You are on page 1of 21

Asignatura Homeroom Guidance Baitang Grade 8

W2
Markahan Ikaapat na Markahan Petsa

I. PAMAGAT NG ARALIN Paghubog ng Pananagutan sa Sarili at Kapwa Gabay ang Pamilya Ko

II. MGA PINAKAMAHALAGANG Nauunawaan ang kabutihan at kalahagahan ng pagiging mapanagutan sa


KASANAYANG PAMPAGKATUTO sarili at kapwa (Realize the advantages ang importance of being responsible for
(MELCs) oneself and for others) HGJPS-IIIc-9

III. PANGUNAHING NILALAMAN Ilapat ang kakayahang protektahan ang sarili at ang iba tungo sa mabisang
mga paraan ng paglutas ng problema (Apply the ability to protect oneself and
others toward effective ways of problem-solving)

IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

I. Panimula (Mungkahing Oras: 3 minuto)

Sa nakaraang aralin ay naipamalas mo ang pagtupad ng mga tungkulin sa sarili at sa iyong kapwa. Nabigyan ka ng
pagkakataon na magampanan ang mga gawain upang higit na mapahalagahan ang mga kabutihang dulot nito.

Layunin ng aralin na ito na magabayan ka upang maunawaan ang kabutihan at kahalagahan ng pagiging
mapanagutan sa sarili at kapwa. Sa araling ito ay maipamamalas mo ang isang kabataang may pag-unawa sa
kabutihan at kahalagahan ng pagtupad sa tungkulin ng may pananagutan.

Nabawasan man ang naging ugnayan sa labas ng tahanan dahil sa banta ng COVID-19 nakatulong ito ng lubos
upang maunawaan mo na ang pamilya ay kabahagi mo sa pagtupad ng iyong gampanin sa sarili at kapwa.

Naging mapanagutan ka ba sa mga utos ni Nanay? Tatay? Lola? Ate? Kuya? pati na rin utos ni Tita at Tito? Nagawa
mo ba ng may pananagutan ang iyong takdang-gawain? Halika at ating tuklasin!

D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: 20 minuto)

Pananagutan

Napag-aralan mo sa Baitang 7 ang kahulugan ng pananagutan. Ito ay nangangahulugang responsibilidad, tungkulin o


obligasyon. Ito ay kinakailangang gawin ng isang tao, institusyon o grupo. Kung hindi magagawa ng tao ang kaniyang
pananagutan ay maaari itong magdulot ng negatibong epekto sa kaniyang pamumuhay kasama ang kapwa. Ayon sa isang
pahayag ni Papa Francisco noong World Meeting of Families noong Setyembre 26-27, 2015, “Ang nais ng Diyos ay mahalin at
arugain ng bawat isa ang kasapi ng pamilya at turuan ito ng kabutihan”. Pinatutunayan nito na sa pamilya unang natutunan
ang pagiging mapanagutan bilang pagtupad sa kagustuhan ng Diyos. Kailangan tuparin ang tungkulin ng may pananagutan
dahil ito ay nararapat at nakabubuti.

Pananagutan sa Sarili

Ang pagiging mapanagutan sa sarili ay ang kakayahang makagawa ng angkop na kilos at wastong pamamahala ng sariling
emosyon. Ito ay ang pag-alam na siya lamang ang may responsibilidad sa kaniyang sariling damdamin, saloobin at mga kilos.
Ang pamilya ay nariyan upang gabayan ang anak sa mabuting pagpapasiya sa pagganap niya ng kaniyang tungkulin.

Paano maipapakita ang pagiging mapanagutan sa sarili?

Narito ang ilan sa mga hakbang upang malinang ang pagiging mapanagutan sa sarili hango mula sa google
:(https://mindmonia.com/self-responsibility/). Isinalin ito sa wikang Pilipino upang lubusang maunawaan ng mga mag-
aaral.
1. Self-Reflection (Pagninilay sa sarili)
Ang unang hakbang, dapat isipin kung bakit nais mo na mapaunlad sa iyong sarili ang pagiging mapanagutan.
Alamin kung ano ang makakabuti sa sarili at kapwa. Iwasan ang paninisi at pagdaing, ang mga ito ay hindi
makakatulong sa paghubog ng iyong pagiging mapanagutan.

2. Isabuhay ang 5 Pillars of Self Responsibility


● Fairness
pagiging makatarungan, ang pagbibigay sa kapwa ng nararapat sa kaniya

● Honesty
pagiging matapat sa kapwa at iyong sarili.

● Courage
ang pagkakaroon ng lakas ng loob o katapangan na harapin ang sitwasyon, masaya o malungkot,
masakit man ito o hindi.

● Respect
pakitunguhan ang kapwa nang may paggalang at tanggapin ang kanilang pagkatao. Higit sa lahat
igalang mo ang iyong sarili.

● Reponsibility
laging tatandaan na ang lahat ng iyong gagawin ay may mabuti o masamang dulot sa iyong sarili at
kapwa kaya nararapat na kumilos ng may pag-iingat at responsibilidad.

3. Regularity – kung nais mo na matutunan ang pagiging mapanagutan sa sarili tratuhin ang lahat ng may
responsibilidad sa lahat ng oras at pagkakataon. Hanggang sa ito ay iyong maging gawi.
(https://mindmonia.com/self-responsibility/)
Pananagutan sa kapwa

“No man is an island”, mula ito sa isang tula ng tanyag na makata na si John Donne. Ang mga katagang ito ang
nagpapatunay na nabubuhay tayo na kasama ang kapwa. Sa pagiging kasama ng kapwa ay nakikilala mo ang iyong
kahalahagahan at tungkulin para sa iyong sarili at sa kapwa. Kasama rin sa pagkilalang ito ang mga tungkulin mo iyong
pamilya.

Paano maipapakita ang pagiging mapanagutan sa kapwa?

Maipapakita mo ang pagiging mapanagutan sa kapwa kung kinikilala mo ang kanilang halaga. Ayon kay Mahatma Gandhi
“Relationships are based on four principles: respect, understanding, acceptance and appreciation.” Kung tataglayin ng tao
ang mga nabanggit tiyak na maipapakita nito ang pagiging mapanagutan sa kaniyang kapwa at magdudulot rin ito ng
kaayusan at kapayapaan sa pamilya.

Kahit may pandemya ay maaari pa ring maging mapanagutan sa kapwa, kailangan lang gawin ang naging pahayag ni Ana
Patricia Non, ang nagpasimula ng community pantry sa ating bansa. Ayon sa kaniya “maging mapagmahal, maging mabait
at matulungin.”

