You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IX, Zamboanga Peninsula
DIVISION OF ZAMBOANGA DEL NORTE
Dipolog City
MARUPAY NATIONAL HIGH SCHOOL

Detalyadong Banghay - Aralin sa Araling Panlipunan 8


I. Layunin
Pagkatapos ng klase ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nakapagtutukoy kung ano ang kabihasnan at ng mga salik ng pagkakaroon ng kabihasnan;
b. nakapagbubuo ng graphic organizer tungkol sa mga salik ng pagkakaroon ng kabihasnan;
c. nakapagpapaliwanag sa kahalagahan ng pag-aaral sa mga salik ng pagkakaroon ng kabihasnan bilang
paunang leksyon tungo sa pag-aaral sa mga sinaunang kabihasnan ng Asya.

II. Nilalaman
Paksa: Kabihasnan at Sibilisasyon
Sanggunian: ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba (Modyul para sa Mag-aaral)
pahina: 108-109
Kagamitan:
III. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
a.Panimula

 Panalangin

Magsitayo ang lahat para sa panalangin.


(nagsitayo para sa panalangin.)
Panguluhan mo ang panalangin, Zimram.
(panalangin.)
 Pagbati

Magandang umaga sa lahat?


Magandang umaga din po Bb. Gabin
Bago kayo magsi-upo ay magkakaroon muna
tayo ng kaunting warm – up.
Itaas ang kamay, iunat ang katawan pagkatapos
ay yumuko at pulotin ninyo ang mga nakakalat na papel
sa sahig at ihanay ng maayos ang mga upuan.

Okay, maaari na kayong umupo. (Ginawa ang iniutos ng guro.)

 Pagtse-tsek ng attendance

May liban ba ngayon?

Mabuti naman kung ganun. Wala po Ma’am.

 Kasunduan
Bago tayo magsimula ay magkakaroon muna
tayo ng kasunduan.
Pakibasa.

(binasa ang mga nakatalang kasunduan)

Maasahan ko bang tutuparin ninyo ang mga


nasabing kasunduan? Opo Ma'am.

Aasahan ko talaga yan upang maging matiwasay


ang ating magiging talakayan.

b. Pagganyak
class, meron ako ditong mga jumbled letters at
nais kong isaayos niyo ito upang makabuo kayo ng mga
salita. Maliwanag ba class?
Opo Ma'am.
AKBISANHAN
SASSIBILIYON

Sige, simulan niyo na.


( inayos ang mga jumbled letters)
K A B I H A S N A N
S I B I L I S A S Y O N
Okey, ano naman ang mga salitang inyong
nabuo?
Ang aming nabuong salita ay “KABIHASNAN” at
“SIBILISASYON”.
Ano naman kaya sa tingin niyo ang kinalaman
ng mga salitang iyan sa paksang tatalakayin natin
ngayon?
Sa tingin ko ito po ang paksang tratalakayin natin
ngayon
Tama!
c. Paglalahad
Ang tatalakayin natin ngayon an gang tungkol
sa Kabihasnan at Sibilisasyon at ang mga salik ng
pagkakaroon ng kabihasnan.

KABIHASNAN AT SIBILISASYON

Pakibasa ng ating mga layunin sa araw na ito.


Layunin
a. nakapagtutukoy kung ano ang
kabihasnan at ng mga salik ng
pagkakaroon ng kabihasnan;
b. nakapagbubuo ng graphic organizer
tungkol sa mga salik ng pagkakaroon
ng kabihasnan;
c. nakapagpapaliwanag sa kahalagahan
ng pag-aaral sa mga salik ng
pagkakaroon ng kabihasnan bilang
paunang leksyon tungo sa pag-aaral sa
mga sinaunang kabihasnan ng Asya.

(binasa ang mga layunin)


.
d. Pagtatalakay
Sino sa inyo dito ang may ideya kung ano ang
kabihasnan? Cristil Ann?
Sinasabing ang kabihasnan ay masalimout na
pamumuhay sa lungsod at kadalasang kasingkahulugan
ng salitang sibilisasyon.
Kailan natin masasabi na ang mga tao sa
isang lugar ay mayroong kabihasnan?
Kapag ang isang tao ay nagkaroon ng kasanayan sa
isang bagay masasabi nating nagiging bihasa siya o
Tama! nagiging magaling.
Katulad ng nangyari sa mga sinaunang
Asyano, naninirahan sila sa mga lambak-ilog. Nalinang
nila ang pamumuhay tulad ng pangingisda at pagsasaka
dahil sa kapaligiran ng kanilang permanenteng tirahan.
Kinasanayan na rin nila ang pangingisda at pagsasaka
at ito ang nagsilbing pang araw-araw nilang
hanapbuhay. Dahil dito nabuo ang konsepto ng
kabihasnan na pamumuhay na nakasanayan o
nakagawian.
Ano naman ang sibilisasyon?
Ang sibilisasyon ay tumutugon sa pamumuhay ng mga
lipunang umusbong sa mga lambak-ilog ngunit hindi
tahasang sinasabi na kapag namuhay ka sa lungsod ay
sibilisado ka na o kung namuhay ka sa hindi lungsod ay
hindi ka na sibilisado.
Paano ba o kailan nagkakaroonng
sibilisasyon? Ang pagkakaroon ng sibilisasyonay batay sa pagharap
sa hamon ng kapaligiran kung paano ito tinutugunan.

