You are on page 1of 4

UNANG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 5

Pangalan:___________________________________________Baitang/pangkat:________________________
A. Basahin at unawaing mabuti ang mga susunod na tanong. Piliin ang angkop na kaisipan sa mga sitwasyon sa bawat
bilang. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Nakita mo ang isang batang naglalakad sa kalye at walang kasama. Ano ang iyong gagawin?
A. Tatanungin ang pangalan ng bata at kung taga-saan siya.
B. Hahayaan ang bata sa paglalakad.
C. Isusumbong sa kapitan ng barangay.
D. Ihahatid sa kanyang mga magulang.
2. Nais mong makapasa sa pagsusulit. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi mag-aaral ng leksiyon. C. Manonood na lang ng mga palabas.
B. Mag-aaral palagi. D. Mangongopya sa katabi.
3. Nakita mong may nagtapon ng basura sa sahig ng inyong silid-aralan. Ano ang gagawin mo bilang mag-aaral?
A. Isusumbong sa titser. C. Pagsasabihan na pulutin ang kaniyang basura.
B. Hindi ko siya pagsasabihan. D. Hahayaan ko na lamang siya.
4. Napansin mong umiiyak ang iyong kaklase dahil wala siyang baon. Ano ang gagawin mo?
A. Bibigyan ko siya ng pagkain. B. Hahayaan ko siyang umiyak.
C. Pagsasabihan ko siya na huwag mag-ingay. D. Bibigyan ko siya ng pera.
5. Sa mga nagdaang bagyo, naranasan mong masira ang inyong bahay. Kung nababalita sa radyo ngayong umaga na
may darating na bagyo, ano ang iyong mabuting gawin?
A. Maghahanda nang mabuti.
B. Hayaan ang mga magulang na sila ang maghanda.
C. Hindi tutulong sa mga magulang.
D. Magdadasal upang hindi matuloy ang bagyo.
6. Jessa ang pangalan ko. _____________ ay sampung taong gulang.
A. Siya B. Ako C. Sila D. kami
7. Si Aaron, Jasmine at Layla ay nasa ikalimang baiting. Mahilig _____________ sumayaw.
A. Ako B. nilang C. silang D. kanila
8. Si Mila ang aking pinsan. _______ ang sumusundo sa akin mula sa eskwelahan.
A. Nila B. Ikaw C. Kami D. Siya
9. Si Jema, Gina at ako ay naatasang maglinis ng silid-aklatan. _____________ ay nagtulong-tulong upang mabilis
matapos ang paglilinis.
A. Nila B. Ikaw C. Kami D. Siya
10. Pinagtiyagaan ni Lina, Joshua at Kris ang kanilang prouekto sa Filipino, kaya __________ ay nakakuha ng mataas
na marka.
A. Siya B. Ako C. Sila D. kami
B. Basahin at unawain ang pangungusap. Ibigay ang kaparehong kahulugan ng mga salitang nakasulat ng madiin.
Bilugan ang letra ng tamang sagot.
11. Nagsusumikap ang mga taong-grasa na mamuhay ng marangal sa kabila ng hirap na dinaranas.
A. mayaman B. mahirap C. marangya D. dukha
12. Mahirap biruin ang mga taong balat-sibuyas.
A. matapang B. malungkutin C. matampuhin D. malakas ang loob
13. Takipsilim na nang dumating ang aking mga magulang mula sa bukid.
A. umaga na B. tanghali na C. madilim na D. lumulubog na araw
14. Madaling kausapin ang mga taong pusong-mamon.
A. mahinhin B. maawain C. malambot D. masayahin
15. Madalas na nagtataingang-kawali ang aking kapatid kapag inuutusan.
malaki ang tainga C. nagbubulag-bulagan
nagbibingibingihan D. may deperensiya sa pandinig
Basahin at unawain ang teksto. Sagutin ang sumusunod na mga katangungan.
Bilugan ang letra ng tamang sagot.
Ang Lalawigan ng Iloilo ay matatagpuan sa timog-silangang bahagi ng Islang Panay. Ito ay kabilang sa rehiyon ng
Kanlurang Kabisayaan. Napaliligiran ito ng mga lalawigan ng Capiz sa hilaga, ng Antique sa kanluran, ng Dagat
Kabisayaan at Kipot Guimaras sa silangan, at Golpo ng Panay at Kipot ng Iloilo sa timog. Pinaniniwalaang binili ng
10 datu mula sa Borneo ang isla ng Panay sa pinuno ng mga Negrito na si Marikudo noong 1212. Isang gintong
salakot at gintong kuwintas ang ipinambayad ng mga datu. Napunta kay Datu Paiburong ang teritoryo ng Irong-irong.
Nang dumating ang mga Espanyol, nagtayo sila ng pamayanan sa Ogtong (Oton ngayon). Itinatag ng mga mananakop
na Espanyol ang Fuerza San Pedro sa IrongIrong. Ang mga Espanyol rin ang nagbigay ng pangalang Iloilo sa lungsod.
Ito na rin ang ipinangalan sa buong lalawigan. Itinatag noong Marso 10, 1917 ang Lalawigan ng Iloilo. Ang Iloilo ay
isa sa mga pangunahing pinagmumulan ng bigas sa Pilipinas. Bukod sa bigas, ang ilan pa sa mga pangunahing
produkto na nagmumula rito ay tubo, niyog, mais, saging, mangga, kape at iba pang lamang-ugat na halaman. Ang
pangingisda ay isa ring mahalagang pinagkakakitaan ng mga taga-Iloilo. Ang mga bangus at hipon ay pinagmumulan
ng malaking kitang dolyar ng lalawigan. Kilala naman ang bayan ng La Paz dahil sa masarap na batsoy. Ang Iloilo ay
isa sa mga yamang ipinagmamalaki ng Pilipinas hindi lamang sa mga yaman ng agrikultura dito kundi sa
makasaysayang pook na matatagpuan sa lalawigang ito.
16. Anong lalawigan ang inilalarawan ng teksto?
A. Capiz B. Antique C. Guimaras D. Iloilo
17. Saan matatagpuan ang Lalawigan ng Iloilo?
A. Kanlurang Bisaya B. Silangang Bisaya C. Gitnang Bisaya D. Timog Bisaya
18. Anong lugar sa Iloilo ang kilala sa masarap na batsoy?
A. Panay B. Irong-irong C. La Paz D. Capiz
19. Kailan itinatag ang Lalawigan ng Iloilo?
A. Marso 10, 1917 B. Marso 17, 1910 C. Marso 10, 1907 D. Marso 19, 1917
20. Anong bayan ang itinatag ng mga Espanyol sa lalawigan?
A. La Paz B. Irong-irong C. Iloilo D. Fuerza San Pedro
D. Basahin ang sitwasyon at pag-aralan ang grap. Pagkatapos maunawaan ang binasang sitwasyon at grap ay sagutin
ang mga sumusunod na tanong.
Nais ni Celso na maging doktor paglaki niya. Ang pagiging doktor ay isa lamang sa mga propesyong maaaring
matapos ng isang mag-aaral sa kolehiyo. Nasa grap sa ibaba ang iba’t ibang propesyon.

