You are on page 1of 7

BAITANG 10 Paaralan: SERAFIN C.

ROSERO MEMORIAL HIGH SCHOOL Baitang: Baitang 10


BANGHAY ARALIN SA Guro: VELUZ D. MARQUEZ Asignatura: Filipino
PAKITANG-TURO Petsa/ Oras: MARSO 12, 2021 Markahan: 2

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa anyo ng panitikang makikita sa social media.

B. Pamantayan sa Pagganap:
Makasusulat ng sarili mong dagli na mailalathala sa social media

C. Kasanayan sa Pagkatuto: F10 PT-IIg-h-75


Natutukoy at nabibigyang-kahulugan ang mga salitang karaniwang nakikita sa social media.

F10 PD-IIg-h-73
Natutukoy ang mga popular na anyo ng panitikan na karaniwang nakikita sa social media.

II. NILALAMAN Mga Anyo ng Panitikan sa Social Media


III. MGA KAGAMITANG PANTURO
A. Mga Sanggunian Filipino Ikalawang Markahan – Modyul 7: Pangwakas na Gawain sa Panitikang Kanluranin, (ADM-Rehiyon !)

Filipino Ikalawang Markahan – Modyul 7: Mga Akdang Pampanitikan ng mga Bansa sa Kanluran (Pangwakas na Gawain),
(ADM-Rehiyon X)
1. Mga Pahina sa Gabay ng MELCS p. 189-190
Pagtuturo
Filipino Ikalawang Markahan – Modyul 7: Pangwakas na Gawain sa Panitikang Kanluranin, pahina 1-27 (ADM-Rehiyon !)

Filipino Ikalawang Markahan – Modyul 7: Mga Akdang Pampanitikan ng mga Bansa sa Kanluran (Pangwakas na Gawain),
pahina 1-23, (ADM-Rehiyon X)
2. Mga Pahina sa Kagamitang Filipino Ikalawang Markahan – Modyul 7: Pangwakas na Gawain sa Panitikang Kanluranin, pahina 2-9, 21,23-24 (ADM-
Pang-Mag-aaral Rehiyon !)

3.Pahina sa Teksbuk
1
4. Karagdagang Kagamitan Mula Filipino Ikalawang Markahan – Modyul 7: Mga Akdang Pampanitikan ng mga Bansa sa Kanluran
sa LR Portal (Pangwakas na Gawain), pahina 1-23, (ADM-Rehiyon X)
5.Iba Pang Kagamitang Panturo Powerpoint presentation, Video Clips, larawan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


IV.PAMAMARAAN

A. Balik-aral sa nakaraang aralin Paunang Gawain: Memory Game


at/o Pagsisimula ng bagong  Pagpapakita ng isang larawan
aralin
Mga Inaasahang Sagot:
Gabay na tanong:
 Sa tab o tablet
 Ilang logo ng social media ang nakita sa larawan?
 Dilaw na bag
 Ano ang gadyet na mayroong logo ng YouTube?
 Asul na damit
 Saan makikita ang logo ng Blog?
 Mayroong bigote at balbas ang
 Anong kulay ng damit ng mayroong tatak ng logo ng Wattpad?
lalaki at siya ay nakasuot ng
 Ano ang kaibahan ng lalaking may suot ng dilaw na damit na
shorts
mayroong disenyong Facebook?
 Instagram
 Ano ang logo na makikita sa damit ng babaeng naka-dilaw?
 Sa laptop
 Saang matatagpuan ang logo ng Twitter?

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin Narito ang mga logo na nakita natin sa larawan.

Mga Inaasahang Sagot:


 Opo, pamilyar kami.
 Ang ilan po ay ginagamit
namin.
Pamilyar ka ba sa mga ito? Nakita ninyo na ba ang mga ito?

2
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa
sa Bagong Aralin
Ang mga larawang ito ay bahagi ng social media.
Tahimik na nakikinig ang mga mag-
aaral.

D. Pagtalakay ng Bagong Konsepto Ano ang Social Media?


at Paglalahad ng Bagong  Tumutukoy sa Sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay  Tahimik na pakikinig ng mga
Kasanayan #1 lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa mag-aaral sa talakayan
isang birtwal na komunidad at mga network.
 Maakiayon sa sinasabi ng guro
 Itinuturing na pangkat ng mga aplikasyon na bumubuo ng ideolohikal at
teknolohikal na pundasyon ng Web 2.0 na nagbibigay daan sa paglikha at
pakikipagpalitan ng nilalaman na binubuo ng gumagamit.

Narito ang halimbawa ng social media?


