You are on page 1of 2

IKALAWANG SUMATIBONG PAGSUSULIT

FILIPINO 8 – Ikaapat na Markahan

Pangalan____________________________________ Seksiyon__________________________ Iskor_____________

PANUTO: Basahin at unawain ang bawat bilang. Isulat ang titik sa patlang. ( erasure means wrong )
_____1. Sino ang hinahanap ni Florante habang siya ay nakagapos?
A. Aladin B. Flerida C. Floresca D. Laura
_____2. Sino ang napadpad sa gubat na may pananamit na Moro?
A. Aladin B. Menalipo C. Briseo D. Sultan Ali-Adab
_____3. Saan galing ang gererong bayani na dumating sa gubat?
A. Albanya B. Berbanya C. Armenya D. Persya
_____4. Anong mabangis na hayop ang gustong sumila kay Florante sa gitna ng gubat?
A. tigre B. leon C.ahas D. buwaya
_____5. Sino ang tumulong sa lalaking nakagapos sa gitna ng gubat?
A. Adolfo B. Flerida C. Aladin D. Laura
_____6. Sino ang mahigpit na kaagaw ni Aladin sa pag-ibig kay Flerida?
A. Florante B. Menalipo C. Briseo D. Sultan Ali-Adab
_____7. Alin sa sumusunod ang ginagawa ni Laura kapag pupunta sa labanan si Florante?
A. Sinisiyasat ang tibay at kintab ng sasakyan.
B. Pinahihiyasan ang turbante.
C. Binibigyan ng sariling espada.
D. Ipinaghahanda ng baong kakainin habang nasa daan.
_____8. Alin ang pangyayari na naganap sa kabanatang “Alaala ni Laura”?
A. Ang pagliligtas ng isang estranghero
B. Ang pagbabalik-tanaw sa mga alaala ng kabataan ni Florante
C. Ang gutom at pagod na nadarama ni Aladin dahil sa mahabang paglalakbay
D. Ang nadaramang paninibugho ni Florante sa inakalang kasiyahan nina Adolfo at Laura
_____9. Alin ang pangyayari na naganap sa “Ang Pagsaklolo”?
A. Pag-alala sa kabutihan ng ama C. Pagkakaroon ng panibugho sa ama
B. Ang pagliligtas ng isang estranghero D. Paggapos sa kahambag-hambag na binata
_____10. Alin sa mga sumusunod ang lalong nagpalungkot kay Florante nang nasa harap na siya ng kahambal- hambal na
kamatayan?
A. Mamamatay siyang walang magulang.
B. Mamamatay siyang hindi na siya mahal ni Laura.
C. Hindi niya kayang ipagtanggol ang kaniyang sarili.
D. Wala man lang tumulong sa kaniyang paghihirap.
_____11. Bilang mag-aaral, paano moibabahagi sa iba ang iyong natutunan sa Florante at Laura?
A. Magplano ng munting pagpupulong sa inyong lugar
B. Makihalubilo sa mga paligsahan ng paggawa ng tula
C. Magbasa at magsulat ng mga awit gaya ng Florante at Laura
D. Makipagtalastasan sa iba ukol sa Florante at Laura
_____12. Si Diana ay mahilig magbasa ng awit at mga libro. Para mas madagdagan pa ang kanyang kaalaman ukol sa
kasaysayan ng ating bansa gamit ang akda ng mga pilipinong makata na may porma ng awit, ano ang iyong
maimumungkahing babasahin ni Diana?
A. Ibong Adarna B. Noli Me Tangere C. Florante at Laura D. El Filibusterismo
_____13. Iniligtas ng isang estranghero si Florante sa masukal na gubat. Kahit hindi sila magkakilala, pinakain at inalagaan
parin si Florante ng estrangherong ito. Kung ito ay mangyayari sa totoong buhay na may nangangailangan ng
tulong at hindi mo naman kakilala. Ano ang iyong nararapat na gagawin?
A. Pagtawanan ang nangangailan ng tulong.
B. Pabayaan na lamang.
C. Palayasin agad
D. Pakainin, painumin at dalhin sa pinakamalapit na pulisya.
_____14. May mangyayaring pagpupulong sa application na Zoom sa inyong klase. May mga banyaga kayong makakasama
sa pagpupulong na iyon. Ang paksa ninyo ay tungkol sa Florante at Laura. Dahil malalalim ang mga salitang
nagamit sa akda. Ano ang maitutulong mong gagawin ng mga banyaga upang maunawaan nilang maigi ang akda?
A. Basahin lamanag ang akda.
B. Isalin at gawan ng buod ang akda.
C. Mag-usisa sa iba at sa kanila ipagawa ang mithiin mo.
D. Huwag pansinin ang mga banyaga at mag-aral ng mag-isa.
_____15. Ninasa ng ama ni Florante na matabunan siya ng bangkay sa gitna ng pagpapatayan upang hindi siya mahulog sa
may panirang kamay. Kung susuriin ang pahayag, sino ang tinutukoy sa nasalungguhitan?
A. Aladin B. Antenor C. Adolfo D. Menandro
_____16.Batay sa saknong, tukuyin kung anong uri ng damdamin ang namayani sa tauhan.

‘Di ko na masabi’t luha ko’y nanatak,


Nauumid yaring dilang nangungusap,
Puso’y nanlalambot sa malaking habag’
Sa kaawa-awang kinubkob ng hirap.

A. nagagalit B. naghihinanakit C. naaawa D. nanghihinayang


_____17. Alin sa mga sumusunod na saknong ang HINDI kabilang sa sinapit ng ama ni Florante?
A. Inihagis at hindi inilibing
B. Kamay at katawa’y nalayo sa ulo
C. Naghihiwalay na laman at buto
D. Ipinakain sa tigre ang mga laman
_____18. Bakit labis na nainggit si Aladin kay Florante? Si Florante ay may_______________.
A. mapagtangkilik na ama
B. mapagmahal na kasintahan
C. higit na makisig at may bayaning tikas
D. mapalad at may magandang kapalaran
_____19. Si Joey ay kabilang sa Filipino club. Kailangan nilang isabuhay ang pagganap bilang Florante at Laura sa gaganaping
Buwan ng Wika sa kanilang paaralan. Para mas maganda ang kanilang itatanghal, ano ang iyong maimumungkahing
kanilang gagawin?
A. Makinig at magsagaw ng radio drama
B. Makipagtalastasan
C. Magsagawa ng dula-dulaan
D. Gumawa ng tula
_____20.May ipapalabas kayong proyekto sa local na stasyon ng radyo sa inyong lugar. Isa ka sa napiling gaganap bilang
tauhan ng Florante at Laura. Para mas makototohanan ang iyong pagganap. Anong klaseng ensayo ang iyong gagawin?
A. Makinig at magsagaw ng radio drama
B. Makipagtalastasan
C. Magsagawa ng dula-dulaan
D. Gumawa ng tula

You might also like