You are on page 1of 3

Asignatura Homeroom Guidance Program (HGP) Baitang Grade 10

W3
Markahan Ikatlong Markahan Petsa

I. PAMAGAT NG ARALIN Matinding Suliranin ay Iwasan, Patnubay at Paalala ay Gawing Gabay


II. MGA PINAKAMAHALAGANG Maipamalas ang mabisang paraan sa paglutas ng mga problema o
KASANAYANG PAMPAGKATUTO suliranin. (Relate the effective ways in solving problems.)
(MELCs) HGJPS-IIIc-10.
III. PANGUNAHING NILALAMAN Nailalapat ang kakayahang protektahan ang sarili at ang iba tungo sa
mabisang mga paraan ng paglutas ng problema (Apply the ability to protect
oneself and others toward effective ways of problem-solving)

IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO


I. Panimula (Mungkahing Oras: 5 minuto)
Sa nakaraang aralin ay iyong napag-aralan at naunawaan ang kabutihan at kahalagahan ng pagiging
responsable sa sarili at sa iba. Ngayon naman ay pagtutuunan mo ng pansin ang pag-iwas sa mas matinding
suliranin sa pamamagitan ng mabisang paglutas dito.
Nais ng aralin na ito, na bilang isang kabataan ay mabigyan ka pa ng sapat na patnubay o paalala. Nawa
ay makatulong ito na magabayan ka habang ikaw ay nasa ika-10 grado na ngayon.
Inaasahan na ikaw bilang mag-aaral ay magkaroon ng pagsisikap na huwag hayaang malugmok sa
problema. Kundi ikaw mismo ay matulungan ang iyong sarili kung paano harapin ang mga ganitong sitwasyon.

D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: 20 minuto)


Gawain sa Pagkatuto Bilang 1. Suriing mabuti ang nasa larawan pagkatapos ay sagutan ang mga sumusunod
na katanungan. Gawin ito sa iyong sagutang papel. Mga tanong:

1. Ano ang mensaheng makukuha mo sa larawan?

2. Mahalaga ba na makinig sa payo o paalala ng mga


nakatatanda? Ipaliwanag

3. Bilang isang kabataang tulad mo, paano maiiwasan na


humarap sa mas malala at matinding suliranin?
Pangatwiranan ang iyong sagot.

