You are on page 1of 4

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

SUMMATIVE TEST
(MODULE 3&4)

Pangalan:___________________________________ Taon at Seksiyon:_______________

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang
titik sa patlang bago ang bilang.

________1. Alin sa mga paraan ang magpaunlad ng ugnayan ng tao at Diyos na lubos na mauunawaan
ng tao ang tunay na mensahe ng Diyos sa kanyang buhay?
a. Panalangin c. Pagsisimba o Pagsamba
b. Panahon ng Pananahimik o Pagninilay d. Pagmamahal sa Kapwa
________2. Bakit mahalaga sa buhay ng tao ang panahon ng pananahimik o pagninilay?
a. Upang malaman ng tao ang mensahe ng Diyos sa kanilang buhay
b. Upang lumawak ang kanyang kaalaman at magsabuhay ng aral ng Diyos
c. Upang lumalim ang kanyang pakikipag-ugnayan sa Diyos
d. Upang lalong makilala ng tao ang Diyos at maibahagi ang kanyang mga salita
________3. Paano nakatutulong ang pagsamba sa pagpapaunlad ng pagmamahal ng tao sa Diyos?
a. Panalangin
b. Panahon ng Pananahimik o Pagninilay
c. Makatutulong sa tao upang lalo pang lumawak ang kanyang kaalaman sa salita ng Diyos
d. Pagmamahal sa Kapwa
________4. Ang sumusunod ay naglalarawan sa kahalagahan ng Pagsisimba maliban sa:
a. Ito ay isang paraan upang mapalalim ang ugnayan ng Diyos at tao
b. Ito ay isang paraan kung saan lubos na makilala ng tao ang Diyos
c. Ito ay isang paraan na malalaman ng tao ang kanyang mga turo o aral
d. Ito ay isang paraan ng pagbabasa ng mga aklat tungkol sa espiritwalidad
________5. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa uri ng pagmamahal na “Affection”?
a. Ito ay ang pagmamahal bilang magkakapatid, lalo na sa mga magkakapamilya
b. Ito ay pagmamahal ng magkakaibigan
c. Ito ay pagmamahal batay sa pagnais lamang ng isang tao
d. Ito ay pinakamataas na uri ng pagmamahal na walang kapalit
________6. Ito ay ang personal na ugnayan ng tao sa Diyos. Isa itong malayang desisyon na malaman
at tanggapin ang katotohanan sa pagkatao.
a. Espiritwalidad b. Pananampalataya c. Panalangin d. Pag-ibig
________7. Ang pagsasabuhay ng pananampalataya ng mga Muslim ay nakabatay sa Limang Haligi ng
Islam. Ang mga sumusunod ay sakop nito maliban sa:
a. Pagdarasal b. Pag-aayuno c.Pagninilay d. Pagsamba
________8. Ang sumusunod ay naglalarawan ng buhay ng pananampalataya maliban sa:
a. Kumikilala at nagmamahal sa Diyos c. Nagmamahal at tumulong sa kapwa
b. Naglilingkod at palagiang nanalangin sa Diyos d. Nagmamahal sa Diyos at kapwa
________9. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa aral ng Budismo?
a. Pag-aayuno
b. Pagmamahal at pagpapatawad sa isa’t isa
c. Pagdarasal ng limang beses sa isang araw
d. Pagpapahalaga sa kabutihang panloob at mataas na antas ng moralidad
________10. Ang sumusunod ay mahalagang aral ng pananampalatayang Kristiyanismo maliban sa:
a. Magmahalan at maging mapagpatawad sa bawat isa
b. Ang Diyos ay nasa ating lahat sa bawat pagkakataon ng ating buhay
c. Pagpapabuti sa pagkatao sa pamamagitan ng pag-iwas sa materyal na bagay
d. Tanggapin ang kalooban ng Diyos na may kaganapan at likas na pagsunod

Performance Task:
Magbigay ng mga Gawain kung saan napapaunlad ang pagmamahal sa Diyos.
(5 puntos)
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
SUMMATIVE TEST
(MODULE 5&6)

Pangalan:_________________________________ Taon at Seksiyon:_____________________

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang
titik sa patlang bago ang bilang.

