You are on page 1of 6

PAARALAN BAITANG/ANTAS IV

GURO ASIGNATURA FILIPINO


PETSA/ORAS MARKAHAN APAT

I.LAYUNIN
A.Pamantayang Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan,
Pangnilalaman karanasan at damdamin
B. Pamantayang Nakapagsasagawa ng radio broadcast/teleradyo
Pagganap
C .Mga Kasanayan sa
Pagkatuto
Isulat ang code ng Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap F4Wg-Iva-13.1
bawat kasanayn
II. NILALAMAN Paggamit ng iba’t ibang uri ng pangungusap
III. KAGAMITANG
PANTURO
A.SANGGUNIAN
1.Mga pahina sa
Gabay ng Guro
2. Mga Pahina Sa
Kagamitang Pang-
mag-aaral
3. Mga Pahina Sa
Teksbuk
4. Karagdagang
Kagamitan Mula Sa
Portal Ng Learning
Resource
B. Iba Pang
Kagamitang Panturo Laptop, Projector, Powerpoint presentation, mga larawan
III. PAMAMARAAN

A. Balik-aral sa Guro: Magandang umaga mga bata. Kumusta kayo? Handa na ba kayong makinig sa ating
nakaraang aralin at/ o leksyon?
pagsisimula sa bagong
aralin Mag-aaral: “Opo, handa na kami.”

Guro: Kung sa gayon, Ayusin na ang inyong upo at ihanda na ang sarili para sa ating Aralin.

Tingnan mabuti ang mga sumusunod na larawan.

1. 2. 3.

Guro: Ano ang ipinapakita sa unang larawan?

Mag-aaral: “lalaking nakasuot ng face mask”

Guro: Sa pangalawang larawan?

Mag-aaral: “paghuhugas ng kamay”

Guro: Sa pangatlong larawan?

Mag-aaral: “mga taong nakasuot ng face mask at may social distancing.”

B. Paghahabi sa Guro: Ginagawa niyo din ba ang mga ipinapakita sa larawan?


layunin ng aralin Mag-aaral: “Opo.”

Guro: Bakit kaya kailangang gawin ang mga iyan sa panahon ngayon?
Mag-aaral: “Dahil po sa pandemic na kinakaharap ng buong mundo. Kailangan natin ng
proteksyon at kailangan nating mag-ingat.”

C. Pag-uugnay ng mga Alam niyo ba ang mga larawang ito? Ano-ano ang mga ito? Pagtambalin ang mga larawan sa
halimbawa sa layunin Kolum A sa mga pangungusap sa Kolum B.
ng bagong aralin
Kolum A Kolum B
Ugaliin nating gumamit ng face mask, face
shield, at hand sanitizer.

Mayroon akong bagong face shield.

Ginamit mo ba ang hand sanitizer mo


Pagkatapos mong humawak ng pera?

Ang face mask ay kinakailangang gamitin


lagi.

D. Pagtalakay ng
bagong konsepto at Guro: Ngayon ay magbabasa tayo ng isang diyalogo pero bago yan, ano-ano ang mga dapat
paglalahad ng bagong nating tandaan sa pagbabasa ng malakas? Ang diyalogo ng anak ay babasahin ng mga lalaki at
kasanayan ang diyalogo naman ng ina ay babasahin ng mga babae.

Maglahad ng diyalogo:

Magtanong tungkol sa teksto.

1. Tungkol saan ang pinag-uusapan ng mag-ina?


“Pinag-uusapan nila ang mga dapat gawin upang makaiwas sa COVID19.”

2. Bakit bawal lumabas ang mga bata sa panahon ngayon?


“Dahil may mapanganib na virus.”

3. Ano-ano ang mga dapat gawin upang hindi dapuan ng virus?


“Ang paghuhugas ng kamay bago at pagkatapos kumain, paggamit ng hand sanitizer, pagsuot ng
face mask at face shield kapag lalabas ng bahay.”

PAGTALAKAY:

PASALAYSAY
- Ito ay naglalarawan o nagku-kwento at nagtatapos ito sa tuldok.
Halimbawa: Kami ay namasyal sa parke noong nakaraang Sabado.

PATANONG
- Ito ay salitang nagtatanong at nagtatapos sa tandang pananong.
Halimbawa: Ilan kayong magkakapatid?

