You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
ENGR. VIRGILIO V. DIONISIO MEMORIAL HIGH SCHOOL

MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 8

KASAYSAYAN NG DAIGDIG

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mag- aaral ay inaasahang,
a. natatalakay ang mga dahilan ng pag-usbong ng Rebolusyong Siyentipko.
b. nakikilala ang mga taong naging pangunahing tagapagsulong at tagapagturo ng bagong
ideyang siyentipiko.
c. nabibigyang halaga ang mga naging ambag ng Rebolusyon Siyentipikong sa pamumuhay
ng mga tao sa kasalukuyang panahon, at
d. nakabubuo ng isang tsart ng paghahambing ukol sa mga siyentipiko at pilosopo na
nakapag-ambag sa Rebolusyong Siyentipiko.

II. PAKSANG ARALIN


A. Paksa: Rebolusyong Siyentipiko
B. Sanggunian: Araling Panlipunan Ikatlong Markahan - Modyul 3
Rebolusyong Siyentipiko at Rebolusyong Industriyal- DepEd Module
C. Pahina: Pp. 7-8
D. Kagamitan: Powerpoint Presentation, Quizziz, video presentations at mga larawan.
E. Pagpapahalaga: Kahalagahan ng ambag ng Rebolusyong Siyentipiko.
F. Tinatayang oras: 1 oras

III. PROSESO NG PAGTUTURO


Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain

Panalangin
Bago tayo magsimula sa ating aralin ngayong
araw, inaanyahan ko muna ang lahat na
manalangin. Iyuko natin ang ating ulo at (Yuyuko at taimtim na mananalangin)
damhin ng presensiya ng Panginoon.

Pagbati
Isang maganda at mapagpalang araw sa inyong
lahat baiting walo. “Magandang araw din po Sir”

Pagtala ng Liban
Pakilagay ang inyong pangalan sa ating chat (Ilalagay ng mag-aaral ang kanilang
box upang macheck ng ating class monitor ang pangalan sa chat box.)
ating attendance.

Balik Aral
Bago tayo magtungo sa ating panibagong
aralin, tayo muna ay magbalik-aral sa ating
nakaraang aralin.
(Magpapakita ang guro ng mga pangungusap at
tutukuyin ng mag-aaral kung ito ba ay Tama o
Mali. Ilagay ninyo ang inyong sagot sa chat
box.)
1. Ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo ay
isa sa mga itinuturing na motibo para sa “Tama”
kolonyalismong dulot ng eksplorasyon.

2. Ang Spain at France ay mga bansa na “Mali”


naghati sa parte ng mundo base sa Kasunduan
sa Tordesillas.
“Tama”
3. Ang Victoria ang barko na matagumpay na
nakabalik sa Spain sa kabila nang pagkasawi ni
Ferdinand Magellan.

4. Si Christopher Columbus ay ang “Mali”


manlalayag na Portuges na nagpakilala na ang
mundo ay bilog at nagpabago sa dating
paniniwala na ito ay patag.
“Tama”
5. Si Amerigo Vespucci ang nagpaliwanag na
hindi Asya ang narating ni Columbus kundi
ang Bagong Mundo o New World.

Ngayon naman ay dadako na tayo sa ating


bagong aralin.
B. Pagganyak

Guess What?
Ako ay may ipakikitang mga larawan na
inyong tutukuyin kung ano ang pangalan nito.

Ngunit, bago kayo sumagot ay hintayin


munang matapos ang aking pagpapaliwanag na
kung saan ang bawat larawan ay bibigyan ko
ng tatlong pagsasalarawan bilang gabay sa
inyong pagsagot. Ilalagay nyo ang inyong
sagot sa chatbox.

1. Ito ang pangunahing pinagkukuhanan ng


enerhiya ng lahat ng may buhay sa planeta.
2. Pinaka malaking bituin sa Solar System
3. Ito ay itunuturing na pinakamalapit na bituin
sa ating planeta, kaya naman nakikita natin ito “Araw po.”
na napakalaki at maliwanag.

Tama, Mahusay!
1. Kilala ito sa tawag na “Blue Planet” dahil
ito ay halos natatakpan ng katubigan. “Daigdig po.”
2. Ito ang tanging planeta sa solar system na
kayang makapagpanatili ng buhay.
3. Ang ikatlong planeta mula sa araw.

Tama, Magaling!

