You are on page 1of 5

REVIEWER IN FILIPINO 8 (4TH QUARTER)

Bilugan ang salitang naiiba ang kahulugan sa bawat pangkat.


1. irog mahal kaaway sinta
2. umintindi umunawa tumarok magsabi
3.hilaw hinog mura pa bubot
4. papurihan laitin dustain apihin
5. pantas eksperto henyo hari
6. mapanglaw malungkot masaya matamlay
Tama o Mali.
_______ 1. Magugustuhan daw ng mambabasa ang akda kung uunawain itong mabuti.
_______ 2. “Florante bulaklak na bugtong” ang palayaw sa kanya ng kanyang ama
_______ 3. Naghirap ang kanyang minamahal na kahariang Albanya dahil sa pananakop ng taksil na si
Konde Adolfo.
_______ 4. Nakagapos si Florante sa isang punong narra sa gitna ng madilim na gubat
_______ 5. Nawika ni Florante na lubos niyang pasasalamatan si Adolfo sa lahat ng paghihirap sa kanya
huwag lamang agawin si Laura sa kanya.
_______ 6. Isinadula nila Florante at Adolfo kasama ang iba pa nilang kaeskuwela ang tungkol sa epikong
buhay ni Haring Epido, isang bayani ng Epikong Griyego.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa sumusunod ang nabanggit ni Balagtas sa "Sa babasa nito":
A. Huwag ibahin ang larawan sa pabalat C. Huwag mo lamang baguhin ang berso
B. Huwag ito paglalaruan
2. Ano ang gagawin kapag may nakitang salita na hindi pamilyar ayon kay Balagtas?
A. Hanapin sa internet C. Tanungin sa nakatatanda
B. Tumingin sa baba dahil nandun ang kahulugan
3. Ang mga saknong sa kabanatang _____ ay mga habilin o tagubilin ni Balagtas para sa mga mambabasa.
A. Kay Selya B. Sa Babasa Nito C. Abernong Reyno
4. Kanino inihahambing ni Balagtas ang isang taong paulit-ulit ang pagsulat ng tulang dumaraan sa maraming
rebisyon?
A. Narciso B. Solomon C. Segismundo
5. "Kung sa pagbasa mo'y may tulang malabo,
bago mo hatulang katkatin at liko,
pasuriin muna ang luwasa't hulo,
at makikilalang malinaw at wasto."

Ano ang ipinararating ng may-akda sa saknong na nasa itaas?


A. Maikling pagsulat B. Masinsinang pagsusuri C. Maikling paglalahad
6. "Ang mga hayop pang dito'y gumagala,
karamiha'y syerpe't basilisko'y madla..."
Ang syerpe ay isang uri ng ___ na gumagapang sa lupa at mga damuhan.
A. ahas B. gagamba C. tigre
7. Ano ang tawag sa mga diyosa sa kabundukan na nagtataglay ng malalamyos na tinig?
A. nimfas B. harpias C. diwata
8. Ano ang tawag sa puno na kinalalagyan ni Florante?
A. higera B. narra C. pantas
9. Ito ay mga nilalang sa mitolohiyang Griyego na may katawan tulad ng sa isang ibon,may pakpak at matutulis
ba kuko?
A. harpias B. pluton C. nimfas
10. Sino ang may balak umagaw kay Laura sa bahaging "Alaala ni Laura"?
A. Adolfo B. Antenor C. Emir
11. Ang kabanatang may pamagat na “ Hinagpis ni Florante “ ay tumutukoy sa __ .
A. pagtataksil ni Adolfo
B. paghahari ng mga masasama sa Albanya
C. pagtanaw sa mga masayang alaala nila ni Laura
D.pakikipag-usap ni Florante sa kanyang namayapang ama at ina
12. Ang mga syerpe ( ahas o serpiyente) at basilikong gumagala sa gubat ay tumutukoy sa ________.
A. Mababangis na hayop sa gubat na anomang oras ay handang sumila o pumatay.
B. Mga sakit o karamdaman na maaaring dumapo sa sinuman.
C. Mga taong sakim at mapagsamantala sa kahinaan ng iba.
D. Mga mananakop na tila nag-aabang upang makagawa nang masama sa mga Pilipino.
13. Ang madilim at mapanglaw na gubat na kinagagapusan ni Florante sa kabanata1 ay tumutukoy sa :
A. Madilim at walang kalayaang kalagayan ng bansa sa panahong iyon
B. Madadawag na kagubatang nakapalibot sa panahong iyon
C. Mga gawain ng mga kriminal na nakahahadlang sa pag-unlad ng sambayanan.
D. Magulong kalagayan ng pamahalaan ng panahong iyon.
14. Ang kahabag-habag at nakagapos na si Florante sa puno ng higera ay nagpapakita ng kawalang _____ ng
mga Pilipino sa panahong iyon.
A. kayamanan B. Kalayaan C. trabaho
15. Taong may hangarin sa korona at yaman ng bayan ni Florante?
A. Menandro B. Flerida C. Adolfo
16. Bakit napapad ang isang gererong mula sa Persya?
A. nangangaso ang binata sa kagubatan
B. may hinahanap ang binata sa kagubatan
C. nakikipaglaban ang binata sa kagubatan
D. nang inagaw ng sariling ama ang kaniyang minamahal
17. Sino ang karibal ni Aladin sa kaniyang iniibig na si Flerida?
A. Adolfo B. Emir C. Sultan Ali-Adab
18. Ano ang nangingibabaw sa puso ni Florante sa kabila ng nangyari sa kanya sa kagubatan?
A. pagsuklam kay Aladin C. pagkakaroon ng pag-asa
B. pagmamahal kay Laura at pagmamalasakit sa Albanya
19. Bakit labis ang paghihirap ni Florante sa kagubatan?
A. wala siyang mahingan ng tulong C. wala siyang malapitan at hindi naririnig ang kaniyang panalangin
B. nahulog siya sa patibong ng kaaway
20. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga pagdurusa at hinagpis ni Florante?
A. Pagkamatay ng kanyang ama. C. Pagsakop ni Adolfo sa Albanya.
B. Pag-agaw ni Adolfo kay Laura. D. Pag-aalaga ni Aladin kay Florante
21. Ano ang mabigat na problema ng Moro na nasa gubat?
A. Sinakop ng mga kalaban ang kanilang kaharian. C. Namatay ang kanyang minamahal.
B. Inagaw ng kanyang ama na ang kanyang kasintahan. D. Itinakwil siya ng kanyang ama.

