You are on page 1of 18

7 Department of Education

National Capital Region


S CHOOLS DIVIS ION OFFICE
MARIK INA CITY

Araling Panlipunan
Araling Asyano
Unang Markahan – Modyul 2

Manunulat: Mark Nhowie A. Santos


Tagaguhit ng Kober: Ma. Gwendelene J. Corañez

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Aralin Kalagayang Heograpikal ng
Asya

Alamin

Ang Pilipinas ay isang arkipelagong bansang Asyano na biniyayaan


ng mga magagandang tanawin katulad na lamang ng mga anyong lupa at
anyong tubig na nagiging tatak nating mga Pilipino hindi lamang sa Asya
pati narin sa buong mundo. Maliit at hiwa-hiwalay man ang mga isla ng
ating bansa, marami at malaki ang kapakinabangan natin sa anyong lupa
at tubig, Dito tayo kumukuha ng mga likas na pinagkukunang yaman na
kung saan ginagamit natin upang mapaunlad ang ating ekonomiya. Dahil
na rin sa klima ng ating bansa, tayo ay nabibiyayaan ng mga produktong
pangkalakal. Siguro nalulungkot ka din, napapaisip at nagtatanong bakit
walang nyebe (snow) sa ating bansa? Malamang pagkatapos ng aralin na
ito ay masasagot ang iyong tanong tungkol diyan at mas lalawak pa ang
iyong kaalaman tungkol sa mga Anyong Lupa at Tubig na makikita sa
Asya, pati na rin ang sukat at laki nito, mga nagtataasang bundok,
naglalalimang anyong Tubig at kung paano nakakaapekto ang klima o
panahon sa pamumuhay ng mga Asyano sa isang pook o lugar. Kaya tayo
na at simulan na nating tuklasin ang panibagong aralin na may
kinalaman sa Kontinente ng Asya.

Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan na ikaw ay:


1. naipapaliwanag ang sukat, hugis at anyo ng Asya;

2. natutukoy ang mga anyong lupa, anyong tubig, mga vegetation at


klima ng Asya;

3. napapahalagahan ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa paghubog ng


kabihasnang Asyano.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 1
Subukin

Sa bahaging ito ng modyul ay susukatin ang lawak ng kaalaman at ideya


mo tungkol sa araling tatalakayin. Tukuyin ang sinasaad ng bawat
pangungusap.

1. Pinaka mataas na anyong lupa.


A. bundok C.bulkan
B. tangway D.talampas

2. Anyong lupa na napapaligiran ng tubig.


A. disyerto C. pulo
B. kapatagan D. arkipelago

3. Anyong tubig na makipot at umaagos patungo sa dagat.


A. karagatan C. lawa
B. ilog D. golpo

4. Ang pinaka malaking lawa sa buong mundo.


A. Euphrates C. Tigris
B. Baikal Sea D. Caspian Sea

5. Ito ay pinagsamang kagubatan at damuhan.


A. tundra C. taiga
B. savanna D. rainforest

6. Ang tawag sa damuhan na mayroong mabababaw na ugat.


A. taiga C. Savanna
B. prairie D. Steppe

7. Ang Tibetan Plateau ay tinaguriang ___________________


A. Roof of the World C. Mt. of Gods
B. Stairway to Heaven D. Kingdom Mt.

8. Anong anyong lupa ang bansang Indonesia?


A. disyerto C. kapatagan
B. arkipelago D. kabundukan

9. Iba pang tawag sa anyong lupa na Tangway.


A. kapuluan C. peninsula
B. pulo D. gulf

10. Pinaka mataas na bundok sa buong mundo.


A. Mt. Kanchenjunga C. Mt. Everest
B. Mt. Apo D. K2
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 2
Balikan

Sa bahaging ito ng modyul ay muling babalikan ang mga kasanayang


nalinang na tungo sa bagong kaalaman.

Mapa-Guhit, Mapa-Kulayan

Gumuhit ng buong mapa ng Asya sa loob ng kahon. Pagkatapos, kulayan


ang mga bansang Asyano ayon sa kanilang pagkakahating rehiyon.

