You are on page 1of 3

IKALIMANG PAGSUSULIT (SAKNONG 172-316)

PANGALAN: ISKOR:
BAITANG AT SEKSIYON: PETSA:
PANUTO: Isulat ang titik ng pinakatamang sagot sa inyong sagutang papel. Bawal ang anumang klase ng
bura, bawal makipag-usap sa katabi at itim na ballpen lamang ang gagamitin. Kung sa palagay mo wala sa
pagpipilian ang tamang sagot, isulat lamang ang titik “E”. Malalaking titik ang kailangan isulat.

1. Aking tinudla ang mansana sa kaniyang ulo bilang parte ng aking pagsasanay sa paggamit ng isang palaso.
Ano ang kasingkahulugan ng salitang tinudla?
A. Naasinta B. Iaasinta C. Inasinta D. Inaasinta
2. Hihinting daw ni Markus ang kaniyang mga kaibigan sa ilalim ng puno malapit sa canteen. Ano ang
kasalungat ng salitang hihinting?
A. Hihintayin B. Iiwanan C. Sasamahan D. Pababayaan
3. Ang buong klase lamang ng Adoration ang nakatatalas ng bawat lihim na mayroon sa ikaapat na palapag
ng OLD SB. Ano ang kasingkahulugan ng salitang nakatatalas?
A. Nakabubuti B. Nakakabuti C. Nakakaalam D. Nakaaalam
4. Si Menandro lamang ang naging basalyo ni Florante noong sila ay nagdudula-dulaan ni Adolfo. Ano ang
kasalungat ng salitang basalyo?
A. Kalaban B. Kakampi C. Kaibigan D. Traydor
5. Hindi maapula ang mga taong nagkakagulo nang dumating ang hinihintay na tulong mula sa pamahalaan.
Ano ang kasingkahulugan ng salitang maapula?
A. Matahimik B. Mapigilan C. Makakilos D. Makakita
6. Naaliw ang mga panauhin sa mga kwento ng batang matabil. Ano ang kasingkahulugan ng salitang matabil?
A. Madaldal B. Maingay C. Maganda D. Matalino
7. Bago magsalita ang binatang si Florante sa kaniyang mga danas, alin sa mga sumusunod na bagay ang
hindi kabilang sa mga ginawa ni Aladin?
A. Dinala at inihiga ni Aladin ang binatang si Florante sa isang malapad na bato
B. Hindi umidlip si Aladin sa pag-aalalang baka makagat si Florante ng mababangis na hayop sa gubat.
C. Hiniling ni Florante kay Aladin ang kaniyang pinagmulan at kung bakit siya napadpad sa gubat.
D. Si Florante ay hinikayat ni Aladin na kumain kahit konti man lamang upang manumbalik ang kaniyang lakas.
8. Isinalaysay ni Florante na siya ay anak ninong mag-asawa?
A. Floresca at Briseo B. Floresca at Linceo C. Sima at Ali Adab D. Atena at Linceo
9. Ang binata ay natagpuang nakatali sa isang gubat na mapanglaw. Anong kaharian malapit ang gubat?
A. Reynong Albanya B. Reynong Krotona C. Reynong Perisya D. Reynong Averno
10. Anong ilog ang nagbibigay buhay sa kagubatang mapanglaw?
A. Ilog Nayades B. Ilog Cosito C. Ilog Cisoto D. Ilog Niyades
11. Ano ang ginawa sa kaniya ng isang buwitre noong siya ay bata pa lamang?
A. Siya ay pinagbalakang dagitin ng isang buwitre.
B. Siya ay pinagbalakang patayin ng isang buwitre at kainin.
C. Siya ay inagawan ng isang kwintas na may diyamante na nakalagay sa kaniyang dibdib.
D. Wala sa Nabanggit
12. Sino ang nagligtas kay Florante sa kamay ng buwitre?
A. Menandro B. Floresca C. Menalipo D. Menal-ipo
13. Anong hayop ang nagbalak kunin ang kupidong diyamante sa dibdib ni Florante?
A. Arko B. Buwitre C. Arkon D. Falcon
14. Ano ang palayaw ni Florante?
A. Sintang Florante B. Bulaklak C. Floranteng Bulaklak D. Lahat ay tama
15. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang HINDI kabilang sa mga layaw ni Florante noong siya’y bata pa?