 Facebook – Isang uri ng social media na kung saan maaring magdagdag ng mga
kaibigan at magpadala ng mensahe at baguhin ang kanilang sariling sanaysay
upang ipagbigay-alam sa kanilang mga kaibigan ang tungkol sa kanilang sarili
 Twitter – Ang tawag sa microblogging na serbisyong nagbibigay kakayahan sa
gumagamit nito na magpadala at basahin ang mga mensahe na kilala bilang
tweets. Ang mga nakarehistrong user ay maaaring magpost ng mga tweet ngunit
ang mga di-nakarehistro ay maaari lámang magbasá ng mga ito. Naaakses ng
mga user ang twitter sa pamamagitan ng website interface nito, SMS, o isang
app sa isang mobile device
 Instagram – Ito ay isang uri ng social media na may serbisyong magbahagi ng
kanilang larawan at video. Pinapayagan ang mga gumagamit na mag edit at mag
upload ng mga larawan at maiikling video sa pamamagitan ng isang mobile app.
Ang mga gumagamit ay maaring magdagdag ng isang caption sa bawat isa sa
kanilang mga post
 YouTube – Ang website na nagbabahagi ng mga video at nagbibigay-daan para
sa mga tagagagamit nito na magbahagi, makita, at ibahagi ang mga video clips.
Ang mga video na ito ay maaaring gawing reaksiyon; ang dami ng husga o likes
at ng mga nakanood ay parehong nakalathala. Maaari ring mag-iwan ng
komento ang mga manonood sa karamihan ng video.
 Wattpad – Ito ay isang website o app para sa mga mambabasa at manunulat na
maglathala ng mga bagong kuwento na nilikha ng gumagamit sa iba’t ibang
3
genre. Nilalayon nitong lumikha ng mga pamayanan panlipunan sa
pamamagitan ng mga kuwento para sa mga baguhan at batikang manunulat.

Mga salitang nabuo na palaging ginagamit at nakikita sa social media.

Basahin ang sumusunod na pahayag.


“Ang ganda ng suot ko, mag-selfie nga ako.”
“Flex ko lang itong bagong cellphone ko.”
“Ang talino talaga niya sa klase, Lodi!”
“Sa kabila ng lahat ng ginawa ko, friendzone pa rin ako.”
“Pabebe naman itong babaeng ito!”
“Hala Friend, ang ganda-ganda mo naman ngayon. Charot!”

Halina’t bigyang natin ito ng kahulugan.


 Selfie – Pagkuha ng larawan sa sarili gamit ang gadyet.
 Friendzone – Isang uri ng relasyon na hanggang kaibigan lamang, marahil
hindi pa handa ang isang tao o sadyang kaibigan lang ang
turing nito.
 Flex – Ang salitang ginagamit kapag may ipinagmamayabang, ito ay
maaring tao, hayop o bagay.
 Lodi – Hango sa salitang ingles na idol at binaligtad ito upang maiba ang
pagbigkas. Ito ang salitang ginagamit kung mayroon kang taong
hinahangaan.
 Charot – Nangangahulugang na nagbibiro lamang o biro lang.
 Pabebe – Ang ginagamit na salita sa taong maarte sa kaniyang kilos.

Bigyang-kahulugan Mo! Inaasahang sagot:


Panuto: Ibigay ang kahulugan ng ilang mga salitang nakikita sa social media at 1. You Only Live Once
gamitin ito sa makabuluhang pangungusap sa iyong sagutang papel. 2. Paraan ng pakikipaghiwalay o hindi
1. YOLO:___________________________________________________ pagpansin
2. Ghosting:________________________________________________ 3. Hindi pagsagot sa chat o hindi
3. Seenzone: ____________________________________________ pagpansin
4. Pa-fall:________________________________________________
4. Pagkahumaling o pagkagusto sa
5. Petmalu: _____________________________________________
isang tao
5. Malupet! Magaling!
4
E. Pagtalakay ng Bagong Konsepto Anyo ng Panitikan sa Social Media
at Paglalahad ng Bagong  Ang paglaganap ng internet at pag-usbong ng iba’t ibang social media ay  Tahimik na pakikinig ng mga
Kasanayan #2 nagdulot ng napakalaking pagbabago sa anyo ng panitikan. Ang pagkahilig ng mag-aaral sa talakayan
marami, lalo na ng mga kabataang tulad mo sa mga kontemporaryong anyo ng  Maakiayon sa sinasabi ng guro
panitikan ang nag-udyok sa pagbabagong bihis ng tradisyonal na anyo nito.

1. Blog – Ito ang modernong pamamaraan ng pagsusulat kung saan nagbibigay ng


impormasyon sa pamamagitan ng internet sa mukha ng mga artikulo na may iba’t
ibang mga partikular na paksa.

2. Hugot lines – Pangungusap na nabuo mula sa paghihinuha ng mga sariling


karanasang kadalasang tungkol sa pag-ibig.

