You are on page 1of 8

REVIEWER IN FILIPINO 7

I. Ibigay ang kasingkahulugan ng salitang sinalungguhitan ayon sa pagkakagamit nito sa pangungusap. Isulat ang titik
ng tamang sagot bago ang bilang.
____ 1. Hindi nakinig ang sultan sa pagsusumamo ng kanyang anak na dalaga.
a. pagdadabog b. pagmamakaawa c. pagkainis d. pagsigaw
____2. Ang panangis ng dalaga ay hindi man lang pinakinggan ng ama.
a. pagsigaw b. pag-iyak c. panunuyo d. pagkagalit
____3. Nagpupuyos ang sultan dahil sa ginawa ng kanyang anak.
a. nagmamalaki b. nanghihina c. galit na galit d. namatay
____4. Ang malupit na sultan ay nasawi nang lumindol ang kaharian.
a. nasaktan b. nasugatan c.namatay
____5. Napagtanto ng lahat na mabuti palang tao ang kanilang sultan.
a. naitanong b. nalaman c. napagpasiyahan d. napag-usapan
____ 6. Sino ang sumulat ng kwentong- bayan “Si Usman, Ang Alipin”?
a. Efren R. Abueg b. Eldifonso Santos c. Arthur P. Casanova
____ 7. Bakit sinasabing si Usman ay isang alipin?
a. Dahil siya ay mahirap
b. Inalipin siya ng Sultan dahil nagtaksil siya
c. Inalipin at kinulong siya dahil ayaw ng Sultan na mapasakanya ang kanyang anak na dalaga
____ 8. “Aking ama maawa ka!,”pakawalan mo si Usman. Wala po siyang kasalanan,” Nagmamakaawa si Potre
Maasita sa kanyang ama subalit hindi man lang siya pinansin nito. Mahihinuhang si Sultan Zacaria ay…
a. matigas ng kalooban b. mapaghiganti c. mapagtimpi
____ 9. Si Usman, Ang Alipin ay isang kwentong-bayan na nagmula sa?
a. Luzon b. Visayas c. Mindanao
____ 10. Saang Lungsod sa Mindanao nagmula ang kuwentong-bayang Si Usman, Ang Alipin?
a. Lungsod ng Dapitan b. Lungsod ng Cotabato c. Lungsod ng Marawi
____ 11. Sa kuwentong Si Usman, Ang Alipin, anong katangian ang ipinakita ng Sultan?
a. mapagkunwari b. matulungin c. malupit at masama
____ 12. Hindi matanggap ng sultan ang itsura ni Usman, kaya nagsagawa siya ng kautusang ang lahat ng mga
lalaking nakahihigit sa kanya ng pisikal na anyo ay dapat kitlin at maglaho. Sinunod lahat at hindi man lang
ito tinutulan ng kanyang mga tauhan. Mahihinuha sa pahayag na ito na __________________.
a. malapit sa kanyang mga tauhan ang sultan
b. kinatatakutan ang makapangyarihang sultan
c. mayaman at maraming ari-arian ang sultan

____ 13. Sa bandang huli, ano ang kapalarang sinapit ng isang aliping si Usman?
1
a. naging sikat na alipin
b. naging isang magiting na mandirigma
c. si Usman, na isang alipin, ay naging sultan ang naging isang mabuting pinuno
____ 14. Ilang yugto binubuo ang pagislam? a. isa b. tatlo c. dalawa
____ 15. Paano ipinakita ng mag-asawang Ibrah at Aminah ang kanilang pagpapasalamat sa biyayang natanggap?
a. pag-aalay ng ginto
b. sinunod nila ang nakaugaliang tradisyon o seremonya ng pagislam.
c. paghahanda ng isang piging.
____ 16. Ano ang ipinapahiwatig kapag ang ginupit na buhok ng sanggol ay hindi lumubog sa mangkok na may
tubig?
a. siguradong magandang kinabukasan ang naghihintay sa bata .
b. magiging mayaman.
c. walang magandang kinabukasan
____ 17. Ano ang kahulugan ng seremonyang “bang” sa mga Muslim?
a. pagputol ng buhok ng sanggol.
b. pagtutuli
c. pagbulong ng panalangin sa kanang tainga ng sanggol
____ 18. Siya ang nagsasagawa ng seremonya bang para sa bagong silang na sanggol.
a. pari b. ama c. Imam
____ 20. Uri ng panitikan na nagsasalaysay sa madali, maikli at masining na paraan.
a. Maikling Kuwento b. Alamat c. Pabula
____ 21. Ito ay bahagi ng ating katutubong panitikan na nasa anyong tuluyan na karaniwang naghahayagng kaugalian
at tradisyon ng lugar.
a. epiko b. kuwentong-bayan c. dula
____ 22. Ama ng Sinaunang Pabula
a. Socrates b. Planudes c. Aesop
____ 23. Anong anyo ng panitikan na ang mga pangunahing tauhan ay mga hayop?
a. epiko b. alamat c. pabula
____ 24. Ayon sa pabulang Natalo rin si Pilandok, sino ang tuso at mapanlinlang na hayop?
a. baboy b. pilandok c. suso
____ 25. sino ang nakatalo kay Pilandok?
a. baboy-ramo b. buwaya c. suso
____ 26. Ano ang tawag sa pahayag na maaring mangyari o magkatotoo subalit di tiyak kung sigurado?
a. ebidensya b. opinyon c.posibilidad