_________1. Isang mahalagang katanungan na kinapapalooban ng dalawa o higit pang mga panig o
posisyon na magkakasalungat at nangangailangan ng mapanuring pag-aaral upang malutas.
a. Balita b. Isyu c. Kontrobersya d. Opinyon
_________2. Anong isyung moral sa buhay ang tumutukoy sa pagpapalaglag ay pag-alis ng isang fetus
o sanggol na hindi maaaring mabuhay sa pamamagitan ng kanyang sarili sa labas ng bahay-bata ng ina?
a. Aborsiyon b. Alkoholismo c. Euthanasia d. Pagpapatiwakal
_________3. Ang sumusunod ay pisikal na epekto ng labis na pag-inom ng alak maliban sa:
a. Nagpapabagal ng isip c. nagiging sanhi ng iba’t ibang sakit
b. Nagpapahina sa enerhiya d. nababawasan ang kakayahan sa pakikipagkapwa
_________4. Bakit hindi maituturing na mabuting halimbawa ang lifeboat exercise kung iuugnay sa
kasagraduhan ng buhay?
a. Dahil susi ito tungo sa mabuting pagtingin sa tunay na kahulugan ng buhay
b. Dahil nagbibigay ito ng positibong pagtingin sa kasagraduhan ng buhay
c. Dahil balakid ito upang mabawasan ang halaga ng pagtingin sa buhay
d. Dahil daan ito upang maisantabi ang pagpapahalaga sa buhay
_________5. Dahil sa isip at kilos-loob, inaasahan na ang tao ay makabubuo ng mabuti at matalinong
posisyon sa iba’t ibang isyung moral na umiiral sa ating lipunan. Ang pangungusap na ito ay:
a. Tama, dahil ginagabayan ng isip ang kilos-loob tungo sa kabutihan
b. Tama, sapagkat ang tao ay may isip na nagbibigay ng kakayahang gumawa, kumilos,
pumili at magmahal
c. Mali, dahil ang tao ay malayang mamili at mamuno sa kanyang paghusga, gawi at kilos
d. Mali, dahil ang tao ay may kakayahang hanapin, alamin, unawain, at ipaliwanag ang
katotohanan sa kanyang paligid
_________6. Anong proseso ang isinagawa ng modernong medisina upang wakasan ang buhay ng
taong may malubhang sakit na kailanman ay hindi na gagaling pa?
a. Suicide b. Abortion c. Euthanasia d. Lethal injection
_________7. Ano ang pinakatanging hayop at natatanging nilikha sa ibabaw ng mundo?
a. Tao b. Aso c. Pusa d. Halaman
_________8.Bakit sagrado ang buhay ng tao?
a. Siya ay kawangis ng Panginoon c. madaling matukso
b. Nilalang na may ispiritu d. madaling sumuko sa buhay
_________9. Paano mapanatiling sagrado ang buhay?
a. Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kontrol sa sarili o pagkakaroon ng disiplina
b. Sa pamamagitan ng pag-aalaga sa sarili na may dignidad at may takot sa Diyos
c. Sa pamamagitan ng pagdarasal
d. Sa pamamagitan ng pag-inom ng alak
_________10. Alin sa mga ito ang nagiging sanhi ng pagkakaroon ng iba’t ibang sakit?
a. Pag-inom ng alak b. Pag-ehersisyo c. Pagtrabaho d. Pagpapatiwakal

Performance Task:
Paano nakakaapeto sa buhay ng tao ang mga isyung ( Aborsiyon, Euthanasia,
Paggamit ng Droga, Alkoholismo, Pagpapatiwakal) Ipaliwanag ang sagot.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
SUMMATIVE TEST
(MODULE 7 & 8)

Pangalan:__________________________________ Taon at Seksiyon:_____________________

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang
titik sa patlang bago ang bilang.