Mga Kulay Mga Rehiyon sa


Asya
Berde Hilaga/Gitnang Asya
Pula Kanlurang Asya
Dilaw Silangang Asya
Asul Timog-Silangang
Asya
Kayumanggi Timog Asya

Sagutan:
1. Kabuang Sukat ng kontinente ng Asya:
__________________________________________________________________________
2. Sa iyong palagay ano ang hugis at anyo ng Asya?
__________________________________________________________________________
3. Bakit kailangang malaman ang sukat, anyo at hugis ng Asya?
__________________________________________________________________________
4. Paano nagkakaroon ng ugnayan ang mga Asyano sa kanilang kapaligiran?
___________________________________________________________________________
5. Matutukoy mo ba ang kinaroroonan ng ating bansa?
___________________________________________________________________________

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 3
Tuklasin

Sa bahaging ito ng modyul ay ipakikilala sa iyo ang bagong tatalakayin sa


pamamagitan ng isang gawain upang lubusang maintindihan at
maunawaan ang aralin.

Punan at tukuyin ang hinihingi sa talahanayan

Mga Halimbawa ng Anyong Lupa Mga Halimbawa ng Anyong Tubig


1. Kabundukan 1. Karagatan
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

Sagutan

1. Bakit kailangang matukoy ang mga anyong lupa at tubig?


________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________

2. Paano makakatulong ang mga anyong lupa at tubig sa pamumuhay ng mga


Asyano?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________

3. Mayroong bang kapakinabangan sa ating ekonomiya ang mga anyong lupa at


tubig? Ipaliwanag ang iyong sagot
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 4
Suriin

Sa bahaging ito ay tatalakayin na ang araling nakapaloob dito sa modyul

na magbubukas sa mga kasanayang nais maipaabot sa mga mag-aaral.

Basahin.

Ang Asya ay may sukat na 44 milyong kilometro kuwadrado o isang

katlong kabuuang sukat ng kalupaan ng Daigdig. Dahil sa sobrang laki ng

kontinente, nagtataglay ito ng lahat ng uri ng anyong Lupa at anyong Tubig,

kasama na din ang mga vegetation cover at lahat ng uri ng klima ay

mararanasan din sa kontinente ng Asya (tunghayan sa mga sumusunod na

talahanayan). Hindi naman naging hadlang sa mga Asyano ang iba’t ibang

katangiang pisikal ng Asya, bagkus nagkaroon pa sila ng ugnayan sa kanilang

kapaligiran upang mapaunlad at malinang ang kanilang kabihasnan,

sibilisasyon, kultura, kasaysayan, pang ekonomiya at pang araw-araw na

pamumuhay.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 5
Talahanayan 1.1 Mga Piling Anyong Lupa na Makikita sa Asya

Bundok –pinaka mataas na anyong Bulubundukin – hanay ng mga


lupa magkakarugtong at magkakatabing
bundok

Himalayas – may habang umaabot sa


Mt. Everest – pinaka mataas na 2, 415 kilometro
bundok sa buong mundo may sukat Hindu Kush
na 8,850 metro. Pamir
K2 (Mt. Godwin Austen) – may taas
na 8,611 metro
Mt. Kanchenjunga – may taas na 8,
586 metro

Bulkan – may anyo at hugis na tulad Talampas – patag na lupa sa mataas


ng bundok ngunit maaari itong na lugar
sumabog anu mang oras.

-Dahil sa nakalatag sa Pacific Ring of


Fire ang Insular South East Asia
mayroong 300 na aktibong bulkan
dito

Tibetan Plateau – pinaka mataas na


talampas sa buong mundo tinatawag
din na Roof of the World
Talampas ng Deccan

Fuji
Mayon
Krakatoa
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 6
Kapuluan o Arkipelago – Mga Pulo – anyong lupa na napaliligiran
magkakahanay na pulo ng tubig
Umaabot sa 1,994,300 kilometro
kuwadrado ang kabuuang sukat ng
mga pulo sa Asya

Indonesia – pinaka malaking


archipelago na bansa sa buong
mundo
Pilipinas Cyprus
Japan Sri Lanka
Borneo

Disyerto – tuyo at tigang na anyong Kapatagan – malawak na lupaing


lupa patag na maaaring sakahan at
taniman

Halos ¼ na bahagi ng lupain ng Asya


ay kapatagan

Gobi Desert – pinaka malawak na


disyerto sa Asya
Taklimakan
Kara Kum
Tangway o Peninsula – anyong lupa na pahaba at nakausli ang lupa na
napaliligiran ng tubig

Turkey
India
Arabia

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 7
Talahanayang 1.2 Mga Piling Anyong Tubig na makikita sa Asya

Dagat – ay isang malaking anyong Golpo o Look – ang anyong tubig na


tubig-alat na nakadugtong sa isang nasa bukana ng dagat napaliligiran
karagatan o isang malaking lawing- din ng lupa
alat na walang likas na lagusan
Arabian Sea

