You are on page 1of 6

Region I

LA UNION SCHOOLS DIVISION OFFICE


San Fernando City
PAKITANG-TURO FILIPINO 7
GNG. EVANGELINE L. PATACSIL

PAKSA/NILALAMAN Travel Brochure


KASANAYANG 1. Nakikilala at naipapaliwanag ang isang proyektong panturismong
PAMPAGKATUTO travel brochure;(F7PD-Ij-6)
2. Naiisa-isa ang mga hakbang at panuntunan na dapat gawin upang
maisakatuparan ang proyektong panturismo (travel brochure)
3.Nasusuri ang isang proyektong panturismo (Travel Brochure)(F7PD-Ij-6)
KAGAMITANG  SLM –FILIPINO 7  DLP
PAMPAGKATUTO  Rex Interactive , The  PPT/picture/video
Online Educational for
teachers and students
ISTRATEHIYA/ GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain:
Panalangin
Magandang umaga sa inyong lahat... Mapagpalang umaga din po sa inyo
Limang minutong pagbasa:I-FLASH MO Ma’am.
NA YAN!Pagbasa nang may damdamin.
Hugot ngayong araw:
1.“Binigay ko naman sa’yo lahat, oras,
magandang ala-ala at mga destinasyong
magkasama tayong dalawa pero bakit iniwan mo
pa ring mag-isa. Di na ba ako mahalaga?”

2.“Ang buhay ay parang isang walang katapusang


paglalakbay, maraming pagsubok ang dadaan
kaya’t kailangan ng tatag at tibay ng loob. Huwag
sumuko, ang Diyos ay laging nandiyan.”
Iugnay sa aralin:
Bago natin simulan ang ating talakayan
ay magkakaroon muna tayo ng aktibidad
ito ay pinamagatang
LITRATO KO HULAAN MO!

Para sa aktibidad na ito mayroon akong


larawan na ipapakita sa inyo. Ito ay mga
lugar sa Pilipinas na inyong huhulaan.
Lahat ng mga makakakuha ng tamang
sagot ay mabibigyan ng puntos.

Ma’am, Bohol.
(Tanyag na chocolate hills ng Bohol
sa Pilipinas.)Tinutubuan ng luntiang
damo sa panahon ng tag-ulan at sa
panahon ng tag-araw ay kulay
Chocolate Hills tsokolate .

Paraang pagtuklas
(discovery
approach)
-dito ay nabibigyan Ma’am Baguio.
ng pagkakataon ang (The highly urbanized city, found in
mga mag-aaral na Baguio City.From natural sites to
tumuklas ng modern ones.
kaalaman, at
bagong konsepto.

Ma’am, Pangasinan.
The Minor Basilica of Our Lady of
Rosary of Manaoag,commonly
known as Manaoag Church,located
in Manaoag ,Pangasinan.

Ma’am, La Union.
(Surfing Capital of La Union sa San
Juan ,La Union)

Ma’am, Vigan sa Ilocos Sur po.


(Kalye Crisologo na matatagpuan sa
Vigan,Ilocos Sur)

Ma’am, Batanes po.


(Turismo sa Lalawigan ng Batanes)

Ma’am, Palawan.
(Underground River sa
Palawan,Puerto Princesa)

Ma’am, sa Batangas po.


(Taal Volcano sa Batangas )Ikalawang
aktibong volcano sa bansa na
sumabog ng 38 historical eruptions at
“smallest active volcano in the world.
Napakahusay! Bukod sa mga larawang
ito may mga lugar pa ba kayong Pagbabahagi ng mga mag-aaral sa
napuntahan sa Pilipinas? Saang mga mga lugar na napuntahan na nila.
lugar ito? Ilarawan nga ninyo.Ano ang Maam, ako po sa Manila.
nagustuhan sa lugar na napuntahan Maam, sa Pampanga.
ninyo? Ma’am, sa Ilocos Norte.
Sagot:Maganda at kaakit-akit,
napakalinis at kaya-ayang tignan ang
kapaligiran Maam!

B. Paglinang ng Aralin/Analysis
JUMBLED LETTERS
Lahat ng nabanggit ninyo ay may
kinalaman sa ating talakayan ngayon at
upang malaman natin ay may itatanong
ako sa inyo . Sasagutin ito sa
pamamagitan ng pagsasaayos ng mga
letra upang mabuo ang hinihinging
kasagutan.

1.Ano ang tawag sa paglalakbay o pagbisita Ma’am, turismo.


ng mga tao sa ibang lugar na may layunin?

2. Ito ay tawag sa taong naglalakbay sa ibang Ma’am, turista.


lugar o bansa.
AP-Intgrasyon:Batay sa World Tourism
Organization (WTO),turista ang tawag sa
sinumang naglalakbay ng 50 milya(80.5
kilometro)ang layo mula sa tirahan.

3. Tala ng isang turista ng mga maaaring


gawin sa loob ng panahon ng kaniyang Ma’am, travel organizer.
paglalakbay, mga lugar na kaniyang
bibisitahin.

4. Ito ay isang maikling babasahin na Ma’am,brochure.


maaaring dalhin saanman na naglalaman ng
hinimay na mahalagang impormasyon
tungkol sa isang lugar.

Napakahusay ang tatalakayin natin ay


tungkol sa brochure na kung saan kaugnay
rin nito ang mga salitang turismo, turista, at
travel organizer.

