You are on page 1of 4

MALASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 7

COT 1
I .LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

Nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa paghahambing () (F7WG-IIcd-8)


1. Nakikilala ang mga pahayag sa paghahambing.
2. Nagagamit sa pangungusap ang mga pahayag sa paghahambing.
3. Nakasusulat ng isang talata gamit ang mga pahayag sa paghahambing.

II. NILALAMAN
Paksa: Mga Pahayag sa Paghahambing
Sanggunian: Modyul ng Mag-aaral sa FILIPINO 7, Gabay ng Guro sa Pagtuturo (F7WG-IIcd-8)
Kagamitan: Flash Card, Visual Aid, Powerpoint Presentation

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pampasiglang Awitin
4. Aalamin kung sino ang mga lumiban sa klase

B. Balik-aral
Itatanong ng guro sa mga mag-aaral kung ano ang nakaraang aralin.
(Kahulugan ng Alamat at Alamat ng Isla ng Makasalanan)

C. Pagganyak
Ihahambing ng mga mag-aaral ang pagkakaiba at pagkakatulad ng larawan.

1. 2. 3.

Tanong:
1. Ano ang napapansin ninyo sa larawan?
2. Ilarawan ito ayon sa inyong pagkaunawa.
3. Bigyang diin ang pagkakaiba at pagkakatulad nito.
D. Paglalahad ng Aralin

KASANAYANG PANGWIKA
➢ Paghahambing – ito ay paghahambing o pagkukumpara ng dalawang antaso lebel ng katangian ng
tao, bagay, ideya, pangyayari at iba pa.

Dalawang Uri ng Paghahambing

1. Pahambing na Magkatulad/Patulad - nagsasaad ito ng magkatulad o magkapantay na katangian ng


dalawang pangngalan o panghalip na pinaghahambing.
Gumagamit ito ng mga panlaping tulad ng sing /sin/sim,
magsing, kasing o ng mga salitang kapwa, pareho, tulad.

Halimbawa:

lalaki=babae


Kapwa mahalaga ang papel ng lalaki at babae sa lipunang kanilang ginagalawan.

2. Pahambing na Di-magkatulad – nagbibigay ito ng diwang pagkakait, pagtatanggi o


pagsalungat
sa pinatutunayang pangungusap. Ginagamit kung
ang
hinahambing ay magkaiba ang antas ng isang bagay
o anuman.

Dalawang Uri ng Pahambing na Di-magkatulad

a. Pahambing na Pasahol – nagsasaad ito na may mahigit na katangian ang


pinaghahambingan sa
bagay na inihahambing. Gumagamit ito ng mga panlaping
tulad ng
lalo, di-gaano, di-totoo.

b. Palamang – nagsasaad ito na may mahigit na katangian ang inihahambing sa bagay na


pinaghahambingan. Gumagamit ito ng mga katagang higit, mas, lalo,
labis, di-
hamak, di-gasino, at iba pa.

Halimbawa:

lalaki>babae

Noon, mas malaki ang papel na ginagampanan sa lipunan ng lalaki kaysa sa babae.

E. Paglalahat
1. Ano ang paghahambing?
2. Ano ang dalawang uri nito?
3.Ihambing ang larawang nasa taas.
4.Kailan natin ginagamit ang mga pahayag na paghahambing?

F. Paglalapat
Panuto: Paghambingin ang iyong ama sa ama ng pitong dalaga sa “Alamat ng Isla ng Pitong
Makasalanan” gamit ang Venn Diagram. Dugtungan ang panimulang pahayag.

