You are on page 1of 5

Department of Education

Region VII, Central Visayas


Division Of City Of Bogo
Buac, Cayang ,Bogo City
ODLOT NATIONAL HIGH SCHOOL
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA PAGBASA AT PAGSUSURI

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang titik na ng tamang sagot
I. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng iba‟t ibang uri ng tekstong binasa.
1. Ano ang pangunahing layunin ng deskriptibong teksto?
A. Mangatwiran para sa isang panig
B. Magbigay ng impormasyon tungkol sa kasalukuyang pangyayari
C. Maglarawan o magbigay ng mga detalye tungkol sa isang bagay, lugar, o karanasan
D. Maglahad ng mga karanasan o mga kuwento ng may-akda
2. Anong uri ng teksto ang naglalayong makapagbigay ng sunod-sunod na direksyon at importansiya sa mga
tao upang matagumpay na maisagawa ang mga gawain sa ligtas, episyente, at angkop na paraan?.
A. Naratib B. Persweysib C. Deskriptib D. Prosidyural
3. Bilang mambabasa, makatutulong sa iyo ang kaalaman sa pagtukoy sa paksa ng teksto upang __.
A. Maintindihan ang aral na hatid ng teksto.
B. Malaman ang iba’t ibang bagay na pinagtutuunang-pansin ng mga manunulat.
C. Matukoy rin ang mahahalagang ideya o kaalamang pumapaloob sa tekstong nababasa.
D. Matukoy rin ang pinakamahalagang usapin sa lipunang ginagalawan.
4. Bakit kailangan matutunan ang tamang hakbang sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng teksto?
A. Para matukoy ang kaibahan ng bawat uri ng teksto.
B. Para mapadali ang pagsulat ng iba’t ibang uri ng teksto.
C. Para tama at angkop ang mailalapat na mga salita, pahayag bilang pagkalilanlan sa teksto.
D. Lahat ng nabanggit
5. Sa pagtatayo ng negosyo, may mga hakbanging nararapat isaalang-alang. Una, suriing mabuti ang target ng
pamilihan. Ikalawa, pumili ng angkop na lokasyon. Ikaapat, maghanda ka ng planong pinansiyal. Ikalima, ang
planong pamproduksyon ay gawin.Kung susundin ang mga ito, maaaring matulungan ka upang maitayo ang
isang negosyo.Anong uri ng teksto ito?
A. Impormatibo B. Persuweysib C. Naratibo D. Prosidyural
6. Ikaw ay inatasang manood ng SONA ni Pang. Duterte at isulat ang mga importanteng detalye na kanyang
ibinahagi sa sambayanang Pilipino. Anong uri ng teksto ang iyong gagawin?
A. Prosidyural B. Deskriptibo C. Impormatib D. Persuweysib
7. Gusto mong ibahagi sa iyong mga kaklase kung paano ang paggawa ng facebook account. Anong uri ng
teksto ang iyong isusulat?
A. Prosidyural B. Deskriptibo C. Impormatibo D. Persuweysib
8. Paano nakatutulong ang pagtukoy sa kahulugan ng mga mahahalagang salita sa pag-unawa sa iba't ibang uri
ng teksto?
A. Nagpapalakas ito ng emosyon at damdamin ng mambabasa
B. Nagbibigay ito ng impormasyon tungkol sa kasalukuyang pangyayari
C. Nagpapalawak ito ng kaalaman at pag-unawa sa mga konsepto at ideya ng teksto
D. Nagbibigay ito ng mga personal na karanasan at kuwento
9. Ano ang papel ng pag-analisa sa mga salita sa pag-unawa sa layunin at estruktura ng isang teksto?
A. Nagpapakita ito ng pangunahing tema o paksa ng teksto.
B. Nagpapahayag ito ng personal na opinyon ng mambabasa hinggil sa teksto.
C. Nagbibigay ito ng konteksto at malalim na pang-unawa sa mensahe ng may-akda.
D. Naglalabas ito ng mga detalye tungkol sa buhay ng may-akda at kanyang mga karanasan.
II. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahalagang salitang ginamit ng tekstong deskriptibo .
10. Ang kapayapaan ng bukid ay tila kamay ng isang inang humahaplos sa nag-iinit na noo ni Danding. Anong
pamamaraan ang ginamit ng may-akda sa paglalarawan?
A.Obhetibo o karaniwan B. Subhetibo o masining C. Direkta D. Di- Direkta
11. Paano mo maisasalin ang mga katangiang deskriptibo ng isang teksto sa pagsusulat ng isang buod o sulating
pagsusuri?
A. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga opinyon at pananaw sa teksto.
B. Sa pamamagitan ng paghahambing ng iba't ibang mga elemento ng pagsasalaysay, tulad ng pangunahing
tauhan, tagpuan, at tunggalian.
C.Sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga numerong estadistika at datos mula sa teksto.
D.Sa pamamagitan ng pagtalakay ng mga kaugalian at tradisyon na binibigyang-diin sa teksto.
12. Si Kapitan Tiyago ay pandak, maputi-puti, bilog ang katawan at pagmumukha dahil sa katabaan. Siya ay
mukhang bata kaysa sadya niyang gulang. Ang kanyang pagmumukha ay palaging anyong banal.
Anong pamamaraan ang ginamit ng may-akda sa paglalarawan?
A. Obhetibo o karaniwan B. Subhetibo o masining C. Direkta D. Di- Direkta
13. Anong paraan ng panghihikayat ang tumutukoy sa kredibilidad ng isang manunulat?
A. Ethos B. Pathos C. Logos D. Subhetibo
14. Anong paraan ng panghihikayat ang tumutukoy sa gamit ng emosyon o damdamin upang mahikayat ang
mambabasa.?
A. Logos B.Pathos C. Ethos D. Obhetibo
15.Anong paraan ng panghihikayat ang tumutukoy sa gamit ng lohika upang makumbinsi ang mambabasa?
A. Logos B. Ehos C. Obhetobo D. Subhetibo
16. Sa tatlong paraan ng panghihikayat - ethos, pathos at logos, alin ang ginagamit ng tekstong argyumentatib?
A. Logos B. Pathos C. Ethos D. Subhetibo
III. Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng tekstong ng mga tekstong nabasa .(FIIPS-IIIb-91)
Para sa bilang 17-18