Pagkatapos mong magkaroon ng mas malalim na kaalaman at pag-unawa sa pagiging mapanagutan, pag-isipan at ibigay
ang hinihingi sa bawat kolum sa ibabang bahagi. Sundin at unawain ang panuto.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Sa iyong sagutang papel, sagutan ang tsart, sundin ang mga sumusunod:

1. Sa unang kolum ay isulat ang mga gawaing nagpapakita ng pagiging mapanagutan sa saril.
2. Sa pangalawang kolum ay mga gawaing nagpapakita ng pagiging mapanagutan sa kapwa.
3. Sa ikatlong kolum naman ay isulat ang maaaring maging bunga kung magiging mapanagutan ang tao sa kaniyang
sarili at kapwa.
Gawaing Nagpapakita ng Pagiging Gawaing Nagpapakita ng Pagiging Mga Maaaring Maging Bunga Kung
Mapanagutan sa Sarili Mapanagutan sa Kapwa Magiging Mapanagutan ang Tao sa
Kaniyang Sarili at Kapwa

E. Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras: 20 minuto)


Ngayon ay nabatid mo na ang kabutihan at kahalagahan ng pagiging mapanagutan sa sarili at kapwa. Paano mo
maipamamalas ang iyong pagkatuto sa aralin?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Sa iyong sagutang papel, punan ang tsart, sundin ang mga sumusunod na panuto,
pagkatapos ay sagutin ang mga tanong na nakatala sa ibaba ng tsart.

1. Isulat sa loob ng Pananagutan Card ang mga angkop na kilos na iyong isasabuhay upang maging mapanagutan sa
sarili at kapwa.
2. Maglaan lamang ng 20 minuto para tapusin ito.
3. Gawin ito sa malinis na papel na may saktong laki na mababasa ang inyong kasagutan. (hal. 8”x11”)
Pananagutan

Card

Hal.

Pagsusuot ng mask sa
tamang paraan

FREE

1. Ano ang iyong naging damdamin mo pagkatapos ng Gawain??


2. Anong hakbang ang maari mong gawin upang pauunlarin sa iyong sarili ang mga gawaing nagpapakita ng
pananagutan sa sarili at sa kapwa?
A. Paglalapat (Mungkahing Oras: 10 minuto)
Sa isang pangungusap ihayag ang isang repleksyon na naka ayon sa sipi mula sa Amerikanong manunulat na si Brian Koslow.
Isulat ito sa iyong sagutang papel.

The more you are willing to accept responsibility, the more credibility you will have.

Brian Koslow

(Ang pagtanggap ng higit pang responsibilidad ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng mas mataas na kredibilidad)

https://ph.search.yahoo.com/

V. PAGNINILAY (Mungkahing Oras: 1 minuto)

● Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans.
Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral

Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga
gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili:

✰ - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang
matutuhan ko ang aralin.

✔ - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawanito. Nakatulong ang gawain upang
matutuhan ko ang aralin.

? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi sa gawain.
Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.

Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP

Bilang 1

Pananagutan sa sarili at kapwa

Bilang 2

Angkop na kilos ng pagiging mapanagutan

VII. SANGGUNIAN Edukasyon sa Pagpapakatao 8 (Learner’s Material), pahina 75-137, 290-313

https://www.developgoodhabits.com/ https://ph.images.search.yahoo.com/

(https://mindmonia.com/self-responsibility/),
googlehttp://mentoredcitizen.com/understanding-roles-responsibilities-in-a-family/

Inihanda ni: Sinuri ni:

Mary Ann H. Voluntad Genalin Ceballo, Ph. D.

Mahabang Parang National High School Ma. Victoria Magayon,

SDO-RIZAL ESTER M. ZUNIGA


Asignatura HOMEROOM GUIDANCE PROGRAM Baitang Grade 8
W3
Markahan Ikatlong Markahan Petsa

I. PAMAGAT NG ARALIN PAGLUTAS NG MGA PROBLEMA O SULIRANIN


II. MGA PINAKAMAHALAGANG
Maipamalas ang mabisang paraan sa paglutas ng mga problema o
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
suliranin (Relate the effective ways in solving problems). HGJPS-IIIc-10
(MELCs)
III. PANGUNAHING NILALAMAN Ilapat ang kakayahang protektahan ang sarili at ang iba tungo sa mabisang
mga paraan ng paglutas ng problema (Apply the ability to protect oneself and
others toward effective ways of problem-solving)

IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO


I. Panimula (Mungkahing Oras: 1 minuto)

Ngayong ikaw ay nasa ikawalong (8) grado na sa hayskul marami ka nang suliraning napagdaanan simula pa
lamang noong ikaw ay nasa ikapitong grado. Ngayon marami ka pang haharapin na problema o suliranin sa
kasalukuyan na hahamon sa iyong katatagan sa pagharap sa mga ito.
Sa araling ito ay inaasahan sa isang kabataang katulad mo na maintindihan at maipamalas ang mabisang
paraan sa paglutas ng mga problema o suliranin

D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: 20 minuto)

Nakaaapekto sa ating damdamin ang mga suliranin o problema. Ang mga ito ay makatutulong upang
maging mas matatag at mabuting tao gaano man kahirap ang mga ito Kapag may mga suliranin tayo,
maaaring hindi tayo mapalagay o hindi komportable. Maaari itong makaapekto sa isang tao sa paraang pisikal,
sosyal, o emosyonal. Pinag-iisip din tayo ng mga ito tungkol sa kung paano kumilos sa mga sitwasyon na mahirap
harapin.
Ayon sa http://dlrciligan.weebly.com may mga bagay na dapat gawin upang malutas ang isang suliranin, ito
ay:
a. tukuyin ang suliranin;
b. tumutok sa pagpaplano ng solusyon sa suliranin;
c. iwasang manisi ng iba sa nangyari sa iyo;
d. akuin ang pananagutan sa paglutas ng suliranin; at
e. alamin kung mabisa ang solusyon sa suliranin.
Ang mga suliraning biglaang dumarating dahil sa mga di-inaasahang sitwasyon ay humihimok sa ating
maghanap ng mga paraan upang ang mga ito ay malutas. Dapat nating laging isipin kung ano ang ating
magagawa upang malutas ang mga ito. Tayo ay hindi dapat sumuko dahil karaniwan lamang sa tao ang
magkaroon ng mga problema o suliranin. Dapat nating subukang tingnan ang ito sa isang positibong paraan.
Laging tandaan na ang bawat suliranin ay mayroong solusyon.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1


Isipin ang mga suliranin o problemang kinakaharap mo sa kasalukuyan, ano-ano ito? Itala sa Unang kolum ang
mga ito. Sa ikalawang kolum, itala kung paano mo pinagpaplanuhan kung paano mo bibigyan ng solusyon ang
mga nabanggit na suliranin. Sino ang dapat sisihin sa mga ito, itala ito sa ikatlong kolum. Itala sa ikaapat na kolum
kung sino ang responsible sa paglutas nito. At sa huling kolum itala ang lahat ng mga mabisang solusyon sa
nasabing suliranin o problema. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
ANG AKING MGA SULIRANIN AT MGA DAPAT GAWIN UPANG MALUTAS ITO
MGA PROBLEMA O SULIRANIN PAGPLAPLANO SINO ANG RESPONSIBLE MGA MABISANG
SA SOLUSYON SA PAGLUTAS NITO SOLUSYON
Hal. Mababang Marka Magalang na Sarili Mag-aaral ng
kakausapin Mabuti.
ang guro
1.
2.
3.
4.

E. Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras: 20 minuto)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Basahin nang may pang unawa ang kuwento at sagutan ang PSES chart sa ibaba
ng kuwento. Sa pamamagitan ng PSES chart ay isa isahin ang iyong mga Problema, maging ang mga Sanhi,
Epekto at ang Solusyon upang malutas ang nasabing problema o suliranin. Gawin ito sa sagutang papel.

