You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
CARAGA Administrative Region
Division of Butuan City
AUPAGAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Aupagan, Butuan City

AUGUST 2019
1ST
Quarter Examination
PAGBASA AT PAGSUSURI 11

Name: ___________________________________________________ Section: _________________ Date: _____________

Multiple Choice. Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang tamang sagot sa
ispasyong nakalaan.

________ 1) Ang pagbasa ay tumutukoy sa


a. Pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto.
b. Pagbuo ng mga imahen sa mga nakasulat na teksto.
c. Isang obhetibo o subhetibong pagbibigay kahulugan sa nakasulat na teksto.
d. Isang pagsasalin ng kaisipan tungo sa isang teksto.

________ 2) Anong teknik ng mabilisang pagbasa na ang pokus ay hanapin lang ang ispesipikong impormasyon
na itinakda bago bumasa. Kinapalooban ito ng bilis at talas ng mata sa paghahanap hanggang sa
Makita ang impormasyon?
a. Analyzing c. Scheming
b. Scanning d. Reading
________ 3) Tumutukoy ito sa nais iparating at motibo ng manunulat sa teksto.
a. Opinyon c. Layunin
b. Katotohanan d. Pananaw

________ 4) Anong uri ng teksto ang kadalasan nagkukuwento ng mga serye ng pangyayari, totoo man o
hindi?
a. Tekstong Arumentatibo c. Tekstong Impormatibo
b. Tekstong Deskriptibo d. Tekstong Naratibo

________ 5) Anong uri ng teksto ang tinagurian ding “teksto ng pangangatuwiran”?


a. Argumentatibo c. Naratibo
b. Deskriptibo d. Persuweysib

________ 6) Anong estruktura ng tekstong impormatibo ang nagpapakita ng mga pagkakaiba at


pagkakatulad sa pagitan ng anumang bagay, konsepto o pangyayari?
a. Sanhi at Bunga c. Paghahambing
b. Pagtutulad d. Pagwawangis
________ 7) Anong pamamaraan ng narasyon na sa halip na direktang pagsasalaysay ay gumagamit ng pag-
uusap ng mga tauhan upang isalaysay ang nagyayari?
a. Diyalogo c. Plot twist
b. Foreshadowing d. Reverse Chronology
________ 8) Anong pamamaraan ng narasyon kung saan nagsisimula sa dulo ang salaysay patungong simula.
a. Diyalogo c. Plot twist
b. Foreshadowing d. Reverse Chronology

Sa numero 9-12, piliin ang apat na sumusunod bilang sagot:

a. Primarya b. Mapagsiyasat c. Analitikal d. Sintopikal

____a____ 9) Nakita ni Dino na Espanyol ang teksto kung kaya ay hindi na niya ipinagpatuloy ang pagbasa.

____d____ 10) Sumulat si Tina sa editor ng diyaryo matapos mabasa ang maling nilalaman nito.

____c____ 11) Iniugnay ni David ang nauunawan sa akda sa sarili niyang karanasan.

____c____ 12) Inunawa niya ang pinabasa ng guro upang masagutan ang pagsusulit.

________ 13) Anong kasanayan sa pagbasa ang angkop sa sumusunod na pangungusap, “Pinakagwapong
artista si Coco Martin.”
a. Ebalwasyon b. Paghihinuha c. Katotohanan d. Opinyon
________ 14) Ayon sa Saligang Batas, ang pangulo ng Pilipinas ay awtomatikong magsisilbi bilang Commander-
in-Chief ng PNP at AFP. Anong kasanayan ito?
a. Opinyon b. Pananaw c. Katotohanan d. Wala sa nabanggit
________ 15) “Mapula ang sikat ng araw ng hapong iyon”. Anong uri ng teksto ang nakapalagay dito?
a. Naratibo b. Impormatibo c. Deskriptibo d. Argumentatibo
________ 16) “Mataba at maganang kumain ang alaga kong aso”. Anong katangian ng tekstong deskriptibo
ang nakapalagay sa pangugusap?
a. Paglalarawan b. Obhetibo c. Subhetibo d. Wala sa nabanggit