Ang kanyang na mumurok na pisngi at ang napakalalim na biloy na lalong nagpapaganda sa kanyang
mukha kung siya ay tumatawa. Parang iginuhit ang kanyang kilay at nagtataglay ng mga pilik-matang
malalantik at mahahaba na lalong nakatutulong upang ikaw ay mahalina sa kanyang mata.
- Halaw sa “ Huwag Po, Itay…Bernales, et al

17. Ang tekstong inyong nabasa ay isang halimbawa ng _________ .


A. Impormatibo B. Deskriptibo C. Persweysib D. Naratibo

Alas nuebe pa lang. Paglabas ko sa kusina, nagtimpla ako ng kape. Bubuksan ko sana ang TV pero
mas pinili ko mas pinili kong maupo na lamang malapit sa hapag-kainan. Napansin ko ang dyaryong
nakakalat sa mesa. Ibinaba ko muna ang tasa upang makapagbasa. October 12, 2007, bago, ngayong
araw lang ito.
- halaw sa “Tampisaw sa Lason” ni Eljay Castro Deldoc
18. Ang tekstong inyong nabasa ay isang halimbawa ng _________ .
A. Impormatibo B. Deskriptibo C. Persweysib D. Naratibo
IV. Nagagamit mo ang cohesive device sa pagsulat ng sariling halimbawang teksto.

