You are on page 1of 7

B.

INSTRUKSYON/PAGTALAKAY

Ang yamang tao ay tumutukoy sa bilang o pangkat ng tao na may kakayahang maghanapbuhay,
magnegosyo, o maging produktibo upang mapaunlad ang sarili at ang lugar na kinabibilangan. Sila ay
mahuhusay na alagad ng sining, magigiting na lider, makabagong manggagamot, masisipag na manggagawa,
matiising magsasaka, matatalinong guro, matatapat na negosyante, at marami pang iba.
Sa Asya matatagpuan ang lahat ng mga lahi ng tao. Ang lahing kayumanggi ay kinakatawan ng
mga Pilipino, Malaysian at Indonesian. Ang lahing dilaw ay makikita sa Tsina at Hapon. Ang sangang Aryan, o
Indo-European, ang lahing puti ang kinakatawan ng mga Afghan, Iranian at Indian (Tangway Indian). Ang
sangang Semitiko ng lahing puti ang kinatawan naman ng mga Arabo, Hudyo, Iraqi at Syrian. At ng mga Siberian
at Sobyet Asyanong pulang lahi ay dumayo sa Hilagang Amerika sa pamamagitan ng Kipot Bering. Ang mga
taong ito ang naging mga ninuno ng mga Amerikanong Indian. Karagdagan pa, dahilan sa kolonyal na
kasaysayan ng Asya, ang mga magkahalong pag-aasawa ay nagbunga ng taong Eurasian (bahaging European,
bahaging Asyano). Sa Pilipinas, ang mga Eurasian na ito ay tinatawag na mga “mestizo”. Ang mga Pilipino ay
bukod-tangi sa mundo sapagkat sila’y nakihalubilo at nakibahagi sa mga impluwensiyang cultural mula sa apat
na iba’t ibang kalinangan – Asyano, European, Latin (Mehikano) at Amerikano.

A. DAMI NG TAO

Populasyon ang tawag sa bilang ng


kabuuang dami ng tao na naninirahan sa isang
partikular na lugar sa isang takdang panahon.
Mahalagang elemento ng bansa at kontinente ang
populasyon sapagkat sila ang bumubuhay sa daloy ng
ekonomiya at pagpapaunlad ng bansang
kinabibilangan. Tinatayang ang Asya ang may
pinakamalaking populasyon sa buong mundo. Malubha
ang mga suliranin ng sobrang populasyon at paghihirap
sa Asya. Sa maraming bahagi ng Timog Asya, ang
karaniwang kapal ng populasyon ay mahigit 600katao
sa bawat milya kwadrado. Sa loob ng maraming siglo,
ang pagsisiksikang ito ang naging sanhi ng mga kapinsalaang tulad ng mga baha, tagtuyot, taggutom at sakit.
Sa buong Asya, lalung-lalo na sa Tsina at India, ang pangunahing mga problema ay kung paano daragdagan
ang produksiyon ng pagkain at kung paano pabababain ang bilis ng pag-anak.

KONTINENTE POPULASYON PORSEYNTO


1. Asia 4,682,997,168 59.76%
2. Africa 1,374,451,375 16.72%
3. Europe 748,118,822 9.78
4. Latin America and Caribbean 660,133,890 8.42%
5. North America 371,273,102 4.73%
6. Australia/Oceania 43,256,414 0.54%
Pinagkunan: www.worldometers.info –July 24, 2021

Ang Kontinente ng Asya ang nangunguna sa dami ng bilang ng yamang tao na matatagpuan dito. Indikasyon
din ito na mataas ang bilang ng lakas-paggawa dahil sa dami ng bilang ng tao ngunit bakit marami pa ring mga
bansa ang kabilang sa mga mahihirap dito?
B. KOMOPSISYON AYON SA GULANG

May tatlong grupo na ginagamit sa pagpapangkat ng


populasyon ayon sa gulang. Una, ang mga may edad na 0
hanggang 14 ay itinuturing na mga bata, sila ang mga umaasa sa
gitna/pangalawang pangkat. Pangalawa, ang 15 hanggang 64 na
taong gulang ay tinatawag na produktibong pangkat, sila ang
maituturing na produktibong bahagdan ng populasyon sapagkat sila
ang may kakayahang makapag-hanapbuhay. At panghuli, ang mga
may edad na 65 pataas ay tinatawag na
matatanda. Bukod sa pag-asa sa mga
gitnang pangkat, ang mga bata at
matatanda ay umaasa rin sa suporta na
galing sa pamahalaan.