A. Magpunta sa burol upang mangolekta ng mga bulaklak
B. Makinig sa lagaslas ng tubig sa batis at sa awit ng mga nayades.
C. Mamana at pumatay ng mga hayop at mga ibon na kaniyang pinamimigay.
D. Panuorin ang paglubog ng araw mula sa burol na nagpapatanag sa kaniyang damdamin.
16. Sila ay mga ninfa sa batis at ilog na may mga nakakaaliw na mga lira at sinasamba ng mga Hentil na
kabilang sa liping Pagano. Sino sila?
A. Oreadas Nimfas B. Niyades C. Nayades D. Pitaco
17. Siya ang nagpipigil at nagdadalawang isip na ipadala ang batang si Florante sa ibang bayan upang mag-
aral sa Atenas. Sino siya?
A. Prinsesa Floresca B. Laura C. Duke Briseo D. Hari ng Krotona
18. Siya ang binatang sakdal ng bait at kagalingan sa Atenas na nagbago ang ugali dulot ng naramdamang
panibugho sa pagdating ng binatang si Florante.
A. Antenor B. Adolfo C. Menandro D. Aladin
19. Ano ang nangyari ka Florante sa loob ng isang buwang pamamalagi sa Atenas?
A. Hindi makakain ng mainam at maayos C. Muntik masaksak ni Adolfo
B. Nag-aral ng mainam para sa pamilya D. Nahihirapan sa pagtulog dulot ng pag-aalala
20. Anong mga asignatura ang madaling natutunan ni Florante na naging hudyat na pag-ingay ng kaniyang
ngalan sa Atenas?
A. Pilosopiya, Latin, Matematika C. Pilosopiya, Astrolohiya, Siyensya
B. Pilosopiya, Latin, Astrolohiya D. Pilosopiya, Astrolohiya, Matematika
21. Sino ang mga ginanapan nina Florante, Adolfo at Menandro? Piliin ang pinaka akmang kasagutan.
A. Reyna Yokasta, Polinice, Eteocles C. Eteocles, Polinice, Reyna Yokasta
B. Reyna Yokasta, Eteocles, Polinice D. Polinice, Eteocles, Reyna Yokasta
22. Ano ang nagawa ni Menandro sa kanilang dula-dulaan?
A. Kaniyang isinalo ang saksak ng kalis na dapat ay para kay Florante.
B. Kaniyang nasalag ang saksak na dapat para kay Florante
C. Kaniyang inagaw ang kalis at itinapon ito sa kalayuan upang nang sa ganoo’y di na makapatay pa
D. Kaniyang binato si Adolfo ng isang bato upang mawalan ito ng malay at makuha niya ang kalis na gamit.
23. Makalipas ang ilang buwan, nakatanggap ng sulat si Florante ng liham mula kay Haring Linceo na
naglalaman ng anong mensahe habang siya ay nasa Atenas?
A. Kinakailangan niyang umuwi ng Albanya dahil ang Albanya ay nasa sa ilalim ng pananakop ng mga Moro.
B. Kailangan niyang umuwi ng Albanya dahil si Floresca ay patay na at ang kaniyang ama ay kailangan siya.
C. Kinakailangan niyang umuwi ng Albanya dahil ang bayan ng kaniyang nuno ay inaatake ng mga Moro.
D. Kailangan niyang umuwi ng Albanya dahil nangangailangan na ang Albanya ng tagapagmana ng trono.
24. Ano ang naging payo ni Antenor kay Florante noong ito’y pauwi sa bayan ng Albanya?
A. Laging maging handa sa mga maari niyang maging kaaway.
B. Laging maging handa sa kung ano mang balita ang maaaring sumalubong sa kaniya.
C. Laging maging handa sa mga pasurpresang pag-atake ng mga moro sa kanilang hukbo.
D. Laging maging handa sa mga bagay na ipagagawa ng butihing hari ng Albanya sa kanilang pagdating.
25. Nang dumating sina Florante at Menandro, sinalubong siya ni Duke Briseo ng isang yakap mula sa amang
nangungulila sa isang anak ngunit sa kanilang pagyayakapan, sino ang dumating at anong balita ang dala?
