You are on page 1of 27

7AP Grade 7 QUARTER 1: ARALIN

ARALING PANLIPUNAN
Unang Markahan – Modyul 7:
YAMANG TAO T KAUNLARAN NG ASYA
( AP7HAS-le-1.7)

i
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang

Unang Markahan – Modyul 7: Yamang-Tao at Kaunlaran ng Asya

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat
na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang
mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng
mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa aklat na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad


Assistant Regional Director: Jessie L. Amin

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Julia D. Dioneda


Editor: Cely Mae L. Barrozo
Tagasuri: Divina M. Diaz, Ph. D.
Tagaguhit: Franklyn D. Vargas
Tagalapat: Edsel D. Doctama

ii
PAMAGAT
Yamang-Tao at Kaunlaran ng Asya

Mahalagang pag-aaral ng populasyon dahil makatutulong

ito sa pagplano ng pamahalaan sa larangan ng kalusugan,

pabahay, trabaho, edukasyon, serbisyong panlipunan, at

pangangalaga sa kapaligiran. Mahalaga ang papel ng yamang-tao

sa pagpapaunlad ng bansa dahil ang pagsusumikap ng mga

mamamayan ng isang bansa ang susi upang makamit ang

kaunlaran. Higit mo ngayong maipagmamalaki ang mga yamang

ito ng mga bansang Asyano.

LAYUNIN Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang

magagawa mo ang mga sumusunod:

1. Naipaliliwanag ang konseptong populasyon at iba pang

kaugnay na konsepto,

2. Natutukoy at nasusuri ang kahalagahan ng populasyon bilang

yamang-tao

3. Nasusuri at naihahambing ang mga datos kaugnay sa katangian

ng populasyon sa mga bansa sa Asya .

4. Nakagagawa ng sariling pananaw na may kinalaman sa pag-

unlad ng yamang tao.

TALAHULUGAN Ang mga sumusunod na salita ay makatutulong sayo

upang mas maintindihan mo ang mga susunod na paksang aaralin.

Brain drain- ang pangingibang-bayan ng mga mahuhusay at mga

talentadong tao sa ibang bansa para maghanap ng mas

magandang trabaho at mas mataas na antas ng pamumuhay

Gross Domestic Product (GDP) – ang kabuuang panloob na kita

ng isang bansa sa loob ng isang taon

1
Lakas-paggawa o Labor Force- ang mamamayan na may edad

15 pataas na may sapat nang lakas, kasanayan, at maturity upang

aktibong makilahok sa mga gawaing pamproduksiyon ng bansa.

Life expectancy – inaasahang haba ng buhay.

Literacy Rate – tumutukoy sa bahagdan ng populasyon na

marunong bumasa at sumulat.

Migrasyon – pandarayuhan o paglipat ng lugar o tirahan

Populasyon – tumutukoy sa dami ng tao sa isang lugar o bansa.

Population Density – distribusyon ng tao sa isang lugar

Population Growth – bahagdan ng bilis ng pagdami ng tao sa

isang bansa bawat taon.

Urbanisasyon – tumutukoy sa mabilis na paglago ng mga lungsod

Unemployment Rate – tumutukoy sa bahagdan ng populasyon na

walang hanapbuhay o pinagkakakitaan

PANIMULANG
Handa ka na bang simulan
PAGSUBOK
ang aralin? Kung ganon,

gawin ang gawain sa ibaba.

Chart Interpretation: Pag-aralan ang tsart sa ibaba, iayos ang

mga rehiyon ng Asya mula sa pinakamalaki hanggang sa

pinakamaliit na populasyon. Ilagay ang iyong sagot sa kolum.

Rehiyon Populasyon (2010) Rank


Hilagang Asya 80,000,000
Timog Asya 1,717,433,848
Silangang Asya 1,562,108,607
Timog-Silangang Asya 606,418,773
Timog-Kanlurang Asya 233,667,063
www.geolive.com

2
GAWAIN SA
PAGKATUTO Handa ka na bang tuklasin
ang yamang tao ng Asya?

Alamin
Mo!

Aralin 1 : POPULASYON NG ASYA

Ang populasyon ay isang malakas na impluwensiyang

nakapagdudulot ng mabuting kalagayan at kaularan sa isang bansa.

Ngunit hindi maitatanggi na ito ay nagiging sanhi ng mga suliraninng

pangkabuhayan, pangkapaligiran at panlipunan ng isang bansa.

