You are on page 1of 5

Banghay Aralin ng Aralin Panlipunan

St. Michael College of Caraga


Nasipit, Agusan del Norte

I. LAYUNIN

Natutukoy ang pagbabago sa kaalaman ng tao sa panahon ng


Rebulosyong Siyentipiko at Enlightenment.
Naipahahayag ang epekto ng pagbabago sa larangan ng agham,
pamahalaan, at kultura sa mga panahong ito.
Napahahalagahan ang mga dakilang ambag ng mga siyentista,
pilosopo, at mga naliwanagan na nagpabuti sa buhay ng mga tao
hanggang sa kasalukuyan.

II. NILALAMAN

A. PAKSA: Panahon ng Transportasyon.


B. KONSEPTO: Rebolusyong Siyentipiko at ang Enlightenment.
C. BANGKAS NG ARALIN
1. Rebolusyong Siyentipko
2. Ang Enlghtenment
3. Paglaganap ng kaisipang Enlightenment
D. BABASAHIN: Kasaysayan ng Daigdig (Vibal - Kto12)
P.266-277
E. KAGAMITAN: Modyul sa Panahon ng Transpormasyon
LCD Project, Laptop, Manila Papers, Pentel Pens

III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAING
1. Panalangin
2. Pagbati ng Guro
3. Pagtatala sa mga lumiban
4. Pagsasayos ng silid
B. PAGLINANG NG GAWAIN
PAGGANYAK
Laro: Scrambled Words ng REBOLUSYON, SIYENTIPIKO,
ENLIGHTENMENT.
Pagpapakita ng Larawan. (Ipakita sa klase ang larawan ni Galileo
Galilei at ang Inquistion sa pamamagitan ng Power Point)
Gawain 1: -Paghihiwalayin ang klase sa dalawa (2) pangkat.
-Pumili ng isang representante bawat pangkat ipakita sa
klase kung ano ang kanilang mga nabuong opinyon.
Pangkat 1 Galileo Galilei
Ipaglaban mob a ang iyong mga paniniwala?
Pangkat 2 Inquisition (Hukom)
Ano ang iyong magiging pasiya hinggil sa kaso?

C. TALAKAYIN:
Gamit ang Power Point, tatalakayin ng guro kung ano ang
kabuohan ng Rebolusyong Siyentipiko at ang Enlightenment
Ano ang Rebolusyong Siyentipiko?
Ano ang Enlightenment
Sino-sino ang mga taong naka-imbento ng mga
theorya
at bagay na ginamamit natin sa kasalukuyan?
Gawain 2: 1.)Pagpapangkatin ang klase sa lima(5) grupo. (Base
sa Daily
Sweepers)
2.)Bawat pangkat ay may isa(1) Manila paper. Isulat
dito ang mga
theorya, kontribusyon, at ipaliwanag ang mga
nakaayon sa bawat
pangkat.
Pangkat 1 (Monday)
Ang Teoryang Heliocentric ni Copernicus
Si Kepler at ang Paggalaw ng mga Planeta
Pangkat 2 (Tuesday)
Si Newton at ang Gravity
Ang Scientific Method
Rebolusyon sa Daigdig ng Agham
Pangkat 3 (Wednesday)
Ang Enlightenment
Enlightenment at Pamahalaan
Pangkat 4 (Thursday)
Enlightenment at Kababaihan
Paglaganap ng Kaisipang Enlightenment
Pangat 5 (Friday)
Enlightenment at Sining
3.)I-ulat ang nabuong Gawain

Pagbibigay ng marka sa pangkatang gawain kay Rubric.


PAMANTAYAN PUNTOS NAKUHAN PUNTOS
Presentasyon 20
Impormasyon 20
Estratihiya 10
KABUOAN 50
D. PANGWAKASAN NA GAWAIN
1. PAGPAPAHALAGA: (Gawin ito sa pamamagitan ng Reflection
Paper.)
Paano binago ng Rebolusyong Siyentipiko at
Enlightenment ang lipunang Europeo?
S: Noong Panahong ng Rebolusyong Siyentipiko at
Enlightenment, binago at iniwasto ng mga
siyentista ang mga maling kosepto tungkol sa
daigdig. Samantala, ang mga kaisipang
Enligtenment ang humamon sa sistema ng
pamahala noong panahong iyon.
2. PAGLALAHAT
Bakit narapat na bigyan ng pagkilala ang mga
taong nagsulong ng kanilang mga Ideya sa
Panahon ng Enlightment?
3. PAGLALAPAT
Buoin ang tsart sa pamamagitan ng pagtala ng
mga impormasyon bago at sa panahon ng
Rebolusyong Siyentipiko at Enlightenment.

Europa Bago ang Europa sa Panahon ng

IV. PAGTATAYA

I. Ipaliwanag sa iyong sariling salita ang mga sumusunod.

Isulat sa isang pirasong papel ang iyong mga sagot.

1. REBULOSYONG SIYENTIPIKO (5PTS)

2. ENLIGHTENMENT (5PTS)

3. SALON (5PTS)

II. 1. Ano ang pagkakaiba sa paniniwala nina Hobbes, Locke,


Voltaire at Montesquieu ukol sa Konsepto ng Pamahalaan?
(10PTS)

Hobbes Locke Voltaire Montesquieu


2. Ano ang naitulong nina Descartes at Bacon sa Rebulosyong
Siyentipiko? (5PTS)

V. TAKDANG ARALIN

1. Ano ang American Revolution?

2. Ano ang French Revolution?

3. Paano ito nag-ugat sa mga kaispang Enlightenment?

Inihanda ni:

RAY MANUEL R. VILLAMOR

CTE - UNIT EARNER

SECTION 1

You might also like