Pangatlo sa limang magkakapatid si Karen na nasa Ikapitong grado sa hayskul. Masaya ang kanilang
pamilya kahit sapat lang ang kita ng kanyang tatay na isang trabahador sa pabrika ng sapatos. Ang
kanyang ina na guro sa pribadong paaralan sa kanilang lugar.

Sa kabila ng simpleng buhay, hindi nahuhuli sa klase si Karen, siya ang nangunguna sa kanilang seksyon.
Masipag at maasahang bata si Karen

Dahil sa epekto ng pandemya ng Covid 19, nagsara ang pianapasukang pabrika ng kangyang ama,
nawalan ng trabaho ang kanyang inang guro dahil nagsara ang paaralang kanyang pinagtuturoan. Naging
hirap sila sa pera. Nagkasakit pa ang kanyang bunsong kapatid.

Ang problemang kinakaharap ng pamilya ni Karen ay nakaapekto sa kanya, bumaba ang kanyang
mga marka. Sa kanyang murang edad tinutulungan niya ang kanyang ina sa pagalalaba ng mga damit ng
kanilang kapitbahay. Naisip ni Karen na tumigil na lamang sa pag-aaral upang matulungan ang kanyang
pamilya.

PROBLEMA SANHI EPEKTO SOLUSYON


1.
2.
3.
4.

Tanong:
Kung ikaw ang nasa lugar ni Karen, ano ang mga mabibisang solusyon ang maari mong isagawa upang
nabigyang lunas ang suliranin?

1. _______________________________________________________________________________________________
2. _______________________________________________________________________________________________
A. Paglalapat (Mungkahing Oras: 10 minuto)
Gamit ang Istratehiyang “Nasa Palad Mo”, ano ang iyong naunawaan,natutuhan at nabatid sa ating
talakayan tungkol sa mga mabisang paraan sa pag-aayos ng mga problema o suliranin. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
Ano ang dapat mong ______________________________________
Ano ang pinakaepektibong
______________________________________
___________________________________ Sa kabuoan :
gawin kapag ako ay solusyon kapag ikaw ay
may problema may problema
Ano ang iyong ________________________________________ Naunawaan ko na
________________________________________

maipapangako ________________________________________ _______________________________


_____________________________________
_______________________________
_____________________________________
_____________________________________
Simula ngayon
_______________________________
ano ang iyong
_______________________________
Ano ang
gagawin kapag
_______________________________
iyong
may problema
_______________________________
natutunan
_______________________________
______________________________________ ______________________________________
______________________________________
_______________________________
_______________________________
______________________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
V. PAGNINILAY (Mungkahing Oras: 1 minuto) _______________________________
● Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong _______________________________
performans.
_______________________________
Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral
_______________________________
Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng
mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang____________________________
deskripsiyon bilang gabay sa
iyong pagpili:
✰ - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain
upang matutuhan ko ang aralin.
✔ - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawanito. Nakatulong ang
gawain upang matutuhan ko ang aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi
sa gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o
mahusay.

Gawain Sa Pagkatuto LP
Bilang 1
Bilang 2

VI.
SANGGUNIAN http://dlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/paglutas_ng_pang_araw_araw_na_suliranin.pdf
images.google.com

Inihanda ni: KATHLEEN D.U. SAN JUAN Sinuri nina: GENALIN V. CEBALLO, Ph. D.
MA. VICTORIA C. MAGAYON, Ed.D
ESTER M. ZUNIGA
Markahan Ikatlong Markahan Petsa

I. PAMAGAT NG ARALIN PAKIKILAHOK SA PAGTUGON SA MGA HAMON SA BUHAY


II. MGA PINAKAMAHALAGANG
KASANAYANG PAMPAGKATUTO Pakikilahok sa pagtugon sa mga hamon sa buhay. (Participate in
(MELCs) responding to life challenges.) HGJPS-IIId-12

III. PANGUNAHING NILALAMAN


Nailalapat ang kakayahang protektahan ang sarili at ang iba tungo sa
mabisang mga paraan ng paglutas ng problema (Apply the ability to protect
oneself and others toward effective ways of problem solving)

IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO


I. Panimula (Mungkahing Oras: 3 minuto)

Sa nakaraang Aralin, natutuhan mo ang pagbibigay solusyon sa iyong pansariling suliranin. Natutuhan mo rin
na mayroon kang gampanin sa iyong sarili at sa iyong kapwa. Bahagi ng iyong kapwa ay ang iyong pamilya.
Sa araling ito, inaasahan ang iyong pakikilahok o pakikisangkot sa pagtugon sa mga hamon sa buhay na may
kaugnayan sa iyong pamilya.

D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: 20 minuto)

Gaano kahalaga sa iyo ang iyong mga kapatid at magulang? Nabalitaan mo ba ang batang nagsikap na
sagipin sa sunog ang kaniyang lola at ang kaniyang mga kapatid, kahit nagdulot pa ito ng pagkalapnos at
pagkasunog ng kaniyang likod? Ikaw, handa ka bang magsakripisyo para sa iyong mga kapatid at magulang?
Hanggang saan ang kaya mong iabot na tulong sa iyong pamilya?
Ang ating pamilya ang pinakamalapit nating kapwa. Kung may suliranin na pinagdaraanan ang miyembro
sa loob ng pamilya at magkakatuwang na nilulutas ang problema, mas lumalakas ang pwersa ng pamilya.
Karaniwan na sa ating mga magulang na sila ang tagahanp ng solusyon sa mga problema. Gayunman, bilang
kasapi ng iyong pamilya, ano na ang naitulong mo sa kanila sa paglutas sa suliranin? Hayaan mong tulungan
ka ng babasahin na ito. (halaw sa ESP 7, Ang Tungkulin Bilang Anak p. 104).

1. Maging maingat sa paggastos.


Makasampung isipin ang pagdadalhan mo ng perang hihinigin mo sa iyong magulang. Kung hindi
mahalaga ay iwasan ang palagiang paghingi. Maraming kabataan sa ngayon ang nalululong sa pagbili
sa mga online shopping sites. Walang masama sa pagtingin sa mga aytem na itinitinda on-line (hal.
damit, beauty products, sapatos, bag, at iba pa) tunay na ito ay nakawiwili lalo na at pampalipas-oras.
Ngunit, kung sa patuloy mong pagtingin ay mabilis din ang iyong kamay sa pag-mine ng mga order.
Kanino mo hihingin ang mga ibabayad mo? Hindi ba’t sa iyong magulang rin?

2. Mag-aral ng mabuti.
Mas mahalaga sa iyong mga magulang ang makatapos ka ng pag-aaral. Masarap sa
pakiramdam ng magulang kung nakikita niyang humahawak ng modyul o learning materials ang
kaniyang anak imbes na gadget o kaya ay naglalaboy kasama ng mga kaibigan. Hindi masama ang
magkaroon ng kaibigan kahit ang maglaro sa iyong gadget. Laging tandaan na dapat mas may
panahon ka sa pag-aaral.