Bilang ng Bahagdan
Populasyon (Percentage)

Batang Populasyon (0 hanggang 14 na taong gulang) 32,682,000 32.38%

Produktibong Populasyon 65, 286,000 64.14%

Matandang populasyon (65 at pataas na taong gulang) 7,844,000 3.48%

Total 105,812,000
C. INAASAHANG HABA NG BUHAY AT KASARIAN

Ang haba ng buhay ng populasyon ay may implikasyon sa kalagayang panlipunan maging ang kasarian. Kung
mataas ang haba ng buhay ng mga mamamayan, maaaring nangangahulugan ito na maginhawa ang buhay
ng tao sa lugar na iyon. Maaaring mataas ang antas ng kanilang kalagayang medikal at teknolohikal upang
magamot ang mga may sakit lalo na ang matatanda. Sa Asya, ang mga bansang Japan at Singapore ang may
pinakamataas na haba ng buhay samantalang ang pinakamababa ay ang Afghanistan, Nepal, Laos, Myanmar,
at Cambodia. Kung mapapansin, malaki ang ugnayan ng haba ng buhay ng mamamayan sa antas ng bansang
mayayaman samantalang mas mababa naman sa mahihirap na bansa. Mayroon din namang ibang salik tulad
ng pagkamatay sa digmaan, epidemya, at kalamidad.

Ayon sa datos na nakalap mula sa Statista (2020) mas


mababa ang buhay ng mga kababaihan sa Asya kaysa
sa kalalakihan. Walang malinaw na dahilan kung bakit
ganito ang kaganap. Ito ay sa kabila na maraming kultura
sa Asya ang naghahangad na lalaki ang mga bagong
silang tulad sa China.

D. BILIS NG PAGLAKI NG POPULASYON

Mahalaga sa bawat bansa na masubaybayan at


mapag-aralan ang paglaki ng kanilang populasyon
sapagkat nakatutulong ito upang makabuo ng mga plano,
programa, at batas na naglalayong mapabagal ang lalong
pagtaas nito. Kung ating susuriin, may mga bansang mas
nangangailangan ng yamang tao dahil sa kakulangan
upang matugunan ang ekonomikal na aspeto ng kanilang
lipunan. May ibang mga bansa naman na nais mapabagal ang
bilang ng yamang tao sapagkat maaaring kinukulang
naman ang kanilang bansa upang matugunan ang
pangangailangan ng bawat mamamayan. Dahil sa
kagustuhang mapataas ang yamang tao ng kanilang bansa, may mga bansang tumatanggap ng ibang lahi buhat
sa karatig bansa upang sa kanila maghanap-buhay. At para sa mga bansang nagnanais na mapababa naman
ang bilang ng kanilang mamamayan, sila ay naglulunsad ng iba’t ibang batas na naglalayong mapabagal ang
patuloy na pagtaas ng bilang ng kanilang populasyon.
MGA PARAAN UPANG MAPAGBAGAL ANG BILIS NG PAGLAKI NG POPULASYON

FAMILY PLANNING- ay ang pagtulong sa mga mag-asawa o mga indibidwal na makapagplano upang makamit
ang hustong bilang ng pamilya na isang katangian ng pagiging responsableng magulang.
REPRODUCTIVE HEALTH LAW- isang batas na may layuning mabigyang serbisyong pangproduktibo para sa
lahat. Dito rin nakapaloob ang family planning at paggamit ng contraception.
CONTRACEPTION- ito ay paraan ng pagpigil upang magbuntis ang isang tao sa pamamagitan ng pag-inom ng
gamot, pagpapaturok, at iba pa.
OVERSEAS WORKERS- Ang mga manggagawa na naghahanapbuhay sa labas ng bansa upang matustusan
ang pangangailangan ng kanilang pamilya.
ONE-CHILD POLICY- ang batas na umiiral sa bansang China na naglilimita sa bawat magulang na magkaroon
ng anak ng hindi tataas sa isa upang mapigilan ang pagtaas ng kanilang populasyon.