2
____ 27. Ano ang tawag sa pagkalap ng mga impormasyon gamit ang aklat, internet, at magasin?
a. panayam b.pananaliksik c.broadcasting

II. Isulat ang P kung ang pahayag ay nagbibigay patunay at DP kung hindi nagbibigay ng patunay. Isulat ito sa
patlang.
________1. Katunayan, sa bawat taon ay may 8 hanggang 9 na bagyo ang pumapasok sa PAR(Philippine Area of
Responsibility).
________2. Maging handa tayo sa pagdating ng bagyo.
________3. Umaasa kami na uunlad ang kanilang buhay.
________4. Huwag lang sana tayo salantain ng malalakas na bagyo.
________5. Ang Department of Agriculture ay maglalaan ng 30 bilyong pisong badyet para makamit ng bansa ang
pagkakaroon ng sapat na bigas o pagkain sa loob ng dalawang taon.

III. Tukuyin ang sinasaaad ng mga pangungusap sa hanay A. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa
patlang ang iyong sagot.

IV. Isulat ang T kung ang kuwentong-bayan ay sa Tagalog, B kung mula sa Bisaya, at M kung kuwentong-bayan ng
Mindanao.
⬜ 1. Si Malakas at si Maganda
⬜ 2. Si Usman, ang Alipin
⬜ 3. Ang Bundok ng Kanlaon
⬜ 4. Si Manik Buangsi
⬜ 5. Si Mariang Makiling
⬜ 6. Mga Kuwento ni Juan Tamad

V. Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari mula sa kwentong Si Usman, Ang Alipin. Isulat ang bilang 1 hanggang 6
sa linya.
3
____ 1. Nakita ng kanyang mga kawal si Usman at hinuli nila ito at ikinulong.
____ 2. Nagkaroon ng isang malakas na lindol at nabagsakan ang malupit na Sultan na siyang ikinamatay nito.
____ 3. Naging sultan si Usman at si Potre Maasita naman ang itinalagang sultana.
____ 4. Bumisita si Usman sa isang palengke na pinamumunuan ng malupit na sultang si Zacaria
____ 5. Nagmakaawa si Potre Maasita,ang anak na babae ng Sultan, na pakawalan si Usman dahil nahulog na rin ang
kalooban nito sa binate at naawa rin siya rito
____ 6. May kautusan ang sultan na hulihin ang mga kalalakihang nakahihigit sa kanyang kaguwapuhan
VI. Basahin at suriin ang mga pangyayari sa ibaba. Ayusin ang mga sumusunod na pangyayari ayon sa pagkakasunod-
sunod sa kuwentong Pagislam. Isulat ang bilang 1-5 sa inilaang patlang.
_____ 1. Hindi niya napigilan ang kanyang sarili kaya napasugod siya.
_____ 2. Tuwang- tuwa si Ibrah sapagkat naisilang na ang kanyang anak.
_____ 3. Wala ni isang hibla ng buhok ang lumubog sa mangkok na may tubig dahil dito napasigaw ang lahat ng mga
tao.
_____ 4. Maganda ang kinalabasan ng seremonya, kung kaya’t ipinagbunyi ito ng lahat.
_____ 5. Abala sa pag -aayos ng hapag-kainan at paghahanda ng masasarap na kakainin ang mga kababaihan dahil sa
magkakaroon ng seremonyang penggunteng.