Sinasabi na halos 60 porsyento ng populasyon ng daigdig ay

galing sa Asya. Ang karamihan nito ay sa Silangan Asya, Timog

Silangang Asya at Timog Asya. Inokupa nila ang 17.4 porsyento ng

kalupaan. Ang kabuuan noong 1995 ay 3.2 bilyong tao, na ang

kalahati ay galing sa mga bansa sa Asya..

Hindi pantay ang distribusyon ng populasyon ng Asya. Ang

karamihan ng mga tao sa Asya ay naninirahan sa mga pook rural.

Bagaman mapupunang napakabilis din ng paglaki o pagdagsa ng

tao sa pook na urban.

Populasyon ng Bawat Kontinente


Kontinente Populasyon (2012)
1.Asya 4,165,252,000
2.Africa 1,022,234,000
3.Europe 738,199,000
4.North America 528,720,000
5.South America 387,489,000
6.Australia/Oceania 36,539,000

3
Ang Asya ang pinakamataong kontinente sa mundo.

Mahigit sa kalahati ang nakatira sa Asya. Ayon sa pinakahuling

estadistikang demograpiko, mula sa kabuuang pandaigdig na

populasyon na 5.85 bilyon, 3.5 bilyon (60%) ang nakatira sa Asya.

Isa pang kawili-wiling katotohanan ay kalahati ng 3.5 bilyon na

Asyano ay nakatira sa dalawang bansa lamang sa Tsina at India.

Malubha ang mga suliranin ng sobrang populasyon at paghihirap sa

Asya. Sa maraming bahagi ng Timog Asya, ang karaniwang kapal

ng populasyon ay mahigit 600 katao sa bawat milya kwadrado. Sa

loob ng maraming siglo, ang pagsisiksikang ito ang naging sanhi ng

mga kapinsalaang tulad ng mga baha, tagtuyot, taggutom at sakit.

Sa buong Asya, lalung-lalo na sa China at India, ang pangunahing

mga problema ay kung paano daragdagan ang produksiyon ng

pagkain at kung paano pabababain ang bilis ng pag-anak.

YAMANG TAO

Kakabit ng salitang populasyon ang yamang-tao. Tumutukoy

ito sa populasyon ng isang bansa na may kakayahang paunlarin ang

sarili, ang kanilang pamilya, at ang buong bansa. Ito ang mga tao na

naghahanapbuhay at nag-aambag sa pag-unlad ng bansa.

Halimbawa nito ay mga manggagawa, doktor, guro, at iba pa.

Malaking salik ang yamang-tao sa pagpapaunlad ng isang bansa.

Sila ang nagpapatakbo ng kalakalan at kabilang sa mga

naghahanapbuhay. Matutukoy ang kaunlaran ng bansa sa

pamamagitan ng mga indikasyong may kinalaman sa yamang-tao.

4
KATAYUANG PANGKAPALIGIRAN

Samantala, may mga malaking pook-urban tulad ng Manila

sa Pilipinas na dinaragsa ng mga tao buhat sa mga pook-rural sanhi

ng mga kalamidad. Ang halimbawa nito ay ang pagputok ng bulkan.

Maraming pagbagyong kailangan sa mga pook-rural upang

pagyamanin ang lupa at mga produktong agrikultural ngunit

minarapat pa nilang pumunta sa lungsod upang makipagsapalaran.

Ang taunang pagtaas ng populasyon sa Asya ay tinatayang

1.8 porsyento. Mababa ito sa Hapon, Tsina, Taiwan at Singapore.

Ito ay sa kadahilanang may mga batas ang bansa na pumipigil sa

pagdami ng anak. Samantala, sa Pilipinas at India hindi halos

mapigil ang paglaki ng populasyon.

Bata ang populasyon ng Asya maliban sa ilang bansang


sinasabing matanda ang populasyon tulad ng bansang Hapon.

Ano ang masasabi mo?


Maunlad, papaunlad o
mahirap ba ang mga
bansa sa Asya?

Mapapansin na ang mga lungsod na mabilis ang antas ng

urbanisasyon ay naapektuhan ng sumusunod na mga salik. Una,

impluwensya ng mga Kanluranin. Maliban sa Bangkok, ang lahat ng

mga bansang matatagpuan ang mga lungsod ay naging kolonya ng

mga Kanluranin. Ang dominasyon ng mga ito sa larangan ng

ekonomiya at pulitika ay kapuna-puna. Halimbawa nito ang Bombay,

Colombo, Karachi, Madras, Calcutta, Singapore, Jakarta, Maynila,

HoChi Minh, Hanoi at Phnom Penh. Kahit ang China, marami sa

5
malalaking lungsod sa mga baybayin nito ang naimpluwensiyahan

ng mga Kanluranin. Sa Hapon, ang urbanisasyon ay tinatawag na

phenomenon, tinatayang ang 75 porsyento ng populasyon nito ay

urban. Samantala sa ibang bansa, 20-40 porsyento ng kalakhan ng

populasyon ay nasa mga rural na pook.