E. URI NG HANAPBUHAY, BILANG NG MAY HANAPBUHAY, AT KITA NG BAWAT TAO


Dahil sa lawak at laki ng Kontinente ng Asya, ang malaking bahagi ng rehiyong ito ay pang-agrikultural kaya’t
hindi malayo na ang pangunahing hanapbuhay dito ay pagsasaka. Bukod sa malawak na kalupaang
pangsaka, malawak din ang espasyong pandagat sa Asya at isa ring pangunahing hanapbuhay dito ay ang
pangingisda. Sa pagdaan ng panahon, mas lalong nadaragdagan ang ikinabubuhay ng bawat Asyano, nariyan
ang pagpasok sa mga pagawaan na ginagamitan ng makinarya upang makabuo ng panibagong produkto na
siyang nagagamit upang sila ay mabuhay. Makikita sa larawan sa ibaba ang iba’t ibang hanapbuhay na
umusbong dito sa kontinente ng Asya.
Narito ang listahan ng mga bansang Asyano na kabilang sa 50 bansa sa buong mundo na may
pinakamataas na bahagdan ng populasyon na may hanabuhay:

Bansang kasama sa Ranggo sa Asya Ranggo sa Mundo Bahagdan o


pinakamataas na porsiyento
Employment Rate sa Mundo
China 1 6 75.1%
Japan 2 11 74.3%
Israel 3 22 68.6%
South Korea 4 26 66.1%
India 5 41 53.3%
Pinagkunan: Organization for Economic Cooperation and Development (OECD, 2018)
Isa sa indikasyon ng pagiging maunlad at produktibong bansa ay ang pagkakaroon ng mataas na bilang ng
mga may hanabuhay. Kung ating susuriin ang mga bansang nasa listahan, talaga namang kabilang din sila sa
mga bansang mauunlad. Ang bansang China, pinakamarami man ang populasyon ngunit nangunguna pa rin
sa dami ng kanilang manggagawa. Isa ring indikasyon ito kaya’t maraming mga mamamayan ang hindi
umaalis sa kanilang bansa sapagkat narito na ang kanilang ikinabubuhay. Mayroon namang ibang mga lahi
tulad na lamang dito sa ating bansa ang nakikipagsapalaran sa ibang bansa upang maghanap ng magandang
trabaho.

Narito naman ang listahan ng mga bansa sa Asya na may pinakamataas na bilang ng mamamayang
walang hanabuhay:

Bansa Porsiyento o Bahagdan Bansa Porsiyento o Bahagdan


ng Populasyong ng Populasyong Walang
Walang Hanapbuhay Hanapbuhay
1. Palestine 29.10% 6. Iraq 14.80%
2. Jordan 19.00% 7. Turkey 14.10%
3. Armenia 16.90% 8. Yemen 12.90%
4. Oman 16.00% 9. Iran 12.20%
5. Syria 14.90% 10. Mongolia 11.80%
Pinagkunan: Trading Economics
Malaki rin ang nagiging epekto ng mataas na bahagdang bilang ng mga mamamayang walang
hanapbuhay sa isang bansa pagdating sa takbo ng kanilang ekonomiya. Maaaring isa sa mga dahilan nito ay
ang kakulangan ng sapat na edukasyon sa bawat mamamayan na nagreresulta upang hindi makakuha ng
trabahong angkop sa kanilang kakayahan. Dahil sa suliraning ito, maaring madaling maubos ang yamang
pinagkukunan sa mga bansang ito,
Tunghayan sa pahina 88-89 ang listahan ng mga bansang kabilang sa may pinakamataas na Per
capita GDP. Sa talahanayang ito, dito nakikita kung gaano kayabong ang ekonomiya ng bawat bansa dahil sa
ranggong kinabibilangan nila pagdating sa bilang ng GDP. Ano nga ba ang GDP at bakit ito ang naging sukatan
ng karangyaan ng isang bansa? Ang GDP o ang tinatawag na Gross Domestic Product ay pormula o ang
kabuuang panloob na kita ng isang bansa na hinahati sa dami ng populasyon dito. Sa pamamagitan ngg
halagang ito matutukoy ang kinikita (average) ng isang mamamayan sa loob ng isang buong taon kung siya ay
naghahanapbuhay.
F. BAHAGDAN NG MARUNONG BUMASA AT SUMULAT