________ 17) “Magaling magturo ang guro naming. Malakas ang boses niya at mahusay magpaliwanag ng
Aralin”. Anong katangian ang nailahad sa pangungusap?
a. Paglalarawan b. Obhetibo c. Subhetibo d. Lahat ng nabanggit
________ 18) Sa proseso ng pagbasa ng teksto, may mga kasanayang dapat na paunlarin. Bago ka bumasa,
anu-anong mga bagay ang dapat mo i-konsidera?
I. Pagsuri ng panlabas na katangian upang masuri ang uri o genre ng teksto.
II. Pagsisiyasat ng tekstong babasahin kung kinakailangan ito ayon sa layunin ng pagbasa
III. Paghihinuha Pagkakaroon ng previewing o surveying

a. I at II b. II at III c. I at III d. Lahat ng nabanggit

________ 19) Habang sa pagbabasa naman, anu-ano ang mga dapat mong gawin?
I. Pagtantiya sa bilis ng pagbasa
II. Biswalisasyon ng binabasa
III. Pagbuo ng matalinong prediksyon kung tungkol saan ang teksto
a. I at II b. II at III c. I at III d. Wala sa nabanggit
________ 20) Matapos mong basahin ang isang buong teksto, ano ang maaari mong gawin base sa
kasanayan?
I. Pagbuo ng koneksyon
II. Pag-ugnay ng mga imbak at kaligirang kaalaman
III. Ebalwasyon
a. I lamang b. II lamang c. III lamang d. Lahat ng nabanggit
________ 21) “Naramdaman ko ang halong lungkot at saya sa aking nabasa.” – Ano ang sinuri ng mambabasa
sa tekstong kanyang binasa?
a. Pananaw b. Layunin c. Damdamin d. Pamaraan
________ 22) Kung ikaw ay naanyayahan sa isang pagpupulong, at layunin mo lamang gumamit ng tekstong
persweysib, alin sa mga sumusunod ang bahagi ng iyong talumpati?
a. Kung nagdesisyon ka nang iboto si Teodoro Casino hidi mo na kailangang ituloy ang pakikinig.
b. Tunay na maaliwalas at maganda ang lamig ng simoy ng hangin sa Baguio.
c. Ang unti-unting pagsikat ng araw ay isang senyales ng panibagong bukas na aking
kakaharapin.
d. Wala sa mga nabanggit.
________ 23) Dumarating tayo sa punto na minsan ay nais na nating sumuko. Nawawalan na tayo ng pag-asa
para magpatuloy sa landas na pinili nating tahakin. Ngunit minsan ay maiisip din natin na
pagsubok lamang ang lahat ng ito. Isang patunay na tayo ay buhay na buhay at may malakas
na pangangatawan para muli bumangon at lumaban sa hamon ng buhay.
a. Tekstong Deskriptibo c. Tekstong Naratibo
b. Tekstong Impormatibo d. Tekstong Prosidyural
________ 24) Batay sa mga pag-aaral ng WWF-Philippines, nakararanas ang ating bansa ng mga pangyayaring
pangkalikasan bunga ng patuloy ng paglala ng climate change. Isa na rito ang paglakas ng El Niṅo
na ating nararanasan.
a. Tekstong Deskriptibo c. Tekstong Argumentatibo
b. Tekstong Persweysib d. Tekstong Impormatibo
________ 25) Namumutla, nangangatog ang buong katawan, at nanginginig ang boses ni Pak. Giniginaw siya
at pakiramdam niya ay anomang oras maaari siyang bawian ng buhay. - Mula sa “Takipsilim sa
Dyakarta ni Mochtan Labis”
a. Tekstong Deskriptibo c. Tekstong Naratibo
b. Tekstong Impormatibo d. Tekstong Prosiyural
________ 26) Kung ikaw ay gagawa ng isang tekstong Impormatibo, bakit masasabing ang pananaliksik ang isa
sa mahahalagang bahagi sa pagsulat?
a. Upang maging malinaw at organisado ang daloy ng mga impormasyong isusulat
b. Upang masigurong pawang mapagkakatiwalaan at totoong impormasyon lamang ang
isusulat
c. Upang maging higit na kapaki-pakinabang sa mga mambabasa ang mga impormsyong
isusulat
d. Upang magkaroon ng marami at malawak na impormasyon ang paksang tatalakayin sa
tekstong isusulat
________ 27) Ang sumusunod ay mga antas ng pagbasa, maliban sa:
a. Mapagsiyasat b. Asimilasyon c. Analitikal d. Sintopikal
________ 28) Alin sa mga sumusunod ang hindi kasali sa grupo?
a. Pagbuo ng koneksyon c. Pagsulat ng layunin
b. Paghihinuha d. Muling pagbasa
________ 29) Alin ang hindi kasama sa proseso pagkatapos magbasa?
a. Pagtukoy ng layunin c. Pagbubuod
b. Pagtatasa ng komprehensiyon d. Ebalwasyon
________ 30) Alin sa mga sumusunod sa ibaba ang hindi kasama sa mga kasanayan sa mapanuring pagbasa?
a. Layunin b. Metodo c. Pananaw d. Damdamin