Mula sa mga aktibidad na isinagawa natin Ma’am, ito isang maikling babasahin na
mula sa paghula ng larawan at pagsasaayos maaaring dalhin saanman. Nagsisilbi rin
ng mga letra, ano kaya ang ibig sabihin ng itong gabay kung ano ang dapat asahan
brochure o travel brochure? tungkol sa lugar na pupuntahan.

Mahusay!

C. Pagtalakay sa paksa
A.Mungkaheng Estratehiya(WATCH Panonood ng video clip
AND LEARN) Panonood ng isang video
clip.
Malalimang talakayan hinggil sa
kahulugan at paggawa ng travel
brochure
Mga Dapat Isaalang-alang sa Paggawa ng
Travel Brochure
1. Nakapupukaw-pansin na pabalat – Ang
pagkakaroon ng malikhain at kaakitakit na
disenyo na pabalat ay nakatutulong upang
higit na makuha ang interes ng mga turista.
2. 2.Alamin ang target audience –
Magkaroon ng malinaw na brochure na
pasok sa badyet ng mga turista.
3. Payak at malinaw na nilalaman –
Kompleto at simpleng detalye lamang ang
ilalahad upang madaling maunawaan at
hindi magdulot ng kalituhan. Upang mabilis
maunawaan ng mga nakararami.
4. Antas ng wikang gagamitin – Maaaring
pormal o impormal. Kailangang naaayon ito
sa pangkalahatang populasyon ng
mambabasa
5. Disensyo o istilong gagamitin – Isaalang-
alang ang kultura ng isang turistang pupunta
sa isang lugar. Maging positibo sa pagbuo ng
larawangdiwa ng nasabing lugar.

Mga Nilalaman ng Travel Brochure


1. Introduksiyon o Panimula
2. Lokasyon ng mga prominente o kilalang
pasyalan
3.Lugar kung saan maaaring kumain o
magpahinga
4. Mga larawan ng mga lugar na maaaring
pasyalan, kainan, mapagpahingaan
5. Halaga ng transportasyon at iba pang
bilihin
Ngayon upang lubos nating maalala ang Sagot:
aralin magkaroon nang TANONG,SAGOT 1.maayos ang pagkagawa
MO! 2.mailagay ang mga tamang disenyo
Mga dapat itanong: at larawan
1.Ano ang Brochure/Travel Brochure? 3.mailagay kung magkano
2.Ano-ano ang mga dapat isalang -alang sa gagastusin.
Paggawa ng Travel Brochure? Ma’am dahil po sa brochure, mas
3.Paano mas makahihikayat ang isang travelmadali tayo nagkakaroon ng
brochure?
kaalaman sa isang lugar.,alam kung
4.Ano nga ba ang kahalagahan ng pag-
saan ang mga magagandang
aaral ng brochure?
puntahan at nadagdagan ang
kaalaman particular sa isang lugar.
D.Paglalapat/Aplikasyon:
Mungkahing Estratehiya:(SURIIN NATIN)
Suriin ng pangkat ang mga nagawang
travel brochure ayon sa pagkagawa nito
at batay sa nilalaman ng travel brochure.
(Pangkatang Gawain)
a.Intrduksyon
b.Lokasyon(mapa)landmark o tourist
spots.
c.Mga Larawang Ginamit na maaring
pasyalan ,kainan at pahingahan.
d.Mga halaga ng transportasyon.
kabuuan :20 puntos
Mahusay!

F. Pagtataya/Ebalwasyon
Ngayon ay magkakaroon muli tayo ng
aktibidad ito ay ang FACT O BLUFF.

Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag.


Itaas ang plakard na FACT kung wasto ang
pahayag at BLUFF naman kung hindi wasto.
____ 1. Ang turismo ay nagbibigay
hanapbuhay sa mga lokal na mamamayan.
_____ 2. Isa sa isinasaalang-alang ng mga
turista ang magagandang karanasan at
komento mula sa mga lokal na nakatira sa
lugar.
_____ 3. Ang travel organizer ay tinatawag
ding travel planner. Ito ay dapat hawak ng
isang turista.
_____ 4. Layunin ng travel brochure na
mapadali at makawilihan ng mga turista ang
lugar na kanilang pupuntahan.
_____ 5. Sa mga impormasyong nakatala sa
travel brochure, karaniwang kinukuha ang
mga impormasyong nakalista sa travel tour.
_____ 6. Naglalaman ng mahahalagang
impormasyon tungkol sa isang lugar ang
proyektong panturismo.
_____ 7. Ang pagsasagawa ng proyektong
panturismo ay isang paraan upang lumakas
ang turismo sa isang lugar.
_____ 8. Hindi naipapakita ng proyektong
panturismo ang kultura’t paniniwala ng
isang lugar.
_____ 9. Turista ang tawag sa paglalakbay o 1. Fact
pagbisita ng mga tao sa ibang lugar na may
layunin. 2.Fact
_____10. Turismo ay tawag sa taong
naglalakbay sa ibang lugar o bansa.
3.Bluff
IV. Kasunduan
Para sa ating kasunduan ay nais kong
magdala kayo ng mga magazine, 4.Fact
newspaper at iba pangbabasahin na may
larawan ng iba’t ibang lugar. Ito ay para
sa pagahahanda sa gagawing TRAVEL 5.Fact
BROCHURE.
6.Fact

7.Fact

8. Bluff

9.Bluff
10. Bluff

Inihanda ni:

GNG. EVANGELINE PATACSIL


Guro

Ipinasa kay: Minasid ni:

GNG. ARNILA B. CARDINEZ GNG. ELSIE V. MAYO


Ulongguro III - Filipino SS Punong – guro IV

You might also like