You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
ENGR. VIRGILIO V. DIONISIO MEMORIAL HIGH SCHOOL

MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN


(Baitang 8)

I. Kabuuang Layunin

Ang mga mag aaral sa Araling Panlipunan 8 ay inaasahan na: Nauunawaan ang
mahahalagang pangyayari tungkol sa pag-usbong, pag-unlad at pagbagsak ng mga
kabihasnang sumibol sa sinaunang Greece.

Tiyak na Layunin

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 nakapagsusuri ng mahahalagang pangyayari sa kabihasnang Minoan at Mycenaean;


 nakapagsusuri ng mahahalagang pangyayari sa kabihasnang klasikal ng Greece; at
 nakapagpahahalaga sa mga kontribusyon ng kabihasnang klasikal ng Greece sa iba’t
ibang larangan.

II. Paksang Aralin

● Paksa: Kabihasnang Minoan, Mycenaean at Klasikal ng Greece


● Sanggunian: Ikalawang Markahan – Modyul 1: Kabihasnang Minoan,
Mycenaean at Klasikal ng Greece at Kasaysayan ng Daigdig Module (Araling
Panlipunan). Pahina 120-134
● Mga Kagamitan: PowerPoint Presentation at quizizz
III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

● Pambungad na panalangin
● Pagbati
● Pagtatala ng liban sa klase
● Mga paalala sa klase

B. Pagbabalik Aral

● Pagtatanong kung ano ang tinalakay noong nakaraang araw (Q&A)


1. Sa iyong pagkaunawa, bakit kahanga-hanga ang mga kontribusyon ng mga
sinaunang kabihasnang Mesopotamia, Indus, Tsino, at Egypt?
2. Anong pagpapahalaga ang natutuhan mo mula sa kasaysayan ng mga
sinaunang kabihasnan sa daigdig?

C. Pagganyak

Magpapakita ang guro ng larawan gamit ang PowerPoint Presentation at susuriin


ng mga mag aaral ang larawan upang masagot ang mga katanungan. Sa pamamagitan
nito, magkakaroon sila ng ideya sa paksang tatalakayin.
Itatanong:
 Makikita sa larawan ang isang tipikal na tagpo sa isang lungsod-estado sa
Europe noong Panahong Klasikal. Bawat isa ay may tungkuling
ginagampanan. Kung ikaw ay nabuhay nang panahong iyon, alin sa
sumusunod na tungkulin ang nais mong gampanan? Bakit?

D. Pagtatalakay

● Kabihasnang Minoan
● Kabihasnang Mycenaean
● Kabihasnang Klasikal ng Greece

E. Paglalapat

Kompletuhin ang data retrieval chart upang maipakita ang kabuluhan ng mga ambag ng
Kabihasnang Greek. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

F. Paglalahat

Muling babalikan ang tinalakay at magbibigay aral sa mga mag aaral.


G. Pagtataya

Upang mas masukat ang kaalaman ng mag aaral patungkol sa paksang tinalakay,
sila ay magkakaroon ng maikling pagsusulit gamit ang quizizz.

IV. Takdang Aralin

Sagutin ang dalawang gabay na katanungan. Ang paliwanag ay maaaring buuin


ng lima (5) hanggang sampung (10) pangungusap.
1. Paano nakaimpluwensiya ang lokasyon sa pamumuhay ng mga Spartan at
Athenian?
2. Bakit mahalaga ang mga lungsod-estado ng Sparta at Athens sa pag-unlad
ng Kabihasnang Greek?
3. Kung nabuhay ka noong panahong klasikal ng Greece, saan mo
maspipiliiing tumira, sa Athens o sa Sparta? Ipaliwanag ang sagot.

Inihanda ni:
Ryan Cholo P. Carlos

Iniwasto ni:
Gng. Queenza Villareal
(Cooperating Teacher)

You might also like