3. Tumulong sa gawaing bahay.


Ngayong madalas ang inilalagi mo sa inyong bahay, madalas ay nauutusan kang maglinis o
gumanap ng ibang gawain. Huwag mong bigyan ng negatibong kaisipan ang pag-uutos sa iyo ng
magulang. Maaring inihahanda ka lamang niya sa mas malaking gampanin sa hinaharap.
4. Pagbabahagi ng pananaw at saloobin.
Katanggap-tanggap na hindi pa maaaring ipaubaya sa iyo ang pagdedesisyon sa bahay ngunit
maaaring ibahagi mo pa rin ang iyong opinyon at saloobin. Pakingggan din ang opinyon ng ibang
miyembro ng iyong pamilya upang kolektibong makabuo ng pasya.

May natutuhan ka ba sa iyong binasa? Sagutin ang mga gabay na tanong.


1. Alin sa mga babasahin ang naisabuhay mo na?
2. May mga kilos o gawain ka ba na nakatutulong sa iyong pamilya ngunit hindi nabanggit? Ano-ano ang mga
ito?
3. Bakit mahalaga ang pagtulong sa suliranin ng iyong pamilya?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin ang kuwento sa ibaba. Sagutan ang mga tanong sa iyong sagutang
papel.

Ang pamilya ni Andy ay isa sa mga naapektuhan dulot ng pandemya. Nawalan ng


trabaho ang kaniyang Papa na dating seaman sa isang malaking barko. Tanging ang
maliit na sari-sari store nang kaniyang Mama ang kanilang pinagkukuhaan ng kanilang
pangangailangan. Hindi rin masabi ni Andy sa kaniyang magulang na naniningil na ng
tuition fee ang pribadong paaralan na kaniyang pinapasukan dahil nabanggit minsan ng
kaniyang magulang na kailangan na nilang magbayad ng kuryente at tubig. May isang
Linggo nang hindi nag-aaral si Andy ng kaniyang leksyon sa paaralan, nawalan na siya ng
ganang mag-aral, katwiran niya babagsak din siya dahil walang pambayad ang mga
magulang sa kaniyang paaralan.

Mga Gabay na Tanong:

1. Ano ang naramdaman mo matapos basahin ang kwento tungkol sa pamilya ni Andy?
2. Kung ikaw si Andy, ano ang maari mong itulong upang makalutas/makagaan ng suliranin ng pamilya?
3. Kung hindi tutulong ang isang kasapi ng pamilya sa suliranin, ano ang magiging epekto nito?

E. Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras: 20 minuto)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Sa iyong sagutang papel, isulat ang mga suliraning kinakaharap ng iyong pamilya
sa talahanayan sa unang kolum. Sa ikalawang kolum itala ang mga hakbang na iyong ginawa upang malutas
ang suliranin. Sa ikatlong kolum, isulat ang epekto sa iyong pamilya pagkatapos na tumulong. Sagutan din ang
mga gabay na tanong.

Mga Suliraning kinakaharap ng Hakbang na Aking Ginawa Epekto sa Aking Pamilya


Aking Pamilya Upang Mapagaan o Malutas Ng Ginawang Kong
Ang Suliranin Pagtulong

Mga gabay na tanong:


1. Naging magaan ba sa iyo ang pagbibigay solusyon sa mga problema? Bakit?
2. Epektibo ba ang iyong ginawang pagtulong? Ipaliwanag.
3. Ano ang iyong naramdaman habang nakakatulong sa suliranin ng pamilya?
Gawain sa Pagkatuto 3: Ano ang iyong gagawin sa mga sitwasyon? Sa iyong sagutang papel, isulat ang iyong
sagot sa Speech Balloon.

Nagpapatulong sa iyo ang iyong ___________________


1.
nakababatang kapatid na gumawa ng ___________________
kaniyang Assignment. ___________.

Nakita mong umiiyak sa isang sulok ang


___________________
iyong Ate Lita. Nang tinanong mo siya,
2. sinabi niyang nagwalan siya ng trabaho.
___________________
___________.

Maysakit ang Nanay mo. Nagkataon na


3. ___________________
kayong dalawa lamang sa inyong tahanan.
___________________
Wala pa kayong lutong pagkain. Niyaya ka
rin ng iyong mga kaibigan na mamasyal. ___________.

Malaki ang bayarin sa tubig at kuryente sa


inyong tahanan. Narinig mong dumaraing ___________________
4.
ang iyong ina dahil kulang pa ang kaniyang ___________________
naitatabing pambayad. May naitatabi kang ___________.
pera mula sa iyong allowance, inilalaan mo
sana ito sa FB live online shopping.

A. Paglalapat (Mungkahing Oras: 10 minuto)


Buuin ang mahalagang kaisipan sa araling ito. Hanapin ang sagot sa loob ng kahon. Gawin ito sa iyong
sagutang papel.

tungkulin tangkilikin pamilya

pananagutan pag-aaral sabihin

pananaw saloobin

Ang ating p __ __ __ __ __ __ ang pinakamalapit nating kapwa. Bilang kasapi o miyembro, may t __ __ __
__ __ __ __ __ ka na tulungan o makilahok kung may suliraning kinakaharap ang iyong pamilya. Ilang paraan
upang makatulong ay maging maingat sa p __ __ __ __ __ __ __ __. Ituon ang panahon sa p __ __ - __ __ __ __ __.
Tumulong sa mga gawaing -bahay. Ibahagi mor in ang iyong pananaw at s __ __ __ __ __ __ __.
V. PAGNINILAY (Mungkahing Oras: 5 minuto)
● Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans.

Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral


Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng
mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa
iyong pagpili:
✰ - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain
upang matutuhan ko ang aralin.
✔ - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawanito. Nakatulong ang
gawain upang matutuhan ko ang aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi
sa gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o
mahusay.
Gawain Sa Pagkatuto LP
Bilang 1
Bilang 2
Bilang 3
VI. SANGGUNIAN Edukasyon sa Pagpapakatao 7, p. 104)

Inihanda ni: Emmalyn R. Urisantos Sinuri nina: Genalin V. Ceballo, Ph. D.

Ma. Victoria C. Magayon, Ed.d

ESTER M. ZUNIGA
Markahan Ikatlong Markahan Petsa

I. PAMAGAT NG ARALIN Pagiging Mabuting Huwaran sa Kapwa Tungo sa Kapayapaan


II. MGA PINAKAMAHALAGANG Pagtugon sa pangangailangan ng komunidad tungo sa kapayapaan (Respond
KASANAYANG PAMPAGKATUTO to the needs of the community towards peace) HGJPS-IIId-14
(MELCs)
III. PANGUNAHING NILALAMAN Nailalapat ang kakayahang protektahan ang sarili at ang iba tungo sa
mabisang mga paraan ng paglutas ng problema (Apply the ability to protect
oneself and others toward effective ways of problem-solving)

IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO


I. Panimula (Mungkahing Oras 10 minuto)

Sa nagdaang aralin ay natutuhan natin ang pakikilahok sa pagtugon sa hamon ng buhay. Sa pamamagitan ng araling
ito, natuto tayong maging matatag laban sa anumang pagsubok na maaari nating kaharapin. Ang mga pagsubok ay
makatutulong sa inyo na maging mas mabuting tao at sa pagiging mabuting tao, maaari tayong maging huwaran ng
kapayapaan.

