You are on page 1of 3

Mala-masusing Banghay ng Pagtuturo sa Filipino 8

Ika- 26 ng Hulyo 2018


(VIII- Garnet 7:45-8:45, Topaz 8:45-9:45, Diamond 10:00-11:00,
11:00-12:00 Tourmaline, Amethyst 1:00-2:00, Jade 3:00-4:00)

I. Layunin

a. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa akdang binasa


b. Napag-uugnay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari
c. Nasusuri at nailalahad ang sariling kuro-kuro kung ang kaisipang nakapaloob sa pahayag ay positibo
o negatibo.

II. Paksa at Kagamitan

a. Paksa: Pangulo sa Panahon ng Panganib


b. Sanggunian: Esguerra, C.H., Julian, A,G., at Lontoc, N.S.(2015).Pinagyamang Pluma. Quezon
City:Phoenix Publishing House, Inc.
c. Kagamitan: Biswal eyd, at tsok.

III. Pamamaraan
(4A’s)
A. Aktibiti

- Pagganyak
- Dahil ang paksa ay tungkol sa pangulo at tinalakay rito ang mga nangyari sa administrasyon ni Laurel,
Ngayon bilang paunang aktibiti ay gagawa sila ng isang talata ukol sa administrasyon ni Pangulong Duterte.
KAilangan makita sa talata ang tatlong uri ng talata ayon sa kinalalagyan ng posisyon at makita rin ang mga
hudyat ng sanhi at bunga.

B. Abstraksyon
Pagtalakay sa nilalaman ng akda. Ang guro mismo ang babasa para mas maiintindihan ng mga mag-aaral.
Pagsagot sa mga tanong na may kinalaman sa akdang binasa.
1. Ilarawan si Jose P. Laurel. banggitin ang kanyang naging mga katungkulan bilang pinuno ng bayan?
2. Masasabi mo bang matapang at tapat sa paglilingkod sa bayan si Laurel?
3. Bakit siya nagbitiw bilang kalihim-loob noong panahon ng opanunungkulan ni Gobernador Heneral Leonard
Wood? Paano ito nakaapekto sa kanyang desisyon maging sa kanyang mga kasama?
4. bakit hindi naging madali para kay Laurel na maiwan nang umalis si Quezon? Ano ang bagay na kanyang
kinatatakutan?
5. Ano ang naging katayuan nina Laurel at Vargas nang sumalakay ang mga hapones habang si pangulong
Quezon ay wala sa Pilipinas?
C. Analisis
Panuto: Pag-ugnayin ang sanhi at bunga ng sumusunod na mga pangyayari. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa linya.
Sanhi
____1. subok na si Laurel sa kanyang pagiging Bunga
tapat sa kanyang mga tungkulin.
____2. Nanganib ang buhay nina Quezon at ng iba a. Si Laurel ay nilitis at tinawag na collaborator o
pang pinuno matapos sumiklab ang digmaan sa pinunong sumusuporta sa mga gawaing
Pasipiko. pampolitika ng mga hapones.
____3. Iniwan sina Laurel at Vargas ni Quezon b. L:umikas si Queon kasama ang kanyang
upang mamahala at ipagtanggol ang pama- gabinete
halaang sibil. sa Coregidor.
____4. Ipinasiya ni heneral Hideki Tojo na ipag- c. Natakot at nag-alala sina Laurel at Vargas
kaloob sa Pilipinas ang kasarinlan sa lalong dahil kanilang naisip nab aka sila itatwa at
madaling panahon. akusahang
_____5. Pinaratangang nakipagtulungan si Laurel hindi naging tapat sa bayan.
sa mga Hapones.
d. Siya ay hinirang ni Quezon na maging mga bansang higit silang nagpapahalaga sa
mahistrado kapakanan ng mga Pilipino kaysa sa mga
sa Kataas-taasang Hukuman. Amerikano
e. Upang ipakilala sa mga Pilipino at sa ibang

D. Aplikasyon
Panuto: Suriin ang pilosopiyang nasa likod ng mga pahayag ni Laurel. Lagyan ng Tsek ang titik ng P kung ito
ay positibo at N kung neagtibo at ipaliwanag.
1. “Hindi ako mkapagpapatuloy ng paglilingkod sa isang tanggapang btid kong ang katulad ni ray Canley ay
napagkilalang may pgkakaalang nagawa.”
PN
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
2. “ Ang totoo ay ayaw kong managot sa pagpatay o sa paghihirap ng aking mga kababayan.”
PN
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

IV. Ebalwasyon
Ipasasagot sa mga mag-aaral ang Buoin Natin na nasa pahna 136. Sila ay magbibigay lamang ng mga
katangian ng tauhan.

V. Takdang Aralin
Papasimulan na sa mga mag-aaral ang paggawa ng pananaliksik na kung saan nauna ng naibigay nung
nakaraang miting.

Puna:
Hindi pa rin natapos at ipagpapatuloy pa ang gawain at pagwawasto sa mga aktibiti.
Inihanda ni:p

ANALY V. TABUSO
Titser
Sinuri ni:

KAREN V. LAMPAYAN
Koordineytor ng Filipino

You might also like