REVIEWER IN FILIPINO 7
UNANG MARKAHAN
4
Retorikal na Pang-ugnay. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na aytem. Bilugan ang
titik ng tamang sagot.
B 1. Ang tawag sa mga salita na nagpapakita ng kaugnayan ng dalawang salita, parirala, o sugnay.
A.panghalip B. pang-ugnay C. pang-abay D. pang-uri
B 2. Ang Rehiyon XII ay hindi nakaligtas _______ kasalukuyang pandemiya.
A. at B. sa C. kay D. kasi
B 3. Mahalaga ang pagsunod _______ pakikipagkaisa upang mapangalagaan ang iyong malusog na pangangatawan.
A. kaya B. at C. para D. ng
D. 4. Matinding pagbabantay ang ginagawa ng mga awtoridad para sa ikabubuti ng mga mamamayan _______
marami pa rin ang mga hindi sumusunod.
A. kaya B. palibhasa C. kung D. subalit
C. 5. Lahat ng ginagawa ng mga nangunguna sa pagsugpo ng krisis na ito ay ________ kaligtasan ng lahat.
A. maging B. dahil sa C. para sa D. ni
A 6. __________ doktor, kailangan ka magpahinga ng limang araw dahil ikaw ay may lagnat.
A. Ayon sa B. Ukol sa C. Ayon kay D. Hingil sa
A 7. Mabigat ang trapiko _____________ nahuli ako sa klase.
A. kaya B. ngunit C. kasi D. kapag
C 8. Sasabay sana ako kay Marie pauwi _______ nakauwi na pala siya.
A. kaya B. kasi C. kaso D. dahil
B 9. Binilhan ________ Ninang Lourdes si Clarence ng bagong laruan.
A. kina B. nina C. ni D. kay
B 10. Maaari tayong maglaro ________ tapos na tayo sa pagsagot ng ating takdangaralin.
A. subalit B. kapag C. palibhasa D. dahil
B 11. Nagpunta sila sa ilog ________ malalim kanina.
A. sa B. na C. ni D.ng
A 12. Ang paghalik ng kamay ay tanda ng pagmamahal ___________ mga magulang.
A. para sa B. ayon sa C. para kay D. ayon kay
D 13. Ang kuwentong nabasa ko ay _____________ isang prinsesa.
A. alinsunod sa B. ukol kay C. alinsunod kay D. tungkol sa
D14. Magtanim tayo ng mga halaman _____ gulay upang makasiguro na walang kemikal ang ating kinakain.
A. n B. ng C. na D. pati
A15. Huwag mong gawin ang mali _____________ walang maibubungang maganda iyan sa'yo.
A. sapagkat B. palibhasa C. ngunit D. kapag
Basahin at unawain ang mga nakasaad sa bawat aytem. Ikahon ang tamang sagot.
1. Ito ay mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan. ( pang-angkop, pang-ukol )

5
2. Ang pang-angkop na ( na, -ng ) ay ginagamit kapag ang unang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa n.
3. Ang pang-angkop na ( na, -ng ) ay ginagamit kung ang unang salita ay nagtatapos sa mga patinig.
4. Ito ay kataga/salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang mga salita sa pangungusap.
(pang-ukol, pang-angkop, pangatnig )
5. Mga kataga/salita na nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay. ( pangatnig, pang-ukol )
6. Alin sa mga sumusunod ang HINDI pang-ukol? (hinggil sa, laban sa, kapag )
7. Siya ang nagbibigay-buhay sa maikling kuwento. ( tauhan, tunggalian, simula )
8. Ang panahon o lugar kung saan nangyari ang maikling kuwento ( tauhan, tagpuan, wakas )
9. Ito ang maayos at wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. ( banghay, simula, tunggalian )
10. Ang kawilihan ng mambabasa ay nakasalalay dito. Dito ipinakikilala ang tauhan at ang tagpuang iikutan ng
kuwento. ( simula, tunggalian, kasukdulan )
11. Dito makikita ang pakikitunggali ng pangunahing tauhan sa mga suliraning kanyang kakaharapin.
( tunggalian, kasukdulan, kakalasan )
12. Ito ang pinakamataas na pangyayari sa kuwento kaya’t ito ang pinakamaaksyon
( kasukdulan, kakalasan, wakas )
13. Sa bahaging ito bumababa ang takbo ng kuwento. ( kasukdulan, kakalasan, wakas )
14. Ang kinahinatnan o resolusyon ng kuwentong maaaring masaya o malungkot.
( wakas, simula, kakalasan )
15. Ang epikong Tulalang ay Epiko ng mga ( Manobo, Kalinga, Tagbanua )
16. Anong nilalang ang nakalaban ni Tulalang noong isang beses siyang namahinga sa ilalim ng isang puno?
( higante, hari ng Bagyo, kulasisi )
17. Mayabang na heneral na humamon ng away kay Tulalang ( Balaraw, Agio, Bagyo )
18. Kalaban ni Tulalang na sumugod sa kanilang kaharian at binihag ang kaniyang mga kapatid.
( hari ng Bagyo, Agio, higante )
19. Kilalang guro o eksperto sa pagbasa ng Koran ( Imam, pari, pandita )
Ibigay ang limang bahagi ng banghay ng maikling kuwento.
1. simula
2. saglit na kasiglahan
3. kasukdulan
4. kakalasan
5. katapusan o wakas

