You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES
Zone VI, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
website: www.depedzambales.ph

Pangalan: ______________________________ Baitang/Seksyon: _______________


School: _________________________________ Date: __________________________

GAWAING PAGKATUTO
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

I. Panimula

Magandang Buhay! Mabuting Tao!


Marahil ay marami na kayong napapanood sa inyong mga tv sets at sa
inyong mga cellphone tungkol sa mga kabayanihang ginagawa ng mga Pilipino
ngayong panahon ng pandemya. Maging propesyonal, artisata, pulitiko at
maging ordinaryong mamamayan ay handang magsakripisyo para lamang
makapaglingkod at maipadama ang pagmamahal sa kapwa. Hindi alintana
ang kapahamakan dulot ng pagtulong na ito. Kahit magdulot ito ng sakit at
pagkutya galing sa iba na ito’y palabas lamang upang makaani ng papuri at
kasikatan. Ngunit malakas ang panawagan ng isip na kumilos para sa
katotohan na kailangan nating magtulungan upang malagpasan ang
pandaigdigang problemang ito. Ang ating kilos loob na gawin ang tama para
sa ikabubuti ng bawat isa, isantabi ang mga balakid na nakakasagabal sa
kaganapan bilang isang tao. Ang mabuting asal sa kapwa ang nagbibigay ng
magandang buhay sa tao.

II. Kasanayang Pampagkatuto


Napatutunayan na ang isip at kilos loob ay ginagamit para lamang sa
paghahanap ng katotohanan at sa paglilingkod/pagmamahal. (EsP10MP-lb-
1.3)
Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang
mahanap ang katotohanan at maglingkod at magmahal. (EsP10MP-lb-1.4)

1
III. Mga Layunin:
Sa gawaing pagkatuto na ito, inaasahang maipamamalas mo ang
sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
1. naipapakita na ang isip at kilos loob ay paraan para makamit ang
katotohanan at paglilingkod/ pagmamahal ;
2. nagagamit ang isip at kilos loob bilang batayan para mahanap ang
katotohanan at maglingkod at magmahal; at
3. naitatalaga ang sarili na maipakita ang kakayahang mahanap ang
katotohanan at maglingkod at magmahal.

IV. Pagtalakay sa Paksa


Basahin at unawaing mabuti.

“Ang Mga Katangian ng Pagpapakatao”

Tatlong yugto ng paglikha ng pagka-sino ng tao

1. Ang tao bilang indibidwal


➢ tumutukoy sa pagiging hiwalay niya sa ibang tao.
➢ ang kaniyang pagka-indibidwal ay isang proyektong kaniyang bubuuin
habang buhay.

2. Ang tao bilang persona


➢ Isang proseso ng pagpupunyagi tungo sa pagiging ganap na siya.
➢ Siya ay bukod-tangi, hindi siya mauulit (unrepeatable) at hindi siya
mauuwi sa anuman (irreducible).
➢ Ibig sabihin, hindi siya mababawsan at maibababa sa kanyang pagktao
dahil “buo” siya bilang tao(Dy, 2012, ph 295).
➢ Napakahalaga ang pagtuklas at pagpapaunlad niya ng kaniyang mga
talento, hilig, at kakayahan upang mabuo niya ang kaniyang pagiging
sino.

3. Ang tao bilang personalidad


➢ Pagkamit ng tao ng kaniyang kabuuan, ang resulta ng pagpupunyagi
sa pagbuo ng kanyang pagka-sino.
➢ Ang taong itinuturing na personalidad ay may mga matibay na
pagpapahalaga at paniniwala, totoo sa kaniyang sarili at tapat sa
kanyang misyon.
➢ Ang pagkamit ng kaniyang pagka-personalida ay nangangailangan ng
pagbuo(integration) ng kanyang isip, pagkagusto (willingness),

2
pananalita, at pagkilos tungo sa isang pagpapahalagang magbibigkis sa
lahat ng mga ito.
➢ Mabubuo lamang ang kanyang sarili kung itatalaga niya ang kanyang
pagka-sino sa paglilingkod sa kanyang kapwa lalo na sa mga
nangangailangan.
➢ Hindi lahat ng tao ay personalidad dahil hindi nila nakamit ang mataas
na antas ng kanilang pagka-persona.