22. Sino ang iniibig ng Morong napunta din sa gubat?


A. Floresca B. Flerida C. Felina
23. “Nagkataong siyang pagdating sa gubat ng isang gererong bayani ang tikas;putong na turbante ay kalingas-
lingas,pananamit-Moro sa Persyang syudad.” Ang tinutukoy sa saknong na ito ay...
A. Aladin B. Menandro C. Adolfo
24. Ang pamamaalam ni Florante ay inilaan niya para sa ano-ano?
A. sa kanyang kasintahan B. sa kanyang ama C. sa Albanya
25. Tukuying kung sinong tauhan ang tinutukoy ng pahayag.

26. Naging dahilan kung bakit hindi natuloy ang pagpatay sa Gererong Moro sa halip ay ipatapon na lamang sa
gubat.
A. Prinsesa Floresca B. Laura C. Flerida
27. Ilang buwan nanatili si Florante sa kaharian ng Krotona?
A. labing-limang buwan B. sampung buan C. limang buwan
28. Ano ang ibig sabihin ng Moro sa pahayag na ito:
"Kung ikaw ay nanasok sa puso nino man, hahamakin ang lahat masunod ka lamang"
A. Handang kalabanin ng moro ang lahat ng hahadlang sa kanya
B. Handang mamatay ang moro para sa kanayng minamahal
C. Handang gawin ang lahat ni Moro mapagsilbihan lang ang minamahal
D. Handang iwan ng moro ang kanyang minamahal
29. Ano ang narinig ng moro sa gubat na kanyang hinanap?
A. panaghoy B. sigaw C. awitin
30. Ano ang naramdaman ng Moro nang makita ang binatang nakagapos?
A. nagalit B. natuwa C. naawa
31. Ano ang ginamit ng girero sa pagpatay sa leon?
A. bomba B. tabak C. baril
32. Paano namatay si Duke Briseo?
A. Pinutol ang ulo B. Nalunod C. Nalason
33. Bakit nagdalawang-isip si Aladin na iligtas si Florante?
A. Dahil hindi niya kilala ito C. Dahil magkaribal sila kay Laura
B. Dahil mortal na kaaway ng mga Moro ang mga Kristiyano
34. Ano ang parehong damdamin nina Aladin at Florante sa gitna ng kagubatan?
A. masaya B. puno ng pag-asa C. paghihinagpis
35. Kahariang pinamumunuan ni Haring Linceo
A. Albanya B. Berbanya C. Krotona
36. Ang mabait na guro sa Atenas. Guro nina Florante, Menandro at Adolfo. Amain ni Menandro.
A. Antenor B. Francisco Balagtas C. Heneral Meramolin
37. "Di sinumpaan mo sa harap ng langit, na di maglililo sa aking pag-ibig" ang kasingkahulugan ng may
salungguhit na salita ay _______.
A. magsasawa B. mawawala C. magtataksil
38. Matinding panibugho ang kanyang nararamdaman sapagkat tuluyang naagaw ng taksil na si Adolfo ang
pag-ibig ni Laura. Ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit ay __________________.
A. pagseselos B. pagkapoot C. pagkalugmok
39. Humihinging tulong at nasa pangamba
ang Krotonang reyno’y kubkob ng kaba;
ang puno sa hukbo’y balita ng sigla
Heneral Osmalik ng bayaning Persya
Ang naglalahad ay punumpuno ng…
A. takot B. pag-asa C. pag-aalinlangan