Ikalawa, ang impluwensiya ng relihiyong Islam. Sa

Timog-Kanlurang Asya sakop ang gitnang bahagi, lumaki ang

populasyon ng kalunsuran dahil sa pagpapatatag ng kulturang

Muslim. Halimbawa nito ay ang Tehran, Baghdad, Damascus,

Jerusalem, Istanbul. Ang modernong urbanisasyon ay makikita sa

Tel Aviv-Yafo (Tel Aviv-Jappa), Beirut, Ankara at Tashkent.

ANTAS NG KABUHAYAN SA MGA BANSANG ASYANO

Sinasabing ang isang bansa, para maging maunlad ang

kabuhayan, ay kailangang gumamit ng teknolohiya. Maunlad ang

teknolohiya sa maraming bansang Asyano.

Yamang-Tao at Teknolohiya

Ano nga ba ang teknolohiya? Ito ay tumutukoy sa

makabagong pamamaraang ginagamitan ng makina. Sa

pamamagitan nito ay napabilis ang gawain. Halimbawa, kailangan

ang tubig sa larangan ng agrikultura. Sa halip na umasa sa ulan,

may malaulang papatak sa mga tanim. Sa halip na kamay ang

gagawa, makina ang paaandarin. Bukod sa mabilis, marami pa ang

magagawa sa maikling panahon. Kaya nga buhat sa maraming

manggagawa at kaunting makinarya, naging baligtad – maraming

makinarya at kaunting maggagawa. Sa bansang mauunlad, may

mga industrial robot sila. Ginagamit ang mga ito sa mga maselan o

6
mapanganib na gawain, halimbawa sa mga pagawaan ng mga

sasakyan. Sa mga maunlad na bansa halos lahat ay awtomatik o

push button. Sa malalaking gusali, kung aakyat sa ikasampung

palapag, gagamit ka pa ba ng hagdanan? Hindi na, dahil mayroon

nang mga elevator at escalator sa mga modernong gusali at mall.

May problema, dahil makinarya ang gamit, kailangan ang langis.

Kailangan ang kasanayan sa pagpapatakbo. Ang mga papaunlad

naman ay nanghihiram ng mga teknolohiya. At dahil may mga

ugnayang pang-ekonomiko ang mga bansang Asyano, nagaganap

ang technology transfer. May kasamaang dulot ang teknolohiya sa

populasyon ng isang bansa.

* Una, dahil mas marami ang makinarya, marami rin ang nawawalan

ng hanapbuhay.

* Ikalawa, dahil sa artipisyal na mga fertilizer, ang sakahan ay maaari

nang taniman ng tatlong beses (triple harvest) nang walang pahinga

ang lupa.

* Ikatlo, dahil sa maunlad na teknolohiya, lumiliit ang mga sakahan,

ginagawa itong mga pagawaan, sentro ng industriya at mga

panahanan.

* Ikaapat, dahil sa antas ng teknolohiya, mabilis na nagagawa ang

mga hilaw na produkto kaya mabilis na nauubos ang mga ito.

Halimbawa, ang paggagawa ng mga lawanit, plywood at

kasangkapan. Pagtrotroso ang tugon dito, hindi ba? Ngunit ilang

taon ba bago mapakinabangan ang isang punong itinanim ngayon?

Tamang may mataas na antas ng teknolohiya subalit hindi

dapat kaligtaan ang pangangalaga sa mga yamang-likas nito. Yaong

mapananatili ang balanseng ekolohikal. Dapat tandaan ang isang

7
prinsipiyong pang-ekonomiko. Ang pangangailangan ng tao ay

walang hanggan subalit ang yamang-likas ay nauubos. Ganyang

palaki nang palaki ang populasyon dapat marahil na pangalagaan

nating mabuti ang mga likas na yaman, huwag nating abusuhin para

may magamit pa ang susunod na mga salinlahi.

Populasyon at mga Pagpapahalaga

Kaalinsabay ng modernisasyon, apektado ang mga

pagpapahalagang moral sa Asya. Isang bagay na maaaring

magdulot ng hindi magandang bunga sa makabagong henerasyon.

