You are on page 1of 16

8

Filipino 8
Ikaapat Markahan – Modyul 3
Florante at Laura
Subukin
Panimulang Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.

1. Ito ang literal na pagpapakahulugan sa


isang salita.
10. Kamatayn ang parusa sa taong
A. Denotatibo B. Konotatibo ______.
C. Literal D. Di-literal
A. Sinungaling B. Mapanakit
2. Mabangis na diyosa ng hentil. C. Mapanira D. Mapanumbat
11. Uri ng pagsasalita kung saan sinasabi
A. Basilico B. Harpias
nang isinsasaisip sa harap ng
C. Oreadas Nimfas D. Narciso
kapulungang nakikinig.
3. Punong pinagtalian kay Florante.
A. Tula B. Awit
A. Higera B. Gemelina
C. Monologo D. Palaisipan
C. Narra D. Ipil-ipil
12. Pinagliluhan ng Sultan ang kanyang
4. Ang pagpapakahulugang ito ay batay
anak. Ang salitang may salungguhit ay
sa ekstrang kahulugan ng salita.
nangangahulugang ______.
A. Denotatibo B. Konotatibo
A. Nilason B. Pinagtaksilan
C. Literal D. Di-literal
C. Naunawaan D. Pinaslang
5. Ang babaeng iniibig ni Florante.
13. Ang lalaking nagpagapos kay Florante
A. Selya B. Flerida sa gubat.
C. Laura D. M.A.R. A. Adolfo B. Aladin
6. Ang katangiang taglay ng taong C. Duke Briseo D. Haring Linseo
sumakop sa Reynong Albanya.
14. Malining kaya ako ng aking kaibigan?
A. Magaling B. Masama Ang salitang may salungguhit ay
C. Maunawain D. Maganda nangangahulugang ______.
7. Ang kahariang sinakop. A. Matanggap B. Mahalin
A. Albanya B. Averno C. Ipapahamak D. Maunawaan
C. Persiya D. Plutong Masungit 15. Bakas sa mukha ni Florante ang
8. Ang Reynong Albanya ay malapit sa siniphayo. Ang salitang may salungguhit
______. ay nangangahuluga0ng ______.

A. Albanya B. Averno A. Saya B. Galak


C. Persiya D. Plutong Masungit C. Sakit D. Pagkabigo
9. Ang punong Higera ay ______.
A. Namumulaklak B. Namumunga
C. Namatay D. Di-namumunga

ii
Leksiyon 4: Paglalarawan sa
Aralin Kalagayan ni Florante at
3 Leksiyon 5: Epekto ng
Panibugho kay Florante

Alamin

Para sa Mag-aaral
Tungkol saan ang modyul na ito?
Gusto mo bang makilala kung sino si Florante? Gusto mo bang malaman kung ano
ano ang mga bagay na nagawa at handang gawin ni Florante? Kung gusto mo, paano mo
siya kikilalanin?
Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga araling tungkol sa: Leksyon 4
Paglalarawan sa Kalagayan ni Florante at Leksyon 5 Epekto ng Panibugho kay Florante. Ito
ay magagamit natin sa pagkakaroon ng kaalaman kung sino ang ating bida at kung ano
anong pagsubok ang kanyang napagdaanan. Makatutulong din ito sa paghubog sa inyong
pagkatao kung paano haharapin ang mga pagsubok sa buhay.

Subukin

Gawain 1: Tukuyin Mo!


Ating susukatin ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagsubok na ito.

Panuto: Isulat ng letrang X kung TAMA ang pahayag at letrang O naman kung
MALI.
_____1. Sinakop ni Konde Adolfo ang Albanya.
_____2. Nabilanggo si Florante.
_____3. Namumunga ang punong Higera.
_____4. Matindi ang paghihinagpis ni Florante.
_____5. Ipinag-utos ng Haring Linseo na igapos sa gubat si Florante.

1
Balikan
Gawain 2: Husgahan Mo!
Upang masukat ang inyong kaalaman, iyong pakasagutan ang inihandang gawain.

Panuto: Sagutin ng TAMA o MALI ang mga pahayag tungkol sa “Sa Babasa Nito”.

1. Nagpapasalamat si Balagtas sa mga babasa ng kanyang akda.


2. Hindi gusto ni Balagtas na matulad kay Sigesmundo.
3. Ang Florante at Laura ay tinuturing na epiko ng mga Tagalog .
4. Hindi masasabing nabibilang sa matataas na uri ng akda ang Florante at Laura.
5. Hindi nagkamit ng kahit isang papuri ang akdang Florante at Laura.

Tuklasin

Ngayon, susubukin natin ang lawak ng iyog bokabularyo.