Tatlong Katangian ng Tao Bilang Persona


(ayon kay Scheler, 1974)

1. May Kamalayan sa sarili


❖ May kakayahan ang tao na magnilay o gawing obheto ang kaniyang isip
ang kanyang sarili.
❖ Ang taong may kamalayan sa sarili ay may pagtanggap sa kaniyang mga
talent na magagamit niya sa kaniyaang pakikibahagi sa mundo.
❖ Dito nanggagaling ang positibong pagtingin niya sa sarili.
❖ Ito ang nagpapatibay ng kaniyang kalooban sa pagtugon sa kaniyang
bokasyon at tunguhin sa buhay (Moga, 2005)

2. May kakayahang Kumuha ng buod o esensiya ng mga umiiral


❖ Ito ang kakayahang kumuha ng buod o esensiya ng mga particular na
umiiral.
❖ May kakayaahan siyang bumuo ng konklusiyon mula sa isang
pangyayari.

3. Umiiral na nagmamahal (ens amans)


❖ Ang umiiral na nagmamahal ang pinakamahalagang katangian ng tao
bilang persona.
❖ Ang ens amans ay salitang Latin na ang kahulugan ay umiiral na
nagmamahal.
❖ Ang tao ay may kakayahang magmahal dahil ang puso niya ay
nakalaang magmahal.
❖ Lahat ng mabuting kilos ay kilos ng pagmamahal.
❖ Kumikilos ang tao para sa kabutihan dahil siya ay umiiral na
nagmamahal.
❖ Ang pagmamahal ay galaw ng damdamin patungo sa mga tao at iba pang
bagay na may halaga.
❖ Hindi maituturing na bulag ang pagmamahal dahil nakikita ng taong
nagmamahal ang halaga ng minamahal.
❖ “May sariling katwiran ang pagmamahal na hindi mauunawaan ng
mismong katwiran.”

3
❖ Ang pagmamahal ay isang galaw patungo sa meron (being) na may
halaga at pagpapaunlad ng halaga ng minamahal ayon sa kalikasan
nito.
❖ Nagmamahal ka hindi upang baguhin at gawing ibang indibidwal ang
iyong minamahal; bagkus, napadadaloy mo ang tunay na siya.

V. Gawain

A. Panuto: Ang ating kalooban ay parang isang on line selling na maaari nating
maialok sa iba na gustong pumasok at makipanuluyan. Inihahanda mo ba
ang iyong loob para sa ibang tao? Anu-ano ang iyong inihahanda? Anu-ano
ang nasa loob mo? Umisip ng mga simbolo na kakatawan sa bawat taglay
mong katangian na nagpapakita ng iyong paglilingkod ng may pagmamahal sa
iyong kapwa. Gumuhit ng sampung simbolo sa puso sa ibaba.

Rubric para sa Gawain A


(Pagguhit ng Sampung Simbolo)

Kraytirya 10-8 7-6 5-4 3-1


Presentasyon Malinis, Malinis at Malinis at Hindi
malikhain at angkop ang maayos ang malinis at
angkop ang mga larawan mga larawan angkop ang
mga larawan sa sa mga larawan
sa katangiang katangiang sa
katangiang taglay. taglay. katangiang
taglay. taglay.
Nilalaman Ang lahat ng Karamihan May 3-5 sa Higit pa sa 5
nilalaman ay sa nilalaman nilalaman ay sa
wasto ay wasto hindi wasto nilalaman
ay hindi
wasto

4
Kalidad ng Ang mga Ang mga Ang mga Nawawala
mga larawan larawan ay larawan ay larawan ay ang mga
tunay at medyo tunay hindi tapos larawan.
may isang at tugma na at hindi
tiyak na nagpapakita nagpapakita
layunin na ng mga ng mga
maayos na katangian. katangian.
ipinapakita
ang mga
katangian