A. Dumating si Laura at nabihag nito ang binatang si Florante.
B. Dumating si Haring Linceo upang ipaalam ang kalagayan ng Kaharian ng Krotona.
C. Dumating si Adolfo upang batiin ng isang mapagdudang ngiti ang binatang si Florante.
D. Dumating ang emabahador ng Krotona upang iparating ang balitang sinasakop ang Krotona.
26. Ano ang naging desisyon ni Haring Linceo at Duke Briseo nang malaman ang kalagayan ng Krotona?
A. Nagpatawag sila ng agarang pagpupulong kasama ang mga heneral upang pagplanuhan ang pagsuporta.
B. Isinawalang bahala na lamang nilang dalawa ang balitang ang Krotona ay sinasakop ng mga Persiyano.
C. Inatasan si Florante na manguna sa paglusob sa Krotona na sinang-ayunan naman ni Duke Briseo.
D. Inatasan ng kaniyang ama si Florante sa paglusob ng Krotona dahil siya ay apo nga ng hari ng Krotona na
sinang-ayunan naman ng butihing si Haring Linceo.
27. Habang nag-uusap sila Florante, Briseo at Linceo ay nag-uusap, natanaw ni Florante si Laura at ano ang
naging reaksyon ng binata para sa dalaga?
A. Siya ay nakaramdam ng lukso ng dugo dahil sa angking kagandahan na mayroon ang dalaga.
B. Siya ay nakaramdam ng pagkabaliksa dahil isang magandang dilag ang nasa kaniyang harapan.
C. Siya ay nakaramdam ng pagkagusto dahil sa gandang walang kasintulad na mayroon ang dalaga.
D. Siya ay nakaramdam ng pagmamahal dahil sa ganda na kahit ito ang kanilang unang pagkikita.
28. Siya ang kinikilala bilang bathaluman ng kagandahan at anak ni Hupiter at Diana. Sino siya
A. Atena B. Benus C. Venus D. Aphrodite
29. Siya ang kinikilala bilang Diyos ng pag-ibig at mula ang ngalan sa salitang Latin na ibig sabihin ay
pagmamahal at pagkagusto. Sino siya?
A. Kupido B. Cupid C. Benus D. Venus
30. Ano ang ipinabaon ni Laura kay Florante sa kaniyang pakikidigma sa mga Moro sa Krotona?
A. Panyo ng may burda B. Luha C. Halik D. Turbante
31. Sa paanong paraan napatay ni Aladin si Osmalik?
A. Sila ay naglaban, isa laban sa isa. C. Limang oras silang naglaban
B. Pinugutan ng ulo si Heneral Osmalik D. Lahat ng Nabanggit
32. Sino ang nuno ni Florante na taga Krotona?
A. Floresca B. Menandro C. Haring Linceo D. Hari ng Krotona
33. Matapos na maipanalo nila Florante ang digmaan kontra mga Moro, tatlong araw na walang patid ang
kasiyahan na idinaraos, ngunit sa kalagitnaan ng saya, anong dahilan ng kalungkutang bumalot sa kanila?
