You are on page 1of 13

10

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Ikalawang Markahan – Modyul 2

Mga Salik na Nakaaapekto sa Pananagutan ng


Tao sa Kahihinatnan ng Kilos at Pasya

Pinasimpleng Modyul mula sa Kagamitan ng Mag-aaral ng Kagawaran ng Edukasyon


(Simplified Module from the Learning Material issued by DepEd)
Ikalawang Markahan – Modyul 2: Mga Salik na Nakaaapekto sa Pananagutan ng
Tao sa Kahihinatnan ng Kilos at Pasya

Pinasimpleng Modyul ni:


Ian Santos B. Salinas

Mga Tagasuri:
Feligena F. Bugay
Orven C. Danugrao
Jose Tala, EdD

Tagapamahala:
Leilani Samson Cunanan, CESO V
Maylene M. Minimo, EdD, CESE
Ariel C. Lansang
Jose C. Tala, EdD
Bago simulan ang pagtalakay sa mga paksang susunod,
mabuting sagutan mo muna ang maikling pagtataya bilang sukatan
ng iyong mga dating kaalaman. Halika, simulan mo na!

PAUNANG PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa iyong kuwaderno.

1. Ito ay tumutukoy sa masidhing pag-asam o paghahangad na makaranas ng


kaligayahan o kasarapan at makaiwas sa mga bagay na nagdudulot ng sakit o
hirap.?
a. Takot c. Gawi
b. Kamangmangan d. Masidhing Damdamin

2. Ito ay tumutukoy sa mga gawaing paulit-ulit na isinasagawa at nagiging bahagi


na ng sistema ng buhay sa araw-araw.?
a. Takot c. Gawi
b. Kamangmangan d. Masidhing Damdamin

3. Ito ay tumutukoy sa kawalan o kasalatan ng kaalaman na dapat taglay ng tao?


a. Takot c. Gawi
b. Kamangmangan d. Masidhing Damdamin
4.Ito ay tumutukoy sa panlabas na puwersa upang pilitin ang isang tao na gawin
ang isang bagay na labag sa kanyang kilos-loob at pagkukusa?
a. Takot c. Karahasan
b. Kamangmangan d. Masidhing Damdamin

5. Isang matandang babae ang nagpapapalit ng malaking pera sa isang sari-sari


store, sinabi ng tindera na walang barya na maaring ipalit sa kaniyang pera. Ngunit
ang totoo ay mayroon naman dahil maraming benta ang kanilang tindahan. Ang
tindera ay nagsinungaling. Anong salik ang nakaapekto sa sitwasyong ito?
a. Takot c. Karahasan
b. Kamangmangan d. Masidhing Damdamin

PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN


Gawain 1
Panuto: Basahin mo at suriing mabuti ang mga sitwasyon. Isulat ang iyong mga
kasagutan sa kasunod na hanay. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Sitwasyon 1
Nakita ni Omar na ang kaniyang matalik na kaibigan ang kumuha ng cellphone
ng kanilang guro. Sa halip na magsumbong, pinili niyang manahimik na lamang
upang hindi madamay at hind maging dahilan ng tampuhan nilang magkaibigan.

Nagpakita ba si Omar ng makataong kilos? Oo ( ) Hindi ( )


Bakit?____________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Sitwasyon 2
Niyaya si Jerome ng kaniyang mga kamag-aral na huwag na munang pumasok
sa klase sa araw na iyon dahil mag-iinuman sila sa bahay ng isa pa nilang kamag-
aral. Sumama si Jerome kahit na ipinagbabawal ito ng kaniyang mga magulang.

Nagpakita ba si Jerome ng makataong kilos? Oo ( ) Hindi ( )


Bakit?____________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Sitwasyon 3
Si Janella ay labinlimang taong gulang pa lamang. Niyaya siya ng kaniyang
kasintahan na si Dave na sila ay magsama na. Ngunit kahit na mahal na mahal ni
Janella ang kasintahan ay minabuti nitong hindi sumama rito at ipagpatuloy ang
kaniyang pag-aaral.
Nagpakita ba si Janella ng makataong kilos? Oo ( ) Hindi ( )
Bakit?____________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Batay sa iyong mga naging sagot sa katatapos na gawain, sagutin mo ang mga
sumusunod na katanungan:

1. Naging madali ba sa iyo ang pagsasagawa ng pasya sa bawat sitwasyon?


Ipaliwanag ang iyong sagot.

