang ng mag-aaral na naunawaan ang aralin.
D. Bilang ng mag-aaral na patuloy na nangangailangan ng pagpapahusay (remediation)
E. Alin sa aking pagtuturo ang naging epektibo? Bakit?
F. Ano-ano ang aking naging suliranin na maaaring malutas sa tulong ng aking punongguro at
superbisor?
G. Anong mga inobasyon o lokalisasyon sa mga kagamitan ang ginamit /natuklasan ko na nais kong
ibahagi sa ibang guro?
Inihanda ni:
CLAIRE E. OGUE
Teacher I

Sinuri ni:

__________________________________
Mater Teacher I/ Teacher III

Nabaltid ni:

DR. VERNA I. SALDO


EPSVR1-FIL/MTB

You might also like