100% found this document useful (4 votes)
2K views14 pages

Lesson Plan - Rebolusyong Siyentipiko

Ang dokumento ay tungkol sa Rebolusyong Siyentipiko at Enlightenment. Ito ay nagtatalakay ng mga layunin ng aralin at mga kontribusyon nina Copernicus at iba pang siyentipiko. Ang guro ay nagpapaliwanag at nagbibigay ng mga halimbawa upang matuto ang mag-aaral tungkol sa Rebolusyong Siyentipiko.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
100% found this document useful (4 votes)
2K views14 pages

Lesson Plan - Rebolusyong Siyentipiko

Ang dokumento ay tungkol sa Rebolusyong Siyentipiko at Enlightenment. Ito ay nagtatalakay ng mga layunin ng aralin at mga kontribusyon nina Copernicus at iba pang siyentipiko. Ang guro ay nagpapaliwanag at nagbibigay ng mga halimbawa upang matuto ang mag-aaral tungkol sa Rebolusyong Siyentipiko.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
ENGR. VIRGILIO V. DIONISIO MEMORIAL HIGH SCHOOL

MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 8

KASAYSAYAN NG DAIGDIG

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mag- aaral ay inaasahang,
a. natatalakay ang mga dahilan ng pag-usbong ng Rebolusyong Siyentipko at
Enlightenment.
b. nakikilala ang mga taong naging pangunahing tagapagsulong at tagapagturo ng bagong
ideyang siyentipiko.
c. nabibigyang halaga ang mga naging ambag ng Rebolusyon Siyentipikong sa pamumuhay
ng mga tao sa kasalukuyang panahon, at
d. nakabubuo ng isang tsart ng paghahambing ukol sa mga siyentipiko at pilosopo na
nakapag-ambag sa Rebolusyong Siyentipiko at Enlightenment.
e. nakalilikha ng collage na naglalaman ng mga naging kontribusyon ng Rebolusyong
Siyentipiko at Enlightenment.

II. PAKSANG ARALIN


A. Paksa: Rebolusyong Siyentipiko at Enlightenment.
B. Sanggunian: Araling Panlipunan Ikatlong Markahan - Modyul 3
Rebolusyong Siyentipiko at Rebolusyong Industriyal- DepEd Module
C. Pahina: Pp. 7-10
D. Kagamitan: Powerpoint Presentation, Quizziz at mga larawan.
E. Pagpapahalaga: Kahalagahan ng ambag ng Rebolusyong Siyentipiko at Enlightenment.
F. Tinatayang oras: 1 oras

III. PROSESO NG PAGTUTURO


Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain

Panalangin
Bago tayo magsimula sa ating aralin ngayong
araw, inaanyahan ko muna ang lahat na
manalangin. Iyuko natin ang ating ulo at (Yuyuko at taimtim na mananalangin)
damhin ng presensiya ng Panginoon.

Pagbati
Isang maganda at mapagpalang araw sa inyong
lahat baiting walo.
“Magandang araw din po Sir”
Pagtala ng Liban
Pakilagay ang inyong pangalan

Mahusay, klase! “Wala pong liban ngayong araw Sir”

Balik Aral
Bago tayo magtungo sa ating panibagong
aralin, tayo muna ay magbalik-aral sa ating
nakaraang aralin.
(Magpapakita ang guro ng mga pangungusap at
tutukuyin ng mag-aaral kung ito ba ay Tama o
Mali. Ilagay ninyo ang inyong sagot sa chat
box.)

1. Ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo ay “Tama”


isa sa mga itinuturing na motibo para
sa kolonyalismong dulot ng eksplorasyon.

2. Ang Spain at France ay mga bansa na “Mali”


naghati sa parte ng mundo base sa Kasunduan
sa Tordesillas.
“Tama”
3. Ang Santiago ang barko na matagumpay na
nakabalik sa Spain sa kabila nang pagkasawi ni
Ferdinand Magellan.

4. Si Christopher Columbus ay ang


manlalayag na Portuges na nagpakilala na ang “Mali”
mundo ay bilog at nagpabago sa dating
paniniwala na ito ay patag.

5. Si Bartolomeu Dias ang nakarating sa Cape “Tama”


of Good Hope at nagpatunay na maaaring
makarating sa Silangang Asya sa pamamagitan
ng pag-ikot sa Africa.

