You are on page 1of 17

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

10 Z est for P rogress

0
Z Peal of artnership

Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikatlong Markahan - Modyul 4:
Ang Pagmamahal sa Diyos ay
Pagmamahal sa Kapwa

Pangalan ng Mag-aaral : _________________________


Baitang at Seksyon : _________________________
Paaralan : _________________________
ALAMIN

Naitanong mo na ba sa iyong sarili kung ang pagmamahal sa diyos ay


pagmamahal sa kapuwa? Ang pagmamahal na ito ang susi ng pagpapalalim
ng tao ng kaniyang pagmamahal at pananampalataya sa Diyos. Ikaw, paano
mo minahal ang Diyos? ang iyong kapuwa?
Sa modyul na ito ay matutukoy ang pinakamahalagang mensahe na dapat
maunawaan at maipamalas ng mag-aaral.

a. Napangangatwiranan na: Ang pagmamahal sa Diyos ay


pagmamahal sa kapwa. EsP10PB-IIIb-9.3

SUBUKIN
Paunang Pagtataya
Panuto:
Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ang
pinakatamang sagot. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

1. Ito ay ang personal na ugnayan ng tao sa Diyos. Isa itong malayang


desisyon na malaman at tanggapin ang katotohanan sa pagkatao.
a. Espiritwalidad
b. Pananampalataya
c. Panalangin
d. Pag-ibig

2. Ang pagsasabuhay ng pananampalataya ng mga Muslim ay nakabatay sa


Limang Haligi ng Islam. Ang sumusunod ay sakop nito maliban sa:
a. Pagdarasal
b. Pag-aayuno
c. Pagninilay
d. Pagsamba

3. Ang sumusunod ay mahahalagang aral ng pananampalatayang


Kristiyanismo maliban sa:
a. Magmahalan at maging mapagpatawad sa bawat isa.
b. Ang Diyos ay nasa ating lahat sa bawat pagkakataon ng ating
buhay.
c. Pagpapabuti sa pagkatao sa pamamagitan ng pag-iwas sa
materyal na bagay.
d. Tanggapin ang kalooban ng Diyos na may kagaanan at likas na
pagsunod.

2
4. Alin sa sumusunod ang nagsasabi ng tunay na diwa ng espiritwalidad?
a. Ang palagiang pag-aaral at pagbabasa ng salita ng Diyos.
b. Ang pagiging maawain at matulungin sa pangangailangan ng
kapuwa.
c. Ang pananatili ng ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng
pananalangin sa araw-araw.
d. Ang pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa kapuwa at
pagtugon sa tawag ng Diyos.

5. Sinasabi sa Hebreo 11:1 na “Ang pananampalataya ang siyang


kapanatagan sa mga bagay na inaasam, ang kasiguruhan sa mga bagay na
hindi nakikita.” Alin sa sumusunod na pahayag ang tama ukol dito?
a. Nagiging panatag ang tao dahil iniibig siya ng Diyos.
b. Nagiging panatag ang tao dahil siya ay naniniwala at nagtitiwala
sa Diyos.
c. Nagiging panatag ang tao dahil siya ay umaasa sa
pagmamahal ng Diyos.
d. Nagiging panatag ang tao dahil alam niya na hindi siya
pababayaan ng Diyos.

6. “Ang nagsasabi na iniibig ko ang Diyos, subalit napopoot naman sa


kaniyang kapatid ay sinungaling.” Ang pahayag ay______.
a. Tama, dahil dapat mahalin ang kapuwa.
b. Mali, dahil maipakikita ang pagmamahal sa Diyos sa
pamamagitan ng pagdarasal at pagsisisimba.
c. Mali, dahil ang pagmamahal sa Diyos ay maipakikita sa
mabuting ugnayan sa Kaniya.
d. Tama, dahil maipakikita lamang ang tunay na pagmamahal sa
Diyos kung minamahal din ang kapuwa.

7. Bakit mahalaga sa buhay ng tao ang panahon ng pananahimik o pagninilay?


a. Upang malaman ng tao ang mensahe ng Diyos sa kaniyang buhay.
b. Upang lumawak ang kaniyang kaalaman at magsabuhay ng aral
ng Diyos.
c. Upang lumalim ang kaniyang pakikipag-ugnayan sa Diyos.
d. Upang lalong makilala ng tao ang Diyos at maibahagi ang
Kaniyang mga Salita.