Hanapin ang Mali. Sa numero 31-33, hanapin kung ano ang mali sa pangungusap.

________ 31) Ang paggawa ng isang rebyu ay pagbubuod ng isang pananaliksik, tesis, o kaya ay tala ng
A B
anumang pag-aaral sa isang tiyak na disiplina o larangan. WALANG MALI
C D
________ 32) Kadalasang ginagamit ang elemento ng pagtutulad sa paggawa ng impormatibong teksto na
A B
nagpapakita ng mga pagkakaiba sa pagitan ng anumang bagay. WALANG MALI
C D
________ 33) Mahalaga ang malawak na bokabularyo ng mambabasa sa komprehensiyon ng mga tekstong
A B
impormatibo. WALANG MALI
C D
________ 34) Alin sa mga sumusunod ang nagbibigay ng pinakamalapit na pagpapakahulugan sa Tekstong
Deskriptibo?
a. Pangatwirang hahantong sa isang lohikal na konklusyon.
b. Maaaring obhetibo o subhetibo at maaari ring gamitan ng iba’t ibang tono at paraan.
c. Nagbabaahagi ng kaalaman
d. Wala sa nabanggit
________ 35) Sumasang-ayon ka bang gumawa ng tekstong argumentatibo na walang isinasagawang
pananaliksik? Oo o Hindi? Bakit?
a. Oo, dahil ang pakikipag-argumento ay kinakailangan nanggagaling sa sidhi ng damdamin.
b. Oo, dahil ang pagsasagawa ng pananaliksik ay nangangailangan ng mahabang panahong
pagsisiyasat at paghahanap ng mga datos at maaaring hindi na magawa ang isang
argumento.
c. Hindi, dahil ang pananaliksik ang pinakamahalagang salik sa paggawa ng argumento
sapagkat ito ang patunay o ebidensyang susporta sa isang proposisiyon.
d. Hindi, dahil lahat ng argumento ay dapat maging balido.
________ 36) Ang tekstong walang layunin ay maihahalintulad sa byaheng walang patutunguhan. Tama o Mali?
Bakit?
a. Tama, dahil ang tekstong walang layunin ay walang tiyak na paksang tatalakayin
b. Tama, dahil ang layunin ang siyang nagbibigay direksyon sa talakayan.
c. Mali, dahil ang layunin ay hindi isang byahe.
d. Mali, dahil ang layunin ay hindi lang dapat ang maging baseha sa talakayan ng isang teksto.
________ 37) Ang tekstong impormatibo at tekstong prosidyural ay tekstong magkapareho lang ang layunin.
Tama o Mali? Bakit?
a. Tama, dahil pareho itong nagbibigay impormasyon sa mga mambabasa.
b. Mali, dahil ang tekstong prosidyural, maliban sa ito’y nagbibigay impormasyong,
nagbabahagi rin ito ng intruksyon.
c. Parehong tama ang letrang a at b
d. Wala sa nabanggit
________ 38) Sa pagsulat ng isang kuwento na hango sa totoong buhay at nakakatibag-damdamin, anong uri
ng teksto ang mas mainam gamitin? Bakit?
a. Deskriptibo, sapagkat naisasalaysay nito ang bawat detalye ng mga pangyayari, mula sa
imahen ng setting hanggang sa emosyon ng kuwento kung saan ay nakapagbibigay ito ng
interes.
b. Naratibo, sapagkat sa pagsasalaysay ng tunay na kuwento dapat itong nakahanay sa
kronoholikal na paglalahad.
c. Persuweysib, sapagkat ang kuwento ay dapat nakapanghihikayat ng mga mambabasa.
d. Lahat ng nabanggit.