Bay of Bengal
West Philippine Sea
Maya Bay
Bering Sea
Gulf of Tonkin
Black Sea
Ilog – isang mahaba at makipot na Lawa – isang anyong tubig na
anyong tubig na umaagos patungong napaliligiran ng anyong lupa
dagat

Caspian Sea – pinaka malaking lawa


Tigris at Euphrates sa buong mundo
Ganges River Baikal Lake – pinakamalalim na lawa
Huang-Ho sa daigdig
Laguna de Bay

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 8
Talahanayan 1.3 Ang mga Vegetation Cover ng Asya

Vegetation cover o uri at dami ng mga halaman sa isang lugar tulad ng


pagkakaroon ng kagubatan o damuhan ay epekto ng klima nito
Steppe – uri ng damuhang may ugat Prairie – lupaing may damuhang
na mababaw o shallow-rooted short matataas na malalalim ang ugat o
grasses deeply-rooted tall grasses

Savanna – ito ay pinagsamang Taiga o boreal forest – coniferous ang


kagubatan at damuhan mga kagubatan bunsod ng malamig
na klima dahil sa presipitasyon na
maaaring nasa anyong yelo o ulan

Tundra – halos walang puno sa Rainforest – ito ay kagubatan na


lupaing ito dahil sa malamig na klima nakararanas ng tag-ulan at tag-araw
at ang lupa dito ay may nakahalong
yelo

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 9
Talahanayan 1.4 Ang Mga Uri ng Klima sa Asya

Klima – kalagayan ng atmospera ng isang lupain sa loob ng mahabang


panahon
Panahon – kondisyon ng atmospera sa isang natatanging pook sa loob ng
nakatakdang oras
Rehiyon
Hilagang Sentral Kontinental. Mahaba ang taglamig na karaniwang
Asya tumatagal ng anim na buwan, at maigsi ang tag-init, ngunit
may ilang mga lugar na nagtataglay ng matabang lupa.
Gayunpaman malaking bahagi ng rehiyon ay hindi kayang
panirahan ng tao dahil sa sobrang lamig
Kanlurang Hindi palagian ang klima, maaaring magkaroon ng labis o di
Asya kaya’y katamtamang init o lamig ang lugar na ito. Bihira at
halos hindi nakakaranas ng ulan ang malaking bahagi ng
rehiyon. Kung umulan man, ito’y kadalasang bumabagsak
lamang sa mga pook na malapit sa dagat.
Timog Asya Iba-iba ang klima sa loob ng isang taon. Mahalumigmig kung
Hunyo hanggang Setyembre, taglamig kung buwan ng
Disyembre hanggang Pebrero at kung Marso hanggang Mayo,
tag-init at tagtuyot. Nananatiling malamig dahil sa niyebe o
yelo ang Himalayas at ibang bahagi ng rehiyon
Silangang Monsoon ang uri ng klima ng rehiyon. Dahil sa lawak ng
Asya rehiyon nito, ang mga bansa dito ay nakakaranas ng iba-ibang
panahon para sa mga bansang nasa mababang latitude,
malamig at nababalutan naman ng yelo ang ilang bahagi ng
rehiyon
Timog- Halos lahat ng bansa sa rehiyon ay may klimang tropical,
Silangang nakararanas ng tag-init, taglamig, tag-araw at tag-ulan.
Asya

Pamprosesong Tanong

1. Magbigay ng mga halimbawa na maaring panghanap buhay sa mga rehiyon sa


Asya dahil sa kanilang klima
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________

2. Paano nakakatulong ang klima sa kanilang pamumuhay? Pangatwiranan ang


iyong sagot
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 10
3. Bakit kaya hindi umuulan ng niyebe (snow) sa ating bansa? Ipaliwanag ang
iyong sagot.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

Pagyamanin

Sa bahaging ito ay kinakailangang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga


kasanayan sa paksa sa tulong ng mga gawaing inihanda sa bahaging ito ng
modyul.

Gumawa ng isang video vlog tungkol sa kapaligiran ng inyong lugar, na may


kinalaman sa anyong lupa, anyong tubig, vegetation cover at klima ang nasabing
video ay dapat 3 – 5 minuto ang tagal.
Para sa walang gadget maaring mangalap ng larawan ng anyong lupa at tubig
na matatagpuan sa inyong lugar.Ilarawan ito.

