You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Division of Rizal
Region IV-A CALABARZON
Tagumpay National High School

IKAAPAT NA LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 8

Pangalan:___________________________________ Petsa:_____________________
Pangkat at Antas:_____________________________ Marka:_____________________

I. BASAHIN AT UNAWAIN ANG BAWAT BILANG. BILUGAN ANG TAMANG TITIK NG TAMANG
SAGOT.

1. Ikinulong si Francisco sa kasalanang hindi naman niya ginawa. Anong kalagayang panlipunan ang tinutukoy dito?
A. Pagmamalabis sa kapangyarihan. B. Kawalang hustisya sa panahong ito.
C. Minamaliit ang mga mahihirap na tao. D. Pinapahirap ang mga taong walang
kalaban-laban.
2. Binuo ni Francisco “Balagtas” Baltazar ang Florante at Laura. Ano ang layunin sa pagsulat sa nasabing akda?
A. Para ipakita ang angking galing sa pagsulat. B. Para magbigay inspirasyon sa
mga kabataan.
C. Para ipakita ang tunay na kalagayan ng lipunan. D. Para ipakita ang totoong
nangyari sa kaniyang buhay.
3. Matapos maisulat ang Florante at Laura, ano ang naging epekto nito sa ating lipunan?
A. Sumaya ang mga Pilipino. B. Nagsilbing inspirasyon sa mga banyaga.
C. Dumami ang mga kabataang. D. Namulat ang mga Pilipino sa
naging manunulat tunay na nangyayari sa lipunan.
4. Ito ang sukat sa bawat taludtod ng isang tulang awit. Bilang kabataan, ano kaya ang
kahalagahan ng Florante at Laura sa buhay mo kapag nabasa at nasuri mo na ang nilalaman
nito?
A. Maaaring mabago ang di B. Maaaring pahahalagahan
kanais-nais na pag-uugali. ko pa lalo ang aking bayan.
C. Maaaring gaganahan na akong D. Maaaring ipaglalaban ko ang aking sarili
magsulat ng tulang awit. sa mga taong
di ako gusto.
5. Ano ang implikasyon ng pahiwatig na nasa baba na maiuugnay sa buhay mo?
“Di ko hinihinging pakamahalin mo,
tawana't dustain ang abang tula ko;
gawin ang ibigi't alpa'y nasa iyo
ay huwag mo lamang baguhin ang berso.”
A. Ginagalang ko ang mga taong ‘di ako mahal.
B. Puwede akong malait huwag lang sisiraan.
C. Maaari akong pagtawanan pero huwag naman sanang gawan ng isyu.
D. Puwede akong laitin, ‘di mahalin, pagtawanan huwag lang babaguhin kong ano ang
ipinakikita kong tunay na ako.
6. Ang madilim at mapanglaw na gubat na kinagagapusan ni Florante.
A. Ang malungkot na kagubatan
B. Ang madilim at walang kalayaang kalagayan ng bansa sa panahong iyon
C. Ang madadawag na kagubatang nakapalibot sa bansa sa panahong iyon
D. Ang mga gawain ng mga kriminal na nakahahadlang sa pag-unlad ng sambayanan
7. Ang kahabag-habag at nakagapos na si Florante sa puno ng higera.
A. Ang kahirapan ng isang tao
B. Ang kawalang trabaho ng mga Pilipino sa panahong iyon
C. Ang kawalang kayamanan ng Pilipino sa panahong iyon
D. Ang kawalang kalayaan ng mga Pilipino sa panahong iyon
8. Ang mga sierpe’t (ahas o serpiyenteng) basilis kong gumagala sa gubat
A. Ang mga taong may pinagdadaanan
B. Ang mga sakit o karamdamang hindi nabigyang -lunas sa panahong iyon
C. Ang mababangis na hayop gubat na anomang oras ay handang sumila o pumatay
D. Ang mga mananakop na tila nag-aabang upang makagawa ng masama sa mga
Pilipino
9. Ang balang bibig na pinagmumulan ng katotohanan.
A. Ang mga taong tagapaghatid ng balita
B. Ang mga Espanyol na naglalahad ng plataporma ng kanilang pamumuno sa ating
bansa
C. Ang mga taong mapanira sa kanilang kapwa at nagkukuwento tungkol sa buhay ng
may buhay
D. Ang mga taong nagsasabi o naglalahad ng katotohanan tungkol sa pagmamalabis ng
mga mananakop
10. Ang kalis na ginagamit sa pagbibiyak o pampigil sa bibig na pinagmumulan ng katotohanan.
A. Ang mga bayaning magaling humawak ng sandata
B. Ang mga sundalong Espanyol na handang magtanggol sa mga Pilipino
C. Ang mga Espanyol na nagsasanay sa paghawak ng kalis upang higit pang humusay
D. Ang mga makapangyarihang Espanyol na handang magparusa sa sinomang Pilipinong
maglalakas-loob na lumaban o maglahad ng katotohanan
11. Tagpuan ng araling “Pagtangis at Paghihinagpis ni Florante”.
A. Madilim at mapanglaw na gubat B. Madilim at mapanglaw na
kapatagan
C. Madilim subalit magandang puntahan D. Madilim at maraming
punongkahoy dito
12. Puno kung saan nakagapos si Florante.
A. akasya B. higera C. mahogany D. Narra
13. Ito ang maririnig kay Florante habang nakagapos siya puno.
A. pagsigaw B. hinagpis at pagtatangis
C. pagsigaw at pagmamakaawa D. pagsigaw at paghalinghing
14. Madalas magunita ni Kiko ang ________________________.
A. pag-aaway nila B. paglubog ng araw
C. masayang lumipas nila ni Selya D. malungkot na lumipas nila ni Selya
15. Sa kaniya inihandog ang Florante at Laura.
A. Josephine Bracken B. Juana Tiambeng
C. Maria Ana Ramos D. Maria Asuncion Rivera