Ngayon naman ay dadako na tayo sa ating


bagong aralin.
B. Pagganyak
Pamilyar ba kayo sa larong 4pics 1word na
nilaro ng mga kumakandidato sa pagkapangulo
sa ginawang panayam ni Ms. Jessica Soho? “Opo Sir!”
Mabuti kung ganun, ngayon ay ating subukin
ang inyong kakayahan sa pagsagot sa bawat
larawan na aking ipakikita.

“Simbahan po”

Tama, Mahusay! “Ang simbahan po ang ating nagiging


babatayan sa pamumuhay dahil sa mga aral
Ano ba ang kahalagahan ng Simbahan? mo ng simbahan nalalaman natin ang
paggawa ng tama at mali.”
Tama, Magaling!

“Libro po”

Tama, Magaling! “Ang libro po ay makukuhanan natin ng


kaalaman at mga mapagkakatiwalaang
Ano ba ang kahalagahan ng libro? impormasyon.”

Tama, Mahusay!

“Batas po”

“Ang batas po ay nagpapanatili ng kaayusan


Tama, Mahusay! sa lipunan”

Ano ba ang kahalagahan ng batas?

Tama, Mahusay!

“Agham po”

“Ang agham po ay nagbibigay kaalaman sa


tao dahil nabibigyan nitong linaw at
paliwanag sa mga bagay na nangyayari sa
Tama, Magaling! araw-araw na pamumuhay ng tao.

Ano ba ang kahalagahan ng Agham?

Tama, Mahusay!

Guess the Planet


Ako ay may ipakikitang larawan ng planeta na
inyong tutukuyin kung anong pangalan nito.

Ngunit, bago kayo sumagot ay hintayin


munang matapos ang aking pagpapaliwanag na
kung saan ang bawat planeta ay bibigyan ko ng
tatlong pagsasalarawan bilang gabay sa inyong
pagsagot.

1. Ang planetang ito ay kilala bilang Venus po.


pinakamaliwanag na planeta sa kalangitan,
2. Nakuha ang pangalan ng planetang ito sa
isang Roman god ng pag-ibig at kagandahan at
ito lamang ang planeta sa solar system na
ipinangalan sa isang babaeng diyos.
3. Ito ay ikalawang planeta mula sa Araw at
tinuturing na pinaka mainit na planeta sa buong
solar system.

Tama, Magaling!

Jupiter po.
[Link] sa pinakamataas at
makapangyarihang Romanong diyos. Siya ang
katumbas ni Zeus sa Griyegong mitolohiya.
2. Ito ang ikalimang planeta na pinakamalayo
sa Araw at ang pinakamalaki sa buong solar
system.
3. Mas malaki pa ito kahit na pagsama -
samahin ang lahat ng planeta sa solar system
kaya naman nararapat lamang na siya ang
taguriang hari ng mga planeta.

Tama, Magaling!
Mars po.

1. Tinatawag na red planet o pulang planeta


dahil sa kulay nito.
2. Dahil sa mapulang kulay ng planeta, ito ay
ipinangalan sa diyos ng digmaan kung saan ang
pula ay madalas na sumagisag sa katapangan,
galit, at dugo.
3. Ito ay pang-apat na planeta mula sa Araw at
pangalawa sa maliit na planeta sa ating Solar
System.

Tama, Mahusay!

Saturn po.

1. Nagmula ang pangalan nito sa pangalan ng


diyos ng agrikultura, na iginagalang sa mga
Romano.
2. Kilala ang planetang ito dahil sa kaniyang
ring na bibubuo ng mga batong yelo.
3. Ito ang ika-anim na planeta na
pinakamalayo sa Araw at ang ikalawang
pinakamalaking planeta sa buong solar system.

Tama, Mahusay!

Mercury po

1. Ang planetang ito ay nabantugang


Romanong diyos ng paglalakbay dahil sa bilis
ng pag-ikot o paglakbay nito sa Araw.
2. Ito ay pinakamalapit sa araw at itinuturing na
pinakamaliit na planeta sa solar system.
3. Ipinangalan ito sa Romanong diyos na si
Merkuryo na tagapaghatid ng balita.