Sundin ang sumusunod na paraan ng paggawa ng Mobile Vlog


Rubrics
Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nakuhang Puntos
Kaangkupan ng -Kinakailangang
vlog sa Aralin ang gagawing
vlog ay may 7
kinalaman sa
araling tinalakay
Presntasyon -Malikhaing
pagbibigay
inpormasyon 6
tungkol sa
ginawang vlog
Pagpapaliwanag -Indikasyon na
at pagsasalita ang mag-aaral ay
mayroong
natutunan sa 7
Araling tinalakay
at dapat maayos
ang pananalita
habang nagre-
record ng vlog
Kabuuan 20

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 11
Isaisip

Sa bahaging ito ay bubuo ka ng paglalahat ng aralin.

Mula sa ating tinalakay na aralin dugtungan ng mga pangungusap ang mga


sumusunod:

Ang Aking Pagmumuni-muni sa Aralin


Natutunan ko na
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

Aking naunawan na
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

Bilang isang Pilipino ako ay


________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

Isagawa

Sa bahaging ito ng modyul ay naglalaman ng mga katanungan o pagpunan sa


patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo
mula sa aralin.

1. Paano mo matutulungan ang pamahalaang ng Lungsod ng Marikina sa


pananatili ng kalinisan ng kapaligiran sa lungsod?
_______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Bilang isang Asyano paano mo maipapaabot ang pagsuporta mo sa mga


bansang Asyano na may layuning pangalagaan ang mga anyong lupa at anyong
tubig
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

3. Bilang isang mag-aaral paano mo hihikayatin ang kapwa mag-aaral mo na


protektahan ang kalikasan?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 12
Tayahin

Sa bahaging ito ng modyul ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang


antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

I. Piliin ang letra ng tamang sagot, isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang

_______ 1 kondisyon ng atmospera sa isang natatanging pook sa loob ng


nakatakdang oras
A. klima B. panahon C. tag-init D. tag-ulan

_______ 2 isang anyong tubig na napaliligiran ng anyong lupa


A. lawa B. golpo C. ilog D. talon

_______ 3 Pinakamalawak na disyerto sa Asya


A. K2 B. Gobi C. Sahara D. Baikal

_______ 4 ito ay pinagsamang kagubatan at damuhan


A. Savanna B. Taiga C. Tundra D. Steppe

_______ 5 Ang Tigris at Euphrates ay isang anyong tubig na __________


A. ilog B. dagat C. golpo D. tangway

II Identipikasyon: Piliin ang sagot sa mga salitang makikita sa loob ng


kahon, isulat ang iyong sagot sa patlang bago ang bilang

-Klima -Tangway
-Vegetation Cover
-Bulkan -Rainforest

____________________6. kalagayan ng atmospera ng isang lupain sa loob ng


mahabang panahon.
____________________7. uri at dami ng mga halaman sa isang lugar tulad ng
pagkakaroon ng kagubatan o damuhan ay epekto ng
klima nito.
____________________8. ito ay kagubatan na nakararanas ng tag-ulan at tag-
araw.
____________________9. anyong lupa na pahaba at nakausli ang lupa na
napaliligiran ng tubig.
____________________10. may anyo at hugis na tulad ng bundok ngunit
maaari itong sumabog anu mang oras.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 13
Karagdagang Gawain

Sa bahaging ito ng modyul ay may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang


pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

Magsaliksik Tayo

Magsaliksik tungkol sa mga likas na Yaman pinagkukunan ng mga bansang


Asyano, ilagay ito sa isang Oslo na mayroong disenyo at ipaliwanag din kung saan
ginagamit ang mga nasaliksik na likas na yaman.

Sanggunian

Cruz, Romela M, Ed.D., Jose Mary Dorothy dl., Mangulabnan, Joel B., Mercado
Michael M. at Ong, Jerome A., (2015). Araling Asyano – Tungo sa
Pagkakakilanlan, Vibal Group, Inc. Quezon City, Philippines, Edisyon 2015,
10-12

Blando, Rosemarie C., Sebastian, Adelina A., Espiritu, Angelo C., Golveque,
Erna C., Jamora, August M., Capua, Regina R., Victor, Armi S., Balgos,
Sandra I., Del Rosario, Allan F. at Mariano, Randy R., (2014). Asya:
Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba (Araling Panlipunan – Modyul para sa
Mag-aaral), Eduresources Publishing Inc, Pasig City, Philippines, Unang
Edisyon 2014, 19, 21-23, 25.