Okey, umiiral ang kabihasnan at sibilisasyon


kapag ang tao ay natutong humarap sa hamon ng
kapaligiran at sa pagkakaroon ng kakayahan na baguhin
ang kanyang pamumuhay gamit ang lakas at talino nito.
Ano-ano naman ang mga batayang salik sa
pagkakaroon ng kabihasnan? Magbigay ng isa, Jay-
ann?
Pagkakaroon ng organisado at sentralisadong
pamahalaan.
Ano pa, Elgie Nice?
Masalimuot na relihiyon
Ano pa, Analyn?
espesyalisasyon sa gawaing pang-ekonomiya.
Ano pa, Hannah?
uring panlipunan
May maidadagdag ka pa ba, Diemar?
mataas na antas ng kaalaman sa teknolohiya, sining, at
arkitektura
Meron pa ba, Adrian?

Sa tingin niyo mahalaga ba ang mga salik na ito sa


pagkabuo ng sibilisasyon?
Opo!
Bakit?
Dahil ang mga salik na ito ay siyang palatandaan natin
sa pagkakaroon ng isang kabihasnan.
Kung mawala ang isang salik o batayan, masasabi mo
pa bang isang kabihasnan o sibilisasyon ang mabubuo?
Hindi po dahil hindi po natin masasabi na isang
kabihasnan o sibilisasyon ang nabuo kapag kulang po o
mawala ang isa sa mga salik o batayan ng pagkabuo ng
sibilisasyon.
Magaling!

e. Paglalahat
Bilang paglalahat sa paksang ating tinalakay
ay nais kong punan ninyo ng mga impormasyong
kinakailangan ang ating Graphic Organizer.

( pinunan ng mga impoemasyong kinakailangan ang


Graphic Organizer)

f. Paglalapat
Bilang paglalapat sa paksang ating tinalakay
ay hahatiin ko kayo sa apat na pangkat.
(hinati sa apat na pangkat ang buong klase)
Ang gagawin niyo ay gagawa kayo ng sketch
na nagpapakita ng isang kabihasnan o sibilisayon at
pagkatapos ay ipaliwanag sa buong klase ang inyong
ginawa. May sampung (10) minuto kayo upang gawin
ito, maliwanag ba class? Opo!
Bago kayo magsimula ay nais ko munang
basahin ninyo an gating rubrics.

(binasa ang nakasulat sa rubrics)


Sige, maaari na kayong magsimula
(sinimulang gawin ang gawain)
(lumipas ang sampung (10) minuto)
Okey, simulan na ang pagpresenta ng inyong
ginawa.
(nagtanghal at nirangguhan ang bawat pangkat)
g. Pagpapahalaga
Class, mahalaga ban a ating pag-aralan ang
tungkol sa konsepto ng kabihasnan at sibilisasyon pati
na ang mga salik ng pagkabuo nito?
Opo!
Bakit?
Mahalagang pag-aralan ang konsepto ng kabihasnan at
ang mga salik nito upang mas maging malalim an gating
pang-unawa tungkol sa mga kabihasnan.
Tama, at ito ay nagsisilbi ding paghahanda para
sa mga susunod nating mga paksang tatalakayin.

May mga tanong ba tungkol sa paksang ating


tinalakay?
Wala po.
Kung ganun ay kumuha ng isang kalahating papel dahil
magkakaroon tayo ng maikling pasulit.

IV. Pagtataya
1-5. Ipaliwanag kung ano ang kabihasnan at sibilisasyon (5 puntos).
6-10. Magbigay ng lima (5) sa anim na mga salik o batayan ng pagkabuo ng kabihasnan.

V. Takdang Aralin
Magsagawa ng pananaliksik tungkol sa mga kabihasnang Sumer, Indus at Shang. Magtala ng mga
mahahalagang datus sa inyong mga kwaderno.

Inihanda ni:

Leizel B. Gabin

You might also like