Ang pagbibigay ng sapat na edukasyon ng bawat bansa


sa mga mamamayang nasasakupan ay isa ring magandang senyales
sa pagpapaunlad ng isang bansa. sa tulong ng edukasyon,
natutulungan ang bawat Asyano na maging produktibo at makakuha ng
magandang hanapbuhay na angkop sa propesyong kanilang natapos
at sa kanilang kakayahan. Implikasyon din ng karangyaan ng isang
bansa ang pagkakaroon ng mataas na bilang ng mamamayang
marunong bumasa at sumulat. Sa pamamagitan nito, matutulungan ng
bawat mamamayang may sapat na edukasyon ang kanilang bansa na
pataasin ang bilang ng may hanabuhay gayundin ang gross domestic
product nito.
Sa kasalukuyan, inaasahan na ang bansang Pilipinas ay mas tataas ang kalidad ng edukasyon
dahil sa pagpapatupad ng programang K-12 na makatutulong sa pagpapaunlad ng isang bansa. Katulad na
lamang sa mga bansang Japan at South Korea, edukasyon ang naging puhunan ng dalawang bansa sa
pagpapaunlad ng kanilang ekonomiya.

Tunghayan ang talahanayan ng bahagdan ng populasyon edad 15 hanggang 64 na marunong bumasa at


sumulat sa Asya, batay sa report ng UNESCO para sa taong 2015.

Gitnang Asya Silangang Asya Kanlurang Asya Timog Asya


Bansa Antas Bansa Antas Bansa Antas Bansa Antas
Armenia 99.8% North 100% Jordan 97.9% Maldives 99.3%
Korea
Azerbaijan 99.8% Japan 99% Qatar 97.8% Sri Lanka 92.6%
Kazakhstan 99.8% Taiwan 98.7% Israel 97.6% Bangladesh 72.8%
Tajikistan 99.8% Mongolia 98.4% Bahrain 95.7% India 72.1%
Turkmenistan 99.7% South 97.9% Turkey 95.0% Bhutan 64.9%
Korea
Uzbekistan 99.6% China 96.4% Oman 94.8% Nepal 64.7%
Kyrgyzstan 99.5% Saudi 94.7% Pakistan 56.4%
Arabia
UAE 93.8% Afghanistan 38.2%
Iran 86.8%
Syria 86.4%

Timog-silangang Asya
Bansa Antas Bansa Antas
Singapore 96.8% Laos 79.9%
Thailand 96.7% Cambodia 77.2%
Brunei 96.4% Myanmar 75.6%
Philippines 96.3% Timor-Leste 69.5%
Malaysia 94.6%
Vietnam 94.5%
Indonesia 93.9%
G. MIGRASYON

Ang migrasyon ay isang paraan ng paglipat ng


tirahan mula sa isang lugar na kinagisnan papunta sa bagong
pook na maaaring nangyayari sa loob man o sa labas ng isang
bansa. Kadalasang gumagawa ng ganito ay ang mga taong nais
makipagsapalaran sa ibang lugar tulad na lamang ng
paghahanap ng magandang hanabuhay, gustong umiwas sa
gulo o trahedya, at kung ano pa mang mga kadahilanan. Hindi na
bago sa ating mga Pilipino ang salitang migrasyon sapagkat dito
sa ating bansa, maraming mga Pilipino ang nagpupunta sa iba’t
ibang bansa at sila ay tinatawag na Oversees Filipino Workers
na kung saan, sila ay nangingibang bansa upang matustusan
ang pangangailangan ng kanilang mga pamilya. Mayroon din
namang ibang mga lahi ang dumarayo dito sa ating bansa upang
magpatayo ng kanilang mga negosyo tulad na lamang ng mga
Tsino, Hapones, Indiano, at marami pang iba.

POSITIBONG EPEKTO NG MIGRASYON NEGATIBONG EPEKTO NG MIGRASYON


1. Pagkakaroon ng hanabuhay 1. Diskriminasyon sapagkat naiibang lahi sa
2. Pag-unlad ng lugar o bansang nilipatan nilipatang bansa.
3. Pag-unlad ng ekonomiya 2. Pangmamaltrato
4. Makakasalamuha ang ibang tao 3. Paghihiwalay ng landas sa pamilyang naiwan
4. Mababawasan ng manggagawa sa inalisang
lugar

You might also like