8. Araw-araw ay nagsisimba si Aling Cora at hindi nakalilimot na magdasal.


Siya rin ay nagbabasa ng Bibliya bago matulog sa gabi. Kahit ganito, malupit
si Aling Cora sa kaniyang kasambahay. Pinarurusahan niya ito kapag sila ay
nagkakamali. Nagsasabuhay ba si Aling Cora ng kaniyang pananampalataya?
a. Oo, dahil ginagawa naman niya ang kaniyang tungkulin sa Diyos.
b. Oo, dahil ang kaniyang pagsisimba, pagdarasal, at pagbabasa ng
Bibliya ay ikinalulugod ng Diyos.
c. Hindi, dahil siya ay nagpaparusa sa kaniyang kasambahay.
d. Hindi, dahil nababalewala ang kaniyang ugnayan sa Diyos kung
hindi maganda ang ugnayan niya sa kaniyang kapuwa.
9. Alin sa sumusunod ang naglalarawan ng aral ng Budismo?

3
a. Pag-aayuno.
b. Pagmamahal at pagpapatawad sa isa’t isa.
c. Pagdarasal ng limang beses sa isang araw.
d. Pagpapahalaga sa kabutihang panloob at mataas na antas ng
moralidad.

10. Ang sumusunod ay naglalarawan ng buhay na pananampalataya


maliban sa:
a. Kumikilala at nagmamahal sa Diyos.
b. Naglilingkod at palagiang nananalangin sa Diyos.
c. Nagmamahal at tumutulong sa kapuwa.
d. Nagmamahal sa Diyos at nagmamahal sa kapuwa.

BALIKAN
Gawain 1:

Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang iyong mga katangian bilang tao ayon
sa sumusunod na aspekto (pangkatawan, panlipunan, pangkaisipan,
emosyonal, at espiritwal).

Sagutin ang mga tanong:

4
1. Ano ang masasabi mo sa iyong mga katangian sa mga aspektong
nabanggit?

2. Ano-ano ang iyong isinulat sa aspektong espirituwal? Ipaliwanag.

3. Sa iyong palagay, alin sa mga aspektong iyan ang pinakamahalaga?


Bakit?

TUKLASIN
Gawain 2:

Panuto:

1. Gumawa ng isang malikhaing presentasyon kung paano mo maipakikita


ang inyong ugnayan sa Diyos. Pwedeng isali ang iyong mga kasama sa bahay.

2. Ipasa ang iyong ginawa sa isang video na di magtatapos ng labin-


limang minuto (15 minutes).

3. Ang iyong presentasyon ay bibigyan ng puntos ayon sa krayterya


na nasa ibaba.

4. Sagutin ang mga tanong:

5
a. Ano ang napansin mo sa iyong presentasyon?

b. Ano ang dapat gawin upang maipakita ang mabuting ugnayan sa


Diyos? Ipaliwanag.

c. Paano mo maisasabuhay ang iyong pakikipag-ugnayan sa


Diyos? Ipaliwanag.

SURIIN
Gawain 3:

Ano ang naunawaan mo sa pagmamahal sa Diyos at kapuwa? Upang


masubok ang lalim ng iyong naunawaan, sagutin mo ang sumusunod na mga
tanong sa iyong papel:

1. Ano ang kahulugan ng espiritwalidad?

2. Ano ang kahulugan ng pananampalataya?

3. Paano nakatutulong ang pananampalataya ng tao sa kaniyang


buhay?

4. Ano ang pagkakatulad ng pananampalatayang Kristiyanismo,


Islam, at Buddhismo?

5. Magbigay ng paraan upang maipakita ang pagmamahal sa Diyos


at kapuwa?