Tama, Magaling!
C. Paglalahad
Ang mga salitang iyan ay may kinalaman sa
ating aralin na tatalakayin ngayon.
Handa na ba kayong matuto? “Handa na po Sir!”
Kung ganoon sa inyong palagay mula sa mga
litratong ating nakita, patungkol saan ang ating
tatalakayin ngayon? “Tungkol po sa simbahan”
“Tungkol po sa siyensiya”
D. Pagtalakay

Mahusay na pag-oobserba Ana at Lino!

Ngayon ay ating aalamin kung ano ba ang mga


naganap sa Rebolusyong Siyentipiko at
Enlightenment.

Una nating tatalakayin ang Rebolusyong


Siyentipiko pero bago yun alamin muna natin
ang kahulugan ng Rebolusyon.

Ano ba ang rebolusyon? “Pagbabago po”


“Pag-unlad po”

Tama, Mahusay!

Ang Rebolusyong Siyentipiko ay simula ng


panahon ng pagsisiyasat sa pamamagitan ng
eksperimento bunga ng kanilang pagmamasid
sa kalawakan.

Alam ninyo ba klase na bago pa naganap ang


Rebolusyong Siyentipiko ang mga tao ay
naniniwala na ang mundo ay patag o kwadrado
na kung saan ay may hangganan. Kaya naman
noon takot ang mga tao na maglagalag na
kapag sila ay makarating sa dulo nito ay maaari
sila ay mahulog.
Ang ideyang ito ay batay sa aral ng mga
Kristiyano at pilosopiya ni Aristotle na
tinatawag na Geocentric o ang daigdig ang
sentro ng kalawakan at hindi gumagalaw.
Noong ika-16 siglo ay unti-unting naunawaan
ng mga Europeo na ang mundo ay hindi patag
bagkus ay bilog kaya naman ang bagong
ideyang siyentipiko ay nagresulta sa paghina sa
impluwensiya ng simbahan sa pamumuhay at
kaisipan ng mga tao sapagkat nagkaroon sila ng
interes na pag-aralan ang daigdig.

Gaano kahusay ang pagkakalikha ng “Masasabi ko pong mahusay ang


kalawakan? pagkakalikha nito dahil sa pagpapakita ng
ibat-ibang ang gulo ng mga planeta.”
“Maganda po ang pagkakalikha dahil
napapalibutan ng liwanag ang kalawakan at
may iba’t ibang sukat ang mga planeta”

Mahusay!

Ito ay ang heavenly body.

Ngayon naman ay ating talakayin ang mga


taong nag-aral sa daigdig.

Unahin nating talakayin ang naging ambag ni


Nicolaus Copernicus.
“Opo. Siya po ang nakadiskubre na ang
Mayroon ba sa inyong nakakakilala kay
Nicolaus Copernicus? araw ay ang sentro ng daigdig.”

Tama, Magaling!

Sinalungat ni Copernicus ang aral ng simbahan


at ni Aristotle na ang daigdig ay ang sentro ng
kalawakan o Geocentric dahil batay sa ginawa
niyang pananaliksik, nalaman niya na ang mga
ideyang itinuturo at pinaniniwalaan ng mga tao
noong panahon na iyon ukol sa sansinukuban
ay may mga pagkakamali.

Nabuo niya ang Teoryang Heliocentric na


tumutukoy na ang araw ang sentro ng
kalawakan.

Isa pa sa kaniyang natuklasan na ang mundo ay


bilog.

Sige nga kung kayo ay nakinig kanina, ano ba “Patag po”


ang paniniwala ng mga tao noon sa hugis ng
daigdig.

Tama, Magaling!

Ang kaniyang mga ideya ay isinulat niya sa


kanyang libro na “On the Revolution of
Heavenly Spheres” subalit siya ay natakot na
maparusahan ng simbahan kaya naman
minabuti niya na ito ilathala at sarilihin na
lamang ang kaniyang mga natuklasan ngunit
ipinalimbag ito ng kanyang kaibigan bago ang “Wala po Sir!”
kanyang kamatayan.

Meron ba kayong tanong patungkol kay


Nicolaus Copernicus?
“Siya po ang lumikha ng pormula sa
Kung ganoon ay tatalakayin na natin Johannes posibleng pag-ikot sa isang paribilog ng mga
Kepler planeta sa araw.”

Sino si Johannes Kepler?