Para sa bilang 19-23

Nag-aagaw na ang liwanag at dilim ngunit ayaw ko pa ring pumasok sa aming bahay. Nakapako ang aking
paningin sa dakong lulubugan ng araw. Nakita kong tila kumakaway na nagpapalam ang paglubog nito. May
lungkot na pumintig sa aking puso kasabay ng pagpatak ng mga perlas na luha mula sa’king mga mata.
Muling nagbalik sa aking alaala ang mapait na kahapon na akala ko’y tunay ko nang nakalimutan.
Ganito rin ang senaryo nang ipinagkait ko sa kanya ang aking pagpapatawad. Binabagabag ako ng aking
kahapon. Ngayon, ganap ko nang naunawaang huli na ang lahat! Paano na ang aking bukas?
19.Sino ang nagsasalita sa binasa mong teksto?
A. Isang dalagang iniwan ng kaibigan
B. Isang taong iniwan ng minamahal dahil sa di pagkakaunawaan
C. Isang binatang hindi napatawad ng kasintahan
D. Isang babaeng hindi marunong magpatawad
20. Alin sa mga pahayag ang masasabing hindi masining?
A. Nag-aagaw ang liwang at dilim. C. Nagbalik sa aking alaala ang mapait na kahapon.
B. May lungkot na pumintig sa aking puso. D. Ganap ko nang naunawaan na huli na ang lahat.
21.Anong uri ng tayutay ang pahayag na ito “Nakita kong tila kumakaway na nagpapaalam ang paglubog nito”.
A. Simili o pagtutulad B. Personipikasyon C. Metapora D. Pagmamalabis
22.Paano mo ilalarawan ang damdamin ng nagsasalita sa teksto?
A. Labis ang kalungkutan C. Naiinis sa mga nangyari sa nakaraan
B. Nanghihinayang sa kahapong nagdaan D. Nalulungkot na may halong pagsisisi at panghihinayang.
23.Kung ikaw ang nasa kalagayan ng nagsasalita sa teksto, anong gagawin mo upang makapag-moved-on ka?
A. Muling maghahanap ng bagong kasintahan.
B. Pipiliting kalimutan sapagkat walang kuwenta ang kahapon.
C. Tanggapin ang kapalaran at harapin ang bukas nang may pagasa.
D. Umasa na muling magtatagpo sila sa darating na panahon.
V. Nagagamit mo ang mabisang paraan ng pagpapahayag sa kalinawan, kaugnayan at bisa sa reaksyong papel na
isinulat.
24. Paano tayo nagsusulat o nagbibigay ng Reaksyon?
A. Maaaring bunga ng mga kaalaman natin sa iba’t ibang kaasalan, gawi at tradisyon.
B. Para rin sa ninanais na panlipunang pagbabago, dahil binibigyang-diin sa ganitong anggulo ang mga paksa
hinggil sa isyu sa lipunan, ekonomiya at politika.
C. Kung minsan,nagiging paksa pa ito ng ating istatus sa mga social networking site, o kaya naman ay
naibabahagi natin sa ating mga kapamilya, kaibigan at kakilala.
D. Lahat ng nabanggit.
25.Bakit tayo nagsusulat?
A. Bilang personal na reaksyon o ekspresyon at pagbibigay din ng kahulugan ukol sa isang paksa.
B. Bilang reaksyon bunga ng kaalaman natin sa iba't ibang kaasalan, gawi at tradisyon.
C. Magkaroon ng layuning behavioral at functional na nangangailangan ng masusing pagsisiyasat.
D. Lahat ng nabanggit.
26.Alin sa mga sumusunod ang hindi angkop sa kahalagahan ng pagsulat ng reaksyong papel?
A. Nakikita ang kalakasan at kahinaan ng akdang sinuri.
B. Nabibigyang katwiran ang sariling reaksyon.