B. Survey Says
Panuto: Gumawa ng pagtatasa kung anong mga katangiang taglay mo sa
paggamit ng iyong isip at kilos-loob. Sagutin mo ang bawat aytem sa
talahanayan sa ibaba. Lagyan ng tsek(/) ang kolum na kumakatawan sa
iyong sarili sa kasalukuyan.
Mga Katangian ng Pagpapakatao Ako Ito Hindi Ako Ito
1. Isinasaalang-alang ko ang kapakanan ng mga
tao sa aking paligid.
2. Kahit alam kong magdudulot ng sakit at
kapahamakan ko at ng aking pamilya ay handa
pa rin akong tumulong sa aking kapwa.
3. Inuunawa ko ang mga sitwasyon sa
pamayanang aking kinabibilangan lalo na
ngayong panahon ng pandemya.
4. Handa akong magbigay ng aking sarili upang
makatulong sa pagpapabuti ng kapakanan o
buhay ng aking kapwa.
5. Kinikilala ko ang mga pinuno ng ating bansa,
sumusunod sa mga batas at ng mga panukala
upang masugpo ang kriminalidad at maiwasan
ang pagkalat ng epidemyang COVID 19.
6. Iginagalang ko ang desisyon ng aking mga
magulang, mga nakakatanda at mga nasa
kapangyarihan upang hindi ako malagay sa
kapahamakan.
7. May kamalayan ako sa karapatan ng bawat
Pilipino na dapat igalang sa lahat ng oras at
pagkakataon.

5
8. Tumutulong ako sa aking kapwa na walang
hinihintay na kapalit lalo’t higit sa mga
nangangailangan.
9. Ipapadama ko ang aking pagmamahal sa
bawat miyembro n gaming pamilya.
10. Kinikilala ko ang kapangyarihan at kabutihan
ng May Likha sa ikagagapi ng pandaigdigan sakit
na ito sa lalung madaling panahon.

C. PM (Piliin Mo) is the Key


Panuto: Piliin ang tamang sagot sa kahon

kamalayan unfinished Indibidwal Persona Willingness


irreducible kalayaan integration personalidad unrepeatable

Ang Paglikha ng Pagka-sino ng Tao


Ang Tao bilang _________ ay tumutukoy sa pagiging hiwalay niya sa
ibang tao. Nang isinilng siya sa mundo, nagsimula na siyang mag-okupa ng
espasyo na hiwalay saibang sanggol. Dahil sa kanyang ________ at __________,
nasa kaniyang kamay ang pagbuo niya ng kaniyang pagka-sino. Ang
kaniyang pagka-indibidwal ay isang proyektong kaniyang bubuuin habang
buhay bilang nilalang na hindi tapos o ___________.
Ang Tao bilang ________ ay isang proseso ng pagpupunyagi tungo sa
pagiging ganap na siya. Ito ay dahil bukod-tangi siya, hindi siya mauulit o
___________ at hindi siya mauuwi sa anuman o __________.
Ang Tao bilang ___________ ay ang pagkamit ng tao ng kaniyang
kabuuan, ang resulta ng pagpupunyagi sa pagbuo ng kanyang pagka-sino.
Ang pagkamit ng kaniyang pagka-personalidad ay nangangailangan ng
pagbuo o ____________ ng kanyang pag-iisip, pagkagusto o _________,
pananalita at pagkilos tungo sa isang pagpapahalagang magbibigkis sa lahat
ng mga ito.

D. Let’s get ready to Rumble


Panuto: Ayusin ang mga sumusunod na mga titik upang mabuo ang mga
salitang tinutukoy ng mga pangungusap.

6
______________1. LERHECS *Ayon sa kanya may tatlong
katangian ang tao bilang
persona.

______________2. SNAMA SNE * Umiiral na nagmamahal

______________3. ECNESSE FO TENEXISCE *Nakikita ng tao ang


essensiya ng mga umiiral.

