You are on page 1of 5

PAARALAN ANTAS BAITANG 7

GURO ASIGNATURA FILIPINO

Pang-araw- Marso 30, 2022


araw na tala PETSA/ORAS
10:00 AM-11:00 AM
MARKAHAN
Ikatlong Markahan

sa Pagtuturo
I. LAYUNIN Naipamamalas ng mag-aaral ang pag unawa sa mga akdang pampanitikang Luzon.
A. Pamantayang
Pangnilalaman
Nakasusulat ng tugmang de gulong sa pamamagitan ng mga sumusunod na pamantayan: (a)
B. Pamantayan sa nilalaman; (a.1) malinaw na paglalahad ng mensahe; at (a.2) nagmumungkahi; (b) kasiningan o
Pagganap estilo; (b.1)malikhain ang presentasyon; at (b.2) may hikayat sa madla.
Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naibibigay ang katangian ng tula/awiting panudyo, tugmang de-gulong at palaisipan.
2. Napahahalagahan ang mga kaalamang-bayan bilang bahagi ng ating panitikan.
3. Nakabubuo ng sariling tula/awiting panudyo, tugmang de-gulong at palaisipan.
C. Mga kasanayan sa
Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto (MELC)
Pagkatuto
 Naihahambing ang mga katangian ng tula/awiting panudyo, tugmang de gulong at
palaisipan (F7PB-III-a-c-14)
 Naisusulat ang sariling tula/awiting panudyo, tugmang de-gulong at palaisipan batay sa
itinakdang pamantayan (F7PU-IIIa-c-13)
Panitikan: Mga Kaalamang-bayan
II. NILALAMAN Kagamitan: Pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 1 Sesyon
KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
Patnubay ng guro p.
1. Mga pahina sa Gabay (wala)
ng Guro
Kagamitan ng mga mag-aaral pp.
2. Mga pahina sa (wala)
kagamitang Pang-
Mag-aaral
(wala)
3. Mga Pahina sa
Teksbuk
(wala)
4. Karagdagang
kagamitan mula sa
portal ng learning
resource
Powerpoint worksheet, mga larawan mula sa Internet (Google images), Manila paper, pentel pen,
B. Iba pang kagamitang
pisara, yeso
Panturo
https://youtube
III. PAMAMARAAN
Gawaing Rutinari
A. Balik-aral  Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral
AKTIBITI
Motibasyon
Mungkahing Estratehiya
GAWAIN 1: ISIP PAGANAHIN AT AKO’Y SAGUTIN!
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na palaisipan.
1. Ano ang mayroon sa jeep, bus at tricycle na wala sa eroplano?
SAGOT: side mirror
2. Ano ang mas mabigat, isang kilong bulak o isang kilong pako?
SAGOT: Pareho dahil ang bigat nila ay parehong isang kilo
3. May 12 na buwan sa isang taon. Pito rito ay may 31 na araw at apat ang may 30 na araw lang.
Ilang buwan ang may 28 na araw?
SAGOT: 12 na buwan
Mungkahing Estratehiya
B. Paghahabi ng layunin GAWAIN 2: SIPAT-LARAWAN
ng aralin Panuto: Pagmasdan at suriin ang larawan. Magbigay ng ilang mga pahayag o impormasyon ukol
dito.
Mapa ng Pilipinas
Mapa ng Luzon
Alam Niyo Ba?...
Ang Luzon ay ang pinakamalaking pangkat ng pulo sa Pilipinas. Sa pulong ito matatagpuan ang
Maynila, ang punong lungsod o kapital ng bansa. May walong rehiyong makikita sa Luzon. Ito ay
ang mga sumusunod: NCR, Rehiyon I, II, CAR, III, IV-A (CALABARZON), IV-B (MIMAROPA)
AT REHIYON V.
Ang Luzon ay mayroon ding mayamang panitikan. Sa katunayan ang Tagalog ang masasabing may
pinakamayamang panitikan sa bansa. Ilan sa mga manunulat na kilala sa rehiyong ito ay sina Pedro
Bukaneg, Lope K. Santos, Francisco Balagtas, Virgilio Almario at marami pang iba.
Karamihan din sa mga propagandista at repormista noong panahon ng Espanyol ay dito nagmula.
Katulad nina Jose Rizal, Andres Bonifacio, Marcelo Del Pilar, Graciano Lopez Jaena at iba pa.
C. Pag-uugnay ng mga Pagpapakita ng Video Clip Presentation
halimbawa sa bagong Mungkahing Estratehiya
aralin Mga Kaalamang-bayan
 hango sa tula
 pinagmulan ng awit, sayaw at dula
 maanyo at malikhaing paraan ng pagpapahayag sa sariling kaisipan
 salawikain at mga kawikaan na tuwinang nababanggit ng mga Pilipino
 nagpapaalala at nagbibigay-aral
Ayon kay Alejandro G. Abadilla, “Bawat kibot ng kanilang bibig ay may ibig sabihin at katuturan.”
Ito ang ipinalalagay na pangunahing dahilan kung bakit nabuo ang iba pang mga akdang patula tulad
ng:
 Tula/Awiting Panudyo
 Tugmang de-gulong
 Palaisipan
Katanungan:
Naranasan mo na bang tuksuhin at mapaiyak ng iyong kalaro noong ikaw ay bata pa? O baka naman
ikaw ang nang-iinis sa iyong kalaro?
Tula/Awiting Panudyo
 May himig na nagbibiro
 Tinatawag rin itong pagbibirong patula
 Layunin ay manlibak, manukso o mang-uyam
Halimbawa:
Bata batuta,
Nagtago sa lungga
Hinabol ng palaka.