Naging komplikado ang buhay. Ang mga magulang ay dapat may

sapat na kita para makapag-aral ang mga bata. Kapalit nito, naging

palasak ang mga libangan tulad ng TV, computer, mga babasahing

hindi naman nagdudulot ng mabuti sa pagpapahalagang moral ng

mga kabataan. Sa kasalukuyan ang mga Asyano ay kumikilos

bilang isang mamamayan. Sila ay may hangarin na umunlad at

makilala bilang lider katulad ng Japan, Singapore at China. Totoong

iba-iba ang kanilang ideolohiya subalit lahat sila ay pawang mga

Asyano. Habang lumalaki ang populasyon ay lumalaki rin ang

pangangailangan sa mga paglilingkod at panlipunan tulad ng mga

ospital, sentro ng kalusugang panrural, doktor at nars, gamot,

palaruan, day care, nurseries, sentro ng pagplaplano ng pamilya at

iba pa. Sinisikap din ng mga bansang Arabe na maging malinis ang

kanilang kapaligiran, tahanan at mga pamayanan. Nagpapatayo sila

ng mga planta sa desalinisasyon ng tubig alat upang magkaroon ng

malinis na tubig ng magagamit sa araw-araw. Sa Timog-Silangang

Asya, suliranin ang kakulangan ng mga pampublikong serbisyong

8
pangkalusugan sa mga malalaking lungsod tulad ng Jakarta, Manila,

Bangkok at iba pa. Upang malutas ang mga suliraning ito,

naglungsad ng mga programang pangkalusugan ang mga bansang

ito.

Dala ng mga kahirapang pangkabuhayan, maraming tao sa

mga bansa sa Asya ang nawawalan ng hanapbuhay at patuloy na

lumalaki ang bilang ng mga walang hanapbuhay taon-taon. Patuloy

ang pandarayuhan ng mga manggagawang Asyano sa mga

bansang mayaman sa langis sa Timog-Kanlurang Asya, Hilagang

Aprika, at sa mga bansang Kanluranin na nangangailangan ng mga

manggagawa. Ang mga bansang mabilis ang paglaki ng populasyon

ay karaniwan ng nagkakaroon ng mga suliraning pang-edukasyon.

Kabilang sa mga suliranin ang kakulangan sa mga silid-aralan, guro,

at salaping gagamiting pambayad sa mga pangangailangan.

Kakailanganin ang mga aklat sa pagpapatupad ng mga pagbabago

sa kurikulum upang makatugon ang edukasyon sa pangangailangan

ng kasalukuyang panahon. Sa bansang Pilipinas, nangangailangan

ng maraming paaralan, guro at aklat taon-taon para sa mga

dumaraming bilang ng mag-aaral. Ginagawan ng paraan ng mga

pinuno ng pamahalaan upang malutas ang malaking suliranin na ito.

Maraming bansa sa Asya ang may suliranin sa pagkain. Hindi nila

natutugunan ang pangangailangan ng kanilang mga mamamayan.

Upang matugunan ang suliraning ito, kinakailangang mapabuti ng

mga tao ang antas ng teknolohiya sa agrikultura.

9
Usapin sa hanap buhay at Kaunlaran

Ang pangunahing ikinabubuhay ng mga mamamayan sa

Timog, Silangan, at Timog Silangan Asya ay pagsasaka at

pangingisda lalo pa’t ang kontinente ng Asya ay tahanan ng iba’t

ibang anyong tubig. Ang Kanlurang Asya ay mayaman sa deposito

ng langis at iba pag mga mineral. Ang kaunlaran ng isang bansa ay

maaring masukat sa pamamagitan ng tinatawag na gross domestic

product o GDP.

Sa bahaging ito, inaasahan na nakalikom ka na ng


sapat na kaalaman. Kung iyong pinag-aaralan ang modyul
na ito nang mabuti, matututuhan mo ang mga kasagutan sa
lahat ng tanong sa pagsusulit at marami pang iba! Handa ka
na ba? Maaari ka ng magtungo sa susunod na pahina upang
simulan ang aralin

Aralin 2 : YAMANG TAO AT PAG-UNLAD SA ASYA

Mahalaga ang papel ng yamang tao sa

pagpapaunlad ng bansa dahil sa pagsusumikap ng mga

mamamayan ng isang bansa ang susi upang makamit

ang kaunlaran. Tunghayan ang iba pang mga konseptong

nakapaloob sa pag-aaral ng yamang tao

10
Dami ng Tao

Tinatayang nasa 4.3 na ang populasyon ng Asya noong 2013

at inaasahan na madaragdagan ito ng isang bilyong tao sa taong

2050. Ang malaking bahagi ng paglago ng populasyon ng Asya ay

nakasalalay sa mangyayari sa dalawang bansa na may

pinakamalaking populasyon sa kasalukuyan, ang China at India.