1. Ang planetang ito ay kilala bilang


pinakamaliwanag na planeta sa kalangitan.
2. Nakuha ang pangalan ng planetang ito sa
isang Roman god ng pag-ibig at kagandahan at “Venus po.”
ito lamang ang planeta sa solar system na
ipinangalan sa isang babaeng diyos.
3. Ito ay ikalawang planeta mula sa Araw at
tinuturing na pinaka mainit na planeta sa buong
solar system.

Tama, Magaling!

“Jupiter po.”
1.Ipinangalan sa pinakamataas at
makapangyarihang Romanong diyos. Siya ang
katumbas ni Zeus sa Griyegong mitolohiya.
2. Ito ang ikalimang planeta na pinakamalayo
sa Araw.
3. Ito ang pinakamalaking planeta sa buong
solar system.

Tama, Magaling!
“Mars po.”
1. Tinatawag na red planet o pulang planeta
dahil sa kulay nito.
2. Dahil sa mapulang kulay ng planeta, ito ay
ipinangalan sa diyos ng digmaan kung saan ang
pula ay madalas na sumagisag sa katapangan,
galit, at dugo.
3. Ito ay pang-apat na planeta mula sa Araw at
pangalawa sa maliit na planeta sa ating Solar
System.

Tama, Mahusay!
C. Paglalahad
Ang mga larawang inyong nakita ay may
kinalaman sa ating aralin na tatalakayin
ngayon.
“Handa na po Sir!”
Handa na ba kayong matuto?

Kung ganoon sa inyong palagay mula sa ating


Gawain kanina, patungkol saan ang ating
tatalakayin ngayon? “Tungkol po sa mga planeta”
“Tungkol po sa siyensiya”
D. Pagtalakay

Mahusay na pag-oobserba Ana at Lino!

Ngayon ay ating aalamin kung ano ba ang mga


naganap sa Rebolusyong Siyentipiko pero bago
yun ay aalamin muna natin ang ideya ninyo sa
salitang Rebolusyon.

Ano ba ang rebolusyon? “Pagbabago po”


“Pag-unlad po”

Mahusay!

Ang Rebolusyong Siyentipiko ay simula ng


panahon ng pagsisiyasat sa pamamagitan ng
eksperimento bunga ng kanilang pagmamasid
sa kalawakan.

Alam ninyo ba klase na bago pa naganap ang


Rebolusyong Siyentipiko ang mga tao ay
naniniwala na ang mundo ay patag o kwadrado
na kung saan ay may hangganan. Kaya naman
noon takot ang mga tao na maglagalag na
kapag sila ay makarating sa dulo nito ay maaari
sila ay mahulog.
Ang ideyang ito ay batay sa aral ng mga
Kristiyano at pilosopiya ni Aristotle na
tinatawag na Geocentric o ang daigdig ang
sentro ng kalawakan at hindi gumagalaw.
Noong ika-16 siglo ay unti-unting naunawaan
ng mga Europeo na ang mundo ay hindi patag
bagkus ay bilog kaya naman ang bagong
ideyang siyentipiko ay nagresulta sa paghina sa
impluwensiya ng simbahan sa pamumuhay at
kaisipan ng mga tao sapagkat nagkaroon sila ng
interes na pag-aralan ang daigdig.

“Masasabi ko pong mahusay ang


Gaano kahusay ang pagkakalikha ng pagkakalikha nito dahil sa pagpapakita ng
kalawakan? ibat-ibang ang gulo ng mga planeta.”

“Maganda po ang pagkakalikha dahil


napapalibutan ng liwanag ang kalawakan at
may iba’t ibang sukat ang mga planeta”

Mahusay!

Ito ay ang heavenly body.

Ngayon naman ay ating talakayin ang mga


taong nag-aral sa daigdig.

Unahin nating talakayin ang naging ambag ni


Nicolaus Copernicus sa pamamagitan ng video
na aking ipapanood sa inyo.

https://www.youtube.com/watch?v=e83vng “Siya po ang nakadiskubre na ang araw ay


blLUw ang sentro ng kalawakan.”

Mula sa inyong napanood ano ang natuklasan


ni Nicolaus Copernicus?

Tama, Magaling!

