You are on page 1of 2

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon V
Sangay ng Camarines Sur
SAN VICENTE NATIONAL HIGH SCHOOL
Buhi, Camarines Sur
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
2019-2020

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


BAITANG 11
Ikalawang Semestre

Pangalan: _______________________________________________ Seksyon______________ Iskor____________

I. PAGPAPASUNOD-SUNOD: Aling hakbang ang dapat mauna? Ayusin ayon sa wastong pagkakasunod-sunod
ang mga hakbang sa pagbuo ng pananaliksik. Lagyan ng titik A, para sa unang hakbang, hanggang F sa huling
hakbang.
______ 1. Pagtukoy ng material at babasahing angkop gamitin
______ 2. Pagpaplano ng Gawain at pagtatakda kung kailan ito dapat gawin
______ 3. Pagsisimulang magtala at mangalap ng datos
______ 4. Pagbuo ng tesis na pahayag
______ 5. Pagtukoy o pagpili ng paksa
______ 6. Pagbuo ng tentatibong balangkas

II. PAGSUSURI: Suriing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang mga nagsasaad ng hindi
wastong gawain sa pananaliksik at lagyan ito ng guhit sa ibabaw. Sundin ang halimbawa.

Hindi mahalaga ang pagbuo ng balangkas lalo na kung gamay na ang paksang isusulat.

1. Bumuo ng isang tentatibong balangkas bago maghanda sa pangangalap ng mga datos.


2. Isulat nang isulat ang mga talang nakalap kahit wala pang organisadong balangkas.
3. Sa introduksyon inilalahad ang tesis na pahayag.
4. Isama pa rin ang hindi mahahalagang impormasyon upang humaba ang sulatin.
5. Hindi na kailangan ng burador sa paghahanda ng isang sulating pananaliksik.
6. Maaaring ilahad ang kongklusyon sa pamamagitan ng paghahawig.
7. Magpokus lamang sa espesipikong paksa.
8. Sapat na ang sariling kaalaman upang bumuo ng tesis na pahayag at matalinong kuro-kuro kahit hindi pa
tumitingin sa ibang sanggunian.
9. Masasabing handa na bilang pinal na papel ang sulatin kahit marami pang dapat baguhin sa estruktura
at argumento nito.
10. Maaari pa ring mauna ang pag-aayos ng mga tala kaysa pagbuo ng tentatibong balangkas basta ayusin
na lang sa burador ang pagkakausno-sunod ng mga ito kapag isinusulat na.
11. Karaniwang isinasagawa ang paghahanda ng datos pagkatapos maidepensa ang konseptong papel.
12. Ang internet ang pinakamapagkakatiwalaang sanggunian ng mga impormasyon at datos. Makasisigurong
laging tama ang nilalaman ng mga ito.
13. Ang sarbey ay isang paraan upang makuha, masuri at mabigyang kahulugan ang pananaw ng mga taong
pinag-aralan.
14. Ang card catalog ay mga talang nakalap mula sa nabasang material.

III. PAGTUTUKOY: Tukuyin kung anong termino sa pananaliksik ang tinutukoy o inilalarawan ng salaysay sa
bawat bilang. Piliin ang salita mula sa kahon.
Talababa 8 Ibid 4 Op. cit. Sarbey 9
Plagiarism 7 Card Catalog 10 APA 2 Notecard 6
Burador 5 Balangkas Bibliograpiya 3 Pananaliksik 1

______ 1. Isang akademikong gawain na nangangailangan ng kritikal, masusi at lohikal na pag-iisip


______ 2. Isang porma sa pagsulat na ginagamit sa larangan ng sikolohiya at iba pang disiplinang
pang-agham na panlipunan
______ 3. Organisadong listahan ng mga sangguniang ginamit sa pagbubuo ng isang sulatin
______ 4. Uri ng pagtatala sa ibaba ng pahina o talababa na ginagamit kapag magkasunod na
binanggit ang sanggunian sa talababa at ang pahina kung saan makikita ang bahaging tinutukoy
______ 5. Unang hakbang sa pagsulat ng kabuuang nilalaman ng isang pananaliksik; tentatibo pa
lamang ito dahil maaari pang mabago habang nagsusulat at patuloy na kinakalap ang mga datos sa
pananaliksik
______ 6. Index card na pinaglagyan ng mga tala at impormasyon na may kaugnayan sa paksa
upang makatulong sa pagsulat ng pananaliksik
______ 7. Paggamit ng mga salitang hinango mula sa ibang teksto at inangkin nang buong-buo,
nang hindi binabanggit ang orihinal na pinagkunan; pangongopya ang malawakang kahulugan
______ 8. Sistema ng dokumentasyon na matatagpuan sa iababng bahagi ng pahina na
nagpapakita ng mga sanggunian, komento at iba pang impormasyong binabanggit sa loob ng teksto,
at may marka ng numero na nasa anyong superscript sa dulo ng pahayag upang maging batayan
______ 9. Isang paraan ng pangangalap ng datos upang makuha, masuri at mabigyang kahulugan
ang pananaw ng mga taong pinag-aaralan o inoobserbahan; ginagamitan ng estatistika sap ag-aaral
at pagsusuri at interpretasyon ng mga datos na nakalap
______ 10. Talaan ng lahat ng sangguniang matatagpuan sa isang silid-aklatan

IV. EBALWASYON: Punan ang balangkas sa ibaba ng mga impormasyon tungkol sa iyong
pangkatang pananaliksik sa Filipino.

(5 pts) Pamagat ng Tesis ______________________________________________________________


_______________________________________________________

I. Kabanata 1
A. Paglalahad ng Suliranin (5 pts)
a. ____________________________________________________________________
b. ____________________________________________________________________
c. ____________________________________________________________________
d. ____________________________________________________________________

B. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral (5 pts)


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

C. Kahalagahan ng Pag-aaral (5 pts)


_____________. ________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________. ________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________. ________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

Gng. Ma. Celeste L. Quijano


Guro

You might also like