Professional Documents
Culture Documents
EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
QUARTER 3 – MODULE 1
WEEK 1 & 2
PAGMAMAHAL SA DIYOS
1
Modyul 1: Pagmamahal sa Diyos
Unang Bahagi
“ Life is a journey not a destination” – Ralph Waldo Emerson
Ang buhay ay maituturing na isang paglalakbay, sa paglalakbay na ito kinakailangan
natin bilang tao ang makakasama upang maging magaan at masaya ang ating paglalakabay.
Una, paglalakbay kasama ang ating kapuwa at ikalawa, paglalakbay natin na kasama ang
Diyos. Ngunit dapat nating tandaan na hindi sa lahat ng oras ay nagiging magaan at banayad
ang ating paglalakbay. Dito kailangan natin ang pananampalataya sa Diyos.
Naniniwala ka ba sa Diyos? Sa paanong paraan mo maipapakita ang
pananampalataya mo sa kaniya? Sinasabing ang pag-ibig ay nagmula sa Diyos,” Ang Diyos
ay pag-ibig”. Mula sa pagmamahal, nagbabahagi tayo bilang tao ng ating sarili sa kapuwa. Dito
masasalamin ang ating pagmamahal at pananampalataya sa Diyos dahil naibabahagi natin
ang ating buong pagkatao, yaman at talino.
Sa pamamagitan ng modyul na ito, ikaw ay magagabayan at matutulungan na
maunawaan ang kahulugan ng Espiritwalidad at Pananampalataya at ang kahalagahan ng
pagtugon sa panawagan ng Diyos na mahalin ang iyong kapuwa tulad ng pagmamahal mo sa
kaniya.
Sa modyul na ito ay inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na Kaalaman,
Kakayahan at Pag-unawa:
9.1 Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng pagmamahal ng Diyos (EsP10PB-IIIa-
9.1)
9.2 Natutukoy ang mga pagkakataong nakatulong ang pagmamahal sa Diyos sa
kongkretong pangyayari sa buhay (EsP10PB-IIIa-9.2)
Espiritwalidad at Pananamplataya:
Kahulugan ng Espiritwalidad
Ang espiritwalidad ay tumutukoy sa kalagayan ng espiritu ng tao. Sa kabila ng
pagkakalikha sa tao bilang kawangis ng Diyos, ang kalagayan ng espiritu ay batay sa kung
paano nagpapakatao ang espiritu ng tao. Ito ay nagmumula sa pagkatao ng tao. Ang
espiritwalidad ay lumalalim sa tuwing isasabuhay ng tao ang kanyang pagiging kawangis ng
Diyos at kung paano niya binibigyang – turing ang kaniyang kapuwa. Ang tunay na diwa ng
espiritwalidad ay ang pagkakaroon ng mabuting relasyon sa kapuwa at pagsunod sa kalooban
ng Diyos nang may kapanatagan at kapayapaan sa kalooban. Ito ay nagkakaroon ng halaga
kapag ang espiritu ng tao ay sumasalamin sa kaibuturan ng kaniyang buhay kabilang na ang
kaniyang pag – iisip, damdamin, at kilos. Ang espiritwalidad ay hindi nakabatay sa relihiyon
bagkus ito ay ang pagkakataon na masumpungan ng tao ang Diyos.
Kahulugan ng Pananampalataya
“ Ang pananampalataya ang siyang kapanatagan sa mga bagay na inaasam ang
kasiguruhan sa mga bagay na hindi nakikita.”- Hebreo 11:1
Ang pananampalataya ay tumutukoy sa personal na relasyon ng tao sa Diyos. Ito ay isang
malayang pasiya na alamin at kilalanin ang katotohanan ukol sa presensiya ng Diyos sa buhay
ng isang tao at kaniyang pagkatao. Ito ay ang pag-asa sa mga bagay na hindi nakikita ngunit
2
pinaniniwalaang totoo. Ang pananampalataya ang nagdudulot sa tao ng kapanatagan,
kaginhawaan, at kaligayahan. Sa pananampalataya inilalagay ng tao ang kan iyang paniniwala
at pagtitiwala sa Diyos. Inaamin ng tao ang kanyang kahinaan at mga limitasyon at nagtitiwala
na ang mga ito ay pupunuin at gagawing ganap ng Diyos. Sa madaling salita, ang
pananampalataya ay ang pagsasabuhay ng tao sa kung ano ang kanyang mga
pinaniniwalaan. Ito ay lumalago sa tuwing isasabuhay ang mga pansariling paniniwala. Ang
pananampalataya tulad ng espiritwalidad ay maipapahayag anuman ang relihiyong
kinabibilangan. Ang pananampalataya din ay kinakailangang alagaan upang mapanatili ang
ningas nito.