Bigyan ng kahulugan ang mga sumusunod.

6
1. pabula Ang pabula ay isang uri ng panitikan na kung saan ang pangunahing mga tauhan ay ginagampanan
ng mga hayop. Sa akdang ito, ang mga hayop ay kumikilos at nakakapagsalita tulad ng mga tao. Sa wakas ng kwento,
ang mga mambabasa ay inaasahang may mapupulot na mabuting aral at magandang asal.
2. epiko Ang Epiko ay uri ng panitikan na matatagpuan sa iba’t-ibang grupong etniko. Ito ay tumatalakay sa
mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan
dahil may mga tagpuang makababalaghan. Kwento ito ng kabayanihan noong unang panahon na punung-puno ng
mga kagila-gilalas na pangyayari.

Pang-ugnay na Ginagamit sa Pagbibigay ng Sanhi at Bunga, Paghihikayat, at Pagpapahayag ng Saloobin


Bilugan ang pang-ugnay na ginamit sa pangungusap at salungguhitan ang salita o mga salitang pinag-uugnay nito.
Isulat sa patlang ang SB – kung pang-ugnay na ginagamit sa pagbibigay ng sanhi at bunga
PH – Pang-ugnay na ginagamit sa panghihikayat
SL – kung pang-ugnay na ginagamit sa pagpapahayag ng saloobin
SB 1. Ang magkakapatid ay minahal ng mga tao sapagkat sila’y tunay na matulungin sa kapwa.
SB 2. Bagama’t nawala ang minamahal ay hindi niya inalintana para sa kapakanan ng kanyang bayan.
SL 3. Sa aking hinuha ay madaling matatalo ni Tulalang ang kanyang mga kalaban dahil sa kanyang angking talino.
SB4. Maligayang naninirahan ang mga tao sa lugar subalit dumating ang iang mayabang na kaaway.
SL 5. Ang pagdating ng sarimbar ay totoong nagbigay ng kaligayahan sa mamamayan.

Isulat ang wastong sagot sa linya bago ang bilang.

7
______________ 1. Sa “Si Usman, Ang Alipin” ay makikita ang pagiging malupit ng isang pinuno. Sino ang anak ng
pinuno na ito na siyang bukas-loob na tumulong kay Usman?
______________ 2. Ang makisig at lalaking-lalaki na talagang nagmana sa kanyang ama
______________ 3. Ang nanguna sa seremonya ng penggunting at bang sa sanggol
______________ 4. Ang kapatid ni Ibrah na nagdala ng baro-baruan sa silid ng sanggol
______________ 5. Ang pangalang ibinigay ni Ibrah sa anak
______________ 6. Ang bata ay nabasahan ng bang sa edad na ____.
______________ 7. Ang tawag sa seremonya ng pagbibigay ng pangalan at paggupit sa buhok ng sanggol at
paglalagay nito sa mangkok na may tubig
______________ 8. Ang huling yugto ng Pagislam sa buhay ng sanggol ay naganap sa kanyang _____.
______________ 9. Ang pagislam ng mga Muslim ay kahalintulad ng seremonya ng _____.

You might also like