Gawain 3: Bigyang-katuturan!
Panuto:Basahin at unawaing mabuti ang pangugusap. Tukuyin kung ano ang
kasingkahulugan ng salitang may salungguhit. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Iniisip ni Florante na siya ay pinagliluhan ni Laura.


A. Nilason B. Pinagtaksilan
C. Maunawaan D. Pinagapos

2. Nakikipaghamok si Florante para sa Albanya.


A. Nagpapapiging B. Nagpapasama
C. Nagliliwaliw D. Nakikipaglaban

3. Nakarinig si Aladin ng pananambitan.


A. Pananangis B. Suyuan
C. Tawanan D. Musika

4. Nalungayngay si Florante habang nakagapos.


A. Nagkasugat B. Masaya
C. Nakayuko D. Nag-iisip

5. Dumagundong ng paghihinagpis sa loob ng gubat.


A. Umalingawngaw B. Maingay
C. Magulo D. Nagambala

2
Suriin

Gawain 4: Halina’t Magbasa!


Ihanda ang sarili na tumuklas ng isang bago at makabuluhang aralin. Hayaang
mahasa ang iyong kakayahan sa panitikan. Kung kaya simulan na natin ang pag-aaral.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga saknong.

Leksyon 4: Paglalarawan sa Kalagayan ni Florante

Nakalulungkot kapag pinaghaharian ng kasamaan ang isang bayan. Kawawa rin ang
kalagayan ng taong hindi maipaglaban ang kanilang mga karapatan sa pinuno ng bayan.
Tuklasin ang kawawang kalagayan ng tauhan sa kabanatang ito.

1
Sa isang madilim, gubat na mapanglaw,
dawag na matinik ay walang pagitan,
halos naghihirap ang kay Febong silang-
dumalaw sa loob na lubhang masukal.

2
Malalaking kahoy ang inihahandog
pawang dalamhati, kahapisa’t lungkot;
huni pa ng ibon ay nakalulunos
sa lalong matimpi’t nagsasayang loob.

3
Tanang mga baging na namimilipit
sa sanga ng kahoy ay balot ng tinik;
may bulo ang bunga’t nagbibigay-sakit
sa kanino pa mang sumagi’t malapit.

4
Ang mga bulaklak ng ng nagtayong kahoy,
Pinakamaputing nag ungos sa dahon;
pawang kulay-luksa at nakikiayon
sa nakaliliyong masangsang na amoy.

5
Karamihaý Cirpes at Higerang kutad
na ang lilim niyon ay nakasisindak;
itoý walang bunga’t dahoý malalapad
na nakadidilim sa loob ng gubat.

3
6
Ang mga hayop pang ditoý gumagala,
karamihaý Sierpe’t Basilicoý madla,
Hiena’t Tigreng ganid na nagsisila
ng buhay ng tao’t daiging kapuwa

7
Itoý gubat manding sa pintoý malapit
ng Avenong Reyno ni Plutong masungit;
ang nasaskupang lupaý dinidilig
ng ilog Cocitong kamandag ang tubig.

8
Sa may gitna nitong mapanglaw na gubat,
may punong Higerang dahoý kulay pupas;
dito nagagapos ang kahabag-habag,
isang pinag-usig ng masamng palad.

9
Baguntaong basal na ang anyo’t tindig,
kahit natatali-kamay, paa’t liig,
kundi si Narcisoý tunay na Adonis,
mukhaý sumisilang sa gitna ng sakit.

10
Makinis ang balat at anakiý burok
pilikmata’t kilay – mistulang balantok;
bagong sapong ginto ang kulay ng buhok,
sangkap ng katawaý pawang magkaayos.

11
Dangan dooý walang Oreadas Nimfas,
gubat na Palasyo ng masidhing Harpias,
nangaawa disi’t naakay lumiyag
sa himalang tipon ng karikta’t hirap.

12
Ang abang uyamin ng dalita’t sakit –
ang dalawang mataý bukal ang kaparis;
sa luhang nanatak at tinangis-tangis,
ganitoý dadamin ng may awang dibdib.

13
“Mahiganting langit! Bangis moý nasaan?
ngayoý naniniig sa pagkagulaylay;
bagoý ang bandila ng lalong ksamaan
sa Reynong Albanyaý iwinawagayway.

4
14
“Sa loob at labas ng bayan kong sawi,
kaliluhaý siyang nangyayaring hari,
kagalinga’t bait au nalulugami,
ininis sa hukay ng dusa’t pighati.

15
“Äng magandang asal ay ipinupukol
sa laot ng dagat na kutya’t linggatong;
baling magagaling ay ibinabaon
at inililibing na walang kabaong.