PAG-IWAS SA MAS MATINDING SULIRANIN


Alamin ang mga sumusunod na pitong (7) patnubay o paalala na makatutulong sa iyo na magkaroon ng
matalinong pagpapasya at makaiwas sa posibleng mas matinding suliranin na maari mong maranasan.
1. MAGLAAN NG ORAS PARA MAKAPAG-ISIP. Bago magsimulang magdesisyon tanungin muna ang iyong
sarili ng mga sumusunod na tanong:
a. Ano ang peligro na maaari kong maranasan sa desisyon na gagawin ko?
b. Ano ang posibleng resulta ng aking gagawin?
k. May mabuti ba itong dulot sa akin?
d. Hanggang kalian ang benepisyo nito?
e. Pagsisisihan ko ba ang gagawin kong hakbang sa mga susunod na araw?
2. TIMBANGIN ANG MGA BENEPISYO AT MGA PANGANIB NA KAKAHARAPIN. Mas matimbang ba ang
mabuting idudulot kaysa matinding problema na maaari mong maranasan?
3. ISAALANG-ALANG ANG MGA PAGPIPILIAN. Mahalagang mapili ang pinakaangkop na solusyon sa
iyong problema upang hindi ka magkamali at magsisi sa huli.
4. HUWAG MAGDESISYON KAPAG IKAW AY GALIT. Ang galit ay bumubulag sa isang tao na maaring
magdulot sa iyo ng isa pang mas matinding pagkakamali.
5. ISIPIN ANG MGA TAO NA MALAPIT SA IYO BUKOD SA IYONG SARILI NA MAAARING MAAPEKTUHAN NG
IYONG DESISYON. Maaari bang masaktan ang iyong mga magulang? Maaari bang magdusa ang iyong
pamilya?
6. HUMINGI NG PAYO. Maging maingat sa taong hihingian ng payo. Pumili ng taong iginagalang mo at
mga taong mapagkakatiwalaan. Isang taong tunay na makakatulong na malutas mo ng may
katalinuhan ang iyong mga suliranin.
7. MANALANGIN SA DIYOS. Humingi ng karunungan sa Diyos upang magkaroon ng tamang lunas o
desisyon sa suliranin.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2. Humaharap tayo sa mga desisyon araw-araw. Mga sitwasyon na
kinakailangan ng madaliang solusyon. Ang iba naman ay kinakailangan ng mahabang panahon at oras. Ang
mga sumusunod ay mga sitwasyon na maaari mong maranasan paglipas ng limang taon. Sa bawat guhit o
blanko sa ibaba, isulat ang bilang o mga bilang ng 7 patnubay o paalala sa iyong mga desisyon na binasa at
pinag-aralan kanina. Ito ay makakatulong sayo upang makaiwas sa mas matinding suliranin. Gawin ito sa iyong
sagutang papel.
___________________1. May nag-alok sayo ng isang simpleng pagganap sa isang TV show.
___________________2. Hindi kayang suportahan ng iyong mga magulang ang iyong pag-aaral. Kaya
kailangan mong magdesisyon kung ikaw ay magtatrabaho o hindi sa isang karinderya.
___________________3. Nahuli mo ang iyong maliit na kapatid na pinaglalaruan ang bago mong biling
cellphone.
___________________4. Inanyayahan ka ng iyong kaibigan na mamasyal at manuod ng sine ngunit bigla mong
naalala na may tatapusin ka palang proyekto na ipapasa kinabukasan.
___________________5. Nasa labas ka ng inyong paaralan ng bigla kang inalok ng sigarilyo ng kaklase mo at
hinihiling pa niya na sindihan mo ito.

E. Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras: 20 minuto)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3. Gumawa ng isang islogan sa isang malinis na papel na manghihikayat sa iyong
kapawa kabataan upang makaiwas sa mas matinding suliranin. Gamiting gabay ang rubrik sa ibaba.

RUBRIK SA PAGTATASA
Mahusay na naipahayag ang kanyang mga ideya.
10 –Puntos
Maayos na nailahad ang mga ideya ngunit may bahagyang kakulangan
8-Puntos
ang mga ito.
Nailahad ang kanyang mga ideya subalit kailangan pag-ibayuhin pa ang
5-Puntos
kakayahan sa paggawa ng islogan

A. Paglalapat (Mungkahing Oras: 10 minuto)


3 mahahalagang bagay na natutunan ko ngayon.

2 Bagay na nais ko pang matutunan

Naramdaman ko habang pinag-aaralan ang aralin na ito


V. PAGNINILAY (Mungkahing Oras: 5 minuto)
● Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans.
Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral
Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng
mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa
iyong pagpili:
✰ - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain
upang matutuhan ko ang aralin.
✔ - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa nito. Nakatulong ang gawain
upang matutuhan ko ang aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi sa
gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o
mahusay.

Gawain Sa Pagkatuto LP
Bilang 1
Bilang 2
Bilang 3

VI. SANGGUNIAN Gaculais, H.R., Ardina, A.DJ., Punzalan, V.B., & Tacadena, J.C. 2004. A Pocketful of
Virtues. Ikalimang Edisyon. Glad Tidings Publishing, Inc.

https://8list.ph/wp-content/uploads/2013/04/8-1024x754.jpg

Inihanda ni: Sinuri ni:


YELENA B. ALVAREZ GENALIN V. CEBALLO, Ph. D.

MA. VICTORIA C. MAGAYON, EDD

You might also like