16. Sino ang hinahanap ni Florante habang siya ay nakagapos.


A. Aladin B. Flerida C. Floresca D. Laura
17. “Bakit isinuyo sa iba ang sintang sa aki’y pangako at pinagliluhan ang tapat na puso.” Ano
ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit?
A. Pinaubaya C. Pinagpalit B. Pinagkaitan D. Pinagtaksilan
18. Alin sa sumusunod ang ginagawa ni Laura kapag pupunta sa labanan si Florante.
A. Sinisiyasat ang tibay at kintab ng sasakyan. B. Pinahihiyasan ang turbante.
C. Binibigyan ng sariling espada. D. Ipinaghahanda ng baong kakainin
habang nasa daan.
19. Siya ang pinagseselosan ni Florante at inakalang kasama ng kaniyang kasintahan.
A. Adolfo B. Aladin C. Briseo D. Menandro
20. Siya ang napadpad sa gubat na may pananamit na Moro.
A. Aladin B. Briseo C. Menalipo D. Sultan Ali-Adab
21. Ang sinapit na kamatayan ng ama ni Florante batay sa mga saknong MALIBAN sa isa?
A. Inihagis at hindi inilibing B. Naghihiwalay na laman at buto
C. Kamay at katawa’y nalayo sa ulo D. Ipinakain sa tigre ang mga laman
22. Ninasa ng ama ni Florante na matabunan siya ng bangkay sa gitna ng pagpapatayan upang
hindi siya mahulog sa may panirang kamay. Sino ang tinutukoy sa nasalungguhitan.
A. Adolfo C. Antenor B. Aladin D. Menandro
23. “Bangkay na mistula ang kulay na burok, ng kaniyang mukha’y naging puting pulbos.” Ano
ang kahulugan ng nakasalungguhit na matalinghagang ekspresyon.
A. Nagpapakita ng walang kalayaan B. Nagsasaad ng labis na
kalungkutan.
C. Lumuluha nang labis-labis dahil sa dalamhati D. Kakikitaan ng labis na takot at
sakit sa katawan
24. Alin ang pangyayari na naganap sa “Alaala ni Laura”?
A. Ang pagliligtas ng isang estranghero
B. Ang pagbabalik-tanaw sa mga alaala ng kabataan ni Florante
C. Ang gutom at pagod na nadarama ni Aladin dahil sa mahabang paglalakbay
D. Ang nadaramang paninibugho ni Florante sa inakalang kasiyahan nina Adolfo at Laura
25. Aling pangyayari sa ibaba ang mula sa “Ang Pag-ibig Kay Flerida?
A. Ang pagkikita ni Aladin at Flerida
B. Ang labis na sakit at kabiguang dinaranas niya dahil sa kataksilan ni Adolfo.
C. Ang pagluha ni Aladin dahil sa masaklap na sinapit ng kaniyang pag-ibig kay Flerida.
D. Ang paghahanda para sa isang pagganti sa taong naging dahilan ng kabiguan ni
Aladin
26. Sino ang tumulong sa lalaking nakagapos sa gitna ng gubat?
A. Adolfo B. Aladin C. Flerida D. Laura
27. Bakit labis ang pagdaramdam ni Aladin sa kaniyang ama?
A. Ipinatapon siya sa kagubatan. B. Inagawan siya ng kasintahan.
C. Inalisan siya ng karapatan sa palasyo. D. Pinakulong siya nang matagal sa
ng palasyo.
28. Bakit labis na nainggit si Aladin kay Florante?
A. Si Florante ay may mapagtangkilik na ama.
B. Si Florante ay may mapagmahal na kasintahan.