________ 39) Ang tekstong deskriptibo ay nararapat lamang na ang paglalahad nito ay nakabatay sa
obhetibong paglalarawan lamang. Tama o Mali? Bakit?
a. Tama, sapagkat pagsinabing obhetibo, ito ay pawang katotohanan lamang.
b. Tama, dahil nararapat lamang ilahad kung ano lang ang nakikita ng katauhan
c. Mali, sapagkat ang paglalarawan ay hindi lamang nakabase sa pisikal na kaanyuan. Maaari
ring pang-emosyonal na kaanyuan.
d. Mali, dahil ang paglalarawan ay dapat mas nakabase sa pang-emosyon na katangian
upang mas madaling maunawaan ng mambabasa.

________ 40) Ang pagsulat ng isang teksto kung saan naglalahad ng isang partikular na pamamaraan ng isang
gawain ay nararapat lamang na isalin sa tekstong naratibo. Tama o Mali? Bakit.
a. Mali, dahil ang paglalahad ng pamamaraan ng isang gawain ay dapat nakasalin sa tekstong
prosiyural.
b. Mali, dahil ang paglalahad ng pamamaraan ng isang gawain ay dapat nakasalin sa tekstong
impormatibo.
c. Mali, dahil ang paglalahad ng pamamaraan ng isang gawain ay dapat nakasalin sa tekstong
persuweysib.
d. Wala sa nabanggit.
________ 41) Sapat na ba ang tekstong persuweysib kung ang panghihikayat ng manunulat ay nakabase lang
sa kanyang sariling kaalaman? Oo o Hindi? Bakit?
a. Sapat na, basta’t nakakainteres ang kanyang paksa.
b. Sapat na, hangga’t kaya nitong mapaniwala ang mga mambabasa.
c. Sapat na, basta ba’y nahihikayat niya ang marami
d. Wala sa nabanggit.
________ 42) Ang bawat uri ng teksto ay may kanya-kanyang kahalagan dahil mayroon itong kanya-kanyang
layunin. Tama o Mali? Bakit?
a. Tama, dahil magagamit ito sa iba’t-ibang estilo ng pagpapahayag.
b. Tama, dahil nakadesinyo ito para sa iba’t-ibang uri ng pagpapahayag
c. Parehong tama ang letrang a at b.
d. Wala sa nabanggit.
________ 43) Kung ikaw ay inatasang gumawa ng patalastas paukol sa inyong paaralan, sa anong wastong uri
ng teksto mo ito isasalin?
a. Tesktong persuweysib, dahil layunin ng aking patalastas ay manghikayat ng mas marami
pang estudyanteng mag-enrol sa aming paaralan.
b. Tekstong Argumentatibo, dahil layunin ko na ipaglaban ang Karapatan ng aming paaralan.
c. Tekstong Impormatibo, dahil nais kong magbigay impormasyon sa ibang tao.
d. Lahat ng nabanggit.
________ 44) Anong pamaraan ng paggawa ng isang tekstong prosidyural ang nararapat mong unang
ikonsidera? Bakit?
a. Metodo, dahil ang tekstong prosidyural ay nangangahulugan na gumawa ng isang
pamamaraan
b. Paksa, dahil hindi makagagawa ng isang tekstokung wala kang paksa.
c. Layunin, dahil magiging mahusay lamang ang tekstong prosidyural kung unang natutukoy
ang layunin.
d. Kagamitan, dahil ang tekstong prosidyural, kapag sumulat ng mga hakbang, nararapat
lamang na ilahad ang mga materyal na gagamitin.
________ 45) Sa panahon na ikaw ay maaatasan na makipag-argumento laban sa isang paksa, ano ang unang-
una mong gagawin?
a. Maghanap ng opponent upang may makikinig sa aking mga argumento.
b. Babasahin ang paksa para sa gagawin na pangangatwiran
c. Sisiyasatin ang paksa at manaliksik ng mga impormasyon o ebidensya para pangangatwiran.
d. Maghanap ng ikakarason at kailangan gamitan ng emosyon upang kapani-paniwala ang
aking argumento.