PAUTOS
- Ito ay salitang nag-uutos at nagtatapos ito sa tuldok.
Halimbawa: Kunin mo ang aking bag sa mesa.

PADAMDAM
- Ito ay nagpapahayag ng matinding damdamin. Ito ay nagtatapos sa tandang padamdam.
Halimbawa: Naku! Nahulog ang bata!

PAKIUSAP
- Ito ay nakikiusap upang gawin ang isang bagay. Ito ay nagtatapos sa tuldok.
Halimbawa: Pakiabot naman sa akin ng baso na nasa mesa.

Batay sa diyalogo, alin ang pangungusap na pasalaysay? Patanong? Pakiusap? Pautos?


Padamdam?

Pasalaysay
“Talagang mapanganib ang dala ng pandemya na ito sa ating bansa at sa buong mundo. Kaya
kailangan nating mag-ingat.”

Patanong
“ Ano-ano po ba ang dapat nating gawin upang makaiwas tayo sa virus na ito?

Pakiusap
Maaari niyo po ba akong bilhan ng bagong face shield, Inay?

Pautos
Maghugas ka na muna ng iyong kamay at kakain na tayo.

Padamdam
Naku! Nakakatakot talaga ang Covid19, Inay!
E. Pagtalakay ng
bagong konsepto at Pangkatang Gawain
paglalahad ng bagong
kasanayan #2 Guro: Ngayon ay magkakaroon tayo ng pangkatang gawain, ngunit bago iyan ano-ano ang mga
dapat gawin kapag nagkakaroon ng pangkatang gawain.

Mag-aaral: “Sa pagsasagawa ng pangkatang gawain kailangang sundin ang mga sumusunod”

Mga dapat gawin Hindi dapat gawin


Makipagtulungan sa mga miyembro. Huwag makipag-away sa miyembro ng iyong
grupo.
Maging magalang sa opinion ng iyong Huwag mag-iiwan ng mga kalat
miyembro.
Tapusin ang nakaatang na gawain sa tamang Huwag hahayaang isa lang ang gumawa ng
oras. inyong gawain
Huwag maingay Huwag pakikialaman ang ibang grupo.

Paglalahad ng Rubrics para sa Pangkatang Gawain

(Para sa Mabilis na Pangkat)


Pangkat 1:
Panuto: Sumulat ng tig-iisang halimbawa ng limang uri ng pangungusap.
 Pasalaysay
 Pautos
 Pakiusap
 Patanong
 Padamdam

Pangkat 2:
Panuto: Tukuyin kung anong uri ng pangungusap ang sumusunod.
_______1. Kaunti na lamang ang pumupunta sa palengke dahil takot lumabas ang mga tao
dahil sa pandemya.
_______2. Naku! Ayoko na munang lumabas ng bahay!
_______3. Kunin mo ang hand sanitizer sa aking kabinet.
_______4. Maaari niyo po ba akong bilhan ng bagong face mask, Inay?
_______5. Pakialis ng iyong sapatos kapag papasok ka sa aming bahay.

Pangkat 3:
Panuto: Lagyan ng tamang bantas ang mga pangungusap at tukuyin ang uri nito.
(Pasalaysay,patanong ,pautos, pakiusap,padamdam)
____ 1. Naku, may nag positive sa Covid19 sa aming lugar _
____ 2. Aalis ka ba ng bahay ngayon _
____ 3. Palagi akong naghuhugas ng kamay _
____ 4. Ibigay mo itong binili kong face mask sa bunso mong kapatid _
____ 5. Pakikuha nga ng face shield ko sa may kusina _

F. Paglinang sa Panuto: Tukuyin kung anong uri ng pangungusap ang ginamit sa bawat bilang.
Kabihasaan
(Tungo sa Formative _______1. May bagong damit si Cindy na binili ng kanyang nanay. Gagamitin niya ito sa pag-
Test) eehersisyo.
Itanong ito matapos sagutin ng bata:
Sa tingin mo, mahalaga ba ang pag-eehersisyo araw-araw?