A. Pagkamatay ng napakaraming mga kawal C. Pagkamatay ni Prinsesa Floresca
B. Pagkamatay ni Heneral Osmalik D. Pagkamatay ng Hari ng Krotona
34. Ano ang bumungad kila Florante sa pagbalik sa Albanya makalipas ang limang buwan galing Krotona?
A. Isang babaeng nakatali at nakatakip ang mukha C. Isang morong nagngangalang Emir
B. Ang medialunang nakawagayway D. Ang tatlumpong libong sundalong nag-aantay
35. Matapos mailigtas si Laura, ano ang sumunod na ginawa ni Florante?
A. Iniligtas sila Duke Briseo, Haring Linceo at Adolfo C. Nakipagdigmaan sa mga Moro
B. Pinatay at pinigutan ng ulo si Emir D. Sila’y nagpapiging sa loob ng tatlong araw
36. Ilang hari ang gumalang kay Florante dulot ng kaniyang galing bilang isang heneral?
A. 14 B. 15 C. 16 D. 17
37. Ano ang laman ng sulat na natanggap ni Florante habang sila ay nakikidigma sa Etolya?
A. Ang agarang pagpapabalik sa kaniya sa bayang Albanya
B. Ang pagbibigay ng babala ni Laura sa mga nagaganap sa bayang Albanya
C. Ang pagkamatay ng kaniyang ina na si Floresca
D. Ang pagpugot ng ulo ng kaniyang ama na si Duke Briseo at sa ulo ng haring si Linceo.
38. Makalipas ang labingwalong araw, ano ang ginawa kay Florante?
A. Siya ay dinala sa isang gubat upang iwanan C. Siya ay dinala sa isang gubat upang itali
B. Siya ay dinala sa gubat upang paslangin D. Siya ay dinala sa gubat upang ipakain sa leon
39. Ano ang naging dahilan ng pagpapabilango ni Sultan Ali-Adab kay Aladin?
A. Ang kaniyang pagmamahal kay Flerida C. Ang kabiguang masakop ang Krotona
B. Ang lihim na pag-aaklas kontra sa hari D. Ang kabiguabg masakop ang Albanya
40. Ano ang naging kondisyon kay Aladin upang hindi na siya mapugutan pa ng ulo?
A. Huwag na huwag siyang babalik na sa Persiya C. Huwag na huwag magpapakita kay Flerida
B. Huwag na huwag magpapakita sa kanyang Ama D. Walang kondisyon
41. Sa paanong paraan nakatakas si Flerida sa kamay ng sultan?
A. Pagsuot ng damit pandigma B. Pagtakas C. Pagtatago sa kawal D. Walang Tama
42. Paano iniligtas ni Flerida si Laura sa kamay ni Konde Adolfo?
A. Pagpukpok ng batong malaki B. Pamamana C. Pansisibat D. Pamamaril
43. Bago umuwi sina Flerida at Aladin sa bayang Persiya at umupo bilang mga bagong halal na mga hari’t
reyna, ano ang ginawa nila?
A. Nagdiwang B. Nagpabinyag C. Nakipagpulong D. Namahinga
44-47. Tukuyin kung sino ang mga nagsalita o nagpahayag ng mga sumusunod na pahayag o saknong mula
sa kwento.
44. “Kung ang isalubong sa iyong pagdating ay masayang mukha’t may pakitang-giliw, lalong paingata’t
kaaway na lihim siyang isaisip na kakabakahin.” Sino ang nagsabi?
A. Menandro B. Aladin C. Florante D. Antenor
45.”Bihirang balita’y magtapat kung magototoo ma’y marami ang dagdag.” Sino ang tumuran?
A. Aladin B. Menandro C. Antenor D. Haring Linceo
46. “Ikaw ang umagaw ng kapurihan ko’y dapat kang mamatay!” Kaninong pahayag ito?
A. Menalipo B. Osmalik C. Adolfo D. Florante
47. “Nang aking matatap na pupugutan, ang abang sinta kong nasa bilangguan nadapa sa yapak ng haring
sukaban.” Sino ang nagsaad ng pahayag na ito?
A. Floresca B. Benus C. Laura D. Flerida
48-50. Tukuyin kung anong emosyon ang nangingibabaw sa mga sumusunod na pahayag.
48. “O Haring Linceo, kung di mo pinilit na sa salitaan nati’y makipanig, ang buhay ko disi’y hindi nagkasakit
ngayong pagliluhan ng anak mong ibig.”
A. Panghihinayang B. Pagsusumbat C. Pagkalugmok D. Pagkainis
49. “May dalawang buwang hindi nakatikim ako ng linamnam ng payapa’t aliw, ikalawang sulat ni ama;y
dumating sampu ng sasakyang sumundo sa akin.”
A. Pagdadalamhati B. Pagkalungkot C. Panibugho D. Panghihinayang
50. “Ikaw ang umagaw ng kapurihan ko’y dapat kang mamatay!”
A. Pagkagalit B. Pagsasaya C. Pagkalugmok D. Pagkabalisa

Maging pag-ibig man ang naging sentro ng kwento, batid namin kami ay naka haplos kami sa inyong mga
puso’t buhay na hinding hindi niyo malilimutan.

You might also like