Tama, Magaling!
Ayon sa kaniya ang mga planeta ay
hindi pare-pareho sa bilis sa kanilang paggalaw
nguni’t mabilis ang
kanilang paggalaw kung papalapit sa araw at
mabagal kung ito’y palayo.

Tutal nabanggit natin ang mga planeta ay “Si Galileo Galilei po ang nakaimbento ng
isunod naman nating talakayin si Galileo teleskopyo “
Galilei.

Alam ko marami sa atin ang nakakilala kay


Galileo Galilei, ano ba ang kanyang naging
ambag?

Tama, Mahusay

Dahil sa teleskopyo na naimbento niya ay


nadiskubre niya na gumagalaw ang daigdig
paikot sa araw, hindi perpektong bilog ang
buwan dahil mayroon itong mga bundok at
lambak at hindi lahat ng heavenly body ay
gumagalaw paikot sa araw, katulad ng mga “Dahil sinalungat niya po ang mga aral ng
buwan ng Jupiter.
simbahan”
Dahil dito ay ipinatawag si Galileo ni Papa
Urban VIII upang harapin ang paglilitis sa
Inquisition.

Sa tingin ninyo bakit kaya naparusahan ng


simbahan si Galileo Galilei?

Tama, Magaling!

Nagalit ang simbahan kay Galileo Galilei dahil


sa ginawa niya na nagmukhang katawa-tawa “Wala po Sir”
ang simbahan at nawala ang tiwala ng mga tao
rito. kaya naman sa takot na maparusahan ng
kamatayan at matiwalag sa simbahan ay binawi
niya ang ibang resulta ng kaniyang ginawang
mga pag-aaral. “Ito po ay tumutukoy sa panahon ng
kaliwanagan.”
Mayroon ba kayong mga tanong tungkol kay
Johannes Kepler at kay Galileo Galilei? “Ito po ay tumukoy sa panahon ng
pangangatuwiran”
Ngayon ay talakayin natin ang Panahon ng
Enlightenment.

Ano ang kahulugan ng Enlightenment?

Tama, Mahusay!

Ang Enlightenment ay binubuo ng mga iskolar


na nagtangkang iahon ang mga Europeo mula
sa mahabang panahon ng kawalan ng
katuwiran at pamamayani ng pamahiin at bulag
na paniniwala noong Middle Ages.

Nagsilbing din itong pundasyon ng mga


modernong ideyang may kinalaman sa
pamahalaan, edukasyon, demokrasya, at “Isa po siyang Philosopher na naniniwala na
maging sa sining. ang absolutong monarkiya ang
pinakamahusay na uri ng pamahalaan.”
Naririto ang mga makabagong ideyang
Pampolitika.

Unahin natin si Thomas Hobbes.

May nakakakilala ba sa inyo kung sino si


Thomas Hobbes?

Tama, Mahusay!

Ang absolutong monarkiya ay uri ng “Sila po ang manunuway at magpaparusa sa


monarkiyang pamahalaan kung saan ang mga tao na manggugulo upang mapanatili
monarko o hari ay may pinakataas na ang kaayusan at kapayapaan.”
kapangyarihan.

Pinaniniwalaan din niya na ang pagkakaroon


ng kaguluhan ay likas sa tao dahil dito ay
kailangan ng isang absolutong pinuno.

Bakit mahalaga na may absolutong pinuno


kung ang kaguluhan ay likas sa tao? “Magulo po”
“Wala pong pagkakaisa ang mga tao”
“Wala pong kurapsiyon”

Tama, Mahusay!

Sa aklat niyang Leviathan (1651) sinabi niya na


likas sa tao ang makasarili kaya’t inilarawan
niya ang isang lipunan na walang pinuno.

Ano sa tingin ninyo ang magiging resulta ng


isang lipunang walang mga pinuno? “Opo, siya po ay naniniwala na ang lahat ng
tao ay isinilang na tabula rasa.”

“Blangkong isipan po.”


Tama ang inyong mga sagot dahil posibleng
maging direksiyon nito ay isang magulong “Wala pong laman”
lipunan.

Ang susunod ay ang English Philosopher na si


John Locke.

Mayroon ba sa inyong nakakakilala kay John


Locke?

Tama, ano ang kahulugan ng tabula rasa?

Mahusay! Tama ang lahat ng inyong mga


sagot.

Ayon kay Locke ang ating isipan ay


malalagyan ng laman batay sa nakapaligid dito
at nararanasan niya.