Pagmamahal sa Diyos
Ang salitang pagmamahal ay isang napakahiwagang kataga na bumabalot sa
ninuman. Maaaring ito ay pagmamahal sa iniirog, kapatid, magulang o kaibigan.
Kaalinsabay ng salitang pagmamahal ay ang pagpaparaya at pagtitiis. Gaya ng nakasaad
sa Banal na Kasulatan na “Mahalin mo ang Diyos higit sa lahat, pangalawa ang magulang”
(Exodo 20: 3-17). Malinaw na isang banal na utos ang pagmamahal sa Diyos na Siyang
lumalang sa tao at sansinukob.
Isang dalisay na halimbawa ay ang pagmamahal ng Panginoong Hesus sa
Kaniyang hinirang kung saan ginamit Niya ang Kanyang dugo at buhay upang ipantubos sa
ating kasalanan (Juan 3:16).Masasabing pagmamahal sa Diyos ang anumang espiritwal at
matalik na pakikipag-ugnayan sa Kaniya. Natatanging karanasan mula sa inspirasyon ng
Diyos upang mahinuha ng bawat isa ang karunungan at kalooban ng Diyos sa buhay ng
tao.
Itinuturing ang pagmamahal ng Diyos bilang pangunahing daan upang
mapasimulan ng tao ang kaalaman ukol sa Diyos. Sa tulong ng pagmamahal ng Diyos,
nauunawaan ng tao ang kailangan niyang gawin upang mapalapit sa Diyos at maisagawa
ang Kaniyang kalooban.
3
isahin ang puso ng bawat isa sa pamamagitan ng pag-ibig.
2. Ang pagmamahal ng Diyos ay isang biyaya ng espiritu.
Kung naniniwala tayo sa Diyos, ito ang magiging batayan at pamantayan ng ating
buhay at pagpapasiyang moral.
3. Ang pagmamahal sa Diyos ay banal at walang hanggan ( Psalm 136:26).
Ang pagmamahal sa Diyos ay masasalamin sa kasaysayan ng paglikha at kaligtasan
ng tao( Juan 3:16)
4. Ang pagmamahal ng Diyos ay nakakapagpabago ng tao.
Ang pagmamahal ng Diyos ay isang espiritwal na enerhiya na nagbibigay daan tungo
sa pagbabago (1 Pedro 5:10).
Kahalagahan ng Pagmamahal sa Diyos
1. Sa bisa ng pagmamahal sa Diyos, nababago nito ang kamalayan ng tao.
2. Pinadadalisay ng banal na pag-ibig sa Diyos ang puso ng bawat tao upang magmahal ng
tunay sa kapuwa.
3. Sa tulong ng pagmamahal sa Diyos, ang puso ng bawat tao upang magmahal ng tunay
sa kapuwa.
4. Sa paggabay at pagmamahal sa Diyos nakararanas ang tao ng balik-loob.
Sa konklusyon, masasabi ko na tayong lahat ay pinakamamahal ng Diyos dahil
hindi lamang Niya tayo nilikha bagkus ipinagkaloob Niya sa ating ang kangyang
pinakamamahal na bugtong na Anak na si Hesus upang tayo ay tubusin sa ating mga
kasalanan at muling pagkalooban ng buhay na walang hanggan sa Kaniyang piling. Kaya
nararapat lamang na ibalik natin sa Kanya ang pagmamahal na ito sa pamamagitan ng
malalim na pananamplatataya sa Kaniya at pagtupad sa lahat ng Kaniyang mga tagubilin
(Hebreo 11:6).
Ikalawang Bahagi
Gawain I-A : Discussion Web
Panuto: Buuin ang sumusunod na dayagram . (Kopyahin ang pormat at sagutan sa sagutang
papel.)
Mga konsepto ng
Espiritwalidad at
Pananampalataya
ESPIRITWALIDAD PANANAMPALATAYA
1. 1.
2.
2.
3.
3.
1.
2.
5
1. Huwag kang magkaroon ng ibang
Diyos bukod sa Akin.
Gawain III .A
A. Panuto: Tukuyin kung ang pangungusap ay Espiritwalidad o Pananampalataya.
____________ 1. Pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa kapuwa at pagsunod sa mga utos ng
Diyos.
____________ 2. Magmahalan at maging mapagpatawad sa kapuwa.
____________3. Tanggapin ang mga pagsubok na may pag-asa na malalagpasan ang mga ito
sa tulong ng Diyos.
____________4. Ang pagtulong sa kapuwa nang walang hinihintay na kapalit.
____________5. Kailanma’y hindi tayo iniwan ng Diyos lalo sa panahon na may mabigat na
pagsubok sa ating buhay.