______________4. YANLAMAKA AS RILISA *May kakayahan ang tao na


magnilay o gawing obheto
ng kanyang isip ang
kanyang sarili.

______________5. WALBIDDIIN *Tumutukoy sa pagiging


hiwalay niya sa ibang tao.

______________6. TABLEREPEAUN *Ang tao ay bukod-tangi at


hindi siya mauulit.

______________7. SONADADLIPER *Ang pagkamit ng tao ng


kaniyang kabuuan.

______________8. AMOG *Ayon sa kanya ang


positibong pagtingin sa
sarili ang nagpapatibay ng
kaniyang kalooban sa
pagtugon sa kaniyang
bokasyon at tunguhin sa
buhay.

______________9. ANOSREP *Proseso ng pagpupunyagi


tungo sa pagiging ganap na
siya.

______________10. BLECIDUIRRE *Hindi siya mababawasan


at maibaba sa kanyang
pagkatao.

7
E. PPE (Personal Plan of Evaluation)
Panuto: Isulat sa tsart ang iyong Personal Plan of Evaluation (PPE) para sa
pagtatalaga ng sarili na maipakita ang kakayahan sa paghahanap ng
katotohanan at maglingkod ng may pagmamahal.
Itatalaga ko ang aking Sa pamamagitan ng ….
sarili sa:
1. Katotohanan
2. Alituntunin (Batas)
3. Pagmamahal
4. Bolunterismo
5. Obligasyon
6. Paggawa
7. Katarungan
8. Kasipagan
9. Pagtitimpi
10. Pag-asa

Rubric para sa PPE (Personal Plan of Evaluation)


Kraytirya 10-8 7-5 4-1
May malinaw Naipahayag nang Naipahayag nang Hindi malinaw ang
na PPE maikli at malinaw maikli at malinaw larawan ng
ang larawan ng ang larawan ng kaniyang pagka-
kaniyang pagka- kaniyang pagka- sino at hindi nito
sino na sino ngunit hindi nasasalamin ang
nasasalamin ang nito nasasalamin kanyang iba’t ibang
kanyang iba’t ang kanyang iba’t papel sa buhay.
ibang papel sa ibang papel sa
buhay. buhay.
Natukoy ang Kumpleto ang May kulang sa mga May mga kulang sa
kaniyang mga mga papel na papel na tinukoy mga papel na
papel sa tinukoy ayon sa ayon sa kaniyang tinukoy ayon sa
buhay kaniyang estado estado bilang kaniyang estado
bilang kabataan kabataan at mag- bilang kabataan at
at mag-aaral. aaral. mag-aaral.
Natukoy ang Angkop ang mga May mga gagawin Maraming hindi
kaniyang mga gagawin sa bawat na hindi angkop sa angkop na mga
gagawin sa pagtatalaga ng bawat pagtatalaga gagawin sa bawat
bawat sarili. ng sarili. pagtatalaga ng
pagtatalaga sarili.
ng sarili

8
VI. Pagsusulit
Panuto: Tukuyin kung ang sumusunod na pahayag ay TAMA o MALI.

_______1. Iniiwasan ko ang agad-agad na panghuhusga sa aking kapwa.


_______2. Dapat paniwalaan ang lahat ng sinasabi ng social media gaya ng
facebook sapagkat sila’y hindi maaaring magsinungaling.
_______3. Ang kaunting kaalaman ay sapat upang malaman natin ang
katotohanan ukol sa buhay.
_______4. May sapat akong tiwala sa sarili upang magtagumpay sa
buhay.
_______5. Pantay ang aking pagtingin sa kapwa at tanggap ko ang
pagkabukod-tangi ng bawat tao.
_______6. Ang mga lider ng pamahalaan ay kailangang sundin lagi ng
mga mamamayan.
_______7. Naniniwala akong ang taglay na kakayahan ng bawat isa na
makahanap ng lunas sa Pandaigdigang Pandemyang ito.
_______8. Pinapahalagahan ko ang aking kapwa katulad ng aking sarili.
_______9. “Love is Blind.”
_______10. Pagsisikap na makatapos ng pag-aaral.
_______11. Paglahok sa mga gawaing pansibiko o bolunterismo.
_______12. Pagmamalasakit sa nangangailngan.
_______13. Maraming oras ang nilalaan ko sa paglilibang para maging
masaya ang aking kapwa.
_______14. Sa aking pakikipagkapwa, napapanatili ko ang king
kakayahan at pagiging bukod-tangi.
_______15. Ang anumang tagumpay na walang pagpapahalaga sa moral
at espiritwal na kalikasan ng tao ay maituturing na walang
direksyon.