6
PAGYAMANIN
Gawain 4:

Panuto:
Para mas malaman kung paano mo naipapakita ang pagmamahal sa
Diyos at sa kapuwa kilalanin mo nang lubos ang iyong kakayahan. Sa
pamamagitan ng larawan, sabihin kung gaano mo ito ipinapakita. Lagyan ng
tsek √

Araw-araw Paminsan-minsan di-ginagawa

1. Panalangin ___ ___ ___

2. Pagninilay ___ ___ ___

3. Pagsisimba o Pagsamba ___ ___ ___

7
4. Pag-aaral ng ___ ___ ___
Salita ng Diyos

5. Pagmamahal sa Kapuwa ___ ___ ___

ISAISIP

Gawain 5:

Panuto:
Mula sa iyong ginawa sa gawain 4 ay bumuo ka ng konsepto tungkol dito
gamit ang graphic organizer o diagram. Isulat ito sa iyong papel. Matapos mo
itong gawin, ibahagi ito sa iyong kaibigan.

Diagram

8
Pag-uugnay ng Batayang Konsepto sa pag-unlad ko bilang tao.

1. Ano ang kabuluhan ng batayang konsepto sa aking pag-unlad


bilang tao?

2. Ano-ano ang maaari kong gawin upang mailapat ang aking mga
pagkatuto sa modyul na it?

ISAGAWA

Gawain 6:

Ngayon ay nabatid mo na ang kahalagahan ng espiritwalidad at


pananampalataya sa iyong buhay. Ito ang iyong magiging sandata sa oras
ng problema at pagsubok. Ito rin ang nagpapalalim ng iyong ugnayan sa
Diyos.

Basahin ang mga sitwasyon na nasa ibaba. Unawain ito ng mabuti.


Sagutin kung ano ang iyong gagawin sa bawat sitwasyon na naibigay. Isulat
ito sa sagutang papel.

9
PAGTATAYA
Panuto: SET A
Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng
pinakatamang sagot. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

1. Nautusan kang bumili ng gamot ng iyong ina para sa nakakabatang


mong kapatid, ngunit ikaw ay gumagawa pa ng iyong takdang aralin.
Paano mo susundin ang iyong ina kahit alam mong may gagawin
ka pa?
a. Susunod ka ngunit ikaw ay nagdadabog.
b. Ihihinto mo muna ang paggawa ng iyong takda at susunod sa
iyong ina
c. Hindi mo ito papakinggan.

2. Ang iyong kamag-aral ay may kapansanan sa pagsasalita at ikaw ay


kanyang kinausap. Paano mo ipakikita na hindi hadlang ang kanyang
kapansanan?
a. Aasarin mo ito.
b. Kakausapin ito ng buong respeto at bilang isang normal na tao.
c. Hindi mo ito kakausapin at lalayo ka.

10
3. Ang tao ay nilikha ng _____ na may kanya-kanyang kakayahan at
talento…
a. Bagay
b. Diyos
c. Hayop
d. Tao

4. Ang iyong nakasabay sa daan papuntang paaralan ay ang iyong guro.


Marami syang bitbit at hirap na hirap ito. Ang maari mong gawin ay?
a. Mauuna ka at hahayaan mo lang siya.
b. Hahayaan mo lang ito at magkukunwaring walang napansin.
c. Aalukin mo ito ng iyong tulong.

5. Ang ________ ay tumutukoy sa pag-uugali na nagpapakita ng


pananagutan at isang responsibilidad sa ating kapwa.
a. Pakikipag-iibigan
b. Pagmamahal
c. Pagsasalo
d. Pakikipagkapwa-tao

6. Ang iyong mga kamag-aral ay pumunta sa inyong bahay. Ang


iyong kapatid ay nanduon at ito ay may kapansanan. Ano ang
iyong gagawin upang ipakita na mahal mo ang iyong kapatid?
a. Papuntahin sa kwarto at magtago.
b. Ikakahiya ito.
c. Ipapakilala sa mga kamag-aral at ipagmamalaki ito.

7. Pupunta ka sa isang kaarawan ng iyong kaibigan ngunit biglaang


sumama ang pakiramdam ng iyong mabutihing ina. Ano ang iyong
ipapakita sa iyong ina sa ganitong sitwasyon?
a. Ipagpapaliban mo na lang ang pag-alis at aalagaan ang iyong ina.
b. Hahayaan mo na lang ito at aalis ka pa rin.
c. Bibilhan mo siya ng gamot, sabay alis.