C. Si Florante ay higit na makisig at may bayaning tikas.
D. Si Florante ay mas mapalad at may magandang kapalaran.
29. Ano ang pinangarap ni Florante para sa kaniyang bayan noon pa man?
A. Nais niyang maging hari sa bayang Albanya.
B. Nais niyang paglingkuran at ipagtanggol ang kaniyang bayan.
C. Nais niyang manatiling tapat at mapagmahal sa kaniyang bayan.
D. Nais niyang tumira sa kaniyang bayan hanggang sa kaniyang kamatayan.
30. Ano ang lalong nagpalungkot kay Florante nang nasa harap na siya ng kahambal-hambal na kamatayan?
A. Mamamatay siyang walang magulang.
B. Hindi niya kayang ipagtanggol ang kaniyang sarili.
C. Mamamatay siyang hindi na siya mahal ni Laura.
D. Wala man lang tumulong sa kaniyang paghihirap.
31. “Ngunit napayapa sa laging pag-aliw
ng bunying maestrong may kupkop sa akin.
A. Naghahanap B. Naglalambing C. Nagpapasalamat D. Nalulungkot
32. “Ni ang katalasan ng aming maestro
at pagkabihasa sa lakad ng mundo
ay hindi natarok ang lihim at tungo
ng pusong malihim nitong si Adolfo.
A. Nag-aalala B. Nagdaramdam C. Nagtataka D. Naiinis
33. “Aking pagkabata’y ang kinamulatan
kay ama’y ang bait na ‘di paimbabaw,
yaong namumunga ng kaligayahan,
nanakay sa pusong suyui’t igalang.
A. Nagdaramdam B. Nagmamalaki C. Nagyayabang D. Nangungulila
34. “Sa pinagtatakhan ng buong esk’wela,
bait ni Adolfong ipinakikita,
‘di ko malasapan ang haing ligaya
ng magandang asal ng ama ko’t ina.
A. Nabibigla B. Nagmamalaki C. Nanghihinayang D. Nangungulila
35. “Puso ko’y ninilag na siya’y giliwin,
aywan nga kung bakit at naririmarim;
si Adolfo nama’y gayondin sa akin,
nararamdaman ko kahit lubhang lihim.
A. Nagagalit B. Nag-iingat C. Nagugulat D. Natatakot
36. Laking gulat ni Florante nang makita niyang pinaliligiran siya ng _________ mga sundalo sa kaniyang pag-uwi
A. 300,000 B. 300 C. 30,000 D. 3,000
37. Siya ang mapagpalayaw na ama ni Florante.
A. Konde Adolfo B. Haring Linceo C. Duke Briseo D. Sultan Ali –Adab
38. Sino ang binibining nadatnan nila Florante na nakagapos?
A. Flerida B. Laura C. Floresca D. Venus
39. Sino ang natalo ni Florante sa isang labanan?
A. Miramolin B. Adolfo C. Aladin D. Heneral Osmalik
40. Bakit nais pakasalan ni Adolfo si Laura? Dahil __________________.
A. nais niyang maging hari B. nais niyang inisin si Florante
C. gusto niyang maghiganti D. sawi siya kay Florante
41. Kanino inihalintulad ni Aladin si Flerida sa gitna ng mga nimfa?
A. Diana B. Flerida C. Laura D. Venus
42. Sino ang kasintahan ni Aladin?
A. Diana B. Flerida C. Laura D. Venus
43. Sino ang lobong itim na tinukoy ni Laura na kumubkob sa Albanya mula sa kamay ni Adolfo?
A. Ali-Adab B. Haring Linceo C. Menandro D. Pebo
44. Sino ang sukab na nagtangkang maglugso sa puri ni Laura sa gubat?