VII. Pangwakas

Panuto: Basahin at unawain ang liriko ng awit na Pag-aalay ng Puso ni Joe


Nero – Nemy Que, SJ. Maaari mo itong pakinggan sa youtube.

Pag-aalay ng Puso(Minsan Lamang)


Joe Nero – Nemy Que, SJ

Minsan lamang ako daraan sa daigdig na ito.


Kaya anuman ang mabuting maa’ring gawin ko ngayon.

9
O anumang kabutihan ang maari kong ipadama?
Itulot ninyong magawa ko ngayon ang mga bagay na ‘to

Koro:
Nawa’y h’wag ko ‘tong ipagpaliban o ipagwalang-bahala
Sapagkat ‘di na ‘ko muling daraan sa ganitong mga landas

Mga Tanong:
1. Anong linya mula sa awit ang pinakamakahulugan sa iyo? Bakit?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. May maibabahagi ka bang karanasan na nagpapatunay sa pagkalinga at
pagsubaybay ng Diyos sa personal mong buhay lalo na sa panahon ng mga
pagsubok at matinding pangangailangan na kinakailangan mong unahin ang
kapakanan ng iyong kapwa bago ang iyong sarili?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Rubric para sa Pangwakas/Pagninilay


Kraytirya 10-8 7-6 5-3 2-1
Paraan ng May matatag May maayos Naipaha Nahira
pagsusu na istilo sa na istilo sa
yag ang pang
pagsusulat. pagsusulat.
lat kaisipan ipahayag
Malinaw ang May kakaya ang
pagpapahayag kaisipan.
hang
ng kaisipan.
magpaha
yag ng
kaisipan.
Pagkau May pagkauna May May May
pagkauna pagkaunawa kaunting
nawa wa sa mataas
tungkol sa pagkaunawa
na gamit at wa sa gamit
isip at kilos- tungkol sa
tunguhin ng at tunguhin
loob isip at kilos-
isip at kilos- ng isip at
loob.
loob kilos-loob.
Komit Nagpaha Nagpaha Nagpaha Walang
naipaha
ment yag ng yag ng yag ng
matibay na planong gagawing yag na
personal na paraan ng planong

10
planong gagawin para paggamit ng gagawin
kailangang sa pagpapun isip at kilos- upang
gagawin para loob. mapaun
lad ng
sa pagpapaun
paggamit ng lad ang
lad ng isip at kilos- paggamit ng
paggamit ng loob. isip at kilos-
isip at kilos- loob.
loob.

VIII. Mga Sanggunian:


Punsalan Edukasyon sa Pagpapahalaga IV. 2007. Manila, Phillppines: Rex
Book Store, Inc.
Gayola Edukasyon sa Pagpapakato 10. 2015. Philippines: DepEd
Punsalan Edukasyon sa Pagpapahalaga II. 2007. Manila, Phillppines: Rex
Book Store, Inc.
Punsalan Edukasyon sa Pagpapahalaga III. 2007. Manila, Phillppines: Rex
Book Store, Inc.
Gayola Edukasyon sa Pagpapakato 8. 2013. Philippines: DepEd
Amarillas Edukasyon sa Pagpapahalaga II. 2006. Quezon City: St. Bernadette
Publications, Inc.
choirmusicpage.blogspot.com

Prepared by:

Brenda L. Navarro
Teacher II
Pundakit High School
District of San Antonio

11

You might also like