8. Ang iyong kaibigan ay nagkwento tungkol sa kanyang sikreto at


sinabing huwag mo raw itong ipagkakalat. Ano ang iyong gagawin sa
kahilingan ng iyong kaibigan?
a. Sisiraan mo siya.
b. Ipagkakalat mo ito sa iba.
c. Hindi mo ito sasabihin sa iba dahil isa kang tunay na kaibigan.

9. Isang matanda ang iyong nakita at nahihirapan ito sa kanyang


pagtawid. Ano ang maari mong gawin bilang pagtanaw ng respeto sa
nakakatanda?
a. Tutulungan at aalalayan ito sa pagtawid.
b. Ipagsasawalang bahala mo ito at hindi papansinin.
c. Tatawanan mo ito.

11
10. Sa oras ng recess, nakita mo ang iyong kamag-aral na hindi
kumakain at napag alaman mong ito ay walang baon. Paano mo ipapakita
na mahal mo ang kapwa mo?
a. Iingitin mo ito.
b. Aalukin mo ito ng dala mong pagkain at bibigyan.
c. Hindi mo ito papansinin.

Panuto: SET B
Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng
pinakatamang sagot. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

1. Ang mga sumusunod ay ang pagbabahagi ng mga biyayang natanggap.


Alin dito ang nagpapakita ng may pagmamahal sa kapwa?
a. Nakisali sa paligsahan ng sayaw si Bea para sa premyong pera.
b. Hindi siguradong mananalo sa laro si Karen kaya din a siya
sumali.
c. Masayang tumugtog ng piano si Alex habang nagmimisa.
d. Wala sa nabanggit.

2. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paraan ng may


pagtulong sa kapwa maliban sa isa…
a. Nagbibigay ng tulong lalo na sa mga nasalanta ng kalamidad.
b. Hindi namimili ng kaibigan, lahat ay pinakisasamahan.
c. Nagpapakita ng malasakit sa kapwa.
d. Pinagtatawanan ang kapintasan ng iba.

3. Ang iyong kaibigan ay nagyaya sayo na sa kanilang pook-sambahan


ikaw ay sumama. Nagkataon namang may ritwal sila na nagaganap
dito nang kayo ay pumasok. Bilang pagtanaw ng respeto ng kanilang
ritwal, ano ang iyong gagawin ?
a. Pagtatawanan ko sila
b. Lalabas na lang ako
c. Magmamasid ako sa kanilang ginagawa
d. Hindi ko papansinin

4. Ikaw ay magaling umawit, niyaya kang sumali sa choir sa


simbahan. Ikaw ba ay sasali? Paano mo ipapakita na mahal mo ang
Diyos?
a. Oo, upang maipagmayabang ko ang aking kakayahan.
b. Hindi, dahil nahihiya akong kumanta sa harap ng maraming tao.
c. Hindi, dahil maraming oras ang magagamit.
d. Oo, upang makapagpasalamat sa biyayang bigay ng Diyos.

5. Ang ating katawan at regalo ng Diyos, papaano natin


maipapakita na nagpapasalamat tayo sa kanya?
a. kumain ng masasarap na pagkain
b. pabayaan natin ito
c. alagaan, mahalin at ingatan natin ito

12
d. magdasal tayo
6. Magpasalamat tayo sa ating Diyos. Paano mo ito maipapakita?
a. Upang pagyamanin natin ang biyaya ng Diyos.
b. Upang hindi niya tayo kalimutan.
c. Upang hindi maganda ang buong araw natin.
d. Upang patnubayan tayo sa maghapon.

7. Piliin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pag-ibig sa ating


kapwa? “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili”
a. Kapag maraming gawain sa loob ng bahay, hindi na ako tutulong
dahil may katulong naman si nanay.
b. Kapag nakakita ako ng mga batang mahirap at walang makain,
ibabahagi ko ang aking pagkain.
c. Kapag nakasama ako sa pangkatan o grupong gawain, hindi ko na
ibabahagi ang gamit ko dahil marami naman kami
d. Kapag marami akong baon na hindi ko naubos,iuuwi ko ito para
may pagkain ako sa pag-uwi.