Mga tanong:
21. Ilang propesyon ang binigyang impormasyon sa grap?
A. isa B. sampu C. pito D.walo

22. Aling propesyon ang may pinakamaraming bilang ng nagtapos?


A. akawntant B. guro C. nars D.sekretarya
23. Aling propesyon naman ang may pinaka-kaunting bilang ng nagtapos?
A. akawntant B. guro C. nars D.sekretarya
24. Ayon sa grap, ilan ang bilang ng nagtapos na doktor?
A. 10 B. 60 C. 80 D. 100
25. Piliin sa mga sumusunod ang pinakamainam na pamagat ayon sa grap.
A. Bilang ng nagtapos sa iba’t ibang propesyon
B. Bilang ng hindi natapos sa kanilang kurso
C. Mga iba’t ibang propesyon
D. Mga kurso sa aming kolehiyo

Maagang nagising si Ariel. Naligo kaagad at nagsimulang magbihis ng kaniyang bagong uniporme. Ngunit sa hindi
inaasahang pagkakataon, sinilip niya ang ilalim ng kaniyang kama. Binuksan muli ang kaniyang kabinet. Pero wala
ang kaniyang hinahanap.
“O, Ariel, matagal ka pa ba diyan?”
“Hinahanap ko po kasi ang kapares ng aking medyas.”
“Hindi ba yang nasa balikat mo?”
“Ay, andito lamang pala. Salamat po,” sabay kamot sa kaniyang ulo.
Kasunod nito ang isang mahigpit na yakap at isang matunog na halik na ibinigay sa kaniyang nanay.
Mga tanong:
26. Sino si Ariel?
_______________________________________________________________________________________________

