You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education – Region III Central Luzon

DIVISION OF CITY OF SAN FERNANDO

Self-Instructional Packets (SIPacks)


Araling Panlipunan Grade 7
Quarter 2 – WEEK 4
A. Pamantayang Pangnilalaman (Content Standards):
Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at tao sa paghubog ng
sinaunang kabihasnang Asyano.

B. Pamantayan sa Pagganap(Performance Standards):


Ang mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa mga kaisipang Asyano, pilosopiya at relihiyon na nagbigay-
daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng pagkakilanlang Asyano.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto/ Most Essential Learning Competencies


MELC No. 9- Natataya ang bahaging ginampanan ng relihiyon at pilosopiya sa iba’t ibang aspeto ng
pamumuhay.

D. Layunin (Objectives):
1. Naipaliliwanag ang pinagmulan, pagkatatag at doktrina ng mga relihiyong umusbong sa Timog at
Kanlurang Asya;
2. Nasusuri ang impluwensya ng mga relihiyong umusbong sa kalagayang panlipunan, sining at kultura ng
mga Asyano;
3. Naususuri ang bahaging ginampaman ng mga relihiyon, pilosopiya at tradisyon sa paghubog ng
kasaysayan ng mga Asyano; at
4. Napahahalagahan ang kontribusyon ng mga relihiyon at pilosopiya sa pagsulong at pag-unlad ng
rehiyon.

I. NILALAMAN(Content): Mga Relihiyon at Pilosopiya


Kagamitang Panturo (Learning Resources)
A. Sanggunian (References)
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro (TGs):
2. Mga pahina sa Kagamitang Pang-mag-aaral (LMs): pahina 155-164
3. Mga pahina sa Teksbuk (Other references):
4. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng Learning Resource:
5. Iba pang pinagkuhanang sources:

https://www.google.com/search?q=iba%27t+ibang+simbahan+ng+relihiyon+clipart&client=ms-google-
coop&cx=000668167878999901774:xojir1s89u6&sxsrf=ALeKk02XPV-
gohX5EPFcjbFdt2zFpd2XcQ:1598181309251&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwj6y-
WpmbHrAhUuzIsBHXrPDEcQ_AUoAXoECAwQAw&biw=1280&bih=592#imgrc=wuq-Z0Tc7XTUJM

https://www.google.com/search?q=iba%27t+ibang+simbahan+ng+relihiyon+clipart&client=ms-google-
coop&cx=000668167878999901774:xojir1s89u6&sxsrf=ALeKk02XPV-
gohX5EPFcjbFdt2zFpd2XcQ:1598181309251&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwj6y-
WpmbHrAhUuzIsBHXrPDEcQ_AUoAXoECAwQAw&biw=1280&bih=592#imgrc=DjbtImWeliYRrM

https://www.google.com/search?q=iba%27t+ibang+simbahan+ng+relihiyon+clipart&client=ms-google-
coop&cx=000668167878999901774:xojir1s89u6&sxsrf=ALeKk02XPV-
gohX5EPFcjbFdt2zFpd2XcQ:1598181309251&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwj6y-
WpmbHrAhUuzIsBHXrPDEcQ_AUoAXoECAwQAw&biw=1280&bih=592#imgrc=dnLpS1lhLa3q9M

https://www.google.com/search?q=iba%27t+ibang+simbahan+ng+relihiyon+clipart&client=ms-google-
coop&cx=000668167878999901774:xojir1s89u6&sxsrf=ALeKk02XPV-
gohX5EPFcjbFdt2zFpd2XcQ:1598181309251&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwj6y-
WpmbHrAhUuzIsBHXrPDEcQ_AUoAXoECAwQAw&biw=1280&bih=592#imgrc=uW3Tm13UOHUOVM&imgdii=SDJbIcCa5sQ0TM

https://www.google.com/search?q=iba%27t+ibang+simbahan+ng+relihiyon+clipart&client=ms-google-
coop&cx=000668167878999901774:xojir1s89u6&sxsrf=ALeKk02XPV-
gohX5EPFcjbFdt2zFpd2XcQ:1598181309251&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwj6y-
WpmbHrAhUuzIsBHXrPDEcQ_AUoAXoECAwQAw&biw=1280&bih=592#imgrc=UK4NJWZd64zRWM

Page 1 of 10
B. Iba pang Kagamitang Panturo:mga larawan, sagutang notebook

II. PAMAMARAAN (Procedures):

UNANG ARAW

A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin (Subukin):


..
Bago ka magsimula sa pagbabasa ng araling ito, subukin mong sagutan ang panimulang gawain upang
masukat
. ang lawak ng kaalaman mo tungkol sa aralin.