16
“Nguni ay lilo’t masasamang-loob
sa trono ng piri ay iniluluklok;
at sa balang sukab na may asal-hayop,
mabangong insenso ang isinuob.

17
“Kaliluha’t sama ang uloý nagtayo
At ang kabaitaý kimi’t nakayuko;
Santong katuwiraý lugami at hapo,
Ang luha na lamang ang pinatutulo.

18
“At ang baling bibig na binubukalan
ng sabing magaling at katotohanan,
agad binibiyak at sinisikangan
ng kalis ng lalong dusting k amatayan.

19
“O, taksil na pita sa yama’t mataas!
O, hangad sa puring hanging lumilipas!
ikaw ang dahilan ng kasam-ang lahat
at niring nasapit na kahabag-habag!

20
“Sa korona dahil ng Haring Linceo
At sa kayamanan ng Dukeng Ama ko,
Ang ipinangahas ng Konde Adolfo
sabugan ng sama ang Albanyang Reyno.

21
“Ang lahat ng itoý, maawaing Langit,
Iyong tinutunguhaý ano’t natitiis?
mula Ka ng buong katuwira’t bait,
pinapayagan Mong ilubog ng lupit.

5
22
“Makapangyarihang kamay Moý ikilos,
Papamilantikin ang kalis ng poot;
sa Reynong Albanyaý kusang ibulusok
ang Iyong higanti sa masamang-loob.

23
“Bakit Kalangitaý bingi Ka sa akin,
Ang tapat kong luhog ay hindi Mo dinggin?
diyataý sa isang alipusta’t iring
sampung tainga Moý ipinangunguling?

24
“Datapwa’t sino ang tatarok kaya
sa mahal Momh lihim, Diyos na dakila?
walang nangyayari sa balat ng lupa,
di may kagalingang Iyong ninanasa.

25
“Ay! di saan ngayon ako mangangapit!
saan ipupukol ang tinangis-tangis,
kung ayaw na ngayong dinggin ng Langit
ang sigaw ng aking malumbay na boses!

26
“Kung siya mong ibig na akoý magdusa,
Langit na mataas, aking mababata;
isagi mo lamang sa puso ni Laura-
akoý minsan-minsang mapag-alaala.”

6
Leksiyon 5: Epekto ng Panibugho kay Florante

Nagkaroon ng masamang epekto sa isang tao ang panibugho o pagseselos. Upang


maiwasan ito, kailangan munang siyasatin ng isang tao ang buong katotohanan. Hindi dapat
padala sa simbuyo ng damdamin ang isang tao.
Alamin sa tula kung ano ang naging epekto ng pagseselos ng tauhan sa kanyang
pagkatao.
27
“At dito sa laot ng dusa’t hinagpis,
Malawak na lubhang aking tinatawid,
Gunita ni Laura sa naabang ibig,
Siya ko na lamang ligaya sa dibdib.

28
“Munting gunamgunam ng sinta ko’t mutya
Nang dahil sa aki’y dakila kong tuwa;
Higit na malaking hirap at dalita,
Parusa ng taong lilo’t walang awa.

29”
“Sa pagkagapos ko’y kung gunigunihin,
malamig nang bangkay akong nahihimbing;
na tinangisan ng sula ko’t giliw,
ang pagkabuhay ko’y walang hangga mandin.

30
“Kung apuhapin ko sa sariling isip,
Ang suyuan naming ng pili kong ibig;
Ang pagluha niya kong ako’y may hapis,
Nagiging ligaya yaring madlang sakit.

31
“Nguni, sa aba ko! Sawing kapalaran!
Ano pang halaga ng gayong suyuan…
Kung ang sing-ibig ko’y sa katahimikan
Ay humihiling na sa ibang kandungan?

32
“Sa sinapupunan ni Konde Adolfo,
Aking natatanaw si Laurang sinta ko;
Kamataya’y nahan ang dating bangis mo,
Nang di ko damdamin ang hirap na ito?”

33
“Dito hinimatay sa paghihinagpis,
Sumuko ang puso sa dalas ng sakit;
Ulo’y nalungayngay, luha’y bumalisbis,
Kinagagapusang kahoy ay nadilig.

7
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga pangungusap at pahayag.

Ang Monologo ay isang uri ng ng pagsasalita kung saan ang isang tauhan ay
sinasabi ang kanyang isinasaisip sa isa pang tauhan o kaya sa kapulungan ng
nangakikinig. Ang mga monologo ay ginagamit sa iba’t ibang medya gaya ng mga dula,
pelikula animasyon atbp.
(https://tl.wikipedia.org/wiki/Monologo)

Halimbawa:

Sipi ng: Monologo ng Isang Anak

Naku, naku, may gusto akong bilhin.


