You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
CARAGA Administrative Region
Division of Butuan City
AUPAGAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Aupagan, Butuan City
Lagumang Pagsusulit, Bilang 1
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
UNANG MARKAHAN

Pangalan: ______________________________________________ Pangkat: ________________ Petsa: ________________


Maraming Pagpipilian. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang pangunahing gamit ng kilos-loob?
a. Ito ang pagpili at kilalanin ang pagkakaiba ng nararamdaman o emosyon, paghuhusga at pagpapasiya.
b. Ito may kakayahang magnilay o magmuni-muni kaya’t nauunawaan nito ang kaniyang nauunawaan.
c. Ito ang kakayahang kumuha ng buod ng esensiya sa mga particular na mga bagay.
d. Ang tunguhin ng isip ay katotohanan at kakayahang magnilay.
2. Sa pamamagitan nito ay may kaalaman ang tao sa kung ano ang mabuti sa masama.
a. Isip b. kilos-loob c. pagkatao d. damdamin
3. Ang tao ay moral at ispiritwal kung kaya
a. may katawan lamang c. malayang gawin ang gusto
b. walang kakayahang mag-isip d. alam ang tama at mali
4. Ano ang nagtutulak sa taong maglingkod at tumulong sa kapuwa?
a. kakayahang mag-abstraksiyon c. pagmamalasakit
b. kamalayan sa sarili d. pagmamahal
5. Ito ay katotohanan na ang tao ay higit sa lahat ng nilikha
a. may “instinct”
b. may kakayahang mag-isip ng lohikal
c. may kakayahang maghanap ng kanyang makakain
d. wala sa nabanggit
(Para sa bilang 6-7)
“Si Rona ay mahilig sa tsokolate subalit nang nagkaroon siya ng sakit na diabetes naging maingat na sya sa pagpili ng kaniyang kinakain
kahit gustong gusto niya ito.”
6. Bakit kaya ni Rona na kontrolin ang sarili at ang udyok ng kanyang damdamin?
a. Ang tao ay may kamalayan sa sarili
b. Malaya ang taong pumili o hindi pumili
c. May kakayahan ang taong mangatwiran
d. May kakayahan ang taong mag abstraksiyon
7. Ano ang mensaheng mabubuo tungkol sa kakayahan ng tao sa sitwasyong ito?
a. magagawa ng taong kontrolin ang kanyang pandamdam at emosyon at ilagay ang paggamit nito sa tamang direksiyon.
b. ang tao ang namamahala sa kaniyang sarili at walang ibang makakapag dikta sa kaniya ng kailangan niyang gawin.
c. kailangang maging maingat ang tao sa pagpili ng kanyang kakainin upang maiwasan ang pagkakasakit
d. hindi maaaring pantayan ng hayop ang kakayahang taglay ng tao kaya nga ang tao ay natatangi .
8. Inalok ka ng iyong barkada na magbenta ng ipinagbabawal na gamot upang mabili mo ang iyong
gusto. Mahirap ang inyong buhay, pinagkakasya lang ng inyong pamilya ang kinikita ng iyong ama. Ano ang gagawin mo?
a. di baling mahirap basta marangal ang pamumuhay
b. di ko tatanggapin ang alok niya dahil alam ko masama iyon
c. tatanggapin ko ang alok ng barkada ko para makatulong sa pamilya
d. pagkakasyahin ko na lang ang maibibigay sa akin at magsisikap ako sa pag-aaral upang makamit ang pangarap
9. Hindi marunong tumanggap ng pagkakamali at sariling kahinaan ang kaibigan mong si Ruth. Ano ang maipapayo mo sa kanya?
a. papayuhan na maging mahinahon
b. hindi na lang papansinin ang ugali niyang ito
c. pagsasabihan na walang mawawala sa kanya kung matuto siyang magpakumbaba
d. pagsasabihan na ayaw mo ng ganoong kaibigan kaya dapat niyang baguhin ang ugali niyang iyon
10. Alin ang hindi tinutukoy ng bahaging “madaling maging tao” sa kasabihang “Madaling maging tao, mahirap magpakatao?”
a. May konsensiya ang tao.
b. May isip at kilos-loob ang tao.
c. Tapat ang tao sa kaniyang misyon.
d. May kamalayan siya sa kaniyang pagtungo sa kaniyang kaganapan.