_______2. Erick, bumili ka ng mga gulay sa tindahan. Huwag mong kalimutan ang kalabasa.
Itanong ito matapos sagutin ng bata:
Masustansiya ba ang mga pinabibili kay Erick? Makabubuti kaya ito sa kanyang kalusugan?
Bakit?

_______3. Inay, maaari mo ba akong bilhan ng bagong damit?


Itanong ito matapos sagutin ng bata:
Kung ikaw ay may tatlong daan, binili mo ang isang damit na nagkakahalaga ng dalawang
daan, ilan nalang lahat ang natira mong pera? Ano ang ginawa mo upang makuha ang iyong
sagot?
G. Paglalapat ng aralin Kung ikaw ay may nais sabihin tungkol sa nangyayari sa ating lipunan sa ngayon, ano ito?
sa pang-araw-araw na
buhay Anong uri ng pangungusap ang iyong gagamitin?
H. Paglalahat ng Guro: Saan natin ginagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap?
Aralin
Mag-aaral: “Ginagamit natin ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagpapahayag ng ating iniisip
at nadarama.”

I. Pagtataya ng Aralin I. (1-4) Gamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap, piliin ang wastong pangungusap sa sumusunod
na tanong.

1. Aling pangungusap ang angkop na gamitin kung ipakukuha mo sa iyong ina ang face mask na
nasa iyong kabinet?
a. Kuhanin mo nga ang face mask ko sa kabinet.
b. Hanapin mong madali ang face mask ko!
c. Asan na ang pinakukuha kong face mask sa iyo?
d. Pakikuha mo nga Inay ang aking face mask sa aking kabinet.

2. Anong pangungusap ang iyong sasabihin iyong kaibigan na gustong bumisita ngayong
pandemya?

a. Hoy, bawal pumunta dito!


b. Sino ka ba para payagan kong bumisita sa akin?
c. Sa iba ka nalang bumisita?
d. Nais ko din sanang makita at makipag-usap sa iyo ngunit hindi maaari sa ngayon dahil sa
pandemya. Sana maintindihan mo.
3. Pupunta ang iyong nanay sa bayan. Gusto mong magpabili ng bagong face shield, Paano mo ito
sasabihin?
a. Yahoo! Nanay, bilhan mo ako ng bagong face shield!
b. Nay, maaari nyo po ba akong bilhan ng bagong face shield?
c. Nanay! Nanay! Pag hindi mo ako binilhan ng bagong face shield, aalis ako ng bahay.
d. Bumili ka ng bago kong face shield.

4. Naubos na ang hand sanitizer mo. Nakita mong halos wala pang bawas ang hand sanitizer ng
iyong kapatid. Paano ka hihingi sa kanya?
a. Huwag kang madamot dyan! Bigyan mo ako ng hand sanitizer mo!
b. Kukuha na ako ng hand sanitizer mo ha!
c. Puwede bang hatian mo ako ng hand sanitizer mo? Naubos na kasi ang sa akin.
d. Kapag hindi mo ako binigyan, lagot ka sa akin!

II. (5-8) Basahin nang wasto ang mga pangungusap. Sabihin kung anong uri ng pangungusap ang
binasa mo.

5. Dapat nating sundin ang mga health protocols upang makaiwas sa Covid19.
6. Gusto mo ba ng bagong face shield Mica?
7. Nakakatakot naman ang virus na ito!
8. Puwede bang umurong ka ng isang metro sa akin?

III. (9-10)
Gumawa ng dalawang pangungusap gamit ang uri ng pangungusap na:

(patanong) 9. ____________________________________________
(padamdam) 10. ___________________________________________

J. Karagdagang gawain
para sa takdang-aralin Gumawa ng isang diyalogo tungkol sa pandemya gamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap.
at remediation
IV. MGA TALA
V. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral
na nakakuha ng 80%
sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral
na nangangailangan ng
iba pang gawain para
sa remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial Bilang ng
mga mag-aaral na
nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mga
mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga
istratehiyang pagtuturo
ang nakatulong ng
lubos? Paano ito
nakatulong?
F.Anong suliranin ang
aking naranasan na
solusyon sa tulong ng
aking punungguro at
superbisor?

G.Anong kagamitang
panturo ang aking
ginamit/nadiskubre na
nais kong ibahagi sa
mga kapwa ko guro?
0

You might also like