Sa ating aralin ngayon, bilang mag-aaral na nasa ikawalong baitang inyong mapag-aaralan ang pagiging isang
mabuting huwaran sa kapwa tungo sa kapayapaan at kung paano tayo tutugon sa pangangailangan ng komunidad.
Susuriin natin ang mga katangian na dapat taglayin ng isang huwarang indibidwal. Inaasahan na sa huling bahagi ng
araling ito ay iyong isasabuhay ang mga katangiang ito upang magkaroon tayo ng maayos at mapayapang komunidad
na ating kinabibilangan.

D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: 15 minuto)

Kahit kayo ay mga mag-aaral pa lamang, Malaki ang ambag na maaari ninyong maibigay sa inyong kapwa upang
magkaroon tayo ng kapayapaan. Sa pamamagitan ng pagpapakita ng mabuti at mapanagutang mga gawi at ugali,
magsisilbi kayong modelo o huwaran ng inyong mga kapwa. Narito ang 4P’s na dapat tandaan upang tayo ay maging
mabuting huwaran sa pamamagitan ng pagtugon sa mga pangangailangan ng komunidad sa maliit o malaki mang mga
kaparaanan. Matutulungan tayo ng 4P’s na ito tungo sa pagiging Maka-Diyos, Makakalikasan, Makatao at Makabansa.

4 P’s
1. Pakikinig- Ito ay isang mabisang paraan ng pagkuha ng impormasyon. Nagsisilbi itong daan upang ang bawat isa
ay magkaunawaan at makatutulong sa pagkakaisa. Nagiging epektibo ang pakikinig kung ito ay uunawain nang
buong husay upang malaman ang tunay na kahulugan nito. Sa pamamagitan ng pakikinig natutugunan natin ang
pangangailangan at hinaing ng bawat isa.

2. Pagsunod- Ito ay isang gawi ng pagtupad sa tungkulin sa iyong kapwa, sa Diyos, sa pamayanan at sa sarili.
Tumutugon sa lahat ng mga alituntuning iniaatas at ipinapatupad sa lahat ng aspeto ng buhay. Pagganap sa
tungkulin nang buong husay ay magbibigay sa atin ng maayos na pamumuhay. Sa pagtalima sa mga bagay na
makakasama sa atin ay nagpapakita ng pagsunod sa kalooban ng Diyos.

3. Pagtulong - Ito ay isang kawanggawa na hindi pumipili ng tao at hindi humihingi ng anumang kapalit. Ang
pagtulong sa kapwa ay hindi matutumbasan ng pera o materyal na bagay. Ang pagbibigay ng motibasyon,
inspirasyon at pag-alalay sa mga nangangailangan ay isa na ring paraan ng pagtulong sa kapwa. Mahalaga ng
pagbibigay ng tulong sa kapwa dahil mas nagagawa ang mga bagay ng sama-sama at dito nagkakaroon ng
pagkakaisa.

4. Paggalang – Ito ay pag-unawa at pagpapahalaga sa paniniwala, opinyon at interes ng iba. Ito ay nagsisimula sa
ating mga tahanan at dito itinuturo sa atin ang pagrespeto sa ibang taong nakakasalamuha.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Lagyan ng Tsek (/) ang kolum na nagpapakita ng dalas ng iyong gawi o kilos upang
mapanatili ang katahimikan at kapayapaan ng inyong komunidad pagkatapos ay sagutan ang mga tanong sa ibaba ng
tsart. Gawin ito sa sagutang papel.

Sitwasyon Palaging Madalas Hindi Kailanman


ipinapakita ipinapakita Ipinapakita
1. Pagsunod sa curfew hours na ipinapatupad ng inyong bayan.
2. Pagtulong sa aking mga kapitbahay sa paglilinis ng aming
lugar
3. Pakikipagkaibigan sa mga taong aking nakasasalamuha
4. Naisasabuhay ang mga utos ng simbahan
5. Pag-iwas sa kaguluhan ng mga kabataan
6. Paghihiwalay ng mga basura ng naaayon sa gabay na
ibinigay ng bayan
7. Paggalang sa opinyon ng kapwa
8. Pagmamahal sa magulang

9. Pagninilay-nilay sa mga bagay na dapat ipagpasalamat.


10. Pakikilahok sa gawain ng komunidad sa pagtulong sa mga
nangangailangan.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano-ano ang iyong natuklasan matapos masagutan ang gawaing ito?
2. Ano-ano ang dapat mong baguhin sa iyong sarili upang maging inspirasyon ng iyong kapwa?
3. Paano ka magiging huwaran upang mapanatili ang katahimikan at kapayapaan ng inyong komunidad?

E. Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras: 20 minuto)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Punan ang graphic organizer ng mga katangian nang isang modelong kabataan upang
mapanatili ang kapayapaan ng ating komunidad. Gawin ito sa sagutang papel.

Katangian nang Isang


Modelong Kabataan

Pamprosesong Tanong:
1. Ano-ano ang iyong natuklasan matapos masagutan ang gawaing ito?
2. Ano-ano ang dapat mong baguhin sa iyong sarili upang maging inspirasyon ng iyong kapwa?
3. Paano ka magiging huwaran upang mapanatili ang katahimikan at kapayapaan ng inyong komunidad?
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3. Gawin sa iyong sagutang papel ang talaan sa ibaba. Punan ang kolum ng naaangkop na
kilos upang maisagawa ang nakatala sa unang kolum

Dahil mahal ko ang Pilipinas… Pagsasagawa..


a. Diringgin ko ang payo ng aking mga
magulang

b. Susundin ko ang tuntunin ng paaralan.

c. Tutuparin ko ang mga tungkulin ng isang


mamamayang Makabayan

A. Paglalapat (Mungkahing Oras: 10 minuto)

Punan ang patlang. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.


Sa pagtugon sa pangangailangan ng komunidad ay kinakailangan tayong maging huwaran sa pamamagitan ng
_____________, ______________, ______________, at _______________ upang magkaroon ng kapayapaan at maprotektahan ang
sarili at kapwa.

V. PAGNINILAY (Mungkahing Oras: 5 minuto)


● Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans.

Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral


Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga
gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili:
✰ - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang
matutuhan ko ang aralin.
✔ - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa nito. Nakatulong ang gawain upang
matutuhan ko ang aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi sa gawain.
Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.
Gawain Sa Pagkatuto LP
Bilang 1
Bilang 2
Bilang 3

VI. SANGGUNIAN Department of Education, 2001,”Deped Order 54, 2001 The Revised Panatang Makabayan”
Accessed November 12, 2001, https://www.deped.gov.ph/2001/11/12/do-54-s-2001-the-
revised-panatang-
makabayan/?fbclid=IwAR141sqb5u50GwZxq0l9SgOaC2qPKSoB3utS1ualCR104HCVqN3u1w1qp
00

Inihanda ni: Marie Hazel C. Ortega Sinuri nina: Mariz B. Borgonos- Pales
Rhoda M. Manual
Godofredo C. Mercado

Nabigyang Pansin at Ana R. Reblora ESTER M. ZUNIGA


Nasuri ni
Asignatura Homeroom Guidance Baitang 8
W6 Markahan Ikatlo Petsa
I. PAMAGAT NG ARALIN Pagtatagumpay ng Isang Indibidwal Laban sa Kanyang mga Kahinaan
II. MGA PINAKAMAHALAGANG Nakapaglalahad ng mahalagang katangian batay sa napiling karera. (State
KASANAYANG PAMPAGKATUTO one’s meaningful characteristics relevant to the chosen career)
(MELCs) HGJC-IIIf-16
III. PANGUNAHING NILALAMAN Nakapaglalapat ng kakayahang pumili ng sariling larangan batay sa iba’t ibang
mga salik tungo sa pagkamit ng mga layunin sa buhay. (Apply the ability to choose
their own field based on the different factors toward achieving goals in life.)

IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO


I. Panimula (Mungkahing Oras: 10 minuto)
Sa nakaraang aralin, pinag-aralan mo kung paano maging huwaran sa iyong kapwa tao para makamit ang
kapayapaan. Sa araling ito naman ay maipamamalas at mauunawaan mo bilang mag-aaral kung paano ang
makahulugang katangian ay may kaugnayan sa iyong napiling propesyon sa pamamagitan ng pagtatagumpay sa mga
kahinaan bilang isang indibidwal. Bagkus, sa pamamagitan din nito ay mas maipakikita mo ang iyong angking potensiyal,
kahusayan at talento na ibinigay sa iyo ng Poong Maykapal upang lalo mong mas mapagyamanan ang mga ito.

Paunang Gawain. Tingnang mabuti ang sinasaad sa bawat bilang at isulat sa patlang kung ito ay KALAKASAN O KAHINAAN.

1. KAWALAN NG PASENSIYA - ___________________________


2. KATAPATAN - _____________________
3. MAY PANANAGUTAN - _______________________
4. MAKASARILI - __________________________
5. PAGKAMALIKHAIN - _________________________
6. PAGTITIYAGA - ________________________
7. PAKIKIPAGKAPWA - ______________________
8. KADUWAGAN - _____________________________
9. MAKASARILI - _________________________
10. PAGTATANIM NG SAMA NG LOOB - ________________________

D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: 30 minuto)

Sa paunang gawain ay nakita mo kung ano-ano ang mga kalakasan at kahinaan na maaring taglay ng isang tao.
Mahalaga na alam mo rin sa iyong sarili na mayroon karin nito. Dapat mong tandaan na ang mga ito ay likas sa isang tao na
nagiging dahilan upang magkaroon ka ng sapat na pagkakilala sa iyong sarili. Maituturing ang mga ito na mga katangian na
maaring makatulong sa iyo lalo na sa iyong napiling propesyon bilang araw sa pamamagitan ng tama at wastong
pagsasabuhay sa mga ito.

Marahil, nagtatanong ka sa iyong sarili kung paano ang mga kahinaan mong taglay ay magiging mga kalakasan ng
sa gayon ito ay makatulong at makapaghatid sa iyo sa tagumpay sa buhay. Alam mo ba na maari mo itong makamit, ito ay
sa pamamagitan ng pagkakaroon ng determinasyon at tiwala sa iyong sariling kakayahan. Ang pagkilos at paghahangad
mon a malampasan ang iyong kahinaan ay patunay lamang na ikaw ay mayroong makabuluhang katangiang taglay na
maaring makatulong at makapaghatid sa iyo na maabot ang karapat-dapat na propesyon na ninanais mo sa iyong buhay.

Para bigyan ka ng gabay kung paano gagawin ito, maari mong basahin ang pagpapalalim na mula sa artikulo na
pinamagatang Achieve your Goals by Overcoming your Weaknesses Published on June 23, 2020 ayon kay Robert Chen.

Palagi mo bang nakikita sa iyong sarili na may mga pagkakataon na hindi mo kayang mapagtagumpayan ang mga
ninais mo sa buhay? Marahil ito ay sa kadahilanang mas higit na umiiral sa iyo ang mga kahinaan na palagi mong nakikita sa
iyong sarili. Kaya napakahalaga na makita mo at malaman ang mga ibat- ibang pinagmulan ng iyong mga kahinaan.
Mahalaga din na maindihan mo na hindi lamang ang mga kalakasan ang binibigyan ng pansin subalit kalakip din nito ang
pag-intindi sa iyong mga sariling kahinaan. Alam mo ba na ang mga tinataglay mong kahinaan ay maaring maging lakas mo
rin bilang isang tao? Ito ay maghahatid at magbibigay sa iyo ng magandang dahilan upang mas maabot mo pa ang iyong
mga pangarap sa buhay.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

Narito ang mga ilang paraan kung paano mo matutukoy ang iyong mga kahinaan:

Ayon kay Chen (2020) mahalaga na tanungin mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng katanungan na ito: Ano sa
palagay mo ang mga pangyayari na nahihirapan ka subalit madali sa iba na ito ay malagpasan? Sinasabi dito ang
kakayanan mong malaman ang iyong kahinaan sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga ito ay makakapagbigay diin sa mga
posibleng dahilan:

1. Tanggapin ang iyong mga Kahinaan at gawin itong kalakasan.


- Ito ay sadyang napakahalagang pamaraan na dapat mong piliin sapagkat likas sa iyo bilang nilikha na ikaw
ay may kakayanan o potensyal na gawing kalakasan ang iyong kahinaan sa pamamagitan ng paglaan ng
iyong mga kakayanan para sa pagpapabuti at pagpapaunlad sa iyong sarili. Sa pamamagitan ng pagkilala
mo sa tunay mong kahinaan ay makapagdudulot ito ng magandang paraan na mapatunayan at
matanggap mo sa iyong sarili na hindi lang ikaw ang nagtataglay ng nasabing kahinaan subalit halos lahat
ay mayroong kahinaan ding taglay.
2. Tanggapin ang iyong mga kahinaan at humanap ng mga taong tutulong sa iyong mga kahinaan.
- Napakahalaga na alam mo na ikaw ay hindi nag-iisa sa mundo. Dapat tandaan mo na ikaw ay may karamay
na handang tumulong sa iyo sa oras ng iyong pangangailangan. Ang dapat mo lamang gawin ay
maghanap ng mga taong mapagkakatiwalaan. Gayundin dapat isaalang- alang na ang mga taong ito ay
dapat nagtataglay din ng kalakasan. Sa panahong ikaw ay humaharap at nakakaranas ng kahinaan
siguraduhing sila ay nagtataglay ng kalakasan na siyang magdudulot ng magandang impluwensiya upang
ikaw ay magtagumpay sa kahinaan.
3. Palitan mo ang iyong ninanais sa buhay kung ito ay hindi para sa iyo.
- Ang pinakahuling pamamaraan na ito ay ang pinakamainam sa kadahilanang ito ay magtutulak sa iyo na
malaman mo sa iyong sarili kung akma ba ang ninanais mo sa buhay. Nakapagbukas ito ng magandang
pananaw sa iyong sarili kung akma ba ang ninanais mo sa buhay o di kaya ito ay sang-ayon ba sa iyong
sariling kakayahan na ipinagkaloob sa iyo ng Diyos. Dapat mong isaalang-alang na sadyang may
nakahandang para talaga sa iyo na akma sa iyong sariling kakayahan.