11. Alin ang hindi tinutukoy ng bahaging “mahirap magpakatao” sa kasabihang “Madaling maging tao, mahirap magpakatao?”
a. Ito ang nagpapabukod-tangi sa tao sa kaniyang kapuwa-tao.
b. Ibang mag-isip at tumugon ang bawat isa sa magkapatid na kambal kung maharap sa parehong sitwasyon.
c. Nililikha niya sa kaniyang sarili ang mga katangiang nagpapabukod-tangi sa kaniya habang siya ay nagkakaedad.
d. May kakayahan ang tao na itakda ang kaniyang kilos para lamang sa katotohanan at kabutihan.
(Para sa bilang 12-13)
“Nagkaroon ng pagsusulit si Andrie. Noong una, nag-iisip siya kung mangongopya sa pagsusulit o hindi. Napagpasiyahan niyang hindi na
mangopya. Napagtanto niyang walang kasiyahan sa hindi pinagpagurang tagumpay. Mahalaga ang pagkakaroon ng prinsipyo sa pag-
abot ng tagumpay.”
12. Ano ang pinatunayan ni Andrie sa sitwasyon ito?
a. may pag-unawa ang tao sa direksiyon ng kaniyang kilos.
b. ang tao ay may kakayahang pumili ng nais niyang gawin.
c. nakagagawa ang tao ng angkop sa kaniyang pagkatao.
d. ang tao ay may kakayahang alamin ang katotohanan sa bawat sitwasyon.
13. Ano ang mensaheng mabubuo tungkol sa mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob ng tao sa sitwasyong ito?
a. natutukoy ng tao ang gamit at tunguhin ng kaniyang isip at kilos-loob sa angkop na sitwasyon.
b. may kakayahaan ang tao na suriin kung ginamit niya nang tama ang kaniyang isip at kilos-loob.
c. ang isip at kilos-loob ay ginagamit ng tao sa paghahanap ng katotohanan at sa paglilingkod/pagmamahal.
d. may kakayahan ang tao na makagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang mahanap ang katotohanan,
maglingkod, at magmahal.

14. Kung ang pandama ay depektibo nagkakaroon ito ng epekto sa isip. Tama ba o mali ang pahayag?
a. Tama, dahil ang isip ay may koneksiyon sa pandama
b. Tama, dahil ang pandama ang nagbibigay kaalaman sa isip
c. Mali, dahil magkahiwalay ang pandama na kakayahan at isip.
d. Mali, dahil may taglay na kakayahan ang isip upang salain ang impormasyon na naihahatid ditto.
15. Ang tao ay nilikha na may likas na pagnanais sa mabuti at totoo at binigyan ng kakayahan upang malaman kung ano ang mabuti at totoo.
Sa kabila nito, bakit kaya maraming tao ang gumagawa pa rin ng bagay na masama?
a. Higit na madaling gawin ang masamang bagay sa mabuti.
b. Hindi tuluy-tuloy ang pagpili ng tao sa mabuti kaya’t nalilito siya.
c. Kahit alam na ng tao ang mabuti, pinipili pa rin ng ilan ang masama.
d. Madaling maimpluwensiyahan ang tao ng umuusbong na bagong kultura.
16. Hindi mo maunawaan ang leksiyon ng inyong guro at nakababagot sa pakiramdam kaya nawalan ka ng interes na makinig sa kanya. Dahil
dito, wala kang natutuhan sa itinuro niya, at sinisi mo ang iyong guro. Sang-ayon kaba dito?
a. Sang-ayon, dahil responsibilidad ng guro ang maipaunawa sa mga mag-aaral ang leksiyon
b. Sang-ayon, dahil kailangang mapaganda ang leksiyon para hindi nakababagot sa mag-aaral
c. Di sang-ayon, dahil may kakayahan kang piliin ang iyong kilos
d. Di sang-ayon, dahil may pananagutan ang tao sa kanyang kilos
17. Nabibigyang kahulugan ng isip ang isang sitwasyon dahil sa kamalayan at kakayahang mag-abstraksiyon. Kapag nabigyan ng kahulugan
ang isang bagay o sitwasyon nagkakaroon ito ng tawag (calling) sa tao na dapat tugunan. Ano ang kaisipan mula rito?
a. nagkakaroon ng kabuluhan ang mabuhay sa mundo.
b. nabibigyang daan nito ang pagtulong sa kapuwa.
c. napauunlad nito ang kakayahang mag-isip.
d. nagkakaroon ng pagpipilian ang kilos-loob.
18. Ang Tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos kaya’t siya ay tinawag na Kaniyang obra maestro. Ano ang nais iparating ng kasabihan?
a. Kamukha ng tao ang Diyos.
b. Kapareho ng tao ang Diyos.
c. Ang tao ay inilikha ayon sa pisikal na katangian ng Diyos.
d. Ang tao’y may katangiang tulad ng katangiang taglay Niya.
19. Ang pagsasabuhay sa mga pagpapahalaga ay pawang kilos-loob natin. Tama o mali
a. Tama, dahil nakasalalay sa ating pag-dedesisyon ang pagsasabuhay sa mga pagpapahalaga.
b. Tama, dahil ang pagpapahalaga ay nabubuo sa isispan ng tao.
c. Mali, dahil kaakibat ng kilos-loob ang isipan ng tao.
d. Mali, dahil ang pagpapahaalaga ay kagagawan ng ating isipan.
20. Ang tao ay may kakayahang kumilos ayon sa sariling kagustuhan at ayon sa pagdidesisyon kung ano ang gagawin. Tama o Mali?
a. Tama, dahil ang tao ay may malayang kilos-loob.
b. Tama, dahil may likas na batas moral na gumagabay sa kaniya.
c. Tama, dahil may kakayahan ang taong gamitin ang kaniyang konsensiya.
d. Tama, sapagkat ang tao ay may kakayahang pag-isipan ang mga ito.

You might also like