________ 46) Sa paggawa mo ng isang argumento, anong wastong proseso ang susundin mo?
I. Pumili ng panlipunang paksa na napapanahon.
II. Manaliksik ng mga ebidensiya mula sa mga nobelang may koneksiyon sa napiling paksa
III. Manaliksik din mula sa mga nagganap na’ng imbestigasyon at mga akademikong papel.
IV. Magbigay ng argyumento sa napiling proposisyon
a. I, II, at III b. I, III, at IV c. I, II, at IV d. I, II, III, IV
________ 47) Kung sa isang pagkakataon, ikaw ay inatasang gumawa ng isang teksto kung saan kinakailangan
ang iyong narasyon, anong mga bagay ang iyong ikokonsidera?
I. Isaalalang-alang ang malinaw at lohikal na pagbuo ng estruktura.
II. Pumili ng wastong pamamaraan na gagamitin sa narasyon.
III. Siguraduing angkop ang tunggaliang isusulat sa kwento
IV. Dapat ang bawat tunggaliang tatalakaying ay may resolusyon.
a. I at II lamang b. II at III lamang c. I, II at III d. I, II, III, IV
________ 48) Paano mo huhusayan ang paggawa ng isang tekstong persuweysib?
a. Dapat ay gagawin ito ng may malalim na pananaliksik.
b. Dapat ang pipiliing paksa ay napapanahon upang may kaalaman ang kung sino man ang
babasa
c. Dapat ay may malalim akong pag-unawa sa napili kong paksa.
d. Tama lahat ang sinabi sa a, b, at c.
________ 49) Kung gagawa ka ng isang brochure patungkol sa pagkasira kalikasan gamit ang tekstong
impormatibo, anong wastong uri ng tekstong impormatibo ang nararapat sa iyong gagawing
brochure?
a. Sanhi at Bunga, dahil halatang-halata ang naging epekto ng kawalan ng ating disiplina sa
estado ng kalikasan natin ngayon.
b. Paghahambing, dahil kitang-kita naman ang pinagkaiba ng ating kalikasan noon at ngayon.
c. Pagbibigay depinisyon, dahil sa parang hindi kilala ng mga mamamayan ang ating kalikasang
pinagkukunan ng yaman.
d. Lahat ng nabanggit.

________ 50) Inatasan ka ng iyong guro na gumawa ng sanaysay na may subhetibong pananaw. Anong uri ng
teksto ang ipinagagawa sa’yo?
a. Tekstong Deskriptibo c. Tekstong Naratibo
b. Tekstong Impormatibo d. Tekstong Persuweysib

“Sa pagbasa, nagiging ganap ang pagkatao ng isang nilalang.”

You might also like