You are on page 1of 2

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 7

UNANG MARKAHAN
Araw ng Huwebes, Ika-4 ng Hulyo, 2019

I. Layunin
a. Natutukoy ang sanhi at bunga sa isang pahayag.
b. Naipahahayag ang sariling damdamin sa pamamagitan ng pagbuo ng pangungusap sa sanhi at bunga
ng isang sitwasyon.
c. Nakabubuo ng maikling talata gamit ang mga pang-ugnay sa sanhi at bunga.
d. Nagagamit nang wasto ang mga pang-ugnay na ginagamit sa pagbibigay ng sanhi at bunga ng mga
pangyayari (sapagkat, dahil, kasi, at iba pa) F7WG-Id-e-3
II. Paksang- Aralin
Paksa: Mga Pang-ugnay na Ginagamit sa Pagbibigay ng Sanhi at Bunga

Sanggunian: Rex Interactive Supplemental High School Grade 7, pahina 13-14


Kagamitan: powerpoint presentation, LED TV

III. Pamamaraan

 Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagbati
 Pagtatala ng lumiban

 Balik- Aral
- Ang guro ay magtatanong hinggil sa mga paksang tinalakay noong nakaraang araw
- Ang mga paksang tinalakay ay patungkol sa epiko at mga halimbawa nito.

 Pagganyak
- Magpapakita ng mga larawan ang guro at tatanungin ang mga mag-aaral hinggil sa mga bagay na napansin
nila sa larawan at kung ano ang kahulugan ng mga larawan. Ibabahagi sa klase ang mga ideya sa mga larawan.

 Pagtalakay
- Magbibigay ng isang pahayag ang guro at tatanungin ang mga mag-aaral hinggil dito.
- Pagtalakay sa mga pang-ugnay na ginagamit sa sanhi at bunga.
- Pagtalakay sa katuturan ng sanhi at bunga.
- Magbibigay ng halimbawa ang guro kaugnay ng sanhi at bunga.
- Bubuo ng pangungusap ang mga mag-aaral hinggil sa larawan gamit ang mga pang-ugnay na ginagamit sa
sanhi at bunga.
- Ibabahagi sa klase ang nabuong pangungusap.

 Paglalapat
- Ang bawat mag-aaral ay bubuo ng maikling talata patungkol sa sanhi at bunga ng sumusunod na mga paksa.
Pipili lamang ng isang paksa at ang mga pang-ugnay na nagpapakita ng sanhi ay bibilugan; ikakahon naman
ang mga pang-ugnay sa bunga.
Mga paksa:
Pagbabago ng Klima (Climate Change)
Pagtangkilik sa mga produktong Pilipino
Labis na paggamit ng social media
Pamantayan
Maayos at may kaugnayan sa paksa ang nilalaman 10 puntos
Nagamit nang wasto ang sanhi at bunga sa talata 10 puntos
Malinis at maayos ang pagkakasulat ng talata 5 puntos
Kabuuan: 25 puntos
- Ibabahagi ng mag-aaral ang nabuong talata sa klase.

 Paglalahat
- Magtatawag ang guro ng mga mag-aaral upang ipahayag ang mga natutuhan sa mga paksang tinalakay.

IV. Pagtataya
- Sasagutin ng mag-aaral ang sumusunod na mga tanong sa kalahating bahagi ng papel.
- Panuto: Basahin ang sumusunod na mga pangungusap. Bilugan ang sanhi at ikahon naman ang bunga.

1. Si Alyssa ay nagsikap sa pag-aaral kaya ganap na siyang manggagamot.


2. Si Bantugan ay namatay dulot ng matinding gutom at kalungkutan.
3. Buhat nang tanggapin ni Julia ang Diyos, siya’y pinagpala.
4. Nang hininto niya ang labis na paggamit ng cellphone, nabigyang-pansin niya ang kanyang pag-aaral.
5. Lumusob si Haring Miskoyaw sa Bumbaran sapagkat nabalitaan niyang namatay na si Bantugan.

V. Takdang Aralin
- Sumulat ng limang pangungusap na nagpapakita ng relasyong sanhi at bunga. Salungguhitan ng isang beses
ang sanhi at dalawang beses naman ang bunga. Bilugan ang ginamit na pang-ugnay. Isulat sa kalahating
bahagi ng papel.

Inihanda ni:

Danica L. Perez
Guro sa Filipino 7

Siniyasat nina:

Amor A. Galicia, Ed.D


Head Teacher

Jolie M. Intal, Ph.D


Principal

You might also like