Maganda ang damit na nakita ko sa mall!
Pang-sosyal…ngunit wala akong pera.
Ano kaya ang pwede kong gawin?

Alam nyo ba kung saan ako kukuha ng pera?


Ah! Alam ko na, kay Mama nalang.
Hihingi ako ng pera.

Mama, mama, mama!


Pwede po bang pahingi ng pera?
May bibilhin lang ako.

Ayaw ako bigyan ni mama.


Bakit ganoon?
Yung ibang bata binibigay lahat ng gusto.
Samantalang ako sandamakmak ng pagtitipid ang ginagawa?
(https://www.deviantart.com/tenshi-oujo/journal/Monologo-ng-Makasariling-Anak-
522834254)

Isaisip

Gawain 6: Kilalanin Mo!

Upang mas mahasa ang iyong kaalaman, subukan ang mga sumusunod na gawain.
Kahulugang Konotatibo at Denotatibo
Ang kahulugang Denotatibo ay ang literal na kahulugan ng isang salita
na matatagpuan sa diksyunaryo. Habang ang Konotatibo naman ay tumutukoy
sa ekstrang kahulugan na ikinakabit sa isang salita depende sa intensyon
(agenda) ng nagsasalita o sumusulat. May mga salitang maaaring wasto ang
pagkakagamit sa usaping denotatibo subalit maaaring lumikha ng tunggalian o
kalituhan sa isang teksto.
Halimbawaý ang salitang “ahas” na ang kahulugang denotatibo ay isang
makamandag na hayop na gumagapang. Subalit kung gagamitin ito sa
8 ng “Inahas ni Florentino ang nobya
pangungusap sa loob ng isang teksto tulad
Panuto: Tukuyin kung anong uri ng pagpapakahulugan ang iyong makikita sa mga
sumusunod na pangugusap. Isulat sa patlang kung ito ba ay DENOTATIBO o
KONOTATIBO.

_______________1. Si Konde Adolfo ay naturingang plastik dahil sa kanyang mga


pinaggagawa.
_______________2. Huwag mong hayaan na ikaw ay gawing tuta ng taong nakalalamang
sa iyong estado sa buhay.
_______________3. Ako po ay isang alipin ng isang tanyag na personalidad.
_______________4. Huwag kang magkakalat sa pinakaimportanteng araw ng araw ng
iyong kaibigan.
_______________5. Kapansin-pansin ang dami ng nakatambak na plastik sa bakanteng
lote sa kanto.
_______________6. Kapag nagkaroon ako ng alagang tuta, papangalanan ko ito ng
Brownie.
_______________7. May kaibigan talaga tayong makalat sa kanyang mga gamit.
_______________8. Si Florante ay nakagapos sa puno ng Hegera.
_______________9. Nagdidilim talaga ang paningin ko sa tuwing naaalala ko ang
pang-aabusong napagdaanan ko.
_______________10. Hindi ko makita kung nasaan ang posporo dahil sa dilim ng paligid na
dulot ng kawalan ng kuryente.

Isagawa
Performance Task

Gawain 7: Maging Makata!

Buksan ang iyong isipan at gamitin ang kaalamang natutuhan upang maisagawa ang
gawaing itinakda.
Panuto: Sumulat ng isang sariling monologo na may damdaming pagkatakot, pagkapoot, o
iba pang damdamin. Gamit ang iyong cellphone, irekord ang iyong sarili habang binibigkas
mo ng madamdamin ang iyong isinulat na monologo.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
9
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

PAMANTAYAN
20 puntos 15 puntos 10 puntos 5 puntos
Ang monologo na Ang monologo na Ang monologo na Ang monologo ay di
nabuo ay talagang nabuo ay nabuo ay bahagyang naging organisado,
organisado, organisado, organisado, maingat na hindi maayos ang
maingat na maingat na naisulat nang may pagkakasulat, hindi
naisulat, talagang naisulat, bahagayang kaingatan, malikhain, hindi
malikhain, wasto malikhain, wasto bahagyang malikhain, wasto at hindi
at talagang at angkop sa may kawastuhan at angkop sa napiling
naangkop sa napiling tema. bahagyang may tema.
napiling tema. kaangkupan sa napiling
tema.

Tayahin

Gawain 8: Bilugan Mo!

Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang mga sumusunod at bilugan ang wastong titik ng
iyong napiling sagot.