Ang kaniyang mga ideya ay isinulat niya sa


lathalaing Two Treatises of Government noong
1689 dito niya sinabi na kinakailangang
magkaroon ng kasunduan sa pagitan ng mga
tao at ng kanilang pinuno ngunit ang tao ay
maaaring sumira sa kaniyang kasunduan sa
pinuno kung ang pamahalaan ay hindi na
kayang pangalagaan at ibigay ang kaniyang
mga natural nakarapatan.
“Mas hinangaan ko po ang ideya ni Thomas
Hobbes dahil para sakin mas mahalaga po na
Malaki ang pagkakaiba nito sa ideya ni Thomas may kaayusan sa lipunan upang wala po
Hobbes na mas pinahahalagan ang kaunlaran
kaysa sa karapatang pantao dahil para sa kaniya tayong maranasang mga kaguluhan”
ay mahalaga na isuko ng tao sa pamahalaan
ang lahat ng kanyang mga karapatan upang
mapanatili ang kaayusan sa lipunan
samantaang para kay Locke naman ang tao ay “Mas hinangaan ko po ang ideya ni John
maaaring sumira sa kaniyang kasunduan sa Locke dahil mas mahalaga po na igalang
pinuno kung ang pamahalaan ay hindi na natin ang karapatang pantao upang
kayang pangalagaan at ibigay ang kaniyang magkaroon ng pagkapantay at pantay sa
mga natural nakarapatan. lipunan at ang bawat tao ay magkaroon ng
respeto sa bawat isa.
Base sa ating tinalakay kaninong ideya ang
higit ninyong hinahangaan ang ideya ni
Thomas Hobbes o ang ideya ni John Locke? “Wala po Sir”

Tama, Magaling! “Opo, Siya po ay isang Philosophers na


naniniwala na mahalaga ang pagkakahati
Sino naman sa inyo ang mas hinangaan ang
ideya ni John Locke? hati ng kapangarihan sa pamahalaan.”

“Ang Lehislatura po ay pangunahing gawain


Tama, Mahusay! ay ang pagbubuo ng mga batas, ang
Ehekutibo naman po ay nagpapatupad ng
May tanong ba sa ideya ni Thomas Hobbes at batas at ang Hukuman po ay tumatayong
John Locke? tagahatol.”
Ang susunod naman natin tatalakayin ay si
Baron de Montesquieu?

Mayroon bang nakakakilala sa kaniya? “Upang magkaroon po ng pagkapantay-


pantay sa kapangyarihan at maiwasan ang
pagmamalabis sa bawat isa.”
Tama! Hinati niya sa tatlong sangay ang
pamahalaan. Ito ay ang Lehislatura, Ehekutibo
at Hukuman.
Paano nagkaiba-iba sa gampanin ang tatlong
sangay na ito?

“Opo, Nagsulat po siya ng ilang mga


Tama, Magaling! lathalain laban sa Simbahan at Korte ng
Royal ng France.”
Sa tingin ninyo bakit mahalaga na hatiin ang
kapangyarihan sa pamahalaan?

Tama, Mahusay!
“Wala po Sir”
Mahalaga ito upang magkaroon ang
pamahalaan ng Check and balance na kung “Opo Sir’
saan ay dapat mayroong pantay na
kapangyarihan ang tatlong sangay para
maiwasan ang pagmamalabis ng isa’t isa.

At ang panghuli naman nating tatalakayin ay si


Francois Marie Arouet o mas kilala bilang
Voltaire.

Mayroon ba nakakakilala sa kaniya?

Tama! Alam ba ninyo dahil sa ginawa niya na


iyon ay dalawang beses na pagkakabilanggo at
nang lumaon siya ay napatapon sa Inglatera.

Mayroon ba kayong tanong sa ating aralin?

Nauunawaan ba ang ating aralin?


E. Paglalapat

Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataon na


maging isang scientist, ano pa ang nais mong
tuklasin sa daigdig?

F. Paglalahat

May Ginawa ako! Ikaw ba?


Punan ng mahahalagang impormasyon ang
talahanayan na maglalaman ng mga naging
kontribusyon sa iba’t ibang larangan ng mga
personalidad. Isulat ito sa isang short bond
paper.