8. Ikaw ay pumasok sa isang pook-sambahan kasama ang iyong nanay


upang magdasal doon. May nakita kang dalawang batang lalaki na
nagtatakbuhan sa loob. Ano ang gagawin mo upang maipakita nang may
respeto sa pook-sambahan?
a. Sasabihin ko sa nanay ko para paalalahanan sila.
b. Sisigawan ko sila.
c. Hahanapin ko ang namumuno rito para isumbong sila.
d. Makikisali ako sa kanila.

9. Siya ang nagbigay ng ating mga talino at talento? Sino ito?


a. magulang
b. Diyos
c. guro
d. kaklase

10. Ang tao ay dapat magbigay halaga sa ating Panginoon sa


pagsisimula ng ating araw sa pamamagitan ng _____
a. pagkain
b. pagpapasalamat
c. paliligo
d. Paglilini

KARAGDAGANG GAWAIN
Ngayon ay hinahamon ka kung paano sisimulan ang pagpapaunlad
ng iyong pananampalataya at espiritwalidad.
Gumawa ng Personal Daily Log (Pansariling pang-araw-araw na
talahanayan) na may kinalaman sa pagpapaunlad ng pananampalataya
at espiritwalidad para sa susunod na dalawang linggo.

13
14
aaral, pp 161-251
Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul para sa Mag-
Sanggunian:
Pagtataya Pagtataya Paunang
SET B SET A Pagtataya
1. c 1. b 1. b
2. d 2. b 2. b
3. b 3. b 3. c
4. a 4. c 4. d
5. c 5. d 5. d
6. b 6. c 6. d
7. d 7. c 7. a
8. d 8. c 8. d
9. b 9. a 9. b
10. d 1. b 10. d
SUSI SA PAGWAWASTO
Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Janet H. Ruelos, T-III

Zamboanga del Sur National High School

Pagadian City Division

Editor / QA: Susan S. Baga

Head Teacher-I
Pagadian City National Comprehensive High School

Tagasuri:

Tagaguhit:

Tagalapat:

Tagapamahala:

DANNY B. CORDOVA, EdD, CESO VI

OIC, Schools Division Superintendent

MARIA COLLEEN L. EMORICHA, EdD, CESE

OIC, Assistant Schools Division Superintendent

MARIA DIOSA Z. PERALTA

CID – CHIEF

MA. MADELENE P. MITUDA, EdD

EPS – LRMDS

JOVITA S. DUGENIA

EPS - EsP

15
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land
Here the trees and flowers bloom Gallant men And Ladies fair Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos,
Here the breezes gently Blow, Linger with love and care All of them are proud and true
Here the birds sing Merrily, Golden beams of sunrise and sunset Region IX our Eden Land
The liberty forever Stays, Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX Region IX
Our..
Here the Badjaos roam the seas Hardworking people Abound, Eden...
Here the Samals live in peace Every valleys and Dale Land...
Here the Tausogs thrive so free Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
With the Yakans in unity

My Final Farewell
Farewell, dear Fatherland, clime of the sun caress'd Let the sun draw the vapors up to the sky,
Pearl of the Orient seas, our Eden lost!, And heavenward in purity bear my tardy protest
Gladly now I go to give thee this faded life's best, Let some kind soul o 'er my untimely fate sigh,
And were it brighter, fresher, or more blest And in the still evening a prayer be lifted on high
Still would I give it thee, nor count the cost. From thee, 0 my country, that in God I may rest.

On the field of battle, 'mid the frenzy of fight, Pray for all those that hapless have died,
Others have given their lives, without doubt or heed; For all who have suffered the unmeasur'd pain;
The place matters not-cypress or laurel or lily white, For our mothers that bitterly their woes have cried,
Scaffold or open plain, combat or martyrdom's plight, For widows and orphans, for captives by torture tried
T is ever the same, to serve our home and country's need. And then for thyself that redemption thou mayst gain

I die just when I see the dawn break, And when the dark night wraps the graveyard around
Through the gloom of night, to herald the day; With only the dead in their vigil to see
And if color is lacking my blood thou shalt take, Break not my repose or the mystery profound
Pour'd out at need for thy dear sake And perchance thou mayst hear a sad hymn
To dye with its crimson the waking ray. r eso und ' T is I, O my co untry, r aising a song unto
thee.
My dreams, when life first opened to me, And even my gr ave is r ememb er ed no more
My dreams, when the hopes of youth beat high, Unmark 'd by never a cross nor a stone
Were to see thy lov'd face, O gem of the Orient sea Let the plow sweep through it, the spade turn it o' er That my
From gloom and grief, from care and sorrow free; ashes may carpet earthly f loor,
No blush on thy brow, no tear in thine eye. Before into nothingness at last they are blown.

