You are on page 1of 3

PAGBASA AT PAGSULAT Kwis : Tekstong Argumentatibo

Pangalan: ___________________________________________________ Petsa: ____________ Iskor: _________

Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.

_______ 1. Ito ay isang tekstong nangungumbinsi ng mambabasa na tanggapin ang punto ng may-akda.
a. Tekstong Argumentatibo
b. Tekstong Persuweysib
c. Suhetibo
d. Obhetibo
_______ 2. Subhetibo ang tono ng isang tekstong persuweysib sapagkat nakabatay ito sa _____ at opinion ng
manunulat.
a. Kaisipan
b. Ebidensya
c. Damdamin
d. Opinyon
_______ 3. Katangian na makakatulong kung may interes ka sa paksa at kailangan pagisipan kung ano ang
makatuwirang posisyon na masusuportahan ng argumentasyon at ebidensya.
a. Mahalaga at napapanahong paksa
b. Maikli ngunit malaman at malinaw
c. Malinaw at lohikal
d. Maayos na pagkakasunod-sunod
_______ 4. Pangalawang katangian na maaaring gumamit g introduksyon gaya ng impormasyon at estadistika.
a. Mahalaga at napapanahong paksa
b. Maikli ngunit malaman at malinaw
c. Malinaw at lohikal
d. Maayos na pagkakasunod-sunod
_______ 5. Ang tekstong argumentatibo ay isang uri ng tekstong nangangailangan ng ____ ng manunulat ang
posisyon sa isang tiyak na paksa o usapin gamit ang ebidensya mula sa karanasan, kaugnayan ng
literaturat pag-aaral at iba pa.
a. Ipaglaban
b. Ikumbinsi
c. Ipagtanggol
d. Impluwensiyahan
_______ 6. Pang-ilang talata sa paggawa ng burador ang kaligiran?
a. Unang talata
b. Ikalawang talata
c. Ikatlong talata
d. Ikaapat na talata
_______ 7. Tumutukoy sa pangongolekta ng datos sa pamamagitan ng pakikipanayam, sarbey at
eksperimentasyon
a. Empirikal na pananaliksik
b. Imperikal na pananaliksik
c. Emperekal na pananaliksik
d. Emperikal na pananaliksik
_______ 8. Ang tekstong argumentatibo ay nakahihikayat sa pamamagitan ng:
a. Merito ng ebidensiya
b. Pagpukaw ng emosyon ng mambabasa at pagpokus sa kredibilidad ng akda
c. Pagdadahilan
d. Pagpapahayag ng opinion sa pamamagitan ng mga lathalian.
_______ 9. Ang tekstong argumentatibo ay nakakakumbinsi batay sa:
a. Opinyon
b. Datos o impormasyon
c. Napatunayang teorya
d. Nakalap ng ebidensiya
_______ 10. Ito ay nangangailangan ng malalim na pananaliksik at talas ng pagsusuri sa proposisyon
a. Pangangatwiran
b. Empirikal
c. Argumento
d. Ebidensya
_______ 11. Ito ang pahayag na inilalahad upang pagtalunan o pag-usapan
a. Pag-usapan
b. Proposisyon
c. Argumento
d. Empirical
_______ 12. Ang bahagi ng tekstong ito ay nakakatulong upang ibuod and ideya sa nakaraang bahagi ng teksto at
magbigay ng introduksyon sa susunod na bahagi
a. Tesis
b. Teksto
c. Transisyon
d. Tanda
_______ 13. Ang mga sumusunod ay katangian ng tekstong Argumentatibo maliban sa:
a. Paggamit ng detalyado at tumpak na impormasyon
b. Paggamit ng wikang emosyonal uang maipaliwanag ang argumento
c. Paggamit ng malinaw at lohikal na transisyon upang makasunod ang mambabasa
d. Paggamit ng matibay na ebidensya.
_______ 14. Ano ang ikaapat na hakbang sa pagsulat ng tekstong Argumentatibo?
a. Mangalap ng ebidensya
b. Isulat na ang draft ng iyong tekstong argumentatibo
c. Gumawa ng burador (draft)
d. Itanong sa sarili kung ano ang panig na nais mong panindigan at ano ag mga dahilan mo sa
pagpanig dito.
_______ 15. Ano ang ikatlong hakbang sa pagsulat ng tekstong Argumentatibo?
a. Mangalap ng ebidensya
b. Isulat na ang draft ng iyong tekstong argumentatibo
c. Gumawa ng burador (draft)
d. Itanong sa sarili kung ano ang panig na nais mong panindigan at ano ag mga dahilan mo sa
pagpanig dito.
_______ 16. Sa ikaapat na hakbang sa pagsulat ng tekstong Agumentatibo, alin sa mga sumusunod ang laman ng
ikalawang talata?
a. Unang konklusyon na lalagon sa iyong sinulat
b. Panimula
c. Kaligiran
d. Ebidensyang susuporta sa posisyon
_______ 17. Ito ay isang tekstong nangungumbinsi ng mambabasa na nakabatay sa datos o impormasyong
inilatag ng manunulat.
a. Tekstong Argumentatibo
b. Tekstong Persuweysib
c. Suhetibo
d. Obhetibo

BONUS:

1. Sa naunang presentasyon sa naturing na quotation, ibigay ag pangalan ng awtor na sumulat niyon.


___________________
2. Sa mga nabanggit na halimbawa tungkol sa tekstong argumentatibo. Magbigay ng isang title tungkol
dito. ____________________

You might also like