Tinatayang nasa 60 porsiyento ng populasyon sa Asya ay

nagmumula sa dalawang bansang ito.

Sa taong 2030, inaasahan na mahihigitan na ng India ang

populasyon ng China at ito na ang magiging bansa na may

pinakamalaking populasyon sa mundo.

https://www.britannica.com/explore/savingearth/population/

20 Bansa sa Mundo na may Pinakamalaking Populasyon

Bansa Populasyon Bansa Populasyon


(milyon) (milyon)
1. China 1,347 11.Mexico 115
2. India 1,241 12.Pilipinas 96
3. United States 312 13.Vietnam 88
4. Indonesia 328 14.Ethiopia 87
5. Brazil 197 15. Egypt 82.6
6. Pakistan 177 16. Germany 81.8

11
7. Nigeria 162 17. Iran 78
8. Bangladesh 151 18. Turkey 74
9. Russia 143 19. Thailand 69.5
10. Japan 128 20. Congo 67.8
(Dem.
Rep.)
Pinagkunan: http://www.worldpopulationstatistics.com/population-of-Asia-2014/at 2011 World
Population Data sheet – population Reference Bureau

Komposisyon Ayon sa Gulang

Sa mga papaunlad na bansa na may mababang kita, ang

ikatlong bahagi ng populasyon ay nasa edad 15 pababa. Ito ay

nangangahulugan na ang mga bansang ito ay may batang

populasyon o ang malaking bahagi ng populasyon ay nasa edad 15

pababa at maaaring masyado pang bata upang magtrabaho o

umaasa lamang sa mga may trabaho.

Subalit ang mabagal na antas ng paglago ng populasyon ay

naghahatid din ng suliranin. Sa pagbagal ng paglago ng populasyon,

ang edad ng populasyon ay unti-unti ring tumatanda. Ang

matandang populasyon ay nangangahulugan na ang malaking

bahagi ng populasyon ay binubuo ng mga taong nasa edad 65

pataas. Ang pagtaas ng antas ng matandang populasyon.

Ang isang epekto nito ay ang patuloy na pagtaas ng bilang

ng mag taong walang hanapbuhay o nananatiling umaasa. Ang

isang bansa na may matandang populasyon ay magkakaroon ng

sulranin sa lakas paggawa dahil sa kakulangan sa manggagawa. Ito

ang isyu na kinakaharap ng mga bansa na mauunlad sa hinaharap

kapag patuloy na naging mabagal ang antas ng paglago ng

populasyon. Tinatayang ang matandang populasyon ng Asya ay

aabot sa 922.7 milyon sa kalagitnaan ng siglo batay sa Asian

12
Development Outlook 2011 Update. Nasa landas ng Asya na maging

pinakamatandang rehiyon sa mundo batay sa populasyon.

Ang gastusin para sa tumatandang populasyon ay isa sa mga

hamon na kinakaharap ng mga bansa sa Asya gaya ng Japan at

Singapore.

Inaasahang Haba ng Buhay (Life Expectancy)

Sinusukat nito ang haba ng buhay ng bawat tao na may

kaugnayan sa pisikal na kaligtasan, antas ng nutrisyon, katayuang

pangkalusugan, at iba pang indikasyon.

Maraming salik ang nakatutulong sa paghaba ng buhay ng

tao. Kabilang ang pagkain, paraan ng pamumuhay, hanapbuhay,

access sa serbisyong medical, at kalagayan ng ekonomiya. Batay sa

pag-aaral, ang mga bansang mauunlad ay mayroon mas mahabang

life expectancy kaysa sa mga bansa na mahihirap.

Bilis ng Paglaki ng Populasyon (Growth Rate)

Ipinapakita nito ang bilang ng ipinapanganak at namamatay

at ang bilang ng mga tao na umaalis o pumapasok sa isang

bansa.Sa pagbagal ng birth rate, ang antas ng paglago ng

populasyon sa maraming bansa ay unti-unting bumababa.

Samantala, mataas pa rin ang antas ng paglago ng populasyon sa

ilang bansa dahil ang birth rate ay hindi bumaba kasabay ng death

rate. Ang paglago ng populasyon ay mataas sa mga bansang may

mababang kita o mga papaunlad pa lamang.