3. Pick-up lines/Banat – Tumutukoy sa magiliw na paggamit ng paghahambing


upang makatawag atensiyon sa taong pinatutungkulan nito.

4. Vlog – Isang uri ng blog na ginagamit ang video bilang medium. Ito ay
tinatawag na web television. Ang mga vlog ay kadalasang napanonood sa
YouTube.

5. Fliptop – Pagsasagutan ng dalawang magkalabang panig sa pamamagitan ng rap


o mabilis na pananalita. Tinatawag din itong makabagong balagtasan ng mga
kabataan

6. Spoken word poetry – Isang anyo ng tula na may malikhaing pagsasaad ng


kuwento o pagsasalaysay. Ito ay malikhaing inilalahad ng patula sa mga madla.
F. Paglinang ng Kabihasaan Gawain 4: Husgahan Mo! Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong *Iba-iba ang sagot.
(Leads to Formative Assessment 3) sagutang papel.

1. Bakit nagkaroon ng transpormasyon mula sa tradisyonal na panitikan tungo sa


( Integrasyon sa asignaturang popular na anyo ng panitikan?
____________________________________________________________
Edukasyon sa Pagpapakatao))
2. Bakit lubos na kinagigiliwan ng mga kabataan ang panitikan na nasa social
media? ____________________________________________________________

5
3. Sa mga popoular na anyo ng panitikan sa social media, ano ang iyong lubos na
kinagigiliwan? Ipaliwanag ang naging kasagutan.
____________________________________________________________

F. Paglalapat ng Aralin sa Pang-


araw-araw na Buhay Paano mo ginagamit ang social media sa pang-araw-araw na buhay?
 Iba-iba ang sagot.

G. Paglalahat ng Aralin Natutuhan Ko!


Panuto: Ibigay ang mga natutuhan mo sa mga paksang natalakay. Subukin mong
sagutin ang gawain sa iyong sagutang papel.
Mga natalakay na paksa Natutuhan Ko Kahalagahan Nito
Social Media
Panitikang Popular sa
Social Media

H. Pagtataya ng Aralin PANGWAKAS NA PAGTATAYA


A. Pumili sa kahon at isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

A. Facebook B. Youtube C. Instagram D. Wattpad E. Twitter

_____ 1. Ang tawag sa microblogging na may serbisyong nagbibigay kakayahan sa


gumagamit nito na magpadala at basahin ang mga mensahe na kilala bilang tweets.
Ang mga nakarehistrong user ay maaaring magpost ng mga tweets ngunit ang mga Inaasahang sagot:
di-nakarehistro ay maaari lamang magbasa ng mga ito. 1. E. Twitter
2. B. Youtube
_____ 2. Ang website na nagbabahagi ng mga video at nagbibigay-daan para sa mga 3. C. Instagram
tagagagamit nitong magbahagi, makita at ibahagi ang mga video clips. 4. A. Facebook
5. Wattpad
_____ 3. Isang uri ng social media na may serbisyong magbahagi ng kanilang
larawan at video. Pinapayagang ang mga gumagamit na mag-edit at mag upload ng
mga larawan at maiikling video sa pamamagitan ng isang mobile app.
_____ 4. Isang uri ng social media na kung saan maari kang magdagdag ng mga
kaibigan at magpadala ng mensahe at baguhin ang kanilang sariling sanaysay upang
ipagbigay-alam sa kanilang mga kaibigan ang tungkol sa kanilang sarili.
6
_____ 5. Isa itong website o app para sa mga mambabasa at manunulat na mag-
publish ng mga bagong kuwento na nilikha ng gumagamit sa iba’t ibang genre

B. Tukuyin kung ang sumusunod na anyo ng panitikan ay nabibilang na popular sa


social media. Isulat sa sagutang papel ang Tsek (/) kung ito ay kabilang at ekis (X)
naman kung hindi.
_____ 1. Balagtasan _____ 6. Rapbattle (Fliptop)
_____ 2. Hugot lines _____ 7. Pabula Inaasahang sagot:
_____ 3. Spoken Word Poetry _____ 8. Vlog 1. X 6. /
_____ 4. Dagli _____ 9. Elehiya 2. / 7. X
_____ 5. Alamat _____ 10. Blog 3. / 8. /
4. X 9. X
5. X 10. /
I. Takdang Aralin/ Karagdagang Magsaliksik tungkol sa tinatawag na Dagli at ang halimbawa nito na Ako Poý Pitong
Gawain taong Gulang. Maaaring mo itong i-search sa Google.

Inihanda ni:

VELUZ D. MARQUEZ
Guro I

Binigyang pansin at pinagtibay ni:

LUWEN N. ROSERO
HT-I

You might also like