Gawain 1: Balik aral: Sagutin ang mga sumusunod nang pasalita.

1. Kaisipang naghahayag na ang isang kabihasnan ang sentro ng daigdig.


2. Paraan ng pagbibigay ng paggalang sa mga pinuno ng Tsina.
3. Kaisipang naghahayag na ang mga sinaunang pinuno ay mga banal.
4. Mga itinuring na Shadows of Allah on Earth.
5. Sila ay mga lalaking nagtataglay ng kakaibang galing, tapang, o katalinuhan.

Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa iyong kaalaman tungkol sa Relihiyon at Pilosopiya sa Asya.

Nahirapan ka ba sa pagsagot? Huwag kang mag-alala ang mga pahayag na iyong nabasa sa panimulang
gawain ay isa lamang pagsubok na lilinang sa mga susunod pang pag-aaral.
.
B. Paghahabi sa layunin ng aralin (Panimula)

Gawain 2: Relihiyon ko! Pagnilayan:

Anong relihiyon ang iyong kinabibilangan?


Bakit ito ang iyong relihiyon?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

GAWAIN 3: Larawan-Suri. Suriin ang mga larawan sa ibaba at pagnilayan ang mga
pamprosesong tanong.

Pamprosesong tanong:
1. Ano-anong mga relihiyon ang may
kaugnayan sa mga larawan?
2. Magbigay ng isang pangungusap
na iyong nalalaman tungkol sa
relihiyong iyong sagot.

Page 2 of 10
IKALAWANG ARAW

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan#1


( Paglinang/ Alamin Mo/Paunlarin)

GAWAIN 4: Basahin at unawain ang mga teksto sa ibaba.

Page 3 of 10
Page 4 of 10
Page 5 of 10
Page 6 of 10
IKATLONG ARAW

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2 (Paglinang/ Alamin


Mo/Paunlarin)

GAWAIN 5: Basahin at unawain ang mga teksto sa ibaba.

Mga Pilosopiya sa Asya

Pilosopiya- nagmula sa salitang Griyego na “Philo”- pagmamahal, at “Sophia”-karunungan.Kung


pagsasamahin ay pagmamahal sa karunungan.

1. Confucianism- Itinatag ni Confucius sa Shantung, China noong ika- 6-5 BC.Umusbong ito sa panahon ng
kaguluhan sa China sa ilalim ng dinastiyang Zhou. Nakatuon ang mga aral sa pagpapabuti sa sarili at
pagpapahalaga sa ugnayan ng bawat isa sa lipunan upang makamtan ang kaayusan.
Confucius- sa Chinese ay K’ung Fu -Tzu o Kong zi na nangangahulugang Master Kung.Ang mga turo ay
makikita sa kanyang mga aklat na Four Books at Five Analects.
Kailangang payabungin ng bawat isa ang mga virtue gaya ng:
a. Li- ritual, propriety, etiquette
b. Hsiao- love within the family
c. Yi- righteousness
d. Xin- honesty and trustworthiness
e. Jen- benevolence, humaneness
f. Chung- highest virtue, loyalty to the state.
Sa relasyon sa pamilya, kailangan sundin at igalang ang nakatataas, gaya ng nakababatang
kapatid sa nakatatanda, anak sa ama, asawang babae sa asawang lalaki, mamamayan sa emperador.
Ang Confucianism ay pilosopiyang nakatuon sa lalaki, mababa ang pagtingin sa babae.