Sinasabi ni Chen (2020) “Huwag mong hayaan na ang kahinaan ay maging hadlang para makamit mo ang tagumpay.
Dapat isipin kung paano mo mapamahalaan ang iyong kahinaan ng sa gayon ikaw ay magtagumpay sa buhay.”

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: BINGO CARD. Kulayan ang mga salita na may kinalaman sa nais mong propesyon sa buhay.
Sa bandang FREE ay isulat ang ninanais mong propesyon sa buhay. Pagkatapos ay sagutan ang mga kasunod na tanong.
Isulat ito sa sagutang papel.

BINGO

Magaling sa Matematika Mahilig sa musika Mahilig sa sport Kayang ipagtanggol Mahilig sumali sa
ang kapwa Religious activity

Mahusay makisama Mahilig magsulat Magaling sa spelling Masipag at matiyaga Mahilig magdesign ng
damit

Magaling magluto Mahilig kumanta FREE Magaling sumayaw Mahilig sa acting

_________________

Palakaibigan Mahilig magbasa Responsable Mahusay sa computer Magaling sa kuwento

Magaling sa tula Nagpipinta Mahilig sa modelling Mapagkatiwalaan Magaling mamuno


IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
Mga tanong:
1. Ano ang iyong naramdaman habang ginagawa ang gawain?
2. Sa mga kinulayan mong mga salita, ito ba ay may kaugnayan at tumutukoy sa propesyong nais mo sa buhay? Ipaliwanag

E. Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras: 15 minuto)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Gamit ang iyong natutunan sa Filipino sa paggawa ng tula, ipahayag ang sariling karanasan
kung paano mo napagtagumpayan ang mga kahinaan at mula dito, ano-ano ang iyong mga nalinang na katangian na
maaari mong gamitin para makapamili ng isang propesyon. Pagkatapos, ipaliwanag mo ang iyong ginawang tula sa loob ng
3 – 4 na pangungusap. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

Paliwanag:
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________

Pamantayan 5 3 1
Nilalaman Malinaw na naipahayag Hindi gaanong malinaw ang Hindi malinaw ang
ang mga hinihingi sa tula naipahayag sa tula ipinahihiwatig ng tula.
Pagkamalikhain Orihinal at buong kaayusan Ang tula ay orihinal subalit Ang tula ay hindi orihinal at
nabuo ang tula kulang sa kaayusan walang kaayusan
Paliwanag Nakapagbigay ng 3-4 na Nakapagbigay ng 2 Nakapagbigay ng 1
pangungusap na pangungusap na pangungusap na
paliwanag sa nabuong tula. paliwanag sa nabuong tula. paliwanag sa nabuong tula.
A. Paglalapat (Mungkahing Oras: 5 minuto)
Buoin ang mahalagang kaisipan sa araling ito.
Ang kakayahang _______________ang mga _____________ bilang paraan ng tamang pagpili ng kanilang sariling larangan o
nais na _____________ sa buhay.

V. PAGTATAYA (Mungkahing Oras:

VI. PAGNINILAY (Mungkahing Oras: 3 minuto)



• Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans.

Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral


Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa
Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili:
 - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang
aralin.
✓ - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawanito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang
aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa
ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.
Gawain Sa Pagkatuto LP
Bilang 1
Bilang 2
VII. SANGGUNIAN Chen, Robert, “Achieve your Goals by Overcoming your Weaknesses,” Linkedin, Published on
June 23, 2020 https://www.linkedin.com/pulse/achieve-your-goals-overcoming-weaknesses-
robert-chen/?articleId=6675441052977020929

Inihanda ni: Jacob B. Segurola II Sinuri nina: Maria Elena Gustilo


Rhoda M. Manual
Godofredo C. Mercado
Ana R. Reblora
Asignatura Homeroom Guidance Baitang 8
W7 Markahan Ikatlo Petsa
I. PAMAGAT NG ARALIN Maayos na Hanapbuhay ,para sa Magandang Buhay
II. MGA PINAKAMAHALAGANG Naipaliliwanag ang koneksyon ng trabaho, sa mga pangangailangan ng
KASANAYANG PAMPAGKATUTO lipunan at pandaigdigang ekonomiya (Explain the connection of work, needs of
(MELCs) the society, and global economy. ) HGJC-IIIg-17
III. PANGUNAHING NILALAMAN Nakapaglalapat ng kakayahang pumili ng sariling larangan batay sa iba’t ibang
mga salik tungo sa pagkamit ng mga layunin sa buhay. (Apply the ability to
choose their own field based on the different factors toward achieving goals in
life.)

IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO


I. Panimula (Mungkahing Oras: 10 minuto)

Naniniwala ka ba na malaki ang epekto ng edukasyon, sa kakayahan ng isang tao upang matuto ng mga bagong
kasanayan? Ang edukasyon sa gitna ng pandemya ay isang hamon, bagamat hindi madali, pero kailangan nating
maging matatag, at magsakripisyo, upang patuloy na matuto. Dulot ng malawakang pagbabago sa ating paligid, Bakit
kailangang patuloy na mag-aral ngayong pandemya? Makatutulong ang pagsasagawa ng mga masasayang paraan ng
pag-aaral upang patuloy na abutin ng mga mag-aaral ang kanilang “educational goals”. Sa tulong ng mga “educational
activities” ay mapananatili ang “well-being” ng bawat isang estudyante, kahit na may crisis.
Sa nakaraang aralin ay natuklasan mo, na ang iyong mga kahinaan ay hindi naman pala hadlang, dahil ito ay kayang
malampasan at mapagtagumpayan. Ang pagsasakatuparan ng kinabukasan ay nangangailangan ng pagpaplano.
Kailangang patuloy na tuklasin at kilalanin pa nang lubusan, ang mga kalakasan upang higit na mapaunlad ang sarili.
Malaki ang maitutulong ng aralin na ito, upang magabayan ka sa iyong pag-aaral, mapaghandaan ang “career
path” o landas ng karera na iyong tatahakin at upang ganap na magkaroon ng maayos na trabaho para sa magandang
buhay. Sa pagtatapos ng araling ito ay inaasahang may kakayahan ka nang:
a. Makapag-desisyon sa buhay at makapaghanda, para sa iyong mapipiling propesyon.
b. Maipamamalas ang kakayahang pumili ng sariling larangan, kaugnay ng iba’t ibang
kadahilanan, tungo sa pagkamit ng mga layunin sa buhay.
c. Naipaliliwanag ang koneksyon ng trabaho, sa mga pangangailangan ng lipunan at pandaigdigang ekonomiya.

D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: 20 minuto)


Ibinigay na sa atin ng Diyos ang lahat ng talento at kakayahan na makakatulong para makapaglaan tayo, ng
para sa ating sarili at sa ating pamilya.

