You are on page 1of 2

PAMBANSANG MATAAS NA PAARALAN NG

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

1. Ito ay estratehiya sa ekstensibong pagbasa na naglalayongmaghanap ng mga tiyak na impormasyon sa teksto.


A. Primarya B. Secondarya C. Scanning D. Skimming
2. Naglalayong magbahagi ng kabatiran o kaalaman at magpaliwanag ng mga bagay na nakikita sa daigdig.
A.Impormatibo B. Deskriptibo C. Naratibo D. Prosidyural
3. Ito ay uri ng teksto na maihahalintulad sa isang larawang ipininta o iginuhit kung saan sa halip na pintura o
pangkulay, mga salita ang ginagamit ng manunulat upang mabuo sa kaisipan ng mambabasa ang paglalarawan.
A.Impormatibo B. Deskriptibo C. Naratibo D. Prosidyural
4. “Malinis at sariwang hangin, isa na nga lang itong alaala sa ating malalaking lungsod.” Anong cohesive device o
kohesyong leksikal ang nagamit?
A.Ellipsis B. Reperensya (Anapora) C. Reperensya (Katapora) D. Subtitusyon
5. “Maraming bata ang hindi nakapapasok sa paaralan. Ang mga batang ito ay nagtatrabaho na sa murang edad.”
Anong cohesive device o kohesyong leksikal ang nagamit?
A.Kolokasyon B. Reiterasyon C. Pang-ugnay D. Ellipsis
6. “Nasira ang cellphone ni Ana kaya bumili siya ng bago.” Anong cohesive device o kohesyong leksikal ang
nagamit?
A.Ellipsis B. Reperensya (Anapora) C. Reperensya (Katapora) D. Subtitusyon
7. Ang maikling kwento, pabula, alamat, at nobela ay ilan sa mga halimbawa ng anong uri ng teksto?
A.Impormatibo B. Deskriptibo C. Naratibo D. Prosidyural
8. Ito ay tumutukoy sa daloy o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa mga tekstong naratibo.
A.Tauhan B. Tagpuan C. Banghay D. Tema
9. Dito ipinanapasok ang mga pangyayaring naganap na sa nakalipas.
A.Analepsis B. Prolepsis C. Ellipsis D. Plot twist
10. May mga puwang o patlang sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari na nagpapakitang may bahagi sa
pagsasalaysay na tinatanggal o hindi isinama.
A.Analepsis B. Prolepsis C. Ellipsis D. Plot twist
11. Nakapaloob dito ang mga tauhan, lunan, o setting at oras o panahon kung kailan nangyari ang kwento. Malinaw
dapat na nailatag ang mga ito sa pagsasalaysay at nasasagot ang mga batayang tanong na sino, saan, at kailan.
A.Estruktura B. Oryentasyon C. Tauhan D. Tagpuan
12. Nangangailangang ipagtanggol ng manunulat ang kanyang posisyon sa isang isyu kaya ito ay susulat ng anong uri
ng teksto?
A.Prosidyural B. Argumentatibo C. Impormatibo D. Perweysib
13. Ang reseta ng doktor ay maituturing na anong halimbawa ng uri teksto?
A.Prosidyural B. Argumentatibo C. Impormatibo D. Perweysib
14. Ang pahayag ni Dr. Jose Rizal na “Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa mabaho at
malansang isda.” ay naging inspirasyon ng maraming upang hikayating muling ibalik ang asignaturang Filipino
sa kurikulum ng kolehiyo. Ito ay panghihikayat na gamit ang_________?
A.Ethos B. Pathos C. Logos D. Testimonial
15. Ang instant noodles na ito ay nakapagbubuklod ng pamilya. Ito ay nanghihikayat gamit ang ________?
A.Ethos B. Pathos C. Logos D. Testimonial
16. Ang tekstong nangangailang ng obhetibong tono ng pangungumbinsi.
A.Prosidyural B. Argumentatibo C. Impormatibo D. Perweysib
17. Layunin nitong magsaad ng sunod-sunod na habang upang makabuo ng isang tiyak na gawain.
A.Prosidyural B. Argumentatibo C. Impormatibo D. Perweysib
18. Naglalahad ito ng inaasahang kalalabasan ng prosesong isinasagawa.
A.Kagamitan B. Ebalwasyon C. Hakbang D. Inaasahang Target
19. Nagsisilbing pamantayan kung ang prosesong isinagawa ay matagumpay batay sa naging kinahinatnan nito.
A.Kagamitan B. Ebalwasyon C. Hakbang D. Inaasahang Target

20. Sa eksenang si Joy ay nakatayo sa loob ng paliparan at nakatanaw sa malaking screen ng listahan ng flights sa
pelikula Hello, Love, Goodbye ay ginamitang ng anong narasyon?

A. Comic death B. Foreshadowing C. Plot twist D. Flashback

Tukuying ang sumusunod na pahayag kung Perswesib o Argumentatibo.

1.Ito ay paraan ng pakikipagdebate nang pasulat.

2. Nais nitong mabago ang takbo ng isip ng mambabasa at tanggapin ang posisyon ng may- akda gamit ang opinyon o
mapukaw ang damdamin ng mambabasa.

3. Layuning mahikayat ang mambabasa gamit ang mga meritong ebidensya.

4. Karaniwang subhetibo ang tono.

5. Nagugumbinsi gamit ang datos o impormasyon.

You might also like