Kapag mas mabilis ang antas ng paglago ng populasyon ay

mas mahirap para sa mga papaunlad na bansa na itaas ang

13
kanilang antas ng pamumuhay at pangalagaan ang kapaligiran dahil

ang mas mataas na populasyon ay nangangahulugan ng malaking

pangangailangan sa pagkain, edukasyon, serbisyong

pangkalusugan, tirahan, trabaho, at enerhiya. Dagdag pa rito, ang

yaman ng bansa ay dapat pantay na naipamamahagi sa populasyon.

Malaking hamon din sa kayahan ng isang bansa na may

mabilis na lumalagong populasyon ang pangalagaan ang mga likas

na yaman. Ang mga bansa sa Asya na mayroong mataas na growth

rate ay mayroong batang populasyon. Sa mga bansa gaya ng

Afghanistan, Bangladesh, Laos, Mongolia, Nepal, at Pakistan, ay

may 40 porsiyento ng populasyon na 15 taong gulang pababa. Ang

mga bansa naman na may mababang growth rate ay mayroong

matandang populasyon.

URI NG HANAPBUHAY/KABUHAYAN SA ASYA

Ang mga sumusunod na pahayag ang pangunahing kabuhayan sa

sa Asya:

Agrikultura

Ito ang pangunahing kabuhayan ng mga tao sa Asya.

Nagmula sa Asya ang malaking suplay ng mga pampalasa. Ang

palay at trigo naman ang pangunahing pananim at pagkain sa

kontinente lalo na sa Timog Silangang Asya. Nangunguna ang China

at India sa pagprodyus ng malaking suplay ng bigas sa buong

mundo.

Sa Kanlurang Asya ay may mga pananim gaya ng cereal,

lentil, at iba pang mga gulay. Iniluluwas din ang mga pangunahing

pananim gaya ng nuts, dates figs, citrus, at kape. Nasa talahanayan

14
ang pinakamahalagang komersyal na pananim sa Timog, Silangan,

at Timog Silangang Asya.

Pangunahin Mga Bansa


g Pananim
Rubber Malaysia,Indonesia,Thailand
(goma),
palm nuts
Tea (tsaa) Sri langka,India,Indonesia,China
Jute Bangladesh,China,India
Cottton India,Pakistan,China,Turkey,Turkmenistan,Uzbe
(bulak) kistan
Sugarcane India,Pakistan,Indonesia,Thailand,and Philipines
(tubo ng
asukal)
Silk (seda) China,Japan,India,North Korea,South Korea

Manufacturing

Unti-unting lumalago ang sector ng manufacturing sa Asya.

Ang Japan ay mayroong malawak na sector nito na tinatayang

saklaw ang ikaapat na bahagi ng populasyon nito. Mayroon ding

malalaking sentro ng manufacturing ang China, India, at Russia.

Naging matagumpay din sa larangang ito ang mga bansang Israel,

Taiwan, Singapore, at South Korea at naging mahalagang bahagi ito

sa ekonomiyang Indonesia, Iran, Malaysia, Pilipinas, Thailand,

Turkey, at Vietnam. Isa sa mga dahilan ng pag-unlad ng sektor na ito

ay ang pagtuon sa pagluluwas at pagkakaroon ng murang paggawa.

Ang mga produktong ginagawa sa mga bansang ito ay tela, damit,

sapatos, pagkain, handicraft, electronic at iba pang produkto. Sa

ibang bansa naman ang manufacturing ay nakatuon sa pagproseso

15
ng mga produktong agrikultural, mineral, mga hilaw na materyales, at

pagbuo sa mga makinarya at sasakyan.

Pagmimina

Ang pinakamahalagang produktong mineral na iniluluwas ay

ang petrolyo. Sa Asya, ang malaking deposito ng petrolyo ay nasa

Kanlurang Asya na nakapaligid sa Persian Gulf. Nagluluwas din ng

petrolyo ang Malaysia at Indonesia.

Pangingisda

Mahalaga ang pangingisda sa Asya. Karamihan sa mga

nahuhuli ay para sa pagkain at ang iba naman ay ginagamit para sa

pataba, animanl feeds, at iba pang gamit. Malaking bahagi ng

pagkain ng mga tao sa Asya ay nakadepende sa mga isda at

shellfish. Ang mga bansa na nangunguna sa pangingisda ay ang

Japan, China, India, Indonesia, Thailand, at South Korea. Makikita

ang mayamang pangisdaan ng Asya sa Kanlurang Pacific, silangan

ng Indian Ocean, at South China Sea (West Philippine Sea).

Pangungubat

Malaki ang kapakinabangan ng maraming bansa ang

mga produktong mula sa mga kagubatan lalo na ang mga

troso.Kilala ang mga tropical na kagubatan sa Asya sa pagkakaroon

ng mga matibay na troso para sa paggawa ng mga kagamitan at

konstruksiyon.