Ama sa Alamat Ang Aking Ama


PAGKAKATULAD
-Ang ama sa alamat ay
PAGKAKAIBA -Ang PAGKAKAIBA aking ama ay

Rubrik sa Pagbibigay ng Iskor


Puntos Pamantayan
5 Napakahusay na nailahad ang paghahambing ng sariling ama ng pitong dalaga sa alamat.
Tama ang mga baybay ng salita, bantas at gramatika.
4 Mahusay na nailahad ang paghahambing ng sariling ama sa ama ng pitong dalaga sa
alamat. Tama ang mga baybay ng salita, bantas at gramatika.
3 Mahusay na nailahad ang paghahambing ng sariling ama sa ama ng pitong dalaga sa
alamat.Ngunit may iilang hindi tama ang mga baybay ng salita, bantas at gramatika.
2 Nailahad ang paghahambing ng sariling ama sa ama ng pitong dalaga sa alamat.Ngunit
karamihan ay hindi tama ang mga baybay ng salita, bantas at gramatika.
1 Nangangailan ng pag-unlad.

G. PAGPAPAHALAGA

1. Kung ikaw ang tatanungin, kailangan pa ba natin pag-aralan ang mga pahayag na paghahambing?
2. Gaano ba ito kahalaga sa pang-araw-araw natin na buhay?
3. Nagagamit ba natin ito sa ating pakikipagtalastasan?
4. Paano mo nasabi na oo/hindi? Ipaliwanag ang iyong sagot.

IV. EBALWASYON

Panuto: Unawaing mabuti ang bawat tanong at piliin ang titik ng tamang sagot.

Masaya ang buhay sa probinsiya kumpara sa buhay-lalawigan.


1. Anong uri ng paghahambing ang ginamit sa pangungusap?
A. pahambing B . pasukdol C. pahambing na magkatulad D. pahambing
na di-magkatulad
Magkasingganda ang bansang Pilipinas at Singapore.
2. Anong bansa ang hinahambing sa Pilipinas?
A. Myanmar B. Singapore C.Australia D. Pakistan

Ang pagmamahal ng Diyos ay _______ na nararamdaman sa oras ng kagipitan,


kalungkutan at pagsubok sa buhay.

3. Alin sa mga salitang naghahambing ang bubuo sa diwa ng pangungusap?


A. di-aano B. di-gasino C. gaya D. higit

Ang aking pangarap at magulang ay _______ mahalaga sa buhay ko kaya


sinisikap kung makapagtapos ng pag-aaral.
4. Piliin ang salitan naghahambing ang kokompleto sa diwa ng pangungusap.
A. gaya B. kapwa C. pareho D. tulad

Si Annie ay _______ matangkad kumpara sa kanyang matalik na kaibigan na si Jeff.


5. Alin sa mga salitang naghahambing ang bubuo sa diwa ng pangungusap?
A. higit B. lalo C. mas D. tumpak

V. TAKDANG-ARALIN

Panuto: Sumulat ng dalawang talata gamit ang mga pahayag sa paghahambing tungkol sa pagkakatulad at
pagkakaiba ng pag-aaral noong nakaraang walang COVID-19 sa kasalukuyan na iyong nararanasan.

Rubrik sa Pagbibigay ng Iskor


Puntos Pamantayan
5 Napakahusay na nagamit ang salitang paghahambing tungkol sa pagkakatulad at
pagkakaiba ng pag-aaral noong nakaraang walang COVID-19 sa kasalukuyan na iyong
nararanasan.
4 -Mahusay na nagamit ang salitang paghahambing tungkol sa pagkakatulad at pagkakaiba
ng pag-aaral noong nakaraang walang COVID-19 sa kasalukuyan na iyong nararanasan.
-Tama ang mga baybay ng salita, bantas at gramatika.
3 Nagamit ang salitang paghahambing tungkol sa pagkakatulad at pagkakaiba ng pag-aaral
noong nakaraang walang COVID-19 sa kasalukuyan na iyong nararanasan.
- Ngunit may iilang hindi tama ang mga baybay ng salita, bantas at gramatika.
2 -Hindi nagamit ang salitang paghahambing tungkol sa pagkakatulad at pagkakaiba ng pag-
aaral noong nakaraang walang COVID-19 sa kasalukuyan na iyong nararanasan.
-Karamihan ay hindi tama ang mga baybay ng salita, bantas at gramatika.
1 Nangangailan ng pag-unlad.

You might also like