3. Legalism:
Natatag – Shang Yang at Han Feizi
1. Isang pilosopiya na walang pagpapahalaga sa pag-uugali at kalikasan.
2. Ang tanging mahalaga ay ang estado na dapat patatagin at palawigin ang kapangyarihan.
3. Ang lakas ng estado ay nasa agrikultura at sandatahang lakas.
4. Maninilbihan ang tao bilang magsasaka o sundalo.
5. Naging tanyag ang pilosopiya sa panahon ng dinastiyang Qin o Chin sa ilalim ng pamamahala ni Shi
Huang di.
6. Gumamit ng malulupit na batas, pinasunog ang mga aklat ni Confucius upang malimutan ang
Confucianism.

Page 7 of 10
2. Taoism na ang bigkas ay Daoism
Nagtatag- Lao Tzu-Isinilang sa Hunan, timog China noong 500 BC.
Mga Turo:
1. Lahat ng bagay ay isa.
2. Kapag gumawa ng masama katumbas ay gumawa ng mabuti.
3. Ang buhay at kamatayan ay magkasama. Ito ay isang realidad.
4. Mga birtud: pagpipili sa sarili, pagpapasensya, pagpapakumbaba
5. Ang estado ay dapat na primitibo, pasibo, at mapayapa.

Mga Paniniwala:
1. Yin at Yang- Pagiging isa sa kalikasan, balanse sa kalikasan. Yin-aspetong kababaihan malambot
at kalmado, kadiliman. Yang- nagrerepresenta sa kalalakihan, matigas at masigla,
kaliwanagan.Kailangan may balanse ang Yin at Yang upang magkaroon ng kaayusan sa mundo.
2. Chi- enerhiya na nanggagaling sa tao o kalikasan.
3. Tao- isang pwersa sa likod ng mga natural na kaayusan.
4. Wu Wei-hindi nakikita na kapangyarihan sa loob ng lahat ng mga bagay. Hindi pagkilos upang hindi
makagambala sa daloy ng kalikasan.
5. Pu- lahat ng bagay ay nakikita na ito ay walang “pre-conceptions”
6. De- Ang aktibong pamumuhay o sa sarili ng “paraan”.

Kasulatan- Tao Te Ching o Dao de Jing.

IKAAPAT NA ARAW
F. Paglinang sa Kabihasnan

GAWAIN 6: PULSO – Pangkalahatang Ugnayan Laan sa Opinyon. Basahin at unawain ang mga pahayag.
Pumili ng isa at ibigay ang iyong pananaw at pang-unawa.

 Lao Tzu: If you are depressed, you are living in the past. If you are anxious, you are living in the future.
If you are at peace, you are living in the present.

Pananaw:
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

 Confucius: When you know a thing to hold that you know it; and when you do not know a thing, to allow
that you do not know it – this is knowledge.

Pananaw:
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

 Mencius: There is no greater knowledge than to be conscious of sincerity on self-examination.

Pananaw:
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

G. Paglalapat ng aralin sa pang- araw –araw na buhay (Gawin Mo/ Pagyamanin)

GAWAIN 7: Basahin at unawain ang pahayag. Sagutin ang mga tanong nang pasalaysay.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.
PERFORMANCE TASK (12 puntos)

Page 8 of 10
 Ano ang nadama mo sa pahayag na ito?
“If you wish to experience  Kaya mo bang gawin ito?
peace, provide peace for  Ano ang kaya mong gawin upang maipalaganap
another”
ito?
- Tenzin Gyatzo
The 14th Dalai Lama

Rubriks
Kailangan pang
Pamantayan Napakahusay (4) Mahusay (3) Katamtaman (2)
Magsanay (1)
Nakakitaan ng
Nagpakita ng lubos Nagpakita ng pag- Walang naipakitang
mahinang
Pag-unawa sa na pag-unawa sa unawa sa mga pag-unawa sa mga
pagkaunawa sa
paksa mga paksa na paksa na napag- paksa na napag-
mga paksa na
napag-aralan aralan aralan
napag-aralan
Napakalinaw ng Malinaw ang Kaunti ang malinaw
Kalinawan ng mga Walang malinaw sa
lahat ng inihayag na marami sa inihayag sa inihayag na
kasagutan inihayag na sagot
sagot na sagot sagot
Napakamalikhaing Di-gaanong naging Walang bahid ng
Malikhaing Malikhaing naihayag
naihayag ang malikhain ang pagkamalikhain ang
Mensahe ang mensahe
mensahe mensahe mensahe

H. Paglalahat ng Aralin (Tandaan Mo/ Pagyamanin at Isaisip)

GAWAIN 8: Pagnilayan: Gawing gabay ang unang pangungusap na nasa ibaba at dugtungan ang mga
sumusunod na pahayag.

