You are on page 1of 20

1.

Sino ang Italyanong mangangalakal na nakarating


sa Asya at naglahad ng kagandahan ng kabihasnan
ng mga Asyano noong ika-13 siglo?

A. Marco Polo
B. John Cabot
C. Vasco da Gama
D. Alfonso de Albuquerque
2. Ang Constantinople ang dinaanan ng mga
Europeo upang makarating sa Asya. Bahagi ito
ng anong bansa sa kasalukuyan?
A. Turkey
B. Syria
C. Israel
D. India
3. Noong gitnang bahagi ng ika-18 siglo karamihan
sa mga bansa sa Europe ay naghangad ng
kolonya sa Asya sa maraming kadahilanan. Alin sa
mga sumusunod ang HINDI kabilang sa nasabing
dahilan?

A. Militarismo
B. Kapitalismo
C. Nasyonalismo
D. Rebolusyong Industriyal
4. Sino ang sumulat ng tulang The White
Man’s Burden?

A. Marco Polo
B. Rudyard Kipling
C. Vasco da Gama
D. Winston Churchill
5. Isa sa mga epekto ng kolonyalismo at
imperyalismo ng Kanluranin ay ang pagkakaroon
ng hangganan ng teritoryo ang mga bansa sa
Timog Asya na tinatawag na:
A. Colony
B. Protectorate
C. Fixed border
D. Line of demarcation
6. Ano ang tawag sa pahayag na ipinalabas ng
mga Ingles noong 1917 kung saan nakasaad na
ang Palestine ay bubuksan sa mga Jew o Israelite
upang maging kanilang tahanan?

A. Zionism
B. Holocaust
C. Balfour Declaration
D. Tehran Conference
7. Sino ang kauna-unahang hari ng Saudi Arabia
na nagbigay ng pahintulot sa isang kompanya ng
US noong 1936 at 1939 upang magkaroon ng oil
concession?
A. Ibn Saud
B. Mustafa Kemal
C. Ayatollah Khomeini
D. Mohammad bin Salman
8. Bukod sa India lumaban din ang iba pang estado
sa Timog Asya para sa kalayaan mula sa Great
Britain. Sino ang namuno sa pakikipaglaban at
itinuturing na “Ama ng Kasarinlan ng Sri Lanka”?

A. Mustafa Kemal
B. Ayatollah Khomeini
C. Mohammad bin Salman
D. Don Stephen Senanayake
9. Malaki ang impluwensya ng demokrasya sa mga
kilusang nasyonalista sa India. Sinong nasyonalista
ang naghimok na muling basahin ang Veda upang
maging batayan ng pamumuhay ng mga Indian?

A. Mustafa Kemal
B. Ayatollah Khomeini
C. Mohammad bin Salman
D. Swarmi Dayanand Saraswati
10. Anong sistemang politikal ang umiiral sa
Jordan?
A. Republikang Pederal
B. Monarkiyang Konstitusyunal
C. Republika sa ilalim ng Militar
D. Parlamentaryong Demokrasya
11. Ano ang tawag sa pamahalaan na ang may
hawak ng kapangyarihan ay ang mamamayan?

A. Monarkiya
B. Komunismo
C. Demokrasya
D. Aristokrasya
12. Alin sa sumusunod ang itinuturing na
pinakamalaking samahan ng kababaihan naitatag
noong 1970 na nagkaroon ng mahalagang papel
sa bansang Bangladesh?
A. Mother’s Front
B. Mahila Parishad
C. United Women’s Forum
D. Collective Women’s Flatform
13. Sino ang naghimok sa mga kababaihang na
huwag magbayad ng buwis sa ginagawa at
binibiling asin bilang protesta sa pamahalaang
Ingles?
A. Sarojini Naidu
B. Zulfiqar Ali Bhutto
C. Shed Ahmed Khan
D. Fatima Bint Mubarak
14. Nagkaroon ng pagbabago sa ekonomiya
ng India dahil sa Look East Strategy. Sino ang
nagpatupad nito?
A. Rajiv Gandhi
B. Narendra Modi
C. Narasinba Rao
D. Morarji desai
15. Labis na nakatulong sa pag-angat ng
kabuhayan ng Saudi Arabia ang pagkakatuklas nito
ng desalinasyon. Alin ang pinakawastong
kahulugan ng desalinasyon?

A. Proseso ng pagkuha ng mikrobyo sa asin


B. Proseso ng pagkuha ng mikrobyo sa dagat
C.Proseso ng pag-aalis ng tubig sa dagat
D. Proseso ng pag-aalis ng asin sa tubig mula sa
dagat
16. Ano ang tawag sa hindi tuwirang pananakop sa
isang bansang malaya na may mahinang
ekonomiya na umaasa sa isang
makapangyarihang bansa?

A. Globalisasyon
B. Kolonyalismo
C. Imperyalismo
D. Neokolonyalismo
17. Alin sa sumusunod ang itinuturing na
pinakamahalagang pagpapahayag ng sining
Islamik?
A. Ribat
B. Turbe
C. Masjid
D. Turret
18. Sino ang kauna-unahang Asyanong manunulat
na taga Bengal ang nagwagi noong 1913 ng
Gawad Nobel para sa panitikan?

A. Kalidasa
B. Yehuda Anichai
C. Shmuel Yosef Agnon
D. Rabindranath Tagore
19. Ang paghawak ng katungkulan sa pamahalaan
ay ginampanan na ng mga kababaihan tulad nina
Indira Gandhi, Golda Mier at iba pa. Ano ang
pinakamahalagang salik upang mabago ang
katayuan ng kababaihan?
A.Relihiyon
B. Edukasyon
C. Teknolohiya
D. Paniniwala at tradisyon
20. Natuklasan ang mina ng langis sa Kanlurang
Asya noong 1914, dahilan upang mas maging
interesado ang mga Kanluraning bansa at
magtatag ng sistemang mandato. Anong
Kanluraning bansa ang nagkaroon ng mandato sa
Syria at Lebanon?
A. France
B. Portugal
C.Germany
D. Great Britain

You might also like