You are on page 1of 1

PRE-TEST SA FILIPINO 6

THIRD QUARTER
SY 2022-2023

Pangalan: ______________________________ Baitang at Seksiyon:__________Petsa:____________ Score:____________


Panuto: Basahing mabuti at unawain ang bawat tanong. Bilugan ang titik ng iyong sagot.

1. Aling salita ang gagamitin mo kung nais mong malaman kung sino ang nagmamay-ari ng pitakang nakita mo?
A. Alin B. Ano C. Kanino D. Paano
2. Ito ay isang uri ng teksto na nagbibigay kaalaman sa mga mahahalagang pangyayari.
A. Ekspositori B. Impormasyon C. Pampanitikan D. Tekstura
3. Aling salita ang gagamitin mo kung magtatanong ka ng petsa ng pagsusulit?
A. Alin B. Kailan C. Magkano D. Sino
4. Anong dalawang salita ang pinag-uugnay ng pang-angkop sa pangungusap na ito?
Bakit hindi natin pasyalan ang mga lumang simbahan sa bansa?
A. luma at simbahan B. pasyalan at bansa C. pasyalan at luma D. simbahan at bansa
5. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang may pangatnig na paninsay?
A. Umuwi ka kaagad saka-sakaling umulan.
B. Sana ay makinig ka sa iyong mga magulang.
C. Kung nakinig lang siya, hindi na sana siya nasaktan.
D. Naghahain si nanay samantalang naghuhugas ng plato si ate.
6. Ito ay idinadagdag sa pagitan ng dalawang salitang naglalarawan at inilalarawan upang maging madulas o tuloy-tuloy ang
pagbigkas nito.
A. Pangatnig B. Pang-abay C. Pang-angkop D. Pang-ukol
7. Akala ko ay natutulog ka na, anupa’t nanonood ka pa ng T.V.? Anong uring pangatnig ang ginagamit sa pangungusap?
A. Pamukod B. Pananhi C. Panlinaw D. Panubali
8. Mabait ___ dalaga si Lilia kaya marami ang nagmamahal sa kanya.
A. at B. g C. na D. ng
9. Marami ___ turista ang nais pumasyal sa Cebu.
A. at B. g C. na D. ng
10. Ang ay isang pananaw ng isang tao o pangkat na maaaring totoo pero pwedeng pasubalian ng iba.
A. Bunga B. Katotohanan C. Opinyon D. Sanhi
11. “Sa aking palagay, mas payapa ang buhay ng isang tao na may takot sa Diyos.”
A. Bunga B. Katotohanan C. Opinyon D. Sanhi
12. Ito ay isang pahayag na nagsasaad ng ideya o pangyayaring napatunayan at tanggap ng lahat na totoo at hindi mapasubalian
ng
iba. A. Bunga B. Katotohanan C. Opinyon D. Sanhi
13. Ano ang tawag natin sa mga pahayag na nagsasaad ng pangyayaring napatunayan at pananaw ng isang tao o pangkat na
maaaring totoo pero pwedeng pasubalian ng iba?
A. Tama o Mali B. Sanhi at Bunga C. Katotohanan o Opinyon D. Konotasyon at Denotasyon
14. Ang pangungusap ay salita o lipon ng mga salita ng nagpapahayag ng buong __________.
A. damdamin B. diwa C. galak D. salita
15. Ito ay halimbawa predikatibong pangungusap.
A. Alas dos na. B. Naku po! C. Pogi ang bata. D. Mamaya na,
16. Pakibura mo nga ang nakasulat sa pisara. Anong uri ng pangungusap ito?
A. Padamdam B. Patanong C. Paturol D. Pakiusap
17. Ang __________ ay maiikling tula na gumagamit ng mga pandama upang maipahayag ang saloobin na kadalasang
tungkol sa elemento ng kalikasan at binubuo ng 17 pantig.
A. Akrostik B. Cinquain C. Diamante D. Haiku
18. Isang uri ng tula na kung saan ang unang titik ng bawat linya ay bumubuo ng espesyal na salita o mensahe.
A. Akrostik B. Cinquain C. Diamante D. Haiku
19. Isang uri ng tula na hugis diamond na binubuo ng pitong linya.
A. Akrostik B. Cinquain C. Diamante D. Haiku
20. Isang uri ng panitikan na binubuo ng mga salitang maingat na pinili upang makapagpahayag ng saloobin na inilalahad sa iba’t
ibang uri o paraan.
A. Kuwento B. Panitikan C. Sanaysay D. Tula

You might also like