 Maraming pilosopiyang iba-iba ang tuon ang umusbong sa _____________________.


 Malaki ang naging kontribusyon ng mga relihiyon at pilosopiyang Asyano ang nagbigay
daan ________________________________________________________________.

Binabati kita! Matagumpay mong nagawa ang lahat ng mga gawain. Patunay ito na handa ka na sa maikling
pagsusulit na iyong gagawin

IKALIMANG ARAW
I . Pagtataya ng Aralin (Natutuhan Ko/ Isagawa) – Lingguhang Pagsusulit (Written Work) – 20 pts
Pumili ng tamang sagot mula sa kahon at isulat ang TITIK sa iyong sa sagutang papel.

A. Karma B. Budismo C. Judaismo D. Islam E. Zoroastrianismo


F. Papa sa
G. Hegira H. Reinkarnasyon I. Torah J. Hinduismo
Roma
K. Ahimsa L. Polyteism M. Kristiyanismo N. Sikhism O. Buddha
P. Pilosopiya Q. Taoism R. Shinto S. Confucianism T. Relihiyon

1. Ang pangunahing relihiyon sa India.


2. Ito ay nangangahulugang “Ang Naliwanagan”.
3. Ito ay paniniwala kung saan ang namatay na katawan ng isang tao ay isisilang na muli sa ibang
anyo,paraan o nilalang.
4. Ito ang batayang moral ng Jainism.
5. Relihiyong naniniwala sa Apat na Dakilang katotohanan.
6. Ito ay paniniwala na kung gumawa ng kabutihan, aani ng gantimpala, kung nagtanim ng
kasamaan, aani ng pagdurusa.
7. Relihiyong naniniwala na dapat supilin ang limang cardinal na bisyo upang maligtas.

Page 9 of 10
8. Ito ay pagsamba sa ibat- ibang diyos
9. Unang monoteistikong relihiyon.
10. Relihiyong batay sa buhay at aral ni Hesukristo.
11. Ito ay nangangahulugang kapayapaan at pagsuko.
12. Relihiyong naniniwala na ang daigdig ay labanan ng 2 pwersa, kabutihan at kasamaan.
13. Ang banal na aklat ng mga Hudyo na nangangahulugang “batas at aral”.
14. Pinakamataas na pinuno ng simbahan Katoliko.
15. Banal na araw para sa mga Muslim.
16. Katutubong relihiyon ng Japan.
17. Ito ay nangangahulugang pagmamahal sa karunungan.
18. Nangangahulugang pagbubuklod o pagbabalik loob.
19. Ang mga aral ay nakatuon sa pagpapabuti sa sarili at pagpapahalaga sa ugnayan ng bawat isa
sa lipunan upang makamtan ang kaayusan.
20. Naniniwala sa pagiging isa sa kalikasan, balanse sa kalikasan.

J. Karagdagang Gawain at Remediation

3-2-1 Tsart: Pagkatapos matukoy at masuri ang mga relihiyon at pilosopiya. Maaari mo nang balikan ang mga
natutuhan at nahinuha sa nakalipas na aralin at pagnilayan ang gawaing ito kung kailangan mo pa ng karagdagang
gawain.

1.
Tatlong bagay (fact) na natutuhan ko sa aralin na 2.
ito.
3.

1.
Dalawang kamangha-manghang bagay (creative
thoughts) na aking nalaman sa pag-aaral ng aralin
2.
na ito.

Isang tanong na kukumpleto sa pag-aaral ko at 1.


tutugon sa kabuuan ng pag-aaral sa
mahahalagang pangyayari na naganap sa
kasaysayan ng mga bansang Asyano na aking
nalaman sa pag-aaral ng aralin na ito.

Mahusay! Natapos mona ang mga gawain para sa linggong ito.

Page 10 of 10

You might also like