You are on page 1of 2

Tekstong Deskriptibo

1. Anong teksto ang may layuning maglarawan ng tao, bagay, lugar, at


pangyayari?
A. deskriptibo B. ekspositori C. argumentatibo D. naratibo

2. Ano ang detalyadong paglalarawan ng teksto?


A. masining B. teknikal C. karaniwan D. impresyonistiko

3. Ito ay subhetibo ang paglalarawan dahil sangkot dito ang saloobin ng


manunulat. Ano ito?
A. masining B. gamit ng wika C. teknikal D. karaniwan

4. Tukuyin ang ginamit na katangian sa tekstong deskriptibo. 2 kasagutan.

Ang mahaba niyang buhok, mabining paglakad, at mahusay na pagsagot


ang nagdala kay Pia Wurtzbach sa tagumpay.
A. teknikal B. karaniwan C. impresyunistik D. masining

5. Tukuyin ang ginamit na katangian sa tekstong deskriptibo. 2 kasagutan.

Nakatutuwa ang masisipag na mag-aaral ng kanilang paaralan dahil sila ay


pawang kabataang patuloy na nagsusunog ng kilay upang makakuha ng
matataas na marka.
A. gamit ng wika B. karaniwan C. impresyonistik D. masining

6. Tukuyin ang ginamit na katangian sa tekstong deskriptibo. 2 kasagutan.

Napakahirap talaga ang mag-apply ngayon ng trabaho. Napakahaba ng pila


ng mga aplikante sa labas ng gusali ng kompanya. Napakainit pa naman ng
sikat ng araw.
A. impresyonistiko B. teknikal C. karaniwan D. gamit ng wika

7. Tukuyin ang ginamit na katangian sa tekstong deskriptibo. 2 kasagutan.

Nakita ko ang unti-unting pagkibot ng kaniyang labi at unti-unti ring


pagsungaw ng luha sa kaniyang mga mata, hanggang sa hindi na niya
naitago ang pinipigil na pag-iyak bunga ng malalim na sugat na nilikha ng
paglalayo.
A. teknikal B. gamit ng wika C. masining D. karaniwan

8. Piliin ang pahayag na nagtataglay ng katangian ng tekstong deskriptibo.


A. Bakit naging mabilis ang pagtaas ng baha?
B. Ang eleksyon ay magaganap sa susunod na buwan.
C. Ang maikling kuwento ay isa sa mga anyo ng panitikan.
D. Bilog ang mundo.

9. Piliin ang pahayag na nagtataglay ng katangian ng tekstong deskriptibo.


A. Ang aming paaralan ay napiling manguna sa programang paglilinis ng
mga estero.
B. Naging napakalamlam ng kaniyang mga mata simula nang mawala
ang kaniyang ina.
C. Ang lahat ay hinihimok na maging mapanuri sa darating na eleksyon.
D. Ang Pilipinas ay ang bansang aking sinilangan.
10. Piliin ang pahayag na nagtataglay ng katangian ng tekstong deskriptibo.
A. Ang kaniyang pakikitungo ay nagbago na; naging malamig; sinlamig
ng mga niyebe sa lugar na aming pinanggalingan.
B. Huwag ninyong tingnan ang kasikatan ng isang politiko; ang tingnan
ninyo ay ang kaniyang pagkatao.
C. Tanging ang pananampalataya lamang sa Panginoon ang
makapagpapalaya sa ating mga pagkakasala.
D. Kailan ba nangyari ang mga sandaling iyong isinusumbat sa akin?

Mga Kasagutan

1. A
2. B
3. A
4. A&B
5. C&D
6. A&C
7. A&C
8. D
9. B
10. A

You might also like