2. Ano ang natuklasan mo sa mga gawaing ito patungkol sa iyong kakayahang


magpasya o gumawa ng isang desisyon?

PAGLINANG NG MGA KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWA

Panuto: Pag-aralan ang mga sitwasyon sa ibaba. Gabay ang pormat, tukuyin ang
mga salik na nakaaapekto sa maling pagpapasya ng mga tauhan sa bawat
sitwasyon at tukuyin kung ano ang kanyang pananagutan. Gawin ito sa iyong
kuwaderno.

Ang mga salik ay: a.)Kamangmangan, b.)Masidhing Damdamin, c.) Takot,


d.) Karahasan, e.) Gawi.

Sitwasyon 1
Laging nahuhuli si Ivan SALIK Pananagutan ng
sa kanilang klase dahil Tauhan
madaling araw na siya
natutulog sa
pagsasagawa ng mga
activity sheets. Hindi
niya naiisip na maaari
siyang magkasakit sa
kanyang ginagawa.

Sitwasyon 2
Nakasanayan na ni SALIK Pananagutan ng
Darren na hindi i-mute Tauhan
ang audio habang sila
ay may online class.
Isang araw ay hindi na
nakapagturo nang
maayos ang guro dahil
sa iba’t ibang ingay na
naririnig sa paligid ni
Darren.
Sitwasyon 3
Kinausap si Althea ng SALIK Pananagutan ng
kaniyang guro nang Tauhan
hindi siya nakilahok sa
ginawang Online
Earthquake Drill.

Sitwasyon 4
Papauwi na si Rizzie SALIK Pananagutan ng
nang hinarang siya ng Tauhan
mga tambay at
sapilitang kinuha ang
kanyang pera. Sa
sobrang nerbiyos ay
naibigay din niya ang
perang nasingil mula sa
kontribusyon nila para
sa proyekto.

Sitwasyon 5
Nagsauli ng mga SALIK Pananagutan ng
proyekto ang guro ni Tauhan
Lance sa kanilang
klase. Nang makita
niya ang kaniyang
mataas na marka ay
bigla siyang
napayakap ng hindi
sinasadya sa kanyang
kaklaseng babae.
Batay sa iyong mga naging sagot sa katatapos na gawain, sagutin mo ang mga
sumusunod na katanungan:

1. Paano nakahahadlang ang mga salik na ito tungo sa mabuting pagpili at


pagpapasya?

PAGPAPALALIM

Bago mo sagutin ang ilan sa mga susunod pang gawain upang lubos mong
maunawaan ang mga salik na nakaaapekto sa makataong kilos, muli mong balikan
at unawain ang mga konseptong nakapaloob dito sa pamamagitan ng pagbasa na
may pag-unawa sa mga sumusunod na talata.

I. Panimula:
Ang makataong kilos ay maaaring mabawasan o kaya ay mauwi sa pagiging
isang ordinaryong kilos ng tao dahil sa mga salik na nakaaapekto rito. Ang mga salik
ay direktang nakaaapekto o nakapagpapabago ng kalikasan ng isang makataong
kilos lalo na sa papel ng isip at kilos-loob.
Maari ring mabawasan ang pananagutan ng makataong kilos dahil sa
impluwensiya ng mga salik o elemento na ito. Ang salitang “Salik” ay tumutukoy sa
ano mang bagay, pangyayari o sitwasyon na maaaring magkaroon ng impluwensya
sa maaaring kahinatnan ng ano mang gawain.
May limang salik na nakaaapekto sa makataong kilos, Ito ay ang:
Kamangmangan, Masidhing Damdamin, Takot, Karahasan at Gawi.
Tuklasin natin ang kahulugan ng bawat salik at ating alamin kung paano
nakaaapekto ang mga ito sa ating makataong kilos.

II. MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA MAKATAONG KILOS

1. KAMANGMANGAN
- Ang kamangmangan ay tumutukoy sa kawalan o kasalatan ng kaalaman na
dapat taglay ng tao.

2 URI ng KAMANGMANGAN
a. Kamangmangang Madaraig (Vincible)
- Ito ay uri ng kamangmangan kung saan mayroong pamamaraan na
magagawa ang isang tao upang malampasan ito at ang pagkakaroon
ng kaalaman dito ay magagawa sa pamamagitan ng pagsisikap o pag-
aaral.
b. Kamangmangang Di Madaraig (Invincible)
- Ito ay uri ng kamangmangan kung saan walang pamamaraan na
magagawa ang isang tao upang ito ay malampasan.
- Ito ang uri ng kamangmangan na bumabawas o tumatanggal sa
pananagutan ng tao sa kaniyang kilos o pasya.

2. MASIDHING DAMDAMIN
 Tumutukoy ito sa masidhing pag-asam o paghahangad na makaranas ng
kaligayahan o kasarapan at pag-iwas sa mga bagay na nagdudulot ng sakit o
hirap.
Hal. pag-ibig, pagkamuhi, patuwaan, pighati, pagnanais, pagkasindak,
pagkasuklam, pagnanasa, desperasyon, kapangahasan, pangamba at galit

 Ang Masidhing Damdamin o Passion ay normal na damdamin subalit ang tao


ay may pananagutan upang pangasiwaan ang kaniyang emosyon at
damdamin dahil kung hindi, ang mga emosyon at damdaming ito ang
mangangasiwa sa mga tao.

3. TAKOT
 Ito ay ang pagkabagabag ng isip ng tao na humaharap sa anumang uri ng
pagbabanta sa kaniyang buhay o mga mahal sa buhay.
 Tumutukoy din ito sa pagpataw ng puwersa gaya ng pananakit o
pagpapahirap upang gawin ng isang tao ang kilos na labag sa kaniyang
kalooban.
 Kasama rin dito ang pananakot sa tao o sa kaniyang mga mahal sa buhay
upang mapasunod itong gumawa ng masama.
Hal. Ikaw ay nakakita ng pambubulas (bullying). Dahil takot ka sa mga sigang
mag-aaral, pinili mo na lamang na manahimik.

4. KARAHASAN
 Ito ay ang pagkakaroon ng panlabas na puwersa upang pilitin ng isang tao na
gawin ang isang bagay na labag sa kanyang kilos-loob at pagkukusa. Ito ay
maaring gawin ng isang taong may mataas na impluwensiya.

5. GAWI
 Ang mga gawain na paulit-ulit na isinasagawa at naging bahagi na ng sistema
ng buhay sa araw-araw ay itinuturing na gawi (habits).
 Kung ang isang gawa o kilos ay nakasanayan na, nababawasan ang
pananagutan ng isang tao ngunit hindi ito nawawala.
Hal. Pagmumura na naging pang-araw-araw na ekspresyon ng isang tao.
Mapapanagot ka pa rin kahit nagsimula ito bilang kusang pagsasalita nang
hindi maganda at nakasanayan lamang.

ATING TANDAAN!
Ang bawat kilos na niloob ng tao ay may kakabit na pananagutan. Ang antas
ng pananagutan ay nakadepende sa antas ng kilos na ginawa.
Ang Likas Batas Moral ay patuloy na iiral upang manatili at umiral ang
katarungan . Lahat ng bagay ay may kapalit, malaki man ito o maliit.
PAGHINUHA NG BATAYANG KONSEPTO
Panuto: Gamit ang Concept Web ng Pagkatuto, tukuyin ang mahahalagang
konsepto na natutunan mo mula sa nagdaang gawain at babasahin. Isulat ang iyong
mga kasagutan sa loob ng bawat hugis. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Mga Salik na nakaaapekto sa


makataong kilos

Buuin mo ang di tapos na pahayag sa ibaba. Isulat ang tamang sagot sa


patlang na nakalaan. Piliin ang tamang sagot sa talahanayan sa ibabang
bahagi.