Sa malawak na kagubatan ng Siberya matatagpuan ang

pinakamalaking suplay ng troso sa kontinente. Malaki ang ambag

ng mga kagubatan sa kabuhayan at pambansang kita ng mga

16
bansa subalit ang hindi maayos na pamamahala sa pagputol ng

mga puno sa kagubatan ay naging sanhi ng deforestration.

https://www.slideshare.net/joanandres104/ibat-ibang-sektor-ng-
agrikultura

Bilang ng may Hanapbuhay

Sinusukat nito ang antas ng pamumuhay at yaman na

taglay ng populasyon ng isang bansa. Ang kabuhayan at kita ang

tumutugon sa mga pangunahing gastusin magagamit para sa

pagpapabuti ng katayuan ng tao sa buhay. Sinasalamin nito kung

paano nakatutulong ang mga tao para sa ikauunlad ng lipunan.

Upang masukat ang kita, ginagamit ang gross national product

(GNP) per capita. Sinusukat ng GNP ang halaga ng mga produkto

at serbisyong ginagawa ng isang pangkat ng tao sa loob ng isang

taon. Ang kabuuan nito ay hinahati sa laki ng populasyon.

Ang mga bansang Kuwait, Japan, Brunei, Israel, South

Korea, Cyprus, Bahrain ay iilan lang sa mga bansa sa Asya na may

mataas na bahagdan ni bilang ng may hanapbuhay.

17
Bahagdan ng Marunong Bumasa at Sumulat
(Literacy Rate)

Ito ay proporsiyon ng populasyon na may batayang kaalaman

sa pagbasa at pagsulat. Marami ang naniniwala na ang literacy rate

ay mahalaga sa pagsukat ng halaga ng lakas ng paggawa. Ito ay

batay sa pananaw na mas madaling sanayin ang mga taong

marunong bumasa at sumulat kaysa sa mga hindi marunong, kaya’t

mas may pagkakataon sila na makapag-aral sa mas mataas na

antas ng edukasyon, makahanap ng mas magandang trabaho, at

mas may oportunidad na umunlad sa buhay. Ang literacy o

kamuwangan ay makatutulong sa pag-unlad ng mga tao at ng

bansa. Ang bansang Tajikistan, Kazakstan, Georgis, Japan,

Armenia, Azerbaijan, North Korea, Turkmenista, Russian Asia ay ilan

lang sa mga bansa sa Asya na may matataas na literacy rate.

Migrasyon

Ang pandarayuhan ay paggalaw ng populasyon kung saan

ang mga tao ay pangmatagalan na nagtutungo o naninirahan sa ibang

lugar. Mahalaga ito sa mga bansa na nawawalan ng mga

mamamayan dahil sa pandarayuhan at sa mga tao na nagtungo sa

isang bansa upang maging permanenting mamamayan nito.

Dahil maayos mong natapos ang mga


aralin, may sapat na pag-unawa ka na sa
impluwensiya ng yamang-tao sa pagbuo
at pag-unlad ng kabihasnang Asyano.
Siguradong handa ka na na simulan ang
susunod na gawain.

18
PAGSASANAY
Pagsasanay 1
Tukuyin ang inilalarawan na salita sa bawat bilang. Maging
gabay ang mga unahan at hulihang titik. Piliin ang sagot sa
ginulong salita.
G_ _ _ _ _ R _ _ _ 1. Taunang pagtaas ng populasyon ng isang
bansa,
_ _ _E _ _ _ _ _ _ _ _ _ Y 2. Average na edad na kayang itagal
ng buhay ng tao sa isang bansa.
B _ _ _ _ _ P_ _ _ _ _ _ _ _ _ 3. Kalagayan kung saan malaki ang
bahagdan ng dami ng mga bata kaysa sa
mga matatanda.
_ _ _ _ _ _ _ _ _ N _ _ _ _ _ _ Y 4. Kakapalan ng tao sa isang
partikular na lugar.
L _ _ _ _ _ _ _ R _ _ _ 5. Bahagdan ng tao na may kakayahang
bumasa at sumulat

Pagsasanay 2
Opposing Arrows. Ipaliwanag ang kaugnayan ng salita sa
ibaba.

Populasyon Pag-unlad

Magkaugnay ang dalawa sapagkat …

19
Pagsasanay 3
Pagtambalin: Tukuyin ang konsepto na

Inilalarawan sa bawat bilang. Piliin ang

sagot sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa tabi ng


bilang sa Hanay A.