_________1. Ano ang kahulugan ng “pater” na pinagmulan ng salitang patriyotismo?


a. Katatagan at kasipagan c. Pinagkopyahan o pinagbasehan
b. Kabayanihan at katapangan d. Pinagmulan o pinanggalingan
_________2. Alin ang hindi angkop na kilos ng nagmamahal sa bayan?
a. Pagiging tapat sa sarili, sa kapwa, sa gawain at sa lahat ng pagkakataon
b. Pag-awit sa Pambansang Awit nang may paggalang at dignidad
c. Pagsisikap makamit ang mga pangarap para guminhawa ang sariling pamilya
d. Paggawa ng paraan upang makatulong sa mga suliranin ng bansa
_________3. Paano nakahahadlang ang pandaraya at pagkamakasarili sa pag-unlad ng isang bayan
gayundin sapagka-Pilipino natin?
a. Hindi ito nagpapahayag ng pagmamahal sa bayan
b. Masamang matutuhan ng mga batang Pilipino
c. Nawawala ang kapayapaan sa bayang sinilangan
d. Nakaaapekto sa mabuting pakikipagkapwa
_________4. Saan nakikita ang tunay na kahulugan ng patriyotismo para sa isang Pilipino?
a. Sa bawat kilos ng bawat Pilipino natutugunan ang mga pangangailangan ng taong bayan
b. Sa mga hangarin at pangarap ng bawat mamamayan tungo sa pag-unlad ng sarili at
kapwa Pilipino
c. Sa pagtutulungan ng bawat mamamayang Pilipino sa panahon ng sakuna at kalamidad
d. Sa pagsulong ng adhikaing ipagmalaki ang ating kultura at isulong ang turismo ng bansa
_________5. Alin ang hindi kabilang sa mga pagpapahalagang dapat linangin upang tuwirang
maisabuhay ang pagmamahal sa bayan?
a. Paggalang at pagmamahal c. Katahimikan at kapayapaan
b. Katotohanan at pananampalataya d. Katarungan at pagkakaisa
_________6. Ang mga sumusunod ay kilos na nag papamalas ng pagmamahal sa bayan maliban sa isa:
a. Maging totoo at tapat c. magliwaliw kasama ang barkada
b. Mag-aral ng Mabuti d. maging magalang
_________7. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pangangalaga sa kalikasan?
a.pagtatapon ng basura sa may ilog c. pagtulong sa pagtatanim ng mga puno
b.pag-aaksaya ng tubig d. pagsusunog ng mga basura
_________8. Ito ay uri ng kilos na nagpapakita ng pagmamahal sa bayan na kung saan ipinapakita ang
buong pusong pag-awit sa Lupang Hinirang at paggalang sa watawat?
a.maging totoo at tapat c. awitin ang pambansang awit ng mag paggalang at dignidad
b. mag-aral ng Mabuti d. maging masipag
_________9. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagtangkilik ng mga produktong sariling
atin?
a. Bumili ng mamahaling Bag na Channel si Catherine sa isang mall.
b. Piniling gumamit ng mga rattan at kawayan si Nicole para sa kanilang mga upuan.
c. Ipinahiya ng isang babae ang batang nagtitinda ng sampaguita.
d. Mahilig si Henry sa mga imported na tsokolate.
_________10. Paano maipapamalas ng isang tao ang pagiging mabuting botante?
a. Sa pamamagitan ng pagpili ng karapat dapat na politiko na siyang may magandang
adhikain para sa ikauunlad ng bayan.
b. Sa pamamagitan ng pagtanggap ng suhol mula sa magkabilang panig at ni isa sa kanila
ay hindi binoto.
c. Sa pamamagitan ng pagsasawalang kibo sa mga pangyayari.
d. Sa pamamagitan ng pagtanggap ng pera sa mga botante.
Performance Task:

Gumawa ng POSTER na sumasalamin sa buhay ng mga Pilipino na nagpapamalas ng mga


kilos ng pagmnamahal sa bayan.

You might also like