Republic of the Philippines
Department of Education
Region VI- Western Visayas
Division of Negros Occidental
GUINPANA-AN NATIONAL HIGH SCHOOL
__________________________________________________________________________________________
REBOLUSYONG SIYENTIPIKO
Banghay Aralin
Araling Panlipunan 8
Jesanie Alvarado
I. LAYUNIN:
Pagkatapos ng klase ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
a. natatalakay ang mga dahilan ng pag-usbong ng Rebolusyong Siyentipiko
b. nakikilala ang mga taong naging pangunahing tagapagsulong at tagapagturo ng
bagong ideyang siyentipiko.
c. nabibigyan ng pagpapahalaga ang pagbabago at kontribusiyon sa makabagong
panahon
II. PAKSANG ARALIN:
A. Paksa: Rebolusyong Siyentipiko
B. Sanggunian: Modyul Sa Araling Panlipunan 8 Kasaysayan ng Daigdig
Araling Panlipunan Ikatlong Markahan – Modyul 3 Rebolusyong Siyentipiko,
Enlightenment, at Rebolusyong Industriyal
C. Pahina: Pp 342-344, 1-7
D. Kagamitan: Powerpoint Presentation, TV, Pictures,
E. Pagpapahalaga: Kahalagahan ng ambag ng Rebolusyong Siyentipiko
F. Tinayang Oras: 1 oras
III. PROSESO NG PAGTUTURO
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
Panalangin
Bago Tayo magsimula sa ating aralin ngayong (Yuyuko at taimtim na mananalangin)
araw, inaanyayahan ko muna lahat na
manalangin. Iyuko natin ang ating mga ulo at
damhin ang presensiya ng Panginoon.
Pagbati
Isang maganda at mapagpalang araw sa inyong “Magandang Araw din po Ma’am”
lahat baitang walo
Pagtala ng Liban
Sa halip na mag sabi ng Present ..Sabihin ang
mga paboritong pansariling gamit
Balik Aral (2mins)
Bago tayo magsimula sa ating panibagong aralin,
balikan muna ang ating nakaraang leksiyon.
(magpapakita ang guro ng mga pangugusap at
tutukuying mag-aaral kung it oba ay TAMA o
MALI.
[Link] pagpapalaganap ng Kristiyanismo ay
isa sa mga tinuturing na motibo para sa “Tama”
kolonyalismong dulot ng eksplorasyon.
2. Ang Spain at France ang mga bansang
naghati sa parte ng mundo base sa Kasunduan sa “Mali”
Tordesillas.
3. Ang Victoria ang barkong matagumpay na
nakabalik sa Spain sa kabila nang pagkasawi ni “Tama”
Ferdinand Magellan.
4. Ang Ginto isa sa motibo ng kolonyalismo na “Mali”
nangangahulugan ng Katanyagan.
5. Ang Line of Demarcation ay isang linyang
tinalaga sa paghahati ng mundo para maiwasan
ang digmaan ng dalawang bansang Europeo, “Tama”
Portugal sa Silangan at Espanya sa Kanluran.
Ngayon naman ay pupunta na tayo sa ating
bagong aralin.
[Link] (3mins)
Guess What?
Ako ay may ipakikitang mga arawan na inyong
tutukuyin kung ano ang pangalan nito.
Bago kayo sumagot ay hintayin munang matapos
ang aking pagpapaliwanag kung saan ang bawat
larawan ay ibibigyan ko ng tatlong
pagsasalarawan ay bibigyan kong tatlong
pagsasalarawan bilang gabay sa inyong
pagsagot.
[Link] ang pangunahing pinagkukunan ng
enerhiya ng lahat na may buhay sa planeta. “Araw po”
[Link] bituin sa Solar System.
[Link] ay itinuturing na pinakamalapit na bituin sa
ating planeta.
Tama, Mahusay!
1. Kilala ito bilang “the Blue Planet”dahil
ito ay halos natakpan ng katubigan
2. Ito ang tanging palaneta sa solar sytem “Daigdig po”
kayang makapagpanatili ng buhay
3. Ang ikatlong planet mula sa araw.
Tama, Magaling!
1. Ang planetang ito ay kilala bilang pinaka
maliwanag na palaneta sa kalangitan.”
the morning star” “Venus”
2. Nakuha ang pangalan nito sa isang
Roman god nap ag-ibig at kagandahan
3. Ito ay ikalawang planeta mula sa araw at
tinuturing na pinakamainit sa palaneta sa
solar system
Tama, Magaling!
[Link]
Ang mga larawang inyong Nakita ay may
kinalaman sa ating aralin na talalakayin ngayon.
Handa na ba kayong matuto? “Handa na po Ma’am”
Kung ganon sa inyong palagay mula sa ating
pinakitang mga pictures patungkol saan ang “Tungkol po sa mga planeta”
ating tatalakayin ngayon? “Tungkol sa Siyensiya”
[Link] (10mins)
Mahusay!
Ngayon ating alamin kungano ba ang mga
naganap sa Rebolusyong Siyantipiko pero bago
yun ay alamin muna natin ang ideya niyo sa
salitang Rebolusyon.
Ano ba ang Rebolusyon? “Pag-babago po”
“Pag-unlad po”
Mahusay!
Ang Rebolusyong Siyantipiko ay simula ng
panahon ng pagsisiyasat sa pamamagitan ng
eksperimento bunga ng kanilang pagmamasid sa
kalawakan.
Alam niyo ba na bago pa maganap ang
Rebolusyong siyantipiko ang mga tao ay
naniniwala na ang mundo ay patag o kwadrado
na kung saan ay may hangganan. Kaya ang mga
tao ay takot na maglagalag na kung sila
makarating sad ulo sila ay mahulog.
Ang ideyang ito ay batay sa aral ng mga
kristiyano at pilosopiya ni Aristotle na tinatawag
na Geocentric o ang daigdig ang sentro ng
kalawakan at hindi gumagalaw.
Noong ika-16 siglo ay unti-unting naunawaan ng
mga Europeo na ang mundo ay hindi patag
bagkus ito ay bilog kaya naman ang bagong
ideyang siyentipiko ay nag resulta sa paghina sa
impluwensiya ng simbahan sa pamumuhay at
kaisipan ng mga tao sapagkat nagkaroon sila
ng interes na pag-aralan ang daigdig.
Ngayon naman atin talakayin ang mga taong
nag-aral sa daigdig.
Unahin nating talakayin ang nagging ambag ni
Nicolaus Copernicus.
Mula sa aking mga ipinaliwanag ano ang
natuklasan ni Nicolaus Copernicus? “Siya po ang nakadiskubre na ang araw ay
ang sentro ng kalawakan.”
Tama, Magaling!
Sinalungat ni Copernicus ang simbahan at si
Aristotle na ang daigdig ang sentro ng
kalawakan o Geocentric dahil batay sa ginawa
niyang pananaliksik, nalaman niya na ang mga
ideyang itinuturo at pinaniniwalaan ng mga tao
noong panahon na iyon ukol sa kalawakan ay
may pagkakamali.
Nabuo niya ang Teoryang Heliocentric na
tumutukoy na ang araw ang sentro ng
kalawakan.
Isa pa sa kaniyang natuklasan na ang mundo ay
Bilog.
Sige nga kung kayo ay nakikinig kanina, ano ba
ang paniniwala ng mga tao noon sa hugis ng
daigdig? “Patag po”
Tama, Magaling!
Mula sa inyong napanood saan ba isinulat ni
Copernicus ang kayang mga natuklasan? “Sa librong On the Revolution of Heavenly
Spheres po”
Tama Magaling!
Ang kanyang mga ideya ay isinulat niya sa
kanyang libro na “On the Revolution of Heavenly
Spheres” subalit hindi niya ito agad inilathala.
Sa tingin niyo bakit hindi agad nilathala ni
Copernicus ang kanyang mga natuklasan? “Natakot po siya na maparusahan ng
simbahan”
Tama, Magaling!
Siya ay natatakot na maparusahan ng simbahan
kaya naman minabuti niya na hindi ito ilathala at
sarilinin na lamang ang kaniyang mga
natuklasan ngunit iinalimbag ito ng kanyang
kaibigan bago ang kanyang kamatayan.
Meron pa ba kayong tanong tungkol ky Nicolaus “Wala na po”
Copernicus?
Kung ganon ay talakayin na natin si Johannes
Kepler.
Ano ang mga nagging ambag ni Johannes
Kepler? “Siya po ang lumikha ng pormula sa
posibleng pag-iikot sa isang paribilog ng mga
Tama, Magaling! planeta sa araw”
Ayon sa kaniya ang mga planeta ay umiikot na
paribilog sa araw na tinatawag na ellipse at hindi
pare-pareho ang bilis ng kanilang paggalaw.
Ano ba ang napansin ni Kepler sa pag-ikot ng “Mas mabilis po ang pag-ikot nito pag
mga planeta? malapit sa araw at mabagal naman kung
malayo”
Tama, Magaling!
Mas mabilis ang paggalaw ng mga planeta kung
papalapit sa araw at mabagal kung ito ay
papalayo.
.
Dahil nabanggit natin ang mga planeta isusunod
naman nating talakayin si Galileo Galilei.
“Si Galileo Galilei po ang naka embento ng
teleskopyo”
Alam ko marami sa atin na kakilala ky Galileo
Galilie,
Ano ba ang kanyang nagging ambag?
Tama, Mahusay!
Dahil sa teleskopyo na naimbento niya ay
nadeskubre niya na gumagalaw ang daigdig
paikot sa araw, hindi perpektong bilog ang
buwan dahil may ruon itong mga bundok at
lambak at hindi lahat na Heavenly body ay
gumagalaw paikot sa araw, katulod ng mga
buwan ng Jupiter.
Dahil dito ay ipinatawag si Galileo ni Papa
Urban VIII upang harapin ang paglilitis sa
Inquisition.
Ano ang Inquisition? “masusing pagtatanong at imbestigasyon”
Sa tingin niyo bakit kaya naparusahan ng
simbahan si Galileo Galilei? “Dahil sinalungat niya ang mga aral ng
simbahan”
Nagalit ang simbahan ky Galileo Galileo dahil sa
ginawa niya na nag mukhangkatawa-tawa ang
simbahan at Nawala ang tiwalang mga tao rito.
Kaya naman sa takot namaparusahan ng
kamatayan at matiwalag sa simbahan ay binawi
niya ang ibang resulta ng kanyang ginawang
pag-aaral.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang mga pamana at epekto ng Reb.
Siyentipiko?
2. Paano binago ng bagong kaisipan nina
Kepler at Galileo ang pagtingin ng tao sa
daigdig? Ipaliwanag.
Mayroon ba kayong mga tanong ky Johannes “wala na po ma’am”
Kepler at Galileo Galilei?
Naunawaan niyo ba ang ating arlin? “opo”
E. Paglalapat (10mins)
Hahatiin ko kayo sa tatlong pangkat.
Pumili kayo ng magiging leader ninyo sa inyong
grupo.
Pumunta na kayo sa inyong mga grupo.
Pangkatang Gawain: Hola Pic!
Panuto: Bawat Pangkat bumunot ng isang
larawan. Maghihinuha kayo sa loob ng 3 minuto
sa inyong grupo, pagkatapus nito ang leader ay
mag-uulat sa gitna ng klase tungkol sa nakuhang
larawan.
Pamantayan sa Pagmamarka:
Presentasyon Puntos
Kaalaman sa paksa 5
Estilo ng presentasyon 2
Kalidad ng impormasyon 3
Kabuuan 10
Teleskopyo
Heliocentric Model
Ellipse
Tapos na ba?
Magaling!
Bigyan ng palakpak ang inyong mga sarili.
Naiintindihan lang ba ng lahat?
Wala na ba kayong mga katanungan? “wala na po”
Kung wala nang katanungan,.
“opo”
F. Paglalahat
Sa kabuuan gaano ka halaga ang mga
ambag ng Rebolusyong Siyentipiko sa
kasalukuyan?
Ang Rebolusyong Siyentipiko ay
lumikha ng
bagong kamalayan sa agham, gayundin sa
larangang panlipunan at pampulitika.
[Link]
Paano nakatulong ang mga pag-aaral ng mga
siyentipiko sa pamumuhay ng tao sa
kasalukuyan?
“naliwanagan po ang mga tao tungkol sa daigdig
at kalawakan”
“Mas lumawak ang kaalaman ng mga tao sa
daigdig na ating ginagalawan”
“Lumawak po ang isipan ng mga mamamayan
ungkol sa relihiyon at paniniwala”
Mahusay! Tama ang inyong mga sagot.
Kung wala nang katanungan, kumuha ng isang
kalahating papel at sagutan ang mga sumusunod
na katanungan.
lV. Pagtataya (5mins.)
Panuto: Piliin kung TAMA o MALI ang isinasaad ng pahayag.
1. Si Nicolaus Copernicus ang nagbuo ng isang pormula sa pamamagitan ng
matematika na tungkol sa posibleng pag-ikot sa isang parabilog ang mga planeta at
hind isa araw.
2. Si Galileo Galilei ang nakadiskubre ng teleskopyo na nagging dahilan ng
pagkakadiskubre ng kalawakan.
3. Ang Teoryang Heliocentric ay nagpapaliwanag na ang araw ang sentro ng
kalawakan.
4. Nadiskubre ni Johannes Kepler na di magkaparehu ang bilis ng pag-ikot ng planeta
sa araw, masmabilis ito kapag masmalapit sa araw.
5. Ang impluwensiya ng simbahan sa pamumuhay at kaisipan ng mga tao ay lalong
lumakas dahil sa mga bagong ideyang siyentipiko.
V. Takdang Aralin
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano ang Enlightenment?
2. Ano ang Rebolusyong Industriyal?
3. Bakit naganap ang Rebolusyong Industriyal sa Great Britain?
4. Ano ang naging epekto ng paglakaroon ng Rebolusyong Industriyal sa Europe?