You are on page 1of 8

Kung saan nagmula ang pangalan ng

magandang lalawigan ng Magugpo na ngayon ay


kilala sa tawag na Tagum City na kung saan
ditto nakatira ang mga magagaling na atleta,
matatalino at mapagmahal na tao sa kapwa ay
siyang inihayag ng maikling alamat na ito.

Noong unang panahon ayon sa mga matatanda


o tinatawag nating mga ninuno may isang lugar
na kung saan mga katutubo raw lamang ang
nakatira dito tulad na lamang ng mga Mansaka,
Manguangans, Mandaya at mga Kalagan na
nakatira lamang malapit sa ilog na kahit
sinag man lang ng araw ay hindi raw nila ito
nakikita.
Nakalipas ang mga panahon may isang
walang takot at mayamang tao na galing pa sa
Moalbal,Cebu na nagngangalang Sulpicio
Quirante na unang nakatuklas sa lalawigan ng
Magugpo sa sinasabing taong 1929 buwan ng
Oktobre.At nang dahil sa ihip ng hangin
nakarating sa mga mandarayuhang tao ang
balita na may isa raw na tao ang nakatuklas
ng isang lugar na wala masyadong tao , at ng
dahil sa pangangailan din ng tao nagpuntahan
ang mga mandarayuhang tao doon na
nanggagaling pa raw sa iba’t-ibang lugar sa
Pilipinas.Ang mga taong nagpuntahan dito ay
sina Hermogenes Alburomisa at Felix
Senangote na isang Cebuano,Manuel Baura
Suaybaguio Sr. na isang Boholano,Alfredo
Pulmano na taga La Union at lahat sila ay
nagkita-kita at nagusap-usap at nagpagisipan
raw nila na bumuo ng Grupo at sumangayon
naman lahat dito at pinangalanan daw itong
“Magugpo Homesteaders Association” na
mayroon daw silang kasunduan na paghatihati-
in ang lupa at ang mga lupang ito ay
ipinagbibili nila sa halagang P1.50 peso per
lot sa mga bagong dumadating at nagsisilbi
na rin daw itong membership fee sa kanilang
lugar.
Lumipas ang ilang taon, Sa taong 1932
dalawang magaling at matatalinong inhinyero
na bumisita raw upang tanawin ang daanan
patungo sa kanilang lungsod at sila ay sina
Engr. Ignacio at Engr. Alib na may kasamang
15 laborers o katulong sa trabaho at sila ay
galling raw ay galing sa lugar na Davao City.
Sa mga panahong iyon ang kinikilala lamang
nilang transportasyon ay Bangka lang patungo
sa Davao City at pabalik,Ang dinodunguan
nito ay nakapuwesto sa Hijo River o Madaum
River at isa rin sa Dunguan ay ang
Pagsabangan River na kung saan doon raw
nakalibing ang yumaong bayani ng Davao City
na si Datu Bago at ang mga sinasabing
pinakaunang palatandaan ng Magugpo ay isang
School Building, Teacher’s Cottage, Rest
House,at Simbahan na ipinatayo ng
Homesteader’s Association sa taong 1930’s.
Sa pagdaan ng mga taon na pagpasyahan raw
ng katas-taasang Opisyales ng Bansa na
magtayo ng local civil government kaya daw
sila ay nagappoint ng mga Opisyales ng
kanilang Lugar at ang kanilang Alkalde ay si
Manuel Baura Suaybaguio Sr. at ang Bise-
Alkalde naman ay si Sulpicio Quirante ngunit
bago pa matayo ang kanilang Municipal ay may
nangyaring Digmaan o “World War II” nang
dahil ditto malaking pinsala ang dala nito
sa lugar ng Magugpo na limang Bahay na lamang
ang nakatayo pero hindi daw sila nawalan ng
pagasa at sila raw ay tatayo sa kanilang
pinagbagsakan at umaasang na mabubuo ang
kanilang lalawigan ulit. Sa pangunguna ng
kanilang mga pinuno na si Manuel Suaybaguio
Sr. at Sulpicio Quirante nagpatayo sila ng
mga bagong istraktura tulad na lamang ng
bahay, Drugstores ,Sari-sari store,
Simbahan,at pinagawa na nila ang Davao-
Agusan National Highway .
Makalipas ang 10 taon ,Na ganap ang unang
Lokal na Halalan sa taong 1947 sa panahon ni
Pres.Manuel Roxas matapos ang halalan na
panatili ni Manuel Suaybaguio Sr. ang
position bilang Alkalde ngunit nagkaroon
siya ng bagong Bise-Alkalde na si Lucio
Berdida.Sa panahong iyon naganap ang
pinakamahalagang pagbabago ng lalawigan
Magugpo,binago ang pangalan ng lalawigan sa
“Tagum” sa utos ng municipal council
resulotion.Sa taong 1948 lumipat ng
pinaglilingkuan ng municipalidad si Manuel
Suaybaguio Sr. sa Magugpo Poblacion at sa
sumunod na taon ay lumipat naman siya sa
bagong municipalidad ng panabo at ang dating
bise-alkalde ay ngayon naging Alkalde na at
nagkaroon din naman siya ng bise-alkalde na
si Macario Bermudez.
Sa pagdaan ng taon may mga malaking
pagbabago hindi lamang sa politika kundi
pati narin sa pisikal na anyo ng Tagum sa
ilalim ng pamamahala nina Wakan at Baluyo sa
taong 1951 to 1995, Lahat ng tao sa Tagum ay
saski sa lahat ng pagbabago sa tagum tulad
na lamang ng pagpapagawa ng Daanan,
Pagtatayo ng Municipal Hall, Municipal
Health Center, Public Market,Dalawang Bagong
Paaralan, Pamilihan o Malls at ang
kinababaliwang libangan ng mga Estudyante ay
ang Cine na kahit malayo ay nilalakad nila
manood lamang nito .
Sa taong 1967 ang Tagum ay napabilang sa
pronbisiya ng Davao del Norte.Naganap ang
Election sa taong ito at napalitan ng
bagong Alkalde si Baloyo ni Gementiza
ngunit sa Ilalim ng pamamahala niya
maraming naganap na kawalan ng mga Negosyo
at maraming naging problema sa politika sa
taong 1967-1991 dahil sa mga anomalisya ng
mga opisyales, pagpapalit-palit ng Alkalde
pero sa taong 1995 Tumayo bilang Alkalde si
Hon.Victorio Suaybaguio Jr. Bilang isang
bagay ng katotohanan , sa panahon ng 1995
halalan , ang lahat ng mga kasalukuyang
nanunungkulan mga inihalal na opisyal ng
Tagum , mula sa Mayor ng pababa sa
municipal councilors , ay hindi tinutulan
dahil sa paggawa ng isang makabuluhang
kaganapan sa pampulitikang kasaysayan ng
Tagum .
Makalipas ang panahon , Sa taong 1995
nagkaroon ng mga Bagong barangay ang Tagum
tulad ng Magugpo West, Magugpo East,
Magugpo North, Magugpo South. Sa Taong 1997
Inihayag ng Pamahalaan na Tagum Ay Ganap ng
isang Lungsod ng dahil sa tulong ni Hon.
Senator Vicente Sotto III. Sa pangungulo ni
Pres.Fidel V. Ramos. Si Hon.Victorio
Suaybaguio ang unang naging City Mayor ng
Tagum sa huling termino ng kanyang pagiging
Mayor.
Sa taong 1998 buwan ng Hulyo inihalal si
Rey T. Uy na Alkalde at Gerardo R. Racho at
mga opisyales nito na unang inihalal ng mga
Tao . Ngunit sa Kabila ng magagandang na tamo
o naranasan nila ay mga mapapait rin naman
tulad na lamang ng Massacre na nagaganap ng
palihim sa iba’t-ibang sekto ng Tagum ngunit
dahil sa responsableng na Alkade at
Opisyales nito ay nabawasan ang mga kasong
ganito.
Sa mga lahat ng pinagdaanan ng Tagum City
ito ay nagkamit ng maraming mga parangal ng
dahil na rin sa mga responsableng Alkalde at
mga Opisyales nito at mga Taong mapagmahal
sa sariling bayan ito ay patuloy parin sa
pagunlad at ito ay mayroon ng sariling titolo
na “The City of Palms”.

-Wakas-
Ipinasa ni: Joshua Locsin

You might also like