1. Sinasabing a Florante ay nakagapos sa isang puno na matatagpuan sa loob ng gubat.


Ano ang pangalan ng punong pinaggapusan sa kanya?

A. Higera B. Gemelina
C. Narra D. Ipil-ipil

2. Ito ang tinaguriang mababanis na diyosa ng hentil.

10
A. Basilico B. Harpias
C. Oreadas Nimfas D. Narciso

3. Ang halimaw na ito ay inilalarawan na may mukhang butiki na nagtataglay ng


nakamamatay na kislap ng mata at amoy ng hininga.

A. Tigre B. Sierpe
C. Harpias D. Basilico

4. Sa anong Reyno malapit si Plutong masungit?

A. Reynong Albanya B. Reynong Averno


C. Kaharian ng Kagubatan D. Kaharian nina Flerida

5. Ano ang pakiusap ni Florante sa Diyos?

A. Iligtas siya ng kanyang ama.


B. Muli niyang makapiling ang ina.
C. Maakoronahang hari ng Albanya.
D. Maalala siya ng kanyang kasintahan.

6. Anong katangian ang taglay ng taong iniluklok sa Reynong Albanya nang ito ay
masakop?

A. Magagaling B. Masasama
C. Maunawain D.Magaganda

7. Pinapatawan ng anong parusa ang taong nagsasabi ng kasinungalingan?

A. Kamatayan
B. Itinatakwil sa bayan.
C. Ginagawaran ng parangal.
D. Pinagpapasan ng malaking bato.

8. Matatandaang mayroong irog si Florante, sino ang babaeng ito?

A. Selya B. Flerida
C. Laura D. Ma. Asuncion Rivera

9. Ano ang nais mangyari ni Florante sa mga masasamang taong naghahari sa kanyang
bayan?

A. Parusahan ng Diyos.
B. Magpasalamat sa kanya.
C. Patawan ng parusang kamatayan.
D. Magdiwang sapagkat napasakamay na nila ang Albanya.

10. Ang taong naghangad na makuha ang Reynong Albanya ay walang iba kundi si
_______________.

A. Haring Linseo B. Duke Briseo


11
C. Konde Adolfo D. Balagtas

12
Aralin
Pagtatasa
3

Alamin

Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga katanungang susukat sa kaalamang iyong


nalikom sa araling tinalakay. Makakatulong din ito sa paghasa sa iyong angking talino.

Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.

1. Kamatayn ang parusa sa taong ______.

A. Sinungaling B. Mapanakit
C. Mapanira D. Mapanumbat
2. Ang lalaking nagpagapos kay Florante sa gubat.

A. Adolfo B. Aladin
C. Duke Briseo D. Haring Linseo
3. Pinagliluhan ng Sultan ang kanyang anak. Ang salitang may salungguhit ay
nangangahulugang ______.

A. Nilason B. Pinagtaksilan
C. Naunawaan D. Pinaslang

4. Malining kaya ako ng aking kaibigan? Ang salitang may salungguhit ay


nangangahulugang ______.

A. Matanggap B. Mahalin
C. Ipapahamak D. Maunawaan
5. Bakas sa mukha ni Florante ang siniphayo. Ang salitang may salungguhit ay
nangangahulugang ______.

A. Saya B. Galak
C. Sakit D. Pagkabigo
6. Uri ng pagsasalita kung saan sinasabi nang isinsasaisip sa harap ng kapulungang
nakikinig.

A. Tula B. Awit
C. Monologo D. Palaisipan

13
7. Ang punong Higera ay ______.
A. Namumulaklak B. Namumunga
C. Namatay D. Di-namumunga
8. Ang katangiang taglay ng taong sumakop sa Reynong Albanya.
A. Magaling B. Masama
C. Maunawain D. Maganda
9. Ito ang literal na pagpapakahulugan sa isang salita.

A. Denotatibo B. Konotatibo
C. Literal D. Di-literal

10. Ang babaeng iniibig ni Florante.

A. Selya B. Flerida
C. Laura D. M.A.R.
11. Punong pinagtalian kay Florante.

A. Higera B. Gemelina
C. Narra D. Ipil-ipil
12. Ang Reynong Albanya ay malapit sa ______.

A. Albanya B. Averno
C. Persiya D. Plutong Masungit
13. Ang pagpapakahulugang ito ay batay sa ekstrang kahulugan ng salita.

A. Denotatibo B. Konotatibo
C. Literal D. Di-literal

14. Mabangis na diyosa ng hentil.

A. Basilico B. Harpias
C. Oreadas Nimfas D. Narciso
15. Ang kahariang sinakop.

A. Albanya B. Averno
C. Persiya D. Plutong Masungit

14

You might also like