Tatay mong bulutong


Pwede mong igatong.
Nanay mong maganda
Pwede nang ibenta.

Kotseng kakalog-kalog
Sindihan ng posporo
Sa ilog lulubog.

Katanungan:
Naranasan mo na bang sumakay sa mga pampublikong sasakyan? Ano ang iyong mga napansin?
DYIPNI O DYIP
Ito ang pinakakilalang uri ng sasakyan sa Pilipinas. Ang mga ito’y ginawa mula sa mga US Military
Jeeps na naiwan mula sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Simula sa unang pagkalikha nito, ang
dyipni ay marami ng mga palamuti. Ang jeepney, na siyang pinakakaraniwan at orihinal na anyo ng
pampublikong transportasyon na ginagamit ng mga Pilipino, ay maaaring isaalang-alang bilang isang
tanda ng kalayaan at pagiging Pilipino.
Tugmang de-gulong
 Paalala o babala na makikita o mababasa sa mga pampublikong sasakyan
 Nagpapaalala sa mga pasahero
 Kawili-wili, katawa-tawa at nagbibigay aliw sa mga drayber at pasahero
 Nasa anyong salawikain, kasabihan at maikling tula
Halimbawa:
Sitsit ay sa aso, katok ay sa pinto,
sambitin ang “para” sa tabi tayo’y hihinto.

Ang hindi magbayad mula sa kanyang pinanggalingan,


ay hindi makabababa sa paroroonan.

Sa pagtaas ng gasolina,
kaming mga drayber ay naghahabol ng hininga.

Katanungan:
Napakamot ka na ba sa iyong ulo nang minsang hindi mo masagot ang tanong ng isa sa iyong
kalaro?
Palaisipan
 Nasa anyong tuluyan
 Paboritong pampalipas oras ng ating mga ninuno
 Nagpapasigla at nagpapatalas ng kaisipan
 Hindi napaglilipasan ng panahon
Halimbawa:
May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng sombrero. Paano nakuha ang bola nang di man lamang
nagalaw ang sombrero?
SAGOT: Butas ang tuktok ng sombrero
May isang eroplano at isang barko. Alin ang mas mataas sa dalawa?
SAGOT: tatlo
Magkakaibigan sina Maria, Leonora at Teresa. Iisa lamang ang dala nilang payong. Bakit walang
nabasa sa kanilang tatlo gayong iisa lamang ang kanilang dalang payong?
SAGOT: Hindi naman umulan
Pangkalahatang Pagsasanay
Mungkahing Estratehiya
GAWAIN 2: SURIIN MO!
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na mga pahayag. Isulat ang A kung ito ay tula/awiting panudyo,
B kung tugmang de-gulong at C naman kung palaisipan.
1. Ako ay batang matapang,
Huni ng tuko ay kinatatakutan
A
2. Huwag dumi-kuwatro, sapagkat dyip ko’y hindi mo kuwarto.
B
3. Pedro Penduko,
Matakaw sa tuyo.
Nang ayaw maligo,
Pinukpok ng palo.
A
5. Ang hindi magbayad,
walang problema, sa karma pa lang bayad ka na.
B

