You are on page 1of 3

Department of Education

Region VIII
PALO NATIONAL HIGH SCHOOL
Palo, Leyte

DAILY LESSON LOG

Paaralan: Palo National High School Baitang: 7

Guro: Bb. Analy V. Tabuso Asignatura: FILIPINO

Petsa at Oras: Hulyo 4, 2017 Kwarter: I


11:00-12:00 CHARITY

I. MGA LAYUNIN

Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan


ng Mindanao

Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang isang makatotohanang proyektong


panturismo

Pamantayan sa Pagkatuto Naipaliliwanag ang kahulugan ng mga simbolong ginamit sa akda


CG CODE F7PT-Id-e-3
Nakikilala ang katangian ng mga tauhan batay sa tono at paraan ng
kanilang pananalita
CG CODE F7PN-Id-e-3

II. NILALAMAN Pagbibigay kaalaman sa mga mag-aaral sa mga kultura at tradisyon ng mga
Pilipino na isinanib sa akdang pampanitikan ng Mindanao

III. PAKSA AT MGA KAGAMITANG PANTURO

A. PAKSA Indarapatra at Sulayman (epiko)

B. SANGGUNIAN Esguerra, C.H., Julian, A,G., at Lontoc, N.S.(2015).Pinagyamang Pluma.


Quezon City:Phoenix Publishing House, Inc.

C. KAGAMITANG PANG Pinagyamang Pluma 7


MAG-AARAL

D. MGA PAHINA SA Pahina 49-71


TEKSBUK

E. IBA PANG KAGAMITAN Mga materyales na Panbiswal


IV. PAMARAAN

A. PANIMULA - Pagbati
- Panalangin
- Pagtatala sa mga liban sa klase

Magpapakita ng video o larawan ukol sa mga nakatatakot na bagay o mga


kababalaghang napag-uusapan sa paligid gaya ng mga kuwento o
kababalaghang nakatala sa ibaba.
B. PAGSISIMULA SA - Ang Babae sa Balete Drive
BAGONG ARALIN - Mga Kuwento Tungkol sa Duwende, Kapre, Manananggal at iba pa.

Gamit ang estratehiyang All Hands Up ay itatanong sa mga mag-aaral ang


sumusunod:
- Batay sa ipinakitang video o larawan , ano ang inyong
naramdaman?
- May pagkakataon ba na nakita niyo na sila?
- May nabasa na ba kayong mga aklat din o komiks ukol dito?

C. PAGHAHABI SA Pagpapakilala ng Paksa


LAYUNIN NG ARALIN - Sasabihin sa mga mag-aaral ang akdang tatalakayin ay tungkol sa
kuwentong kababalaghan.
- Ipapakilala ang pamagat ng epikong tatalakayin ang Indarapatra at
Sulayman.

Pagbasa nang malakas sa epiko


- Papangkatin ang mga mag-aaral
- Maaaring bigyan ng papuri ang pangkat na mahusay sa pagbigkas
- Bibigyang-diin ang mga nakatalang Alam mo ba? na makikita sa
aklat upang madagdagan ang kaalaman ng mga mag-aaral hinggil
sa mahahalagang impormsyon sa epiko sa mga pahina 52-53.

D. PAGTALAKAY SA Paglinang sa Iba Pang Mahalagang Salita sa Epiko


BAGONG KONSEPTO - Ipasasagot at tatalakayin ang Pagyabungin mo pa sa pahina 56
AT PAGLALAHAD SA para mas mabigyang linaw ang mga mag-aaral sa mga salitang
BAGONG KASANAYAN bago lang sa kanilang pananaw/bokabularyo.

Pagtalakay sa Binasa at itatanong ang mga sumusunod na katanungan:


- Sino-sino ang mga pangunahing tauhan sa akdang binsa?
- Ano-anong problema o suliranin ang makikita sa unang bahagi ng
akda?
- Paano nabigyang-solusyon ang nasabing problema?
- Sa iyong palagay, madali bang gawin ang naging pasiya ng
magkapatid na Sulayman at Indarapatra?
- Kung ikaw ang nasa kalagayan nila, gagawin mo rin ba ang
ganoong pasya?
- Ano ang ibinunga sa buhay ng magkapatid ng ginawa nilang
pagtulong sa Mindanao?
- Ano naman ang naging bunga nito sa mga taong kanilang
tinulungan?
- Paano ipinakita sa akda ang mabuting dulot ng pagtutulungan?
E. PAGLINANG SA Ang kahalagahan sa pagtulong sa mga nangangailangan nang walang
KABIHASAAN anumang kapalit.

F. PAGLALAPAT NG Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral:


ARALIN SA PANG- - Ikaw, paano mo ipapakita ang iyong pagdamay sa mga taong
ARAW-ARAW NA nangangailangan?
BUHAY - Sa iyong palagay, tungkulin ban g bawat isa ang tumutlong sa
sinumang nangangailangan?
- Bakit mahalaga ang pagtulong sa kapwa nang walang hininhinging
kapalit?

G. PAGTATAYA Pagsagot sa Pagsasanay (pahina 57-59)


- Pagpapaliwanag sa mga simbolong ginamit sa akda.
- Pagkilala sa katangian ng mga tauhan batay sa tono at paraan ng
kanilang pananalita at ipapaliwanag kung bakit ito ang naging
sagot.

H. TAKDANG-ARALIN Manood ng pelikulang may temang KABAYANIHAN katulad ng epikong


Indaraptra at Sulayman. Pagkatapos ay buoin ang Character Diagram na
nasa pahina 60.

Pag-aralan ang tungkol sa Epiko

V. MGA TALA

Bilang ng mga mga-aaral:_______________


Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya:_____________
Bilang ng mga-aaral na nangangailangan ng iba pang Gawain sa
remedyeysyon:_________
Stratehiyang nakatulong nang lubos:____________________________

IV. MGA PAGNINILAY

Suliranin ng mag-aaral:_________________________________________

__________________________________________

__________________________________________

Kagamitang panturo na nais ibahagi sa kapwa guro:

_____________________________________________________________
_____

You might also like