27. Ano-ano ang ginawa niya nang umagang iyon?


______________________________________________________________________________________________

28. Ano ang hinahanap ni Ariel?


_____________________________________________________________________________________________

29. Sino ang pumasok sa kaniyang silid?


_____________________________________________________________________________________________

30. Kung ikaw si Ariel, paano mo pasasalamatan ang mga taong nakatulong sa iyo?

Matalino si Dr. Jose P. Rizal. Natuto siyang bumasa sa gulang na tatlong taon. Nagtapos siya ng edukasyong
elementarya at sekundarya na nangunguna sa klase. Marami siyang kursong natapos. Nag-aral siya ng medisina,
pagpipinta, paglililok at pagsulat. Naging matagumpay siya sa mga kursong ito.
31.Sino ang tinutukoy sa kuwento? ____________________________________________________________
32. Anong katangian mayroon si Dr. Jose P. Rizal batay sa iyong narinig? ________________________
33. Ano sa palagay mo ang paksa ng kuwento?________________________________________________
(Tatawagin ang pinsang si Tess)
Ann: Tess, halika rito. Bilisan mo ang paglalakad. Baka maluma ang ibabalita ko sa iyo.
Tess: Bakit Ann? Ano naman ang ibabalita mo?
Ann: Nagbunga rin ang aking pagsusunog ng kilay. Nakuha ko ang pinakamataas na marka sa test.
Tess: Congratulations Ann! Ang galing-galing mo talaga!
34. Sino-sino ang magpinsan sa usapan?
_______________________________________________________________________________________________
35. Bakit tinawag ni Ann ang kanyang pinsan?
_______________________________________________________________________________________________
36. Ano ang paksa ng kanilang usapan?
_______________________________________________________________________________________________
37-41. Pagsusunud-sunurin ang mga pangyayari sa pagsulat ng bilang 1-5.
Ang Aso at ang Uwak
May isang ibong uwak na nakakita ng karne na nakabilad sa araw. Tinangay niya ito at lumipad nang
malayo.
Sa dulo ng sanga ng isang puno ay sinimulan niyang kainin ang karne.
Ngunit narinig niya ang malakas na boses ng isang aso na nagsabing, “sa lahat ng ibon, ang uwak ang
pinaka-magaling. Walang kakumpara!”
Natuwa ang uwak at binukas ang bibig para humalakhak. Ang nangyari ay nalaglag ang karne mula sa kanyang bibig.
Nahulog ito sa lupa kung saan kaagad sinunggaban ng aso.
Walang nagawa si uwak kundi tingnan ang pagkain ng aso sa nahulog nyang karne.
Mula noon hindi na muling nagpalinlang si Uwak kay Aso.
Ang Aso at ang Uwak
______ Natuwa ang uwak at binukas ang bibig para humalakhak. Ang nangyari ay nalaglag ang karne mula sa
kanyang bibig. Nahulog ito sa lupa kung saan kaagad sinunggaban ng aso.
______ May isang ibong uwak na nakakita ng karne na nakabilad sa araw. Tinangay niya ito at lumipad nang malayo.
______ Sa dulo ng sanga ng isang puno ay sinimulan niyang kainin ang karne. Ngunit narinig niya ang malakas na
boses ng isang aso na nagsabing, “sa lahat ng ibon, ang uwak ang pinaka-magaling. Walang kakumpara!”
______ Mula noon hindi na muling nagpalinlang si Uwak kay Aso.
______ Walang nagawa si uwak kundi tingnan ang pagkain ng aso sa nahulog nyang karne.
Gamitin ang angkop na mga salita o pahayag sa pagbibigay ng reaksiyon o opinyon.
Ang Ating mga Ninuno
May tatlong pangkat ng tao ang dumating sa Pilipinas: ang mga Negrito, ang mga Indones at ang mga
Malayo. Sila ang maituturing na mga naunang nanirahan sa Pilipinas. Ang mga Negrito ang naunang pangkat ng tao
na namalagi rito sa ating kapuluan. Nakarating sila dito sa pamamagitan ng pagdaan sa mga lupang tulay. Sila ay
maliliit, maiitim, sarat ang ilong, makapal ang labi at kulot ang buhok. Nabuhay sila sa pangangaso, panghuhuli ng
isda at pagsasaka. Sumunod na dumating ang mga Indones na nahati sa dalawang pangkat. Ang unang pangkat ay
nakarating mula sa Timog – Silangang Asya. (Halaw mula sa R8 Test Item Bank Q1)
42. Mahalagang alamin ang pinagmulan mo bilang isang Pilipino.
______________________________________________________________________________________________
43. Malaki ang impluwensiya ng mga dayuhan sa pamumuhay ng mga Pilipino.
______________________________________________________________________________________________
44. Iba’t ibang pangkat ng tao ang dumating sa ating kapuluan.
______________________________________________________________________________________________
45. Dapat lamang na ipagmalaki ang ating mga ninuno.
______________________________________________________________________________________________
46-50 Sumulat ng isang talatang nagsasalaysay tungkol sa iyong masayang karanasan. (5 puntos)

You might also like