C. Namumulat ang kaisipan sa mga nangyayari sa lipunan.
D. Maaaring bunga ng mga kaalaman natin sa iba’t ibang kaasalan, gawi at tradisyon.
27. Ito ay ang paglalahad ng makatarungan, patas o balanseng paghuhusga sa mga sitwasyong may kinalaman
sa mga tao, bagay, pook, at mga pangyayari.?
A. Reaksyon B. Reaksyong papel C. Bisa D. Kaugnayan
28. Bahagi ng sulatin na tinatawag itong kalakasan sa bahaging ito nagaganap ang kakintalan.
A. Panimula B. Gitna C. Wakas D. Kalakasan
29. Ito ang pinakamahabang bahagi ng sulatin.
A. Panimula B. Gitna C. Kalakasan D. Wakas
IV. Nakakukuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang sariling tekstong isinulat.
30. Ano ang dapat mong gawin kapag ginagamit mo ang iskaning sa pagbasa ng isang mahabang artikulo sa
dyaryo?
A. Basahin nang mabuti ang bawat detalye at impormasyon sa artikulo.
B. Tukuyin ang pangunahing punto o ideya sa bawat talata o seksyon ng artikulo.
C. Suriin ang mga larawan at grapikong kaugnay ng artikulo.
D. Basahin ang artikulo nang mabilisan upang makuha ang kabuuan ng kwento.
31. Paano mo maipapakita ang iskimming sa pagbasa ng isang malaking aklat para sa iyong pananaliksik?
A. Basahin ang bawat pahina nang mabuti para sa detalyadong pang-unawa.
B. Suriin ang mga footnote at bibliography ng aklat para sa karagdagang impormasyon.
C. Magpokus lamang sa mga larawan at caption na makikita sa bawat seksyon ng aklat.
D. Tukuyin ang mga mahahalagang termino o konsepto sa pamamagitan ng pagbalik-balik sa mga pahina.
32. Saan ginagamit ang iskimming sa isang proyektong pananaliksik?
A. Sa pagsusuri ng bawat detalye at impormasyon ng mga sanggunian.
B. Sa pagtukoy ng mga pangunahing ideya o resulta ng iba't ibang pananaliksik.
C.Sa paglikha ng sulating pananaliksik mula sa scratch.
D. Sa paghahanap ng personal na karanasan at opinyon ng mga manunulat.
VII. Nagagamit ang mabisang paraan ng pagpapahayag: a. Kalinawan b. Kaugnayan c. Bisa sa reaksyong papel na
isinulat .
33. Anong bisa ang nagbubunsod ito upang tayo ay mag-isip nang may kabuluhan upang yumabong at
yumaman ang ating isipan.
A. Bisang pangkaasalan B. Bisang Pangkaisipan C. Bisang Pandamdamin D. Bisang pagpapahalaga
34. Ang pag-ibig ay esensyal na pangangailangan ng bawat tao, anuman ang edad at kasarian. Anong bisa ang
ipinapahiwatig sa pahayag na ito?
A. Bisang Pangkaisipan B. Bisang Pangkaasalan C. Bisang pandamdamin D. Bisang
pagpapahalaga
35. Ang paghahangad ng sobra ay nagdudulot ng hindi maganda. Ang pagpapakumbaba at pag-unawa sa
nagawang kamalian ay nagbubunga ng muling pagtanggap at pagkakaintindihan. Anong bisa ang
ipinapahiwatig sa pahayag na ito?
A. Bisa ng Pangkaasalan B. Bisang pandamdamin C. Bisang pagkatuto D. Bisang
Pangkaisipan
36. Personal kong paborito ang akdang ito. At aaminin kong sa tuwing nababasa ko ang akdang ito ay
nalulungkot pa rin ako, ngunit patuloy pa ring nabubuhay sa akin ang kakaibang damdamin, ang damdamin ng
PAG-IBIG. Anong bisa ang ipinahiwatig sa pahayag na ito?