Dream of my life, my living and burning desire, Then will oblivion bring to me no care
All hail ! cries the soul that is now to take flight; As over thy vales and plains I sweep;
All hail ! And sweet it is for thee to expire ; Throbbing and cleansed in thy space and air
To die for thy sake, that thou mayst aspire; With color and l ight, with song and lament I fare, Ever
And sleep in thy bosom eternity's long night. repeating the f aith that I keep.

If over my grave some day thou seest grow, My Fatherland ador' d, that sadness to my sorrow lends Beloved
In the grassy sod, a humble flower, Filipinas, hear now my last good -by!
Draw it to thy lips and kiss my soul so, I give thee all: parents and kindred and friends
While I may feel on my brow in the cold tomb below For I go where no slave before the oppressor bends,
The touch of thy tenderness, thy breath's warm power. Where faith can never kill, and God reigns e' er on high!

Let the moon beam over me soft and serene, Farewell to you all, from my soul torn away,
Let the dawn shed over me its radiant flashes, Friends of my childhood in the home dispossessed! Give
Let the wind with sad lament over me keen ; thanks that I rest from the wearisome day!
And if on my cross a bird should be seen, Farewell to thee, too, sweet friend that l ightened my way; Beloved
Let it trill there its hymn of peace to my ashes. creatures all, farewell ! In death there is rest!

I Am a Filipino, by Carlos P. Romulo


I am a Filipino–inheritor of a glorious past, hostage to the uncertain I am a Filipino, child of the marriage of the East and the West. The
future. As such I must prove equal to a two-fold task–the task of East, with its languor and mysticism, its passivity and endurance,
meeting my responsibility to the past, and the task of performing was my mother, and my sire was the West that came thundering
my obligation to the future. across the seas with the Cross and Sword and the Machine. I am of
I sprung from a hardy race, child many generations removed of the East, an eager participant in its spirit, and in its struggles for
ancient Malayan pioneers. Across the centuries the memory comes liberation from the imperialist yoke. But I also know that the East
rushing back to me: of brown-skinned men putting out to sea in must awake from its centuried sleep, shake off the lethargy that has
ships that were as frail as their hearts were stout. Over the sea I see bound his limbs, and start moving where destiny awaits.
them come, borne upon the billowing wave and the whistling wind, I am a Filipino, and this is my inheritance. What pledge shall I give
carried upon the mighty swell of hope–hope in the free abundance that I may prove worthy of my inheritance? I shall give the pledge
of new land that was to be their home and their children’s forever. that has come ringing down the corridors of the centuries, and it
I am a Filipino. In my blood runs the immortal seed of heroes–seed shall be compounded of the joyous cries of my Malayan forebears
that flowered down the centuries in deeds of courage and defiance. when first they saw the contours of this land loom before their eyes,
In my veins yet pulses the same hot blood that sent Lapulapu to of the battle cries that have resounded in every field of combat from
battle against the first invader of this land, that nerved Lakandula Mactan to Tirad Pass, of the voices of my people when they sing:
in the combat against the alien foe, that drove Diego Silang and ―I am a Filipino born to freedom, and I shall not rest until freedom
Dagohoy into rebellion against the foreign oppressor. shall have been added unto my inheritance—for myself and my
The seed I bear within me is an immortal seed. It is the mark of my children and my children’s children—forever.‖
manhood, the symbol of dignity as a human being. Like the seeds
that were once buried in the tomb of Tutankhamen many thousand
years ago, it shall grow and flower and bear fruit again. It is the
insignia of my race, and my generation is but a stage in the 11
unending search of my people for freedom and happiness.

You might also like