B.Panuto: Suriing mabuti ang bawat sitwasyon at tukuyin kung ang pangungusap ay tumutukoy
sa:
Katangian ng Pagmamahal sa Diyos, isulat ang simbolo ng
Kahalagahan sa Pagmamahal sa Diyos, isulat ang simbolo ng
Isulat sa iyong sagutang papel ang iyong tamang sagot.
____6. Ang pag-aaral ng mga salita ng Diyos ay nagpapatibay ng ating relasyon sa Kaniya.
____7. Ang panalangin sa Diyos ang nagpapanatili ng ugnayan natin sa Kaniya.
____8. Si Manuel ay dating mainitin ang ulo at palaaway, ngunit siya ay nagbago n ang siya ay
niyaya ni Mary sa sumali Bible study.
____9. Hindi nakaliligtaan ni Aurora na magbigay ng kaniyang tulong sa mga nasalanta ng mga
kalamidad.
____10. Naniniwala si Thomas sa siya ay makakapasa sa kaniyang pagsusulit sa tulong ng
masigasig na pag-aaral na may kasamang mataimtim na panalangin sa Diyos.
Gawain III .B: Lord Salamat!
Ang pagpapasalamat ay isang paraan ng pagtanaw natin ng ating utang na loob sa mga
biyaya na ipinagkaloob sa atin ng Diyos o ng ating kapuwa. Sa kasalukuyang nararanasan
nating pandemya at iba’t-ibang mga kalamidad sa ating bansa maging sa buong mundo,may
dapat ka bang ipagpasalamat sa Diyos? Anu-ano ang mga ito? Kopyahin ang pormat na nasa
ibaba sa iyong sagutang papel. ( 15 puntos )
6
PAMANTAYAN SA PAGWAWASTO SA:
Gawain I.B
Gawain II.A & B
Gawain III.B
MGA KRAYTIRYA
1.Nailalahad nang maayos ang sariling pagpapahalaga sa pagbibigay ng sagot.
2. Malinaw at organisadong naipahahayag ang ideya sa kabuuan ng sitwasyon.
3. Gumamit ng mga salitang angkop at may paggalang sa bawat sitwasyon.
Sanggunian
A. Inilimbag ng Pamahalaan
Kagawaran ng Edukasyon. 2015. Edukasyon sa Pagpapakatao-Ikasampung Baitang Modyul
para sa Mag-aaral.Unang Edisyon.Pasig City
B. Biblia
Lumang Tipan
Bagong Tipan
C. Mula sa Intrenet
uttps:www.youtube.com/watch?v=y-414Erjfig&features=share
https://www.youtube.com/watch?v=rO-cz30KrkQ
7
Susi sa Pagwawasto
ESPIRITWALIDAD
1. Mabuting relasyon sa kapuwa
2. Pagsunod sa kalooban ng Diyos
3. Pagsasabuhay ng mga Gawain ng Diyos
PANANAMPALATAYA .
Gawain III
A. 1. Espiritwalidad B.6.
2. Espiritwalidad 7.
3. Pananampalataya 8.
4. Espiritwalidad 9.
5. Pananampalataya 10.
8
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
Division of Pangasinan II
Binalonan
Pangalan:____________________________________ Petsa:_____________________
Baitang at Seksiyon:________________________ Iskor:_____________________
Gawain A.1
Panuto: Humanap ng limang (5) mahahalagang konsepto na kabilang sa aralin. Isulat ang mga
salitang nahanap sa sagutang papel.
E S P I R I T W A L I D A D N
M P T R M K W Y S T R M K I T
P A N A N A M P A L A T A Y A
G G M Y K Y G A G G K M H O D
B H I K L N H G T H T N D S K
N T H L M T T I Y T Y T S M Y
S N P A G S U B O K D Y I N N
I S L D S G H I N Y Y K Y O M
R D S H D K M G M M T R K P S
N M R N T M T R Y N R M T T G
PARAAN NG PAGPAPATIBAY NG
PANANAMPALATAYA AT PAGMAMAHAL SA
DIYOS
9
1 2 3 4 5
10
MGA KRAYTIRYA
1. Nailalahad nang maayos ang sariling pagpapahalaga sa pagbibigay ng sagot.
2. Malinaw at organisadong naipahahayag ang ideya sa kabuuan ng sitwasyon.
Gawain B
Performace Task: Pagtala ng mga nais isabuhay
Panuto: Sagutin ang tanong na may kinalaman sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng
pananampataya at pagmamahal sa Diyos sa panahong ito ng pandemya at mga kalamidad sa
buhay.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Pamantayan sa Paggawa
Kategorya (15) (12) (10) Puntos
Kabuuang Iskor
(25)
11