40. Sagot ni Florante, “Huwag ding maparis


ang gererong bantog sa palad kong amis;
at sa kaawa’y ma’y di ko ninanais
ang laki ng dusang aking sinapit.
Si Florante ay nagpakita ng…
A. pagmamalasakit sa kapwa B. pagkamuhi sa sarili C. matinding takot
41. Sa anong uri ng tula nabibilang ang Florante at Laura?
A. awit B. oda C. korido
42. Bakit isinulat ang Florante at Laura?
A. Dahil sa karanasan at kasawian nang mapagbintangan siya ni Mariano Kapule
B. Upang mapawi ang kanyang kalungkutan
C. Bilang handog sa kanyang iniibig
D. Upang linangin ang kanyang kakayahan sa pagsulat ng tula
43. Batay sa mga pangyayari sa Florante at Laura, makakamit ang tunay na kalayaan ng isang bansa kung .
A. Lahat ng kabataan ay mag-aaral
B. May sapat na kaalaman sa doktrina ng simbahan
C. Ang mga pinuno ay matatalino
D. Ang namumuno ay matalino, tapat sa tungkulin at may pagkakaisa

Tama o Mali.
__________ 1. Sa pagliliwaliw ni Aladin sa gubat na mapanglaw ay narinig niya ang panaghoy ng binatang si
Florante. Ayon sa kanyang narinig ay namatay ang butihing ama ni Florante sa kamay ng sakim
na si Konde Adolfo.

__________ 2. Pagkatapos marinig ni Aladin ang panaghoy ni Florante ay nanumbalik sa kanya ang ala-ala ng
kanyang amang si Sultan Ali-Adab. Naging mabuti sa kanya ang kanyang ama at pawang
kabutihan lamang ang naaalala niya mula rito.

__________ 3. Ang sumunod na panaghoy ni Florante ay ang pamamaalam niya sa kanyang


pinakamamahal na si Laura at sa kanyang pinakamamahal na bayan ng Albanya.

__________ 4. Sa gitna ng patuloy na pagtangis ni Florante ay lumapit ang dalawang mabangis na Oso na
akma siyang lalapain, ngunit himalang tumigil ang mga ito at nakinig sa pagtangin ng binata.

__________ 5. Hindi natiis ni Aladin ang matinding awa mula sa naririnig na tinig kaya't dali-dali niyang hinanap
ang pinagmulan nito. Nakita niyang isang kristyano ang nananangis kaya't nag-alangan siyang
tulungan ito.

__________ 6. Pinaslang ni Aladin ang mga Leon na handa nang lapain si Florante. Dali-dali niyang
tinulungan ang binatang noo'y wala nang malay. Napayapa siya nang ito ay kumilos --
Hudyat na siya ay buhay pa.
__________ 7. Nang magising si Florante ay laking gulat niya nang mahinuhang siya ay nasa kandungan
ng isang morong mortal na kaaway ng kanyang lahi. Dali-Dali niyang kinuha ang kanyang
arma upang labanan ang kanyang kaaway.
__________ 8. Magdamag na hindi natulog si Aladin upang maalagaan at mabantayan mula sa mga
mababangis na hayop si Florante. Kinabukasa'y nagising at nanumbalik na ang lakas ni Florante
at ito ay lubos na ikinatuwa ni Aladin.
Ayusin ang mga pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga ito. Lagyan ng titik A – J.

____ 1. Matagumpay na nailigtas si Florante ng gererong si Aladin.


____ 2. Naglakad ang gerero sa isang panig ng kagubatan.
____ 3. Natunton ng gererong si Aladin ang kinaroroonan ni Florante.
____ 4. Nagdusa ang kalooban ni Aladin nang marinig ang panaghoy ni Florante.
____ 5. Patuloy ang panangis ni Florante habang siya’y nakatali sa puno.
____ 6. Pinagtangkaang gahasain ni Adolfo si Laura.
____ 7. Kamuntik dagitin ng buwitre si Floante at iniligtas siya ni Menalipo.
____ 8. Namatay ang kanyang mahal na inang si Prinsesa Floresca.
____ 9. Ipinadala si Florante ng kanyang ama na si Duke Briseo sa bansang Athenas.
____ 10. Nagtagpo-tagpo ang apat (Florante, Laura, Aladin at Flerida) sa kagubatan ng Albanya.

You might also like