Mungkahing Estratehiya
D. Pagtalakay ng bagong GAWAIN 3: KATANGIAN KO, IHAMBING MO!
konsepto at Panuto: Paghambingin ang katangian ng tula/awiting panudyo, tugmang de-gulong at palaisipan.
paglalahad ng bagong Gamitin ang graphic organizer upang maipakita ang kanilang pagkakaiba at pagkakatulad.
kasanayan #1 Tula/Awiting Panudyo
 Layunin ay manlibak, manukso o mang-uyam
Kawili-wili, katawa-tawa at nagbibigay aliw sa mga drayber at pasahero
 Tinatawag rin itong pagbibirong patula

Tugmang de-gulong
Paboritong pampalipas oras ng ating mga ninuno
 Paalala o babala na makikita o mababasa sa mga pampublikong sasakyan
 Nagpapaalala sa mga pasahero

Palaisipan
 Nasa anyong tuluyan
 Nagpapasigla at nagpapatalas ng kaisipan
Paalala o babala na makikita o mababasa sa mga pampublikong sasakyan
Pagkakatulad:
Kawili-wili, katawa-tawa at nagbibigay aliw sa mga drayber at pasahero
 Nagmula o hango ito sa tula
 Bahagi ng panitikan na nagbibigay ng aral, paalala, aliw at nagsisilbing libangan nating
mga Pilipino.

E. Pagtalakay ng bagong
konsepto at
paglalahad ng bagong
kasanayan #2
RUBRIKS NG GAWAIN
F. Paglinang sa kabisaan
BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan
Mahusay ng Pagpapabuti
Nilalaman Lubos na Naipahatid ang Di-gaanong Di naiparating ang
at naipahatid ang nilalaman o naiparating ang nilalaman o
Organisasyon nilalaman o kaisipan na nais nilalaman o kaisipan na nais
ng mga kaisipan na nais iparating sa kaisipan na nais iparating sa
Kaisipan iparating sa manonood (3) iparating sa manonood (1)
o Mensahe manonood (4) manonood (2)
(4)
Lubos na Kinakitaan ng Di-gaanong Di kinakitaan ng
Istilo/ kinakitaan ng kasiningan ang kinakitaan ng kasiningan ang
Pagkama- kasiningan ang pamamaraang kasiningan ang pamamaraang
likhain pamamaraang ginamit ng pamamaraang ginamit ng pangkat
(3) ginamit ng pangkat sa ginamit ng sa presentasyon (0)
pangkat sa presentasyon (2) pangkat sa
presentasyon (3) presentasyon(1)

Kaisahan Lubos na Nagpamalas ng Di-gaanong Di nagpamalas ng


ng Pangkat nagpamalas ng pagkakaisa ang nagpamalas ng pagkakaisa ang
o pagkakaisa ang bawat miyembro pagkakaisa ang bawat miyembro sa
Kooperasyon bawat miyembro sa kanilang bawat miyembro kanilang gawain (0)
(3) sa kanilang gawain (2) sa kanilang
gawain (3) gawain (1)

 Pagtatanghal ng pangkatang gawain


 Pagbibigay ng feedback ng guro sa itinanghal na pangkatang gawain
 Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na nagpakita ng kahusayan sa
ginawang pangkatan batay sa rubriks na ibinigay ng guro.
APLIKASYON
Mungkahing Estratehiya
GAWAIN 5: OPINYON MO, IHAYAG MO!
G. Paglalapat ng aralin sa
Panuto: Ipahayag mo ang iyong opinyon at saloobin sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
pang-araw-araw na
katanungan.
buhay
1. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga ganitong uri ng panitikan sa kasalukuyang henerasyon?
2. Bilang kabataan sa makabagong panahon, paano ka makatutulong sa pagpapalaganap ng mga
yamang ating tinalakay?

H. Paglalahat ng aralin
EBALWASYON
Panuto: Sagutin ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.
I. Pagtataya ng aralin
J. Karagdagang Gawain TAKDANG ARALIN
para sa takdang aralin
IV. MGA TALA

PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral
na magpapatuloy sa
remediation.
B. Alin sa mga
estratehiyang
pagtuturo ang
nakatulong ng lubos?
Paano ito
nakatulong?
C. Anong suliranin ang
aking
naranasan/nasolusyu
nan sa tulong ng
aking punong guro at
superbisor?
D. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuho na nais
kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro.?

My Lesson Plan has the following: YES NO


Objectives aligned to CG
Lesson Aligned to BOW INDEX
With Reference/Related Sources Total OF MASTERY
With accurate date/Section
4-5 N
4As Approach
Updated Index of Mastery 0-3 S

You might also like