A. Adolfo B. Ali-Adab C. Menandro 16 D. Pebo
45. Sino ang tumapos sa buhay ng sukab na Duke Adolfo?
A. Aladin B. Flerida C. Florante D. Laura
46. Siya ang babaeng pinaghandugan ni Francisco ng akdang Florante at Laura.
A. Juana Tiambeng B. Laura C. Maria Blanka D. Selya
47. Siya ang naging kabiyak ni Francisco “Balagtas” Baltazar.
A. Juana Tiambeng B. Laura C. Maria Blanka D. Selya
48. Ang sagisag na ginamit ni Francisco sa babaeng pinaghandugan niya ng Florante at Laura.
A. ARM B. MAR C. MRA D. RAM
49. Taon kung kailan ipinalimbag ang unang edisyon ng Florante at Laura.
A. 1837 B. 1838 C. 1839 D. 1840
50. Taon kung kailan natupok ang ibang edisyon ng Florante at Laura.
A. 1945 B. 1946 C. 1947 D. 1948
51. “Araw ay natakbo at ang kabataan
sa pag-aaral ko sa aki’y nananaw;
bait ko’y luminis at ang karunungan,
ang bulag kong isip ay kusang dinamtan.
A. Nag-iisip B. Nagmamalaki C. Naliligayahan D. Nangangarap
52. “Sa panahong yao’y ang buo kong damdam
ay nanaw sa akin ang sandaigdigan;
nag-iisa ako sa gitna ng lumbay
ang kinakabaka’y sarili kong buhay.
A. Nagdaramdam B. Nagmamalaki C. Nagyayabang D. Nangungulila
53. “Hinamak ng aking pighating mabangis
ang maestro kong pang-aliw na boses,
ni ang luhang tulong ng samang may hapis
ay ‘di nakaawas sa pasan kong sakit.
A. Nag-iisip B. Nagmamalaki C. Naliligayahan D. Nalulungkot
54. “Patay na dinampot sa aking pagbasa
niyong letrang titik ng bikig na pluma,
‘di yata, ama ko, at nakasulat ka
ng pamatid-buhay sa anak na sinta?
A. Nabibigla C. Nanghihinayang B. Nagmamalaki D. Nangungulila
55. “Tutulungan kita ngayong magpalala
ng hapdi sa pusong ‘di ko maapula;
namatay si ina, ay laking dalita,
ito sa buhay ko ang unang umiwa.
A. Nag-iisip B. Nagmamalaki C. Naliligayahan D. Nalulungkot
56. Siya ang kasintahan ni Florante.
A. Flerida B. Laura C. Floresca D. Diana
57. Ang kahulugan ng ipinugal ay________.
A. binidbid B. nasupil C. ikinulong D. iginapos
58. Ano ang ibig sabihin ng pinahimpil?
A. pinatigil B. pinulong C. pinugutan D. pinasunod
59. Ano ang asal na namayani Kay Adolfo?
A. pagkamatuwain B. pagpapakumbaba C. pangimbulo D. pagkamaunawain
60. Nagdaan ang panahon at nakaranas pa din ng pagsalakay ang Albanya katulad ng hukbo mula sa
______________.
A. Atenas B. Turkiya C. Etolya D. Pransiya
“Ang mag-aral ay gintong tunay. Bagay na dapat na pagsikapan. – Florante”

Inihanda ni:

EDMAR D. NGO
Guro I – Filipino 8

Sinuri nina:

RACHEL C PAGADUAN, MAT ROWENA P. BAUTISTA, MAT


Tagapangulo, Departamento ng Filipino Head Teacher II/Subject Group Head

Ibinalido ni:

GINA C. GALAPON
Master Teacher I – Science

Pinagtibay ni:

SUSANA J, SACATRAPOS
Punongguro IV

You might also like