You are on page 1of 2

Department of Education

Region VII, Central Visayas


Division of Danao City
NICOLAS U. TIONGKO MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL
Danasan, Danao City, Cebu

BUWANANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 8


S.Y. 2018 – 2019
Pangalan: ___________________ Baitang at Seksyon: __________ Petsa: _______

I. Panuto:Piliin ang titik ng tamang sagot na magbibigay-kahulugan sa mga sumusunod.


1. “Gawin ang ibigi’t alpa’y nasa iyo, at huwag lamang baguhin ang berso”
A. Gawin mo ang gusto mo sa tula, huwagg lang baguhin ito
B. May alpha sa gagawing tula
C. Baguhin mo ang nilalaman ng tula
D. Wala sa nabanggit
2. “Pasuriin muna ang luwasa’t hulo, at makikilalang malinaw at wasto”
A. Pag-aralang mabuti ang tula mula simula hanggang wakas upang maunawaan
B. Suriin ang tula mula simula hanggang huli at ito’y palitan
C. Madaling maunawaan ang tula
D. Suriin ang wakas ng tula
3. “Ang tula ay ma’y bukal na bait na kapos, pakikinabangan ng ibig tumarok”
A. Marami ang makikinabang sa tula
B. Kulang sa nilalaman ang tula
C. Kulang man ang tula’y may matutunan din
D. Mabait ang nagsusulat nito
4. “HIgit na malakin hirap at dalita, parusa ng taong lilo’t walang awa”
A. Malaki ang kanyang paghihirap
B. Pinarusahan siya ng taksil
C. Mas Malaki ang nadama niyang hirap sa taong taksil.
D. Marami siyang padurusang tinanggap
5. “Gunita ni Laura sa naabang ibig, siya ko na lamang ligaya sa dibdib”
A. Maligaya na si Laura sa piling ni Adolfo
B. Nagtaksil si Laura sa kanya
C. Lagi niyang naalala si Laura
D. Ang alaala ni Laura ang aking aking tanging kaligayahan.
6. “Sa pagkakagapos ko’y kung guni-gunihin, malamig nang bangkay akong nahihimbing”
A. Para na akong bangkay
B. Sa pagkakagapos ko’y tila akong bangkay
C. Sa aking pagtulog ay tila ako isang bangkay
D. Aking naiisip na para na akong bangkay sa pagkakagapos
7. “ Sa sinapupunan ni Konde Adolfo, aking natatanaw si Laurang sinta ko”
A. Lagi kong naguguniita si Laura
B. Parang lagi kong nakikita si Laura sa piling ni Konde Adolfo
C. Nasa sinapupunan ni Konde Adolfo si Laura.
D. Madalas niyang makita si Laura kasama si Adolfo.
8. “ Ulo’y nalunggayngay, luha’y bumalisbis, kinagagapusang kahoy ay nadilig”
A. Napuno ng luha an puno C. nalungayngay ang ulo sa pag-iyak
B. Nadiligan ng luha ang puno D. Tumungo at napaiyak si Florante at nabasa ng luha ang
puno
9. “ Ay! Laurang poo’y bakit isinuyo, sa iba ang sintang sa aki’y pangako?
A. Bakit ka nagtaksil sa pangako mo sa akin?
B. Bakit mo ibinigay sa iba ang pagsintang ipinangako mo sa akin?
C. Nangako ka ng pagsuyo sa akin, Laura.
Page 1 of 2 Inihanda ni: Bb. Dayve L. Pepito
D. Nasira sa pangako si Laura.
10. “ Ang kahima’t sinong maramdamin, kung ito’y makita’y magmamahabagin”
A. Mahahabag kay Florante ang sinumang makakita
B. Si Florante ay maramdamin
C. Lagi siyang nakikitang umiiyak
D. Maaawain ang mga tao.

II. TAMA O MALI. Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang pangungusap at MALI naman
kung hindi.
_______1. Ang magagandang dalaga ay taksil ayon kay Florante.
_______2. Umiiyak si Laura kapag nasa labanan si Florante.
_______3. Ang korona ng hari at kayamanan ng duke ang minimithing makuha ni Adolfo.
_______4. Walang pakialam si Laura kung ano man ang mangyari kay Florante sa labanan.
_______5. Habang nasa labanan si Florante, nahahanap ng paglilibangan si Laura.

III. Panuto: Bigyang kahulugan ang mga salitang may salungguhit.


1. Madaling naluoy ang bulaklak sa bakuran.
A. nalanta B. namatay C. nasira D. natuyo
2. Ang anak ay namihasa sa maling Gawain.
A. nakaalam B.nasanay C. natuto D. nawili
3. Ang tali ng kampana ay ibininit ng kampanero.
A. hihilahin B. ikakabit C. isasabit D. iitatayo
4. Ang nangyari kay Florante ay talastas na ni Aladin.
A.alam B. dinig C. ramdam D. sinabi
5. Maaga siyang namulat sa katotohanan.
A. nabatid B. nakaalam C. nagising D. nalayo

***WAKAS***

Page 2 of 2 Inihanda ni: Bb. Dayve L. Pepito

You might also like