Ang mga ________ ay direktang ________________ o ___________________ ng


kalikasan ng isang makataong kilos lalo na sa papel ng ____________ at
_______________.

Talahanayan ng sagot:

* nakaaapekto,
* isip,
* kilos-loob,
* salik,
* nakapagpapabago
PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO

Muli nating balikan ang iyong mga natutunan mula sa


katatapos na mga gawain. Sa puntong ito ay muli mong tutukuyin
ang mga salik na nakakaapekto sa makataong kilos gayundin ang
pagsasabuhay ng mga prinsipyong ito sa pamamagitan ng
pagbibigay mo ng mga kongkretong hakbang ng pagsasabuhay
nito. Ihanda ang sarili para sa susunod na gawain. (Ilagay ang mga
kasagutan sa isang malinis na papel)

Tayahin ang iyong Pag-unawa


Gawain 1
Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang tamang sagot sa
patlang na nakalaan.
1. Ito ay tumutukoy sa mga gawain na paulit-ulit na isinasagawa at nagiging
bahagi na ng sistema ng buhay sa araw-araw _______________
2. Ito ay tumutukoy sa pagkakaroon ng panlabas na puwersa upang pilitin ang
isang tao na gawin ang isang bagay na labag sa kanyang kilos-loob at
pagkukusa. ___________
3. Ito ay tumutukoy sa pagkabagabag ng isip ng tao na humaharap sa
anumang uri ng pagbabanta sa kaniyang buhay o mga mahal sa buhay.
Tumutukoy din ito sa pagpataw ng puwersa gaya ng pananakit o
pagpapahirap upang gawin ng isang tao ang kilos na labag sa kaniyang
kalooban. __________________
4. Ito ay tumutukoy sa masidhing pag-asam o paghahangad na makaranas ng
kaligayahan o kasarapan at pag-iwas sa mga bagay na nagdudulot ng sakit
o hirap. ________________

5. Ito ay tumutukoy sa kawalan o kasalatan ng kaalaman na dapat taglay ng tao.


________________

TALAHANAYAN NG SAGOT

Gawi Masidhing Damdamin


Takot Kamangmangan
Karahasan Kamangmangang Madaraig
Kamangmangang Di Madaraig
K

Gawain 2
Tukuyin kung ang mga sumusunod na pangungusap ay tama o mali. Isulat ang
“T” kung ito ay Tama at “M” kung ito ay Mali sa patlang na nakalaan. Gawin mo
ito sa isang malinis na papel.

1. Kung walang paraan upang maitama ang kamangmangan, ang isang gawa
ay hindi itinuturing na makataong kilos at walang pananagutan sa bahagi ng
gumawa. ____
2. Ang tao ay may pananagutan na pangasiwaan ang kanyang emosyon at
damdamin. _____
3. Nababawasan ang pananagutan ng isang taong nakakita ng isang krimen at
nagpasyang manahimik at magsawalang-kibo dahil sa takot. ____
4. Kung ang isang gawa o kilos ay nakasanayan na, nawawala na ang
pananagutan ng isang tao. _____
5. Ang antas ng pananagutan ay nakadepende sa antas ng kilos na ginawa.
____
6. Ang makataong kilos ay maaaring mabawasan o kaya ay mauwi sa pagiging
isang ordinaryong kilos ng tao dahil sa mga salik na nakaaapekto rito. ____
7. Ang pinakamahalagang elemento ng makataong kilos ay ang kilos-loob. ____
8. Ang “kamangmangang di madaraig” ay ang kawalan ng kaalaman sa isang
gawain subalit may pagkakataong itama ito. ____
9. Ang kamangmangan ay maitururing na madaraig kung wala ng posibleng
paraan upang malaman ang isang bagay at maitama ito. _____
10. Hindi nawawala ang pananagutan ng isang tao sa kilos na ginawa dahil sa
takot kundi nababawasan lamang. _____