Sang-ayon kina: Talento Kakayahan

Pambihira at Likas na kakayahan Kalakasang Intelektuwal


Thorndike at Barnhart [ Intellectual Power] – upang makagawa
ng isang
pambihirang bagay.

May Kinalaman sa Genetics – Likas o tinataglay ng tao,


Brian Green at mga Minanang talento mula sa dahil na rin sa kanyang Intellect o
Sikolohista magulang. kakayahang mag-isip.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1. Punan ang talahanayan ng iyong mga natatanging talento at kakayahan, pagkatapos ay
sagutin ang mga sumusunod na tanong. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Talento Kakayahan
1. ________________________ 1. ________________________

2. ________________________ 2. ________________________

3. ________________________ 3. ________________________

Mga tanong:
1. Ano-ano pa ang mga pamamaraan
na dapat mong gawin upang higit na mapagyaman at mapaunlad ang mga talento at kakayahang iyong tinataglay?
1.____________________________________
_________________________________________.
2. ____________________________________
_________________________________________.

Ang malaman ang mga talento at kakakayahan, hilig o kinawiwilihan, ay isang mahalagang hakbang sa
paghahanda, upang makapili ng kukuning kurso na akma sa iyong talento at kakayahan.

Ang “career path” ay tumutukoy sa mga pag-aaral, pagsasanay, at mga paghahanda na dapat na paglaanan
ng sapat na panahon, upang matamo ang nais na uri ng pamumuhay o landas ng karera na tatahakin.
Sa iyong palagay, ganap ba na magiging bihasa at dalubhasa ang taong masigasig at patuloy na nagnanais
na matuto ng mga bagong kaalaman?
May dalawang uri ang trabaho: Alin kaya sa mga ito ang hahangarin mong paghandaan?

White Collar Job Blue Collar Job


Ito ay ang mga trabaho ng mga taong naka- Ito ay ang mga taong may mabibigat na trabaho
pagtapos ng pag-aaral o mayroong propesyon. na talagang ginagamitan ng lakas at skills upang
Kadalasang mayroon silang espesyalisasyon, magawa ang kanyang trabaho. Kadalasan ang
kaya naman malaki ang kanilang natatanggap gumagawa ng ganitong uri ng trabaho ay ang
na sahod, mula sa kanilang serbisyo. mga nagtapos ng “vocational courses” o may iilan
naman na hindi nakapagtapos ng pag-aaral.

Mga Halimbawa: Mga Halimbawa:


1. Guro 1. Construction worker
2. Inhenyero 2. Kargador
3. Doktor 3. Kasambahay
4. Call Center agent 4. Tindera
5. Dentista 5. Karpentero
https://www.google.com https://www.google.com
/search?q=iba%27t+ /search?q=iba%27t

Magandang trabaho, ang naghihintay sa iyo kung ang tinapos mong kurso ay akma sa iyong mga kakayahan at
talento. Magiging masigasig ka sa paghahanapbuhay, dahil inspirasyon mo ang iyong pamilya. Ang hanapbuhay ay
magiging gampanin mo, upang maisakatuparan at maisagawa ang iyong mga tungkulin at upang matustusan ang mga
pangunahing pangangailangan ng pamilya sa kabuuan at maging ang mga pangangailangan sa lipunan.
TANDAAN:

Ang Trabaho ay may koneksyon sa mga

Pangangailangan ng Lipunan
at

Pandaigdigang Ekonomiya

Nagkakaroon ng katuturan ang buhay ng tao dahil sa trabaho. Higit na pagsumikapan na mahalin ito. Pahalagahan
ang trabahong pasisimulan, upang ganap ang maging tagumpay sa anumang larangan.

E. Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras: 20 minuto)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2. Iguhit ang hugis Puso kung ang pangungusap ay nagsasaad ng
mabuting pananaw ukol sa pagtatrabaho at iguhit naman ang bilog kung ito ay nagsasaad ng
di-mabuting pananaw. Gawin ito sa inyong sagutang papel.

_______ 1. Ang tao ay nagtatrabaho upang kumita ng salapi, at upang matustusan ang mga
pangunahing pangangailangan, ng pamilya.
_______ 2. Nagnanais na maiangat ang kultura at dignidad ng lipunang kinabibilangan.
_______ 3. Naghahangad na maging isang kilalang tao sa lipunan at maiangat ang sarili ng higit sa iba.
______4. Maipagmalaki sa marami ang katatayuan at agwat ng narating nila sa buhay.
_______ 5. Nagtatrabaho ang tao, upang magkaroon din ng kakayahang tumulong sa mga nangangailangan.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3. Hanapin sa “word puzzle” ang iba’t ibang uri ng trabaho. Maaari ito ay nabibilang sa
White-Collar Job o Blue-Collar Job: Isulat ang mga salitang nahanap sa iyong sagutang papel.

C A L L C E N T E R A G E N T
A I H G P C H I R S T J Y K I
I D D I N H E N Y E R O B A N
D A E K A R G A D O K T O R D
C O N S T R U C T I O N N G E
P E T E R S M R E M M A N A R
M A I D A P A S S I O N G D A
K A S A M B A H A Y U N U O O
K S T A E R O N A I R A R R T
R K A K A R P E N T E R O G K
A. Paglalapat (Mungkahing Oras: 5 minuto)
Ang payo ni Martin Luther King Jr. tungkol sa pagmamahal sa trabaho:

MAHALIN ANG TRABAHO

Kahit pa ang trabaho mo ay pagwawalis ng kalye, gawin mo


ang iyong trabaho na kasinghusay ng:
pagpipinta ni Michaelangelo;
paghabi ng tula ni Shakespeare;
paglapat ng mga nota sa musika nina
Handel at Beethoven.

At sa sobrang linis ng kalyeng iyong winalis, pati ang mga Anghel


at Diyos Ama sa langit ay magpupuri at sasabihing, dito
nagtatrabaho ang pinakamahusay na tagalinis ng kalye.
Anong mahalagang konsepto ang nahinuha mo mula sa mga nasagutan na gawain?
Sagutin ito gamit ang Graphic Organizer sa ibaba:

Ang ay may koneksyon sa mga

at

Magandang simulain ito,tungo sa mas magandang kinabukasan na naghihintay sa iyo.

V. PAGNINILAY (Mungkahing Oras: 5 minuto)


● Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans.

Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral

Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong gawain, karanasan sa pagsasagawa ng mga
gawain.
Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili:
✰ - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito.
Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
✔- Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawanito.
Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi sa
gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.

Gawain Sa Pagkatuto LP
Bilang 1
Bilang 2
Bilang 3
VI. SANGGUNIAN Annabelle O. Buenviaje. “ Pagmamahal sa Trabaho”. https://www.philstar.com/pang-
masa/punto-mo/2015/11/24/1525674/pagmamahal-sa-trabaho. May 14, 2021.

Vincent Dante Conde. “Talento mo Tuklasin Kilalanin at Paunlarin.” https://slideshare.net.


May 15, 2021.

Inihanda ni: Zoraida C. Passion Sinuri nina: Jerry M. Ortega


Rhoda M. Manual
Godofredo C. Mercado

Nabigyang Ana R. Reblora ESTER M. ZUNIGA


Pansin at
Nasuri ni:

You might also like