You are on page 1of 2

ARALIN 3: GUBAT NA MAPANGLAW

1. Sa isang madilim gubat na mapanglaw


dawag na matinik ay walang pagitan,
halos naghihirap ang kay Pebong silang
dumalaw sa loob na lubhang masukal.

2. Malalaking kahoy ang inihahandog


pawang dalamhati, kahapisa’t lungkot,
huni pa ng ibon ay nakalulunos
sa labong matipi’t nagsasayang loob.

3. Tanang mga baging, na namimilipit


sa sanga ng kahoy, ay balot ng tinik
may bulo ang bunga’t nagbibigay-sakit
sa kangino pa mang sumagi’t malapit.

4. Ang mga bulaklak ng nagtayong kahoy


pinakamaputing nag-ungos sa dahon,
pawang kulay luksa at nakiki-ayon
sa nakaliliyong masangsang na amoy.

5. Karamiha’y sipres at higerang kutad


na ang lihim niyon ay nakasisindak,
ito’y walang bunga’t daho’y malalapad
na nakadidilim sa loob ng gubat.

6. Ang mga hayop pang dito’y gumagala,


karamiha’y s’yerpe’t basilisko’y madla
hyena’t tigreng ganid na nagsisisila
ng buhay na tao’t daigdig kapuwa.

7 Ito'y gubat manding sa pinto'y malapit


ng Avernong Reyno ni Plutong masungit;
ang nasasakupang lupa'y dinidilig
ng Ilog Kositong kamandag ang tubig.

8. Sa may gitna nitong mapanglaw na gubat


may punong higerang daho’y kulay pupas;
dito nakagapos ang kahabg-habag, isang
pinag-usig ng masamang palad.

9. Baguntaong basal na ang anyo’t tindig,


kahit natatali kamay, paa’t liig, kundi si
narciso’y tunay na Adonis, mukha’y sumilang
sa gitna ng sakit.

10. Makinis ang balat at anaki’y burok, pilik-


mata’t kilay mistulang balantok, bagong
sapong ginto ang kulay ng buhok, sangkap
ng katawa’y pawang magkaayos.
11.

BUOD:

You might also like