Gawain 3
Tukuyin kung anong salik ang nakakaapekto sa bawat sitwasyon. Isulat ang
tamang sagot sa patlang na nakalaan.
(Kamangmangan, Masidhing Damdamin, Takot, Karahasan, Gawi)
1. Nakasanayan na ni Koojie na dumaan sa susunod na kalye upang sunduin
ang kanyang kaibigan kaya’t madalas ay nahuhuli siya sa pagpasok sa klase.
_________
2. Sa sobrang tuwa ni Gio sa mataas na markang nakuha sa pagsusulit, agad
siyang napatalon sa tuwa at sa di inaasahang pagkakataon ay natabig nito
ang ginagawang proyekto ng kaniyang kaklase at ito ay nasira. _________
3. Bagong salta sa siyudad si Rizzie dahilan upang tumawid siya sa maling
tawiran. ________
4. Nakita ni Don ang pananakit ng kanyang kaklaseng si Bert sa isang mas
nakababatang mag-aaral sa kabilang silid. Hindi niya ito isinumbong upang
hindi sya madamay sa pangyayari. ________
5. Dahil sa ginawang pagtutok ng baril at akmang pananakit ng isang kawatan
kay Althea, napilitan itong ibigay ang perang ibinigay sa kanya ng kanyang
mga magulang bilang pambayad sa kaniyang tution fee. _______
6. Isang lalaking may problema sa pag-iisip ang naglaro ng kandilang may sindi
dahilan upang matupok ng apoy ang kanilang bahay pati ang mga karatig
bahay sa paligid nito. _______
7. Dahil sa agam agam na mawala sa scholarship ng paaralan, kinuha ni Vincent
ang key answer sa lamesa ng kanilang guro upang makakuha ng mataas na
marka sa kanilang pagsusulit. _______
8. Dala ng napanood na nakakatakot na palabas, hindi na nagawang hugasan
ni Elijah ang mga pinggan sa kanilang kusina. _______
9. Dahil sa palagiang pagsasabi ng masasakit na salita ng kamag-aral, napilitang
sagutin ito ni Denzel upang matigil na ang ganitong sitwasyon sa kanilang silid
aralan. _____
10. Dahil sa palagiang pagtulog ng madaling araw dala ng magdamagang
paglalaro ng ML, nagkasakit si Juanito at kinailangang huminto sap ag-aaral.
______

Gawain 4
Mag-isip ng dalawang sitwasyon mula sa iyong karanasan kung saan ay nakagawa
ka ng maling pagpapasya dulot ng iba’t ibang salik. Pagkatapos ay magtala ng
mga hakbang upang mahubog ang kakayahan sa tamang pagpapasya at di na
ito maulit pa.

Suliranin / Problema Hakbang na Gagawin

Hal.
(Masidhing Damdamin) -habaan ang pasensya sa
Nakapagsalita ng hindi maganda dahil nakababatang kapatid
sa galit sa nakababatang kapatid nang
aksidenteng matapakan nito ang - maging mapagtimpi
binubuo mong proyekto.
-gumawa sa lugar na
di madadaanan o maiistorbo o
makakaistorbo ng iba
Sanggunian:

K to 12 Most Essential Learning Competencies (MELC’s)


pahina 122

K to 12 Learner’s Material in Edukasyon sa


Pagpapakatao 10
Pahina 99-106

SUSI SA PAGWAWASTO

Paunang Pagtataya
1. d 4. c
2. c 5. a
3. b

Tayahin ang Iyong Pag-unawa


Gawain 1 Gawain 2
1. Gawi 1. T 6. T
2. Karahasan 2. T 7. M
3. Takot 3. T 8. M
4. Masidhing Damdamin 4. M 9. M
5. Kamangmangan 5. T 10. T

Gawain 3
1. Gawi 6. Kamangmangan
2. Masidhing Damdamin 7. Takot
3. Kamangmangan 8. Takot
4. Takot 9. Karahasan
5. Karahasan 10. Gawi

You might also like