A. Bisang pagkatuto B. Bisang Pandamdamin C. Bisang Pangkaasalan D. Bisang Pangkaisipan
VIII. Nagagamit mo ang mga cohesive devices sa pagsulat ng sariling halimbawang teksto.
37. Alin sa mga sumusunod ang nakakatulong upang maging malinaw at maayos ang kaisipan ng isang teksto?
A. Istruktura B. Talata C. Cohesive devices D. Talasalitaan
38.Sa paggamit ng reperensyang anaphora,saan ito makikita sa pangungusap?
A. Kabilaan B. Gitna C. Hulihan D. Unahan
39. Sa panahon ng ECQ,lahat ng mamamayang Pilipino ay abala sa paghahanda ng pagkain,gamot,alcohol
sanitizer at mapanatili ang kalinisan ng loob at labas ng bahay. Anong cohesive devices ang ginagamit sa
pahayag?
A.Kolokasyon B. Pag-iisa -isa C. Pagbibigay Kahuluan D. Pag-uulit
40. Ipaglaban mo ang Karapatan mo,sumulat ka ng kuwento, at yakapin mo ang iyong mga magulang. Napagod
silang lahat para makatapos kayo. Anong uri reperensya ang ginagamit sa pangungusap?
A. Anapora B. Katapora C. Ellipsis D. Leksikal
41.Si Teodoro ay isang binata na may edad labing walo.Siya aya payat, mahilig magbasketball at nais niyang
may aksiyon sa lahat ng kaniyang ginagawa. Anong cohesive devices ang ginagamit sa pangungusap?
A. Ellipsis B. Leksikal C. Anapora D. Katapora
42. Alin sa pahayag ang gampanin ng cohesive devices sa pasulat?
A. Nagiging Maganda ang nilalaman gamit ang mga ito sa pagsulat .
B. Nagiging mas malinaw at maayos ang daloy ng kaisipan ng isinusulat .
C. Nagiging malawak ang paglalahad ng paksa.
D. Nakaaakit basahin ang isang teksto.
43.Nasira ko ang portfolio. Tutulungan na lang kitang gumawa. Anong cohesive devices ang ginagamit sa
pangungusap?
A. Ellipsis B. Leksikal C. Pang-ugnay D. Substitusyon
44. Nagbigay ng limang kilong bigas si Jhun. Si Ronnie naman ay tatlo. Anong cohesive devices ang ginagamit
sa pangungusap?
A. Leksikal B. Anapora C. Ellipsis D. Reiterasyon
45. Anong bahagi ng pahayag ang maaaring maalis sa sumusunod na pangungusap nang hindi ito apektado sa
kahulugan: "Si Maria ay nagluto ng adobo at si Juan naman ay naglinis ng bahay."
A. "ay nagluto ng adobo" B. "at si Juan naman" C. "ay naglinis ng bahay" D.Lahat ng nabanggit
46. Alin sa mga sumusunod na pares ng salita ang magandang halimbawa ng kolokasyon?
A. "Lipunan" at "tingnan" B. "Asul" at "langit" C. "Bilis" at "tulog" D. "Bulaklak" at "init"
47. Sa pahayag na "Si John ay pumasok sa silid at siya ay natutong mag-aral", ano ang maaaring maging
substitusyon sa "Si John"?
A. Siya B. Nag-aaral C. Sa silid D. Natuto
48. Alin sa mga sumusunod na proseso ang pinakamainam na ginagamit sa pag-iisa-isa ng mga detalye sa isang
pagsusuri?
A. Pagbibigay ng malawak na konteksto ng isang paksa.
B. Pagsusuri ng mga koneksyon at relasyon sa pagitan ng mga detalye.
C. Pagpapakita ng iba't ibang panig o opinyon tungkol sa isang isyu.
D. Paglalarawan ng mga pangyayari o detalye nang walang organisasyon o pagkakasunud-sunod.

GOOD LUCK!!!!!!

You might also like