Personalidad Larangan Kontribusyon


Nicolaus
Copernicus
Johannes
Kepler
Galileo
Galilei
Baron de
Montesquieu
Icollage Mo Ako!
Panuto: Lumikha ng isang collage na
maglalaman ng mga naging kontribusyon o
pamana ng Rebolusyong Siyentipiko at
Enlightenment.
Pamantayan sa Pagmamarka
Krayterya: Puntos Indikador
Impormatibo 5 Nakapagbigay
ng kumpleto,
wasto at
napakahalagang
impormasyon.
3 Nakapagbigay
ng
wastong
impormasyon
2 Kulang sa
impormasyon
Malikhain 5 Malikhain at
kumpleto ang
elemento sa
pagkakadesenyo
ng collage.
3 Malikhain ang
pagkakadesenyo
ng collage
2 May
kakulangan
sa mga element
sa
pagkakadesenyo
ng collage
Makatotohanan 5 Nagpapakita ng
makatotohanang
pang yayari sa
naging pamana
3 Nagpapakita ng
pangyayari
tungkol sa
naging pamana
2 Nagpapakita ng
iilang
pangyayari
lamang tungkol
sa naging
pamana
G. Pagpapahalaga

Paano nakatulong ang mga pag-aaral ng mga


siyentipiko sa pamumuhay ng tao sa
kasalukuyan? “Naliwanagan po ang mga tao tungkol sa
daigdig at kalawakan. “

“Mas lumawak po ang kaalaman ng mga tao


sa daigdig na ating ginagalawan.”

“Lumawak po ang isipan ng mga


mamamayan tungkol sa relihiyon at
paniniwala.”
Mahusay! Tama ang inyong mga sagot.

IV. Pagtataya
Piliin kung TAMA o MALI ang isinasaad ng
pahayag.
Ang mag-aaral ay gagamit ng Quizziz upang
masagot ang mga katanungan.

1. Ang Rebolusyong Siyentipiko ay simula ng


panahon ng pagsisiyasat sa pamamagitan ng
eksperimento bunga ng kanilang pagmamasid
sa kalawakan.

2. Si Nicolaus Copernicus ang nagbuo ng


isang pormula sa pamamagitan ng matematika
na tungkol sa posibleng pag-ikot sa isang
parabilog ang mga planeta at hindi sa araw.

3. Si Galileo Galilei ang nakadiskubre ng


teleskopyo na naging dahilan ng
pagkakadiskubre ng kalakawan.

4. Si John Locke ang may ideya ng natural law


upang isulong ang paniniwala na ang
absolutong monarkiya ang pinakamahusay na
uri ng pamahalaan.

5. Si Baron de Montesquieu ay naniniwala sa


ideya ng paghahati ng kapangyarihan sa isang
pamahalaan.

6. Ang Teoryang Heliocentric ay


nagpapaliwang na ang araw ang sentro ng
kalawakan.

7. Binigyang diin ni Nicolaus Copernicus na


ang mundo ay patag at kapag narating ng isang
manlalakbay ang dulo nito ay posible siyang
mahulog.

8. Sa aklat ni Thomas Hobbes na Leviathan ay


inilarawan niya na ang isang lipunan na walang
pinuno ay posibleng maging direksiyon ay
isang magulong lipunan.

9. Sa takot na maparusahan ng kamatayan at


matiwalag sa simbahan ay binawi ni John
Locke ang ibang resulta ng kaniyang ginawang
mga pag-aaral sa kalawakan.

10. Si Voltaire o Francois Marie Arouet, sa


tunay na buhay ay isa ring Pranses na nagsulat
ng ilang mga lathalain laban sa Simbahan at
Korteng Royal ng France.
V. Takdang Aralin
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang Rebolusyong Industriyal?


2. Bakit naganap ang Rebolusyong Industriyal
sa Great Britain?
3. Ano ang naging epekto ng pagkakaroon ng
Rebolusyong Industriyal sa Europe?
Inihanda ni:

RYAN CHOLO P. CARLOS


Gurong Nagsasanay
BSED- Social Studies
College of Education
Bulacan State University

Iniwasto ni:

QUEENZA D. VILLAREAL
Gurong Tagapagsanay sa AP 8

Binigyang Pansin ni:

MARICEL V. NATIVIDAD
Punong Guro 1

Binigyang Suri ni:

LEMUEL P. DEL ROSARIO


Tagapamahala

You might also like