A B
____1. Ang malaking bahagi ng populasyon a. growth rate
ay nasa 15 pababa.

____2. Indikasyon upang masukat ang b. Literacy rate

Kaalaman.

____3. Bilang ng mga taon na inaasahang c. life expectancy

mabuhay ang tao

____4. Paggalaw ng populasyo. d. batang

populasyon

____5. Pagtaas ng populasyon ng bansa

Sa isang takdang panahon. e. migrasyon

Kumusta ang mga gawain? Naging madali ba ito

para sa iyo? Kung Oo, magaling! Binabati kita! Ito ay

nangangahulugan na lubusan mong naunawaan ang mga

aralin sa modyul na ito.

PANGWAKAS Sa bahaging ito susubukan natin muli ang ang mga kaalaman na
NA PAGSUBOK dapat mong tandaan. Gawin ang sinasabi sa panuto..

A. Panuto.Piliin ang tamang sagot sa bawat pahayag gamit ang

ginulong salita

_______1. Kapal ng tao sa isang lugar. (POLUTIONPA


NEDSITY)
_______2. Pinakamahalagang salik sa pagunlad ng isang bansa.

20
( MANGYA AOT)
_______3. Ang taonang nagmomonitor sa lagay ng populasyon.
(SUSNEC)
_______4. Ang mapang ginagamit kaugnay sa kalagayan ng
populasyon.
( MODEPHICGRA PAM)
_______ 5. Ahensiya na naglalaman ng mga datos sa
kasalukuyang lagay ng Populasyon ( SAP)
B. Tukuyin ang mga lugar na tinatanong. Piliin ang titik

lamang

6. Anong lugar ang may pinakamalaking supply ng troso sa

kontinente ng Asya.

a. Indonesia c. Pilipinas

b. Malaysia d. Siberia

7. Alin ang HINDI kabilang sa mga bansa sa Asya na

nangunguna sa pangingisda?

a. Japan c. Myanmar

b. India d. Thailand

8. Anong bansa ang mayroong malawak na sector ng

manufacturing na tinatayang saklaw ang ikaapat na bahagi

ng populasyon nito?

a. Japan c. Russia

b. China d. Saudi Arabia

9. Anong dalawang bansa ang nangunguna sa pagprodyus

ng supply ng bigas ssa mundo?

a. China at India c. Vietnam at

Thailand

b. Malaysia at Indonesia d. Laos at Cambodia

21
10. Anong bansa sa Asya ang kabilang sa may suliranin

hinggil sa tumatandang populasyon?

a. Afghanistan c. Japan

b. East Timor d. Nepal

Sa pagkakataong ito ay inaasahang nakamit mo ang

mga layunin ng aralin at higit mong napagnilay-nilay

ang kahalagahan ng yamang-tao ng Asya sap ag-

unlad nito. Bilang pagtatapos, sikaping magawa ang

karagdagang gawain

KARAGDAGANG Imagine Yourself. Kung ikaw ay isang mambabatas,anong batas


GAWAIN
ang nais mong ipatupad na makakatulong sa kaunlaran ng bansa

na may kinalaman sa pagpapaunlad ng yamang tao. Pumili ng

isang aspekto ng yamang tao at ipaliwanag ang batas.

Pangalan Maipatutupad Aspekto Dahilan o


ng batas na na Pangangailangan:
naisip: pagbabago
ng batas:

22
RUBRIC

Kraytirya Iskala Iskor


Mahusayna paraan sa 1-5
Pagbibigay ng katwiran
Makatotohanan 1-5
Kalidad ng impormasyon 1-5
Kabuuan 15

SUSI SA PAGWAWASTO

Pagsasanay 1
1. Growth Rate
2. Life Expectancy
3. Batang Populasyon
4. Population Density
5. Literacy Rate

Pagsasanay 2
Sariling Opinyon

Pagsasanay 3
1. D
2. B
3. C
4. E
5. A

Pangwakas Na Pagsubok
A. 1. Population Density
2. Yamang Tao
3. Census
4. Demographic Map
5. PSA
B. 6. d
7. c
8. a
9. a
10. c

23
SANGGUNIAN:
www.geolive.com
https://www.philstar.com/headlines/2019/12/28/1980277/population-growth-slows-down-15
Pic 2
https:www.gettyimages.com
https://www.pinterest.com/pin/314477986449837498/
Modyul: Project Ease AP II (datos ng populasyon ng Asya).
Aklat: Heograpiya ng Asya: Noon at Ngayon
Sulyap sa Kasaysayan ng Asya 8

24
For inquiries or comments, please contact:

25

You might also like