Sinalungat ni Copernicus ang aral ng simbahan


at ni Aristotle na ang daigdig ay ang sentro ng
kalawakan o Geocentric dahil batay sa ginawa
niyang pananaliksik, nalaman niya na ang mga
ideyang itinuturo at pinaniniwalaan ng mga tao
noong panahon na iyon ukol sa kalawakan ay
may mga pagkakamali.

Nabuo niya ang Teoryang Heliocentric na


tumutukoy na ang araw ang sentro ng
kalawakan.
“Patag po”
Isa pa sa kaniyang natuklasan na ang mundo ay
bilog.

Sige nga kung kayo ay nakinig kanina, ano ba


ang paniniwala ng mga tao noon sa hugis ng “Sa On the Revolution of Heavenly Spheres
daigdig. po”
Tama, Magaling!

Mula sa inyong napanood saan ba isinulat ni


Copernicus ang kanyang mga natuklasan?

Tama, Magaling!
“Natakot po siyang maparusahan ng
Ang kaniyang mga ideya ay isinulat niya sa
simbahan”
kanyang libro na “On the Revolution of
Heavenly Spheres” subalit hindi niya agad ito
inilathala.

Sa tingin ninyo bakit hindi agad nilathala ni


Copernicus ang kaniyang mga natuklasan?

Tama, Magaling!

Siya ay natakot na maparusahan ng simbahan “Wala po Sir!”


kaya naman minabuti niya na hindi ito ilathala
at sarilihin na lamang ang kaniyang mga
natuklasan ngunit ipinalimbag ito ng kanyang
kaibigan bago ang kanyang kamatayan.

Meron ba kayong tanong patungkol kay


Nicolaus Copernicus?

Kung ganoon ay tatalakayin na natin Johannes “Siya po ang lumikha ng pormula sa


Kepler sa pamamagitan ng video na aking posibleng pag-ikot sa isang paribilog ng mga
ipapanood sa inyo. planeta sa araw.”

https://www.youtube.com/watch?v=Dvoe8Ib5
D1o&t=18s

Ano ang mga naging ambag ni Johannes


Kepler?

“Mas mabilis po ang pag-ikot nito


Tama, Magaling! pagmalapit sa araw at mabagal naman kung
malayo.”
Ayon sa kaniya ang mga planeta ay umiikot na
paribilog sa araw na tinatawag na ellipse at
hindi pare-pareho sa bilis sa kanilang
paggalaw.

Ano ba ang napansin ni Kepler sa pag-ikot ng


mga planeta?

Tama, Magaling!

Mas mabilis ang paggalaw ng mga planeta


kung papalapit sa araw at mabagal kung ito ay
palayo.
Tutal nabanggit natin ang mga planeta ay “Si Galileo Galilei po ang nakaimbento ng
isunod naman nating talakayin si Galileo teleskopyo “
Galilei sa pamamagitan ng video na aking
ipapanood sa inyo.

https://www.youtube.com/watch?v=eIrvY13N
q6A

Alam ko marami sa atin ang nakakilala kay


Galileo Galilei, ano ba ang kanyang naging
ambag?

Tama, Mahusay!

Dahil sa teleskopyo na naimbento niya ay


nadiskubre niya na gumagalaw ang daigdig
paikot sa araw, hindi perpektong bilog ang “Dahil sinalungat niya po ang mga aral ng
buwan dahil mayroon itong mga bundok at
lambak at hindi lahat ng heavenly body ay simbahan”
gumagalaw paikot sa araw, katulad ng mga
buwan ng Jupiter.

Dahil dito ay ipinatawag si Galileo ni Papa


Urban VIII upang harapin ang paglilitis sa
Inquisition.

Sa tingin ninyo bakit kaya naparusahan ng


simbahan si Galileo Galilei?

Tama, Magaling! “Wala po Sir”

Nagalit ang simbahan kay Galileo Galilei dahil “Opo Sir’


sa ginawa niya na nagmukhang katawa-tawa
ang simbahan at nawala ang tiwala ng mga tao
rito. kaya naman sa takot na maparusahan ng
kamatayan at matiwalag sa simbahan ay binawi
niya ang ibang resulta ng kaniyang ginawang
mga pag-aaral.

Mayroon ba kayong mga tanong tungkol kay


Johannes Kepler at kay Galileo Galilei?

Nauunawaan ba ang ating aralin?


E. Paglalapat

Ipaglaban mo!

Ipapakita ko sa inyo ang larawan ni Galileo


Galilei sa paglilitis niya sa Inquisition. Mula sa
ating tinalakay kanina, saan ba kayo papanig sa
Simbahan Katoliko o kay Galileo Galilei?
Hahatiin ko ang klase sa dalawang pangkat at
magkakaroon ng debate patungkol dito. Ang
pangkat 1 ay ang mangangatuwiran para kay
Galileo samantalang ang pangkat 2 naman ang
mangangatuwiran para sa Simbahang Katoliko.

F. Paglalahat

May Ginawa ako! Ikaw ba?


Punan ng mahahalagang impormasyon ang
talahanayan na maglalaman ng mga naging
kontribusyon sa larangan ng Astronomiya ng
iba’t ibang personalidad. Isulat ito sa isang
long bond paper.

Personalidad Kontribusyon
Nicolaus Copernicus

Johannes Kepler
Galileo Galilei
G. Pagpapahalaga

Paano nakatulong ang mga pag-aaral ng mga


siyentipiko sa pamumuhay ng tao sa
kasalukuyan? “Naliwanagan po ang mga tao tungkol sa
daigdig at kalawakan. “

“Mas lumawak po ang kaalaman ng mga tao


sa daigdig na ating ginagalawan.”

“Lumawak po ang isipan ng mga


mamamayan tungkol sa relihiyon at
paniniwala.”
Mahusay! Tama ang inyong mga sagot.
IV. Pagtataya
Piliin kung TAMA o MALI ang isinasaad ng
pahayag.
Ang mag-aaral ay gagamit ng Quizziz upang
masagot ang mga katanungan.

1. Ang Rebolusyong Siyentipiko ay simula ng


panahon ng pagsisiyasat sa pamamagitan ng
eksperimento bunga ng kanilang pagmamasid
sa kalawakan.

2. Si Nicolaus Copernicus ang nagbuo ng


isang pormula sa pamamagitan ng matematika
na tungkol sa posibleng pag-ikot sa isang
parabilog ang mga planeta at hindi sa araw.
3. Si Galileo Galilei ang nakadiskubre ng
teleskopyo na naging dahilan ng
pagkakadiskubre ng kalakawan.

4. Nadiskubre ni Johannes Kepler na ang mga


planeta ay hindi pare-pareho sa bilis sa
kanilang paggalaw nguni’t mabilis ang
kanilang paggalaw kung papalapit sa araw at
mabagal kung ito ay palayo.

5. Ang impluwensiya ng simbahan sa


pamumuhay at kaisipan ng mga tao ay lumakas
dahil bagong ideyang siyentipiko.

6. Ang Teoryang Heliocentric ay


nagpapaliwang na ang araw ang sentro ng
kalawakan.

7. Binigyang diin ni Nicolaus Copernicus na


ang mundo ay patag at kapag narating ng isang
manlalakbay ang dulo nito ay posible siyang
mahulog.

8. Noong ika-15 siglo ang mga tao ay


naniniwala sa ideyang batay sa aral ng mga
Kristiyano at pilosopiya ni Aristotle na
tinatawag na Teoryang Heliocentric.

9. Gamit ang teleskopyo napag-alaman ni


Johannes Kepler na hindi perpektong bilog
ang buwan dahil mayroon itong mga bundok at
lambak.

10. Ang pagdidiin kay Nicolaus Copernicus


ng simbahan ay naging daan upang bawiin niya
ang ibang resulta ng kaniyang ginawang mga
pag-aaral.
V. Takdang Aralin
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang Enlightenment?


2. Ano ang Rebolusyong Industriyal?
2. Bakit naganap ang Rebolusyong Industriyal
sa Great Britain?
3. Ano ang naging epekto ng pagkakaroon ng
Rebolusyong Industriyal sa Europe?

Sanggunian: Araling Panlipunan Ikatlong


Markahan - Modyul 3 Rebolusyong
Siyentipiko at Rebolusyong Industriyal- DepEd
Module. Pp. 8-13

Inihanda ni:
RYAN CHOLO P. CARLOS
Gurong Nagsasanay
BSED- Social Studies
College of Education
Bulacan State University

Iniwasto ni:

QUEENZA D. VILLAREAL
Gurong Tagapagsanay sa AP 8

Binigyang Pansin ni:

MARICEL N. VALDEZ
Punong Guro 1

Binigyang Suri ni:

LEMUEL P. DEL ROSARIO


Tagapamahala

You might also like