Retrieved From:

https://www.google.com/search?q=mt.%20everest&tbm=isch&tbs=sur%3Afc&hl
=en&ved=0CAIQpwVqFwoTCJDSjI7JvuoCFQAAAAAdAAAAABAC&biw=1520&bih
=735#imgrc=mwjnc7vaon5k3M

https://www.google.com/search?q=himalayas&tbm=isch&ved=2ahUKEwjnvMK
Uyr7qAhXKxosBHSXVCc0Q2-
cCegQIABAA&oq=himalayas&gs_lcp=CgNpbWcQAzIHCAAQsQMQQzIECAAQQzIE
CAAQQzIECAAQQzICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADoECCMQJzoGCAAQB
RwAHgDgAGIAYgBjhKSAQQxNy43mAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWewAQo&scli
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 14
ent=img&ei=6DcGX-
eoA8qNr7wPpaqn6Aw&bih=735&biw=1520&tbs=sur%3Afc&hl=en#imgrc=5o-
7RSwva68bSM

https://www.google.com/search?q=mt.+fuji&tbm=isch&ved=2ahUKEwi508mhz
b7qAhU3xYsBHQ_QC2MQ2-
cCegQIABAA&oq=Mt.&gs_lcp=CgNpbWcQARgDMgQIIxAnMgIIADICCAAyAggAMgI
IADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAOgcIIxDqAhAnOgQIABBDOgcIABCxAxBDUI
eFA1jAowNgoeUDaAFwAHgDgAGdAYgB6gySAQM4LjeYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l
6LWltZ7ABCg&sclient=img&ei=KDsGX7mfLbeKr7wPj6CvmAY&bih=735&biw=15
20&tbs=sur%3Afc&hl=en#imgrc=stszD8r874iloM

https://www.google.com/search?q=Tibetan+Plateau+&tbm=isch&ved=2ahUKEw
jjzYXAzb7qAhVDA6YKHWAQBlwQ2-
cCegQIABAA&oq=Tibetan+Plateau+&gs_lcp=CgNpbWcQAzIECAAQQzIECAAQQzI
CCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAOgQIIxAnOgcIIxDqAhAnUOn
ND1il2g9g9OEPaAFwAHgCgAF5iAHkBZIBAzcuMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXota
W1nsAEK&sclient=img&ei=aDsGX-
P5JsOGmAXgoJjgBQ&bih=735&biw=1520&tbs=sur%3Afc&hl=en#imgrc=e3a_rz
BGqJJdDM

https://www.google.com/search?q=archipelago+island+of+indonesia+map&tbm
=isch&ved=2ahUKEwjcjLXSz77qAhUxwIsBHfTyD9MQ2-
cCegQIABAA&oq=archipelago+island+of+indonesia+map&gs_lcp=CgNpbWcQA1C
i0AFYrtYBYJHaAWgAcAB4AIABiAGIAZUDkgEDMy4xmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpe
i1pbWc&sclient=img&ei=qD0GX9yYArGAr7wP9OW_mA0&bih=735&biw=1520&t
bs=sur%3Afc&hl=en#imgrc=a17VR83IFiBk8M

https://www.google.com/search?q=cyprus+map&tbm=isch&ved=2ahUKEwjgut
Hgz77qAhUUyIsBHZTFBRkQ2-
cCegQIABAA&oq=cyprus+map&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyAggAMgIIADICCAAy
AggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAA6BAgAEEM6CggAELEDEIMBEEM6BwgA
ELEDEEM6BggAEAcQHlCGqA9Y88YPYLDRD2gAcAB4AIABfogB0xqSAQQzMC43
mAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient=img&ei=xT0GX6DENJSQr7wPlIuXy
AE&bih=735&biw=1520&tbs=sur%3Afc&hl=en#imgrc=wseiVQCjVO413M

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 15
Susi ng Pagwawasto

Subukin
1 a 6d
2 c 7a
3 b 8b
4 d 9c
5 b 10 c

Tayahin
1b 6 Klima
2a 7 Vegetation Cover
3b 8 Rainforest
4a 9 Tangway
5a 10 Bulkan

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 16
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Mark Nhowie A. Santos (Guro, CISSL)
Mga Tagasuri: Gina Manalo (Guro, PHS)
Mita A. Abergos (Principal, CISSL)
Aaron S. Enano (Superbisor, AP)
Tagasuri – Panlabas: Jaime T. Escobia (Propesor, PNU)
Tagaguhit: Ma. Gwendelene J. Corañez (PES)
Tagalapat: Nathalia A. Malaga (NES)

Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Aaron